Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29

"Raya, anak, tanghalian na..."

I just groaned. Nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit ulit ang mga mata. Mula nang makauwi ako kagabi galing sa resort, hindi pa ata ako nakakalabas sa kwarto ko. Tinawag din nila ako kanina para sa agahan pero sinabi ko nalang na masakit ang ulo ko para hindi nila ako kulitin.

"Pwede ba akong pumasok?"

Nanghihina akong bumangon at binalingan si Papa. Na-guilty kaagad ako nang makita ang nag-aalala niyang mukha. Tahimik siyang pumasok at kinuha ang upuan sa desk ko. Naupo siya sa harap ng kama ko at pinagsalikop ang dalawang kamay, sabay tingin sa akin.

"Anong problema natin, Sereia?" mahinahon niyang tanong sa akin.

My eyes watered again. Alam kong iiyak na naman ako anumang oras kaya nag-iwas ako ng tingin. My father patiently waited for me to answer.

"Sabi po ni Ivo, mahal niya ako." I said in a whisper.

Tumango-tango si Papa. "Kita naman, eh. Matagal na."

I bit my lower lip. I didn't mean to be so insensitive and dense towards him all these years! Nakikita ko kasing ginagawa niya kay Lulu at sa ibang mga babae ang ginagawa niya sa akin kaya inakala kong normal lang iyon. It was not until I started catching feelings for him that I realized all the things he did for me before... it was never as a friend.

Lulu was right. He never really saw me as a friend.

"Pwede ko bang tanungin kung anong sinabi mo? Nag-alala ako, eh. Kagabi ka pa umiiyak."

Yumuko ako. Noon pa man komportable na akong makipag-usap kay Papa ng ganito dahil lumaki naman akong kasama siya. He was the most understanding person that I know. Alam kong masasandalan ko siya sa mga oras na ito pero hindi rin gaanong katagal dahil aalis din naman kami.

"Hindi naman pwede, Papa, eh, kasi aalis kami..." nag-iwas ako ng tingin. "Tutuloy ako sa NYU."

Tumango si Papa. "Sinabi na ng Mama mo sa akin. Masaya ako dahil sa wakas, pinipili mo na ang sarili mo, Raya..."

Nanginig lang ang mga labi ko sabay tulo ng mga luha sa sinabi ni Papa. Kaagad ko iyong pinalis at bumuntong-hininga.

"Pasensiya ka na, anak, ha? Ito lang ang kaya ni Papa, eh. Kahit anong pasada ko, hindi kita mahahatid sa pangarap mo. Magpakabait ka sa Mama mo, ha? Alam kong madami kaming pagkukulang sa inyong magkakapatid. Pero ngayong bumabawi na siya, sana pagbigyan niyo ang Nanay niyo..."

Tumango ako sa sinabi ni Papa. He sighed again.

"Alam ko ding nag-aalala ka para sa akin. Ayos lang ako, anak. Naalala mo pa ba ang Tita Belinda mo? Pupunta siya rito paminsan-minsan para bumisita. Hindi naman ako mag-isa, eh. Kahit saan kayo magpunta... narito kayo..." itinuro ni Papa ang dibdib niya kaya lalo pa akong naiyak.

"Papa naman, eh..." I sobbed harder. "Sorry..."

"Anong sorry? Hindi mo naman ako obligasyon, anak. Ikaw, ikaw obligasyon kita. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para mabigyan ka ng magandang buhay. Kaso minsan kahit gawin mo ang lahat, hindi pa rin magiging sapat yun. Ayos lang sa akin na malayo ka, basta alam kong gaganda ang buhay mo. Wala naman dito sa Elyu ang pangarap mo kaya sige lang, huwag kang susuko. Bata ka pa, Raya. Marami pang pwedeng mangyari sa iyo..."

The scene last night replayed in my head again. Ito yung mga sinasabi ko kay Ivo, eh. Parang napunta ako sa sapatos niya ngayong sinasabi ito ni Papa sa akin. Nasasaktan ako.

"Mag-iipon naman si Papa para mabisita ko kayo doon. Tsaka, ang usapan namin ng Mama mo, dito magpa-Pasko tsaka New Year. Magkikita pa rin tayo."

I nodded. He gave me a sad smile.

"Ako na ang bahala kay Primitivo. Hayaan mo, kakausapin ko siya. Alam ko namang mabuti ang intensyon niya sa iyo, eh. Nagkataon lang talaga..." he trailed off and stared at me. Hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.

Umusog ako at nilapitan si Papa saka siya niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam kung kailan ko ulit madadama ang yakap niya pagkatapos nito kaya susulitin ko na. Alam kong pagkakataon ko na din ito para ayusin ang relasyon naming dalawa ni Mama pero wala pa ring makakatalo sa koneksyon ko kay Papa.

Even if I leave La Union, I'll always be a daddy's girl.

"Mag-iingat kayo dun, ha? Magpapakabait... susundin niyo si Mama tapos mag-aral kayo nang mabuti. Pangarap kong magkaroon ka rin ng normal na buhay, Sereia, na hindi inaalala palagi ang pamilya mo. Gusto kong maging masaya ka."

"Masaya naman ako sa inyo, eh." I cried.

"Alam ko naman, anak, pero iba pa rin ang saya kapag naabot mo na ang mga pangarap mo at kapiling mo ang taong mahal mo. Kung kayo ni Primitivo, kayo talaga. Sa ngayon, huwag nalang muna nating ipilit dahil magkakasakitan lang."

Papa rubbed my back and comforted me until I fell asleep. Nang magising ako, sobrang sakit na ng ulo ko. I groaned and slowly looked around my room.

Kahoy ang sahig pero semento ang dingding. May kulay asul na durabox sa tabi ng kama ko at maliit na desk na ginawa pa ni Papa para sa akin. May mga litrato kaming magkakapatid sa sidetable ko at iyong family picture naman namin na hindi ko magawang itapon o itago. Kulay asul din ang kurtina na bulaklakin at tumatakip sa bintana. Kapag hapon, sumisilip ang araw sa loob ng kwarto. Kapag tanghali naman, sobrang init dito.

I wanted to memorize this childhood room because I don't know when I'll see it again. Ang dami kong memories sa kwartong ito. Lahat yata ng iyak at tawa ko, saksi ang kwartong 'to. Hindi ko maisip kung paanong magagawa kong iwan ito.

Hindi ako nakaramdam ng gutom kaya natulog ulit ako. Each time I close my eyes, all I see is Ivo and his crying face. I know it would haunt me in my dreams for years to come. Hinanda ko na ang sarili ko sa bawat umagang gigising ako na mabigat ang dibdib dahil kahit sa panaginip, nakikita ko siya.

Napag-desisyunan na namin ni Mama na huwag na akong mag-enroll para sa second semester. Gagamitin ko nalang ang natitira kong oras sa pagp-process ng mga papeles ko pati na rin ang additional requirements na pinadala ng NYU nang mag-email sila sa aking nakapasa ako.

I wanted to celebrate, but I couldn't even put a smile on my face. Dapat proud ako sa sarili ko pero ang hirap ngumiti sa ganitong sitwasyon. Para lang akong robot na ginagawa ang mga utos ni Mama araw-araw.

"Malapit ka nang umalis, Raya. Kailangan mong sabihan ang mga kaibigan mo. They deserve to know..." palaging paalala ni Mama sa akin.

When I managed to compose myself, I told Lulu that I'm going to leave. Umiyak siya nang malaman iyon pero niyakap niya pa rin ako nang mahigpit at sinabing masaya siya sa naging desisyon ko.

Isa-isa ko din silang sinabihan na aalis ako kaya agad na umuwi si Celeste sa Elyu at kulang nalang maglupasay sa bakuran namin dahil sa pinaghalong tampo at lungkot sa nalaman.

"Ilang taon? Aalis ka agad-agad?" she's in the verge of tears as she shook my shoulders. "Bakit ka aalis?"

I took a deep breath and tried to calm her. Maiiyak din ako kapag umiyak siya, eh. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang lahat kung bakit kailangan kong umalis. She was crying while I told her that I'm going to chase my dreams.

"Alam ba ni Ivo?"

Marahan akong tumango. "Siya ang unang nakaalam."

Celeste cried harder. "May sinabi ba siya sa iyo?"

"Mahal niya daw ako."

Mas lalo pang umiyak si Celeste. "Pucha naman, kung kailan pa naglakas-loob ang gago na umamin, ngayon ka pa aalis. Ah, parang gusto kong manuntok ng tao!"

Iyak-tawa ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Celeste.

"Ilang taon ko na siyang inaasar na umamin, eh... pero di niya magawa. Tapos ngayon..." she sighed and wiped her tears. "The right person in a wrong time is still the wrong person, sabi nila. Naniniwala na ako."

Si Celeste ang nag-alok sa akin na magpa-despidida para makapagpaalam ako nang maayos sa mga kaibigan ko. Nung una ayoko sana dahil alam kong mag-iiyakan lang kami pero in-encourage din ako nina Mama. Mabuti daw iyong maayos akong makapag-paalam sa kanila bago ako tuluyang umalis.

"Tita, ang sarap mong magluto, ah? Recipe reveal naman bago ka umalis!" biniro-biro ni Celeste si Mama habang tumutulong siya sa kusina.

Pinapunta ko silang lahat sa bahay at sinakto kong weekend para walang aabsent sa kaniya-kaniyang mga klase. Alam naman na nila kung bakit sila nandito, kung saan ako pupunta, at kung kailan ako aalis. Kaya ito ngayon, puro sila nakasimangot sa akin. Si Celeste lang ata ang na-maintain ang energy niya habang tumutulong kay Mama sa kusina.

"Hey,"

Napalingon ako kay Lulu nang lumapit siya sa akin. She gave me an apologetic smile.

"Nagpunta ako kina Ivo kanina... I tried to invite him but..." she trailed off and bit her lower lip.

Tumango ako. Naiintindihan ko naman kung ayaw niyang magpakita sa akin ngayon. Sa totoo lang, in-expect ko rin na mangyayari ito. Sino ba naman kasing sadista ang pupunta pa rito pagkatapos ng pag-aaway namin?

I sighed. I still miss him. Araw-araw akong napapalingon sa bakuran namin dahil baka naroon ang sasakyan niya. Minsan, naririnig ko siya sa isipan ko binubulabog ang bahay namin dahil makikikain daw siya. Para akong tanga na naghihintay sa balcon kung pupunta ba siya dito pero paulit-ulit ko lang dini-disappoint ang sarili ko.

He's not going to show his face after everything we've said and done.

"Ano ba 'to, para namang break-up..." natatawa kong wika pero basag ang tono ng boses ko. I could feel the tears welling up in my eyes. Kaagad ko iyong pinalis at nag-iwas ng tingin. Nahihiya ako kay Lulu.

"It's okay... it's worst than a breakup, you know? You both need some time to heal..."

Tumango ako at bumuntong-hininga. Wala, eh. Tinaya niya ang pagkakaibigan namin. O kung meron bang pagkakaibigan in the first place. Akala ko makakausap ko pa siya kapag nasa Amerika na ako. Akala ko makikita ko pa ang mukha niya kahit sa screen ng cellphone lang.

Pero mabuti na rin siguro 'to. Ang selfish naman kung paaasahin ko siya gayong ang dami pang pwedeng mangyari sa buhay niya. Ivo always had a brighter future than me. I have to work twice as hard to get where I want.

"Nagtatanong si Karlo kung magkano ang pamasahe papuntang Amerika, papautang daw siya. May 10% interest," biro ni Celeste habang naglalagay kami ng plato sa lamesa.

"Baliw na 'to, wala na nga akong pera, eh!" sumbat naman ni Karlo at binalingan si Lulu. "Itong isa o, ang yaman-yaman nito. Bakit hindi kayo magpalibre? O di kaya kay Ivo dahil may resort!"

Natahimik ako sa sinabi ni Karlo. Tanging si Celeste at Lulu pa lang ang nakakaalam na nag-aminan na kaming dalawa. Hindi ko pa nasasabi sa iba at sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sasabihin o kung gagawin ko pa ba. Para saan pa? Wala namang pinatunguhan ang pagtaya namin.

"Bakit wala si Ivo? Nag-expect pa naman ako na siya mismo ang mago-organize ng despidida party mo," ani Yari.

"Ay, nako, Karylle, huwag mo nang hanapin ang lalaking yun! Ang busy-busy nun!" sabat kaagad ni Celeste.

"Oo nga. He has things to do."

"Ah, yung engagement niya ba kay Elaina?" inosenteng tanong ni Avery.

Para akong sinampal sa tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni Lulu at Celeste at sabay pang napatingin sa akin. Nag-iwas lang ako ng tingin at naupo.

"Hindi ko talaga ma-gets ang mga mayayaman. Ang yaman na nga, gusto pang yumaman lalo. Kaya sila-sila lang ang nagkakatuluyan, eh." Tumawa pa si Yari habang nauupo. "19 pa si Ivo pero may fiancé na."

"Mukhang nagkakamabutihan din naman sila nung fiancé niya. Classmate sila, diba, Raya?" tanong sa akin ni Karlo.

Tumango lang ako. Lulu sighed loudly and rolled her eyes.

"Pwede bang huwag na nating pag-usapan ang lalaking yun? Sa kaniya ba itong despida party? Hindi! Nandito ba siya? Wala! Nakakainis na, ah."

"Oo nga, hayaan niyo na yun si Ivo," tumabi sa akin si Celeste. She reached for my hand and gave it a quick squeeze to reassure me. Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na umimik.

Binigyan kami ng privacy nina Mama at Papa. Hindi na sila sumali sa amin na kumakain sa bakuran namin at nagkukuwentuhan. Naroon sila sa loob pati na rin ang mga kapatid ko.

"Susulat ka palagi kapag nasa Amerika ka na, ha? Tapos pag nag-snow, ilagay mo sa garapon tapos ipadala mo dito sa Pilipinas... para man lang makaranas kami ng snow." Pagbibiro ni Karlo.

Hinampas siya ng kapatid niya sa braso. "Tumigil ka nga. Umaatras luha ko eh, hayop ka."

"Ayokong mag-iyakan kasi nakakabading." He shrugged.

Lulu glared at him. "Hindi mo naman kailangang umiyak para makapagpaalam ka nang maayos!"

Celeste turned to me and smiled. Akala ko nga din iiyak siya ngayon pero napigilan niya ang mga luha niya.

"Ingat ka dun, ah? Hanap ka na din ng afam, gawin mong side hustle. Kapag graduate na kami, bibisita kami dun sa inyo."

"Oo nga, Raya, tapos kapag mag-aasawa ka, pwede bang dito sa Pilipinas? Para tipid sa pamasahe!" tumatawang sabi ni Avery.

"Libre na kita, Avery, kawawa ka naman..." Karlo said smugly.

Nagbangayan sila doon sa tapat ko kaya natawa na lang din ako. Mukhang walang gustong mag-drama sa kanila. Buti naman. Ayokong makitang umiiyak ang mga kaibigan ko dahil sa akin. I want to see them happy when I leave.

"I have an idea! May marker ka ba, Raya?" tanong sa akin ni Lulu.

Tumango ako at sabay na pumasok sa kwarto ko para kuhanin ang marker. Nang sinabi nya kung anong gusto niyang mangyari, umalma kaagad ako.

"Ano?! Sayang ang t-shirt ko!" pagtatanggol ko naman sa kulay puti kong t-shirt. Plain lang iyon at cotton. Ganun halos ang mga damit ko pero nasasayangan pa rin ako.

"Sige na, Raya! Minsan lang 'to, eh. Gusto mo bang umalis ng Pilipinas nang wala man lang remembrance? Alam mo naman ang mga kaibigan natin, hindi nila sasabihin sa harapan mo na mahal ka nila, lalo na si Karlo."

Napaisip ako saglit. In the end, I agreed to let them write their messages on my t-shirt. Para silang mga batang excited na nakapila sa likuran ko. I sighed and sat down. Unang sumulat dun si Karlo kaya kinabahan kaagad ako.

"Hoy, nagd-drawing ka ba? Ano yan?" gusto kong lingunin kung anong ginagawa niya pero kaagad niyang tinulak ang mukha ko.

"Wait lang! masterpiece 'to, eh!"

"Ikaw, Karlo, kapag nag-drawing ka ng tite sa t-shirt ni Raya, itatakwil talaga kita!" banta ni Celeste sa kaniya.

"Hoy, gago, wala akong ginagawang ganun, ah! Napakabastos niyo! Tsk, tsk!"

Nagtagal pa dun si Karlo tapos si Avery naman sumunod. Tahimik lang siya kaya nagtaka ako. Nung lingunin ko siya, tumutulo na pala ang mga luha niya. Napaawang ang bibig ko sa gulat.

"Avery—"

"Bakit ka pa kasi aalis? Ayaw mo na ba sa amin?" umiiyak niyang tanong. "Magpapakabait naman kami."

Kaagad ko siyang niyakap. Siya lang dapat kaso sumali na sina Lulu, Celeste, Yari, at pati na rin si Karlo. Nag-iyakan na silang lahat kaya naiyak na din ako.

"Putek naman! Hindi waterproof 'tong mascara ko, eh!" reklamo ni Celeste habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Ang pangit mong umiyak, Karlo!" iyak-tawa na sabi ni Lulu sabay turo sa mukha ni Karlo. "Hindi ko na makita mata mo!"

"Heh!" kaagad na tumalikod si Karlo at mukhang nahiya pa na nakita namin siyang umiiyak.

"Huwag niyo ngang asarin ang baby boy," pang-aasar naman ni Yari. "Ikaw lang pala lalaki dito, Karlo, baka akalain nila bading ka."

"Sinong nagsabi?! Susuntukin ko!" ani Karlo kaya nagtawanan ulit kami. Nang humupa na ang tawanan, tiningnan ako ni Lulu.

"Keep in touch with us, okay? If-flood ka talaga namin sa messenger kapag nang-ghost ka!"

"Oo nga! Tapos kapag nakahanap ka ng afam, tanong mo kung merong kapatid. Isa-isa tayo!" tumatawang wika ni Yari.

I smiled at them and wiped my tears. "Salamat..." I said in a hoarse voice. "Mahal ko kayo."

"Ano ba, Raya, huwag ka namang ganyan. May girlfriend na ako..." pagd-drama ni Karlo kaya hinampas ko siya sa braso.

"Sira!"

Nagyakapan ulit kami tapos ipinagpatuloy nila ang pagsusulat sa t-shirt ko. Nagpa-picture din kami kina Mama. They wanted to drink to end the night, so we did it.

"To Raya and her dreams!" itinaas ni Lulu ang bote ng beer niya para makipag-cheers sa amin.

"Cheers!" they all said in unison. My heart swelled in happiness seeing how happy they were seeing me chase my dreams.

Nasa tamang mga kaibigan talaga ako.

Doon sila sa bahay natulog kinagabihan. Tabi-tabi kaming lahat sa sala namin. Naglatag lang ng banig si Mama para sa amin dahil wala naman kaming extrang foam. Tabi kami ni Lulu tapos si Celeste, Avery, at ang kambal sa pinakadulo.

I closed my eyes to sleep. Nahihilo ako dahil sa ininom ko pero hindi pa ako makatulog. Nakarinig ako ng mga boses na nag-uusap sa kusina.

"Lydia, hindi pa ako nakakahingi ng patawad sa iyo."

"Para saan?"

It was my father. I heard him sigh. "Ang dami kong pangako na hindi ko natupad. Nung kinasal tayo, nangako ako na gaganda ang buhay mo sa akin at hindi ka mahihirapan... pero hindi naman yun nangyari. Naiintindihan ko kung bakit napagod ka na, kung bakit umalis ka. Naiintindihan ko kung bakit naubos ang pagmamahal mo sa akin dahil paulit-ulit akong nangako pero ni isa wala man lang natupad."

"Fidel naman, ang tagal na nun, eh."

He laughed bitterly. "May mga bagay talagang mahirap kalimutan. Di bale, bibisita naman ako sa mga anak natin kahit naroon na sila. Sana maayos mo na ang relasyon mo sa kanila."

"Gusto ko ding mag-sorry. Ayaw ko naman na humantong sa ganito ang lahat. Pinilit ko naman, pero wala na talaga, eh. Sorry dahil ikaw lang mag-isa ang naghirap sa mga panahong wala ako. At salamat sa pag-aalaga ng mga anak natin habang tinutupad ko ang mga pangarap ko. Ang selfish ko, Fidel. Ngayon, ako naman ang mag-aalaga sa kanila."

Tumalikod ako at yumakap kay Lulu saka tahimik na umiyak sa mga narinig ko. She's already sleeping so she had no idea what I did. Pinilit ko lang na hindi makagawa ng kahit anong ingay dahil baka mahalata nina Mama at Papa.

Kinabukasan, nauna akong nagising para maghilamos. I pressed some ice against my eyes. Ayokong makita nila ako na mugto ang mga mata ko kahit alam naman nilang umiyak ako kahapon.

Nagpaalam na ang mga kaibigan ko sa akin. Ihahatid daw nila ako sa airport bukas. Ako naman, pumasok sa kwarto at itinuloy ang pag-iimpake.

Kinuha ko lang yung mga bagay na importante sa akin. Ang sabi ni Mama, bibilhan niya daw kami ng bagong mga damit pagkarating namin doon kaya yung mga importante lang daw ang dadalhin. Dinala ko ang mga paborito kong libro pati na rin ang chess board ko. Kinalkal ko ang side table at nagulat nang makita roon ang bracelet ni Ivo.

Hnidi ko man lang 'to naibalik sa kaniya mula nang ibigay niya nung Sea Games competition. Nakalimutan ko ata. I smiled while holding the bracelet in my hand. I wonder if I should return it to him? Or should I bring it with me so I could at least have a part of him when I leave?

Napabuntong-hininga ako. Ano bang mapapala ko kung dadalhin ko 'to? Masasaktan lang ako sa tuwing makikita ko 'to. I would keep on thinking about what if's and what could've been. He could've been my person. He could've been next to me while I chase my dreams. We could've been happy together. What if we gave it a try? What if it works?

"Pucha, Ivo," bulong ko. "Nababaliw na ata ako..."

Bumagsak ulit ako sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Gusto ko siyang makita pero ayaw ko siyang masaktan. I want him to heal alone and at peace. Dapat hindi na ako nanggugulo.

"Ate...?"

Napabalikwas kaagad ako nang marinig ko ang boses ni Selena sa pintuan ng kwarto ko. Nanghihingi ng permiso ang mga mata niya kaya tumango ako at sinabing pumasok siya.

"Bakit, Selena? May problema ba?"

Malaki na ang baby bump niya kaya naman puro mga maternity dresses na din ang suot niya. She sat down at the edge of my bed and stared at me.

"Hindi nagpunta dito si Kuya Ivo kahapon," puna niya.

I nodded. "Hayaan mo na. Ayos lang."

She bit her lower lip and looked away. "Hindi mo ba siya pupuntahan, Ate?"

"Huwag na, Selena—"

"Si Kuya Ivo nalang palagi ang naghahabol sa iyo..." pagpuputol niya sa sasabihin ko. Gulat akong napatingin kay Selena. "Alam kong wala ko sa lugar para sabihin 'to, pero puntahan mo si Kuya Ivo, Ate. Huwag kang aalis na hindi nakakapagpaalam nang maayos sa kaniya."

"Selena..." I stared at her in shock.

"Mahal na mahal ka niya, Ate. Kita namin yun ni Sonny. Pati na rin ni Mama at Papa. Hinahanap ko ang ganung pagmamahal dahil naiinggit ako kaya..." she stared at her swollen belly. Napaiyak si Selena. "Sorry, alam kong ang tanga-tanga ko."

Niyakap ko si Selena at inalo. It's my fault, too. Ate niya ako. Dapat hindi niya hahanapin ang ganung pagmamahal sa ibang tao lalo na kung magreresulta sa ganito. Selena's life is still starting...

"Puntahan mo si Kuya, Ate..." she wiped her tears and stepped out of my room.

Matagal akong nakatulala sa loob, pinag-iisipan ang sinabi ni Selena. I cursed myself and quickly get up. Nagsuot ako ng hoodie at kinuha ko ang bracelet ni Ivo saka dali-daling lumabas ng bahay.

Alas sais pa naman kaya meron pa akong naabutang tricycle sa terminal namin. Nagpahatid ako sa kanila sa Greenlands at itinuro ang bahay ni Ivo. Pagbaba ko ng tricycle, nakita ko agad siya na nakaupo sa balcon nila, nililinis ang surf board niya.

"Ivo..."

Nag-angat ng tingin si Ivo at nagulat nang makita ako. Kaagad niyang itinabi ang surf board at bumaba. Pinagbuksan niya ako ng gate.

"Raya? Anong ginagawa mo dito?"

"Aalis na ako bukas." Diretso kong wika sa kaniya.

Natahimik si Ivo habang nakatingin sa akin. Nasa gate pa rin ang kamay niya. Napalingon ako sa bahay nila nang makarinig ako ng mga boses sa loob. He sighed and stepped out.

"Tara, labas tayo." Aniya.

Sumunod ako sa kaniya habang mabilis siyang naglalakad. Hindi ko alam kung san niya balak magpunta pero natagpuan ko nalang ang sarili ko sa dagat. Maraming tao sa kabilang dako dahil mukhang nagpa-party pero sa parteng ito, tahimik at halos walang tao. Huminto sa paglalakad si Ivo at binalingan ako.

"Anong oras ang flight mo?" tanong niya sa akin.

"10 am. Maaga kaming aalis bukas."

Tumango si Ivo at tumingin sa dagat. Wala ng nagsasalita sa aming dalawa. It reminded me of that time when he took me to the ocean and I told him I'm going to stay in La Union. Now, he took me here again but this time, I'm going away.

"Ivo, I'm sorry..." bulong ko.

"Sorry? Saan?" mahinahon ang boses niyang tanong.

"Hindi ko alam..." nabasag ang boses ko. Mas madali sana 'to kung galit siya sa akin o may hinanakit man lang! Bakit ganito pa rin siya? "Ang laki-laki ng kasalanan ko sa iyo."

"Hindi naman kasalanang piliin ang sarili, Raya." He said quietly.

My heart ached. Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari sa pagpunta ko dito pero hindi ko rin makita ang sarili kong aalis na hindi man lang nagpapaalam sa kaniya.

"Ngapala, nasa akin 'to..." inilabas ko ang bracelet mula sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya. Umiling si Ivo.

"Itago mo na yan. Mas kailangan mo yan sa NYU."

"Sigurado ka?"

Ivo nodded. "Sigurado ako."

"Pwede ba kitang tawagan...?" lakas-loob kong tanong sa kaniya.

Umiling ulit si Ivo. Parang dinurog ang puso ko sa ginawa niya.

"Huwag na muna. Masyado pang maaga, Raya. Kailangan ko munang mapag-isa. Hmm, katulad nung ginawa mo kay Lenard? Naiintindihan mo naman siguro yun."

"Oo naman," I said while my heart is breaking into pieces. Bakit ako nasasaktan eh ginusto ko 'to? Gusto ko nalang lunurin ang sarili ko sa dagat. Bakit ang sakit piliin ang sarili ko? Bakit ang sakit ng daan patungo sa pangarap ko?

"Makikibalita lang ako kina Lulu..." he shrugged. "Alam kong kayang-kaya mo naman ang sarili mo. Just know that from the start, I had always been rooting for you, okay? Kahit na hindi na tayo magkakausap, sana alam mo na nasa tabi mo lang ako hanggang sa maabot mo ang pangarap mo. Before, even now... I'm proud of you."

Napaluha na ako sa sinabi niya. Mabilis kong pinalis ang mga luha dahil pagod na pagod na ako sa kakaiyak. I don't want him to have a memory of me crying before I leave.

"Sige na, ihahatid na kita sa inyo. Gabi na, eh."

Tumango ako at sumunod sa kaniya. I left pieces of my broken heart on the sand as we walked. Binilisan ko ang lakad ko at hinila ang manggas ng shirt niya.

"Ivo..." tawag ko sa kaniya.

Nilingon niya ako. "Bakit?"

"I'm sorry for this..." I whispered and closed the distance between us. Inabot ko ang mukha niya at siniil siya ng halik. Ivo's eyes widened while our lips touched.

Kaagad akong bumitaw at pinamulahan ng mukha. I've always wanted to have my first kiss with him.

"Sorry, dapat hindi ko ginawa—"

Naputol ang sinasabi ko nang sunggaban ni Ivo ang likod ng leeg ko. His lips captured mine in a searing kiss. My stomach twisted as he bit my lower lip to open my mouth while his other hand gripped the small of my back. Halos himatayin ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon habang hinahalikan niya ako.

"If this is your way of saying goodbye, then I'm going to kiss the hell out of you..." he whispered before kissing me again.

-

#HanmariamDWTWChap29

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro