Chapter 25
"Sonny, isukat mo 'to, anak, bagay 'to sa iyo..."
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sonny. Alanganin niyang kinuha ang damit na inabot ni Mama sa kaniya at sinukat ito. Sakto naman sa kaniya kaya pinakita niya yun kay Mama.
She smiled. "Ang tangkad mo na, anak."
Binalingan ko si Papa. Tahimik lang din siyang nakatingin kay Mama habang isa-isa niyang nilalabas ang mga pasalubong niya para sa amin. Natunugan din ata ng mga kapitbahay namin na kakauwi lang ni Mama dahil nagpaparinig sila kung san daw ang mga pasalubong nila at kung magpapakain daw ba si Mama.
"Lyd, pwede ba tayong mag-usap?"
Hindi na ata nakatiis si Papa at tinawag na ito. My mother calmly nodded and dropped whatever dress she's holding. Mukhang para kay Selena ata yun. Tumayo siya at sumunod kay Papa sa labas.
"Alam mo ba 'to?" tanong ko kay Selena. Siya nalang kasi ang madalas na kumakausap kay Mama sa chat.
She shrugged. "Alam mo naman yun, diba? Palagi niyang sinasabi na uuwi na siya tapos hindi pala. Hindi ko naman in-expect na seseryosohin niya pala ngayon."
I sighed. Hinawakan ko ang dibdib ko. For years, I imagined what it would be like to see my mother come home. In my imagination, there were tears of joy, laughter, and profound happiness. But in my reality today, I feel nothing.
Magkamukha nga kaming dalawa, pero estranghero pa rin siya para sa akin.
Nagluto nalang ako habang nag-uusap sina Mama at Papa sa labas. Wala namang sigawan o kung ano. Kalmado silang nakaupo at nag-uusap sa kahoy na upuan. I couldn't see the expressions on their faces.
Nang matapos akong magluto, tinawag ko na ang mga kapatid para kumain. Hindi ko na sana didisturbuhin ang mga magulang kaso pumasok naman silang dalawa.
Naupo si Mama sa tabi ni Sonny. Inabutan ko siya ng plato at nagsandok na para sa kanila.
"Selena, luluwas tayo ng Manila bukas..." biglang wika ni Mama.
"Para saan?"
"Para sa checkup..." she smiled at her. "First trimester mo na ngayon, diba?"
Natahimik si Selena at napatingin sa akin. Mukhang sinabi na ata ni Papa ang tungkol sa pagbubuntis niya. Akala ko ay magagalit din siya sa kapatid pero wala naman kaming nakitang ganun sa kaniya. Kalmado niya lang na tinanong kung anong pangalan ng ama ng bata at kung tutulong ba ito sa pagpapalaki.
"H-Hindi ko po alam..." she stammered.
My mother nodded once again. "Huwag kang mag-alala, nandito naman kami. Pagkatapos mong manganak, babalik ka sa pag-aaral, ha? Sobrang hirap ng walang tinapos, Selena."
I didn't know how to feel with my mother around so I just kept quiet. Nakasanayan ko nang maghugas ng plato pagkatapos kumain kaya nagulat ako nang si Mama ang magligpit at nagtungo sa lababo.
"Ako na po, magpahinga nalang kayo..." ani ko.
She turned to me. "Ayos lang, anak. Ikaw ang magpahinga. Kanina ka pa sa kusina, eh."
Hindi ako nakapagsalita at umalis nalang sa kusina. Nagtungo ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang tagal ko 'tong wish, eh. Kinompleto ko pa ang simbang gabi para lang dito. Bakit wala akong maramdaman ngayong nandito na siya? Kung may galit man akong nararamdaman para sa kaniya, hindi ko ito makapa sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ako aakto ngayong narito na siya.
Mukhang hindi ata matutulog sa iisang kwarto sina Mama at Papa dahil nakita ko siyang nililinis ang kwarto ni Lola paglabas ko para kumuha sana ng tubig. Tulog na ang mga kapatid ko pati na rin si Papa. I hesitantly stepped inside my grandmother's old room.
"Tingnan mo 'to, baby ka pa nito..." she held up an old picture frame and chuckled. Yellowish na halos ang litrato dahil sa sobrang luma nito. Ito ata ang unang family picture namin nung nandito pa siya. Kalong niya si Selena habang hawak ko naman ang kamay ni Sonny. Nasa likuran si Papa at nakaakbay kay Mama. "Ang bilis ng panahon, 'no?"
I nodded and went to her. Kinuha ko ang picture frame at pinagmasdan iyon. Hindi ko alam na narito pa pala ito. Nasa kwarto pa ni Lola. Siya kasi ang kumuha ng litrato namin.
Ibinalik ko ang picture frame sa side table at tinulungan naman siyang maglinis. Inalis namin ang lumang foam at pinalitan ng banig at mattress topper para komportableng higaan. Nanguha din ako ng mga bagong labang pillow cases para sa kaniya at dinala ko ang extrang electric fan sa sala para kahit papaano ay may hangin dito.
"Salamat, anak..." she said sincerely while wiping the old books. Nagkalat ang mga libro sa sahig at isa-isa niya iyong pinupunasan. Hindi ko alam kung bakit niya pa 'to ginagawa gayong pasado alas dose na ng madaling araw.
Tumango nalang ako at magpapaalam na sana kaso tinawag ako ni Mama. Napalingon tuloy ako sa kaniya.
"Galit ka ba sa akin?"
I stared at her. She looked like she didn't aged a bit when she left. Gayon pa rin ang mukha niya. Matangkad, makinis, mestiza, at medyo kulot ang buhok. Life must've been good to her in the states.
Umiling ako. "Hindi ko alam..." pag-amin ko.
She nodded in understanding. "Naiintindihan ko, Sereia. Kung sakaling galit ka man sa akin, maiintindihan ko rin yun. Ang laki ng atraso ko sa iyo at sa mga kapatid mo..."
Hindi ako nakaimik. She sighed and put down the books.
"May ipapakita ako sa iyo."
Sinundan ko siya sa sala kung saan naroon ang mga maleta niya. She unzipped and pulled out a thin envelope. Kinuha niya ang laman nun at pinakita sa akin. She smiled widely.
"Graduate na ako, anak. Last year pa... sa University of Michigan."
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig sa diploma niya. Ni hindi man lang niya sinabi sa amin na nag-aaral pala siya! Litong-lito akong napatingin kay Mama.
"Kailangan kong i-extend ang visa ko dun kaya kumuha ako ng student visa. Dapat magd-drop ako, eh. Kaso sobrang na-miss ko pala ang pag-aaral kaya tinapos ko nalang. Ngayon, pwede na akong magtrabaho doon bilang nurse, hindi bilang kasambahay lang."
I bit my lower lip. Alam ko naman na hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil pinagbuntis niya ako noon. Kaya nga galit na galit ang mga magulang niya sa kaniya. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin kilala ang mga Lolo at Lola namin sa side ni Mama dahil para sa kanila, mga salot kami. 16 lang din si Mama nung ipinagbuntis niya ako. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Papa ngayon dahil pakiramdam niya, kinarma siya sa anak niya at naulit ang nanyari.
"Ang sabi mo sa akin, sa Lorma ka nag-aaral ngayon. Bakit hindi sa UP?"
Gulat akong napatingin sa kaniya. Dinala niya kasi ako dun minsan at sinabi ko sa kaniyang gusto kong magaral sa eskwelahang ganun ka-laki. Ito yung mga panahong inaasikaso pa niya ang mga papeles niya para mag-abroad at nasa Manila kami ng iilang araw.
"Hindi po ako nakapasa." I lied.
"Wala ka bang ibang state universities na sinubukan? Alam kong first choice mo ang UP pero meron pa namang UST, La Salle, at Ateneo. Ayaw mo ba dun?"
Hindi ako nakasagot kaagad. Until now, I still feel guilty that I lashed out to my siblings like that. Pakiramdam ko kasi, parang isinuko ko na ang isa sa mga pangarap ko nang hindi ko tinuloy ang pag-u-UP. Pero kasi, desisyon ko namang manatili para alagaan sila. Hindi ko dapat sinumbatan ang mga kapatid ko ng ganun.
I was carrying so much trauma that I am unconsciously passing it to them. Wala rin akong pinagkaiba kay Mama.
Dahan-dahan akong umiling. My mother cupped my cheek and stared at me with a worried look on her face.
"Sorry, anak... hindi ko pa alam kung anong dahilan bakit hindi mo tinuloy ang pag-a-apply sa ibang state universities pero malakas ang kutob kong dahil sa pamilyang ito. Nagpaka-Nanay ka sa mga kapatid mo sa maraming taon na wala ako para gawin yun."
My heart clenched painfully. Alam ko naman na ginagawa ko 'to dahil sobrang mahal ko silang dalawa but it feels good to be acknowledged... just this once.
"Huwag kang mag-alala, babawi ako sa inyo..."
Tumango lang ako at wala ng sinabi pa. Nagpunta ako sa kwarto ko at pinilit ang sariling matulog pero bumabalik pa rin sa isipan ko ang sinabi niya. Babawi? Paano?
Dahil sa puyat kaninang madaling-araw, late akong nagising kinabukasan. Kinabahan kaagad ako dahil hindi pa ako nakakapagluto. Bumalikwas ako sa kama at tumakbo palabas kaso natigilan ako nang makarinig ako ng mga tawa sa kusina.
My eyes widened when I saw Ivo talking to my mother in the kitchen table. Nakapagluto at nakapaghain na siya. Nakaupo na din si Sonny doon. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.
"O, Sereia, gising ka na pala!" my mother chirped. "Nagluto na ako ng agahan. Pwede mo bang gisingin ang Papa mo at si Selena?"
Litong-lito akong umalis sa kusina at pinasok ang kapatid sa kwarto niya. Naabutan ko pa siyang nagsusuka dun sa palanggana na inilagay namin sa kwarto niya sakaling hindi na siya makaabot sa CR. I started rubbing her back to make her feel better. Mayamaya, narinig ko ang boses ni Mama. Pumasok din siya sa kwarto at kaagad na lumapit kay Selena.
"Sereia, pwede ka bang kumuha ng tubig? Ibabalik ko lang sa kama si Selena. Dito ka nalang mag-agahan. May gana ka bang kumain?" sunod-sunod niyang tanong.
Napabuntong-hininga ako at lumabas para kumuha ng tubig. Naroon na si Papa sa lamesa at kausap si Ivo. Nag magtama ang mga mata namin, ngumiti lang siya sa akin nang malawak. Hindi ako makapaniwalang parang mas close pa ata sila ni Mama kesa sa aming dalawa gayong ngayon lang naman sila nagkakilala!
I sighed and opened the ref. Dinalhan ko ng tubig si Selena. Tutulong pa sana ako pero pinaalis na ako ni Mama at sinabing siya na daw ang bahala doon. Sinaluhan ko nalang sina Papa sa agahan.
"Ang sarap magluto ng Mama mo, Raya!" puri naman ni Ivo habang kumakain kami.
I gave him a small smile. Ilang taon ko ding na-miss ang lutong ito. Talaga namang masarap magluto si Mama. Pilit ko ngang ginagaya kung paano siya magluto kaso hindi ko talaga makuha ang timpla niya.
Naligo na ako at nagbihis pagkatapos. Hindi sumabay sa amin si Sonny ngayon dahil alas dyez pa naman ang klase niya. Inihatid pa kami ni Mama sa labas at pinaalalahan si Ivo na huwag maging kaskasero sa daan.
"Opo, Tita..." he rubbed the back of his neck and glanced at me.
Binalingan naman ako ni Mama. "Mag-iingat kayo..."
Tumango ako at sumakay na sa kotse ni Ivo. Tahimik lang kaming dalawa pero kitang-kita ko naman sa mga mata niya na marami siyang gustong itanong sa akin. I sighed.
"Ano?"
"Huh?" nagmaang-maangan pa!
I rolled my eyes. "Kanina ka pa nakatingin sa akin."
"Hindi ah, feeling ka!"
Sinamaan ko ng tingin si Ivo kaya natawa siya.
"Hindi ko alam kung may karapatan ba akong magtanong..."
"Tungkol kay Mama?"
He nodded. I just shrugged.
"Magkamukha kayo."
"Alam ko."
"Parang carbon copy, Raya!"
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Dati kasi, nung kabataan pa ni Mama, palagi siyang ikinu-kompara kay Paraluman. Magkamukha daw sila. Kaya palaging nananalo si Mama sa mga pageants na sinasalihan niya noon pero hindi naman tulad sa mga Mama ni Ivo at Lulu na sumali talaga sa Binibining Pilipinas. Si Mama ay sa mga pageant lang sa barangay. Madami siyang mga litrato sa bahay na naka-gown tapos may iba pang picture na magkatabi sila ni Papa pero simple lang ang suot niya.
Ivo said nothing more about my mother and I am thankful for it. I still don't know how to feel now that she's here. Unti-unti na din niyang inaako ang mga gawin ko sa bahay. Nasanay na akong maagang magising pero kahit anong gawin ko, nauunahan niya pa rin ako sa kusina. Ang ginagawa ko nalang para libangin ang sarili ko tuwing umaga ay diligan ang mga halaman at ayusin ang bakuran namin. Hindi ko 'to napagtuunan ng pansin noon dahil sobrang abala ako sa mga kapatid ko pero ngayon ay may oras na ako.
"Karlo, kuha ka pa ng pang-pulutan!" marahang tinulak ni Ivo si Karlo para tumayo ito. Sinamaan naman siya ng tingin ng lalaki.
"Uubusin niyo ata ang tinda namin, eh."
Pagkatapos ng midterm exams namin, nagsiuwian sila sa Elyu kaya naman nagkita-kita kami. Nahihiya akong dalhin sila sa bahay dahil naroon si Mama kaya narito kami ngayon sa tapat ng tindahan nina Karlo.
Tatlong palapag ang bahay nila at ang first-floor ay ginawang tindahan at bigasan. May mga silya din at lamesa para sa gustong mag-inuman sa labas.
Bumulong-bulong pa si Karlo pero tumayo din ito at pumasok sa tindahan nila. Natagalan pa siya dahil may mga bumibili doon at kailangan niyan i-entertain.
"Nakauwi na pala ang Mama mo?" hinawakan ni Lulu ang braso ko.
Gulat akong napatingin sa kaniya. "Paano mo...?"
Ipinakita niya sa akin ang IG story ng kapatid ko. Nasa Manila kasi silang tatlo ngayon para sa checkup ulit ni Selena. Sumama naman si Sonny. Mukhang tapos na sila doon sa ospital. Nakaupo lang silang tatlo kulay berdeng upuan ng Tropical Hut at kumakain.
I sighed. "Oo, nakauwi na."
"Patingin nga!" inagaw ni Celeste ang phone mula kay Lulu. "Beh, ang ganda-ganda ng Mama mo, ah! Magkamukha—"
"Kami. Alam ko." Pagpuputol ko sa sasabihin niya. Simula nang makita nila ang Mama ko, wala na akong ibang narinig kundi magkamukha kaming dalawa.
Ibinalik ni Celeste ang phone ni Lulu at ngumiti sa akin.
"Makakasama ka na sa mga gala, Raya! Buti naman!"
Ngumiti lang ako sa kanila. Bumalik na si Karlo sa table namin dala-dala ang iilang chichirya. Pinagbabayad pa niya si Ivo dahil baka daw mapansin ng mga magulang niya na kumukuha lang kami dun ng pampulutan namin.
"Gago, may CCTV 'no!" hinampas niya ng fish crackers si Ivo at naupo. Tinawanan naman siya ni Ivo at binuksan ang mga kinuha niya.
I was thankful that none of my friends mentioned my mother again.
"Ngapala, ang tagal ko na 'tong gustong itanong sa iyo kaso palagi kong nakakalimutan. Bakit Ivo ang palayaw mo? Hindi Primo? Mas bagay ang Primo, ang shala pakinggan!" ani Celeste.
Ivo shrugged. "Si Lola lang ang tumatawag sa aking Primo."
"Pati magulang mo?"
"Hindi." Tipid niyang sagot.
"Oo nga, alam niyo bang nagagalit yan kapag tinatawag ko siyang Primo noong bata pa kami?" tumawa si Lulu sa memorya. "Napaka-arte, eh."
Inirapan lang siya ni Ivo dahil naghalungkat na naman si Lulu noong kabataan nila. Nakailang ikot ata kami sa tagay bago ko maramdaman ang dahan-dahang pagkahilo. I started hiccupping kaya inaasar-asar ako ni Lulu na lasing na daw ako.
"Lasing ka na 'no?"
"Hindi!" malakas kong sigaw.
Lulu laughed out loud. "Lasing na nga. Ivo, ihatid mo 'to, ah?"
Halos hindi na ako makahabol sa usapan nila dahil umiikot ang paningin ko. Nang umabot ulit sa akin ang tagay, mahinang kinuha ni Ivo ang kamay ko mula sa baso.
"Tama na yan, lasing ka na..." marahan niyang sita.
"Hindi ako lasing!" sinamaan ko siya ng tingin at inagaw ulit ang baso ko sa kaniya. "Ano ka, Mama ko?!"
Ivo sighed and gently pulled the glass back. Napaawang ang bibig ko nang ubusin niya ang alak sa baso ko sa isang lagok at ibinalik ang baso kay Karlo.
"Scammer ka! Umiinom ka pala, eh!" Singhal naman ni Karlo habang pinupunan ulit ang baso.
"Ngayon lang." Ivo was serious as he turned to me. "Tara na, Raya. Umuwi na tayo..."
"Huh? Ang aga pa?"
Avery chuckled. "Ambilis palang malasing ni Raya. Sige, Ivo, iuwi mo na yan."
"Sa bahay nila, ah! Hindi sa bahay niyo!" kantyaw naman ni Yari.
Hindi ko na alam kung bakit sila tumatawa pero nakitawa na rin ako. Pakiramdam ko nakalutang ata ako dahil hilong-hilo na ako.
"Ivo naman, eh! Ayaw ko pang umuwi!" nagpapadyak ako na parang bata nang maramdaman kong hinila ako ni Ivo mula sa upuan ko.
"Lu, yung sapatos nga." ani Ivo. I felt someone putting my shoes back so I wiggled wildly while shouting his name.
"Ano ba! Napaka-KJ naman, eh!"
Hindi ako pinansin ni Ivo. Dahil nagpupumilit akong bumalik dun sa lamesa, napilitan siyang kargahin ako na parang sako ng bigas patungo sa kotse niya. Sinuntok-suntok ko pa ang likod niya dahil naiinis ako!
"Primitivo!"
Wala na akong nagawa ng ipasok niya ako sa kotse niya. Ivo strapped the seatbelt for me and told me to stay still. Kulang nalang talaga ay mura-murahin ko siya sa sobrang inis ko!
I sighed loudly while he was driving. Kinakausap niya ako pero wala naman akong naiintindihan sa mga sinasabi niya! Alam ko lang na narito na kami dahil bumagal ang takbo ng sasakyan hanggang sa tuluyan na itong huminto.
Mabilis akong lumabas nang maramdaman kong bumabaliktad ang sikmura ko. Ivo called after me but I had already gone inside the house and threw up in the sink. My back arched over the sink, gripping the sides tightly 'till my knuckles turned white.
Nakaramdam ako ng humahagod sa likuran ko.
"Sorry, Tita... napasobra po ata..." rinig kong sabi ni Ivo.
"Okay lang. Mga gamit ba yan ni Raya? Pakilagay nalang d'yan sa sofa. Ako na ang bahala dito. Salamat sa paghatid, Ivo."
"Sorry po talaga." Hinging paumanhin niya saka sinunod ang bilin ni Mama.
Nanghihina ako at gusto nang matulog. I thought about sleeping on the kitchen floor. Sobrang bigat na ng mga talukap ng mata ko.
"Mag-toothbrush ka muna d'yan. Ihahatid ko lang si Ivo sa labas." Ani Mama saka nawala sa kusina.
I sighed and fumbled through the kitchen and into the CR. Sobrang tagal kong natapos doon dahil nakakatulog ako habang nagsisipilyo sa sobrang pagod at hilo. Nang makalabas ako sa CR, naghihintay na si Mama sa akin.
"Raya, anak, tara sa kwarto..." ani Mama habang inaakay ako patungo sa kwarto ko.
I was grumbling something under my breath but she didn't mind it. Pinahiga niya ako sa kama. She was still there in my room, doing something but I had no idea what it is because I already closed my eyes. Naalimpungatan nalang ako nang pabangunin niya ako para daw magbihis.
"Sige na, sandali lang 'to..." ani Mama habang hinuhubad ang t-shirt kong suot.
Para akong bata na inaasikaso. I didn't like how I feel being treated like this but I'm so helpless to do anything about it. Hinayaan ko nalang siyang punasan ang mukha ko at tinanggal din niya ang suot kong bracelet at relo.
"Matulog ka na. Dadalhan kita ng gamot bukas dahil paniguradong sasakit ang ulo mo." Ani Mama habang inaayos ang kumot ko.
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" I asked out of the blue.
"Sereia...?"
My eyes couldn't focus on her face but I know she's still here and that she can hear me. The alcohol must've given me the courage to say what I've always wanted to say to her.
"Sobrang na-miss ka namin sa nagdaang taon. Andami-dami kong pagkakataon na gusto ko nalang sumuko dahil hindi ko na kaya, Mama..." I cried. "Hindi mo ba naisip yun? Bakit ngayon ka lang umuwi... kung kailan... kung kailan malaki na kami? Kung kailan magkaka-anak na si Selena? Kung kailan kaya ko nang alagaan ang sarili ko?"
"Sereia..." I heard her crying. Hindi ko alam kung nasasaktan ba siya sa mga sinasabi ko o nagsisisi siya pero nagpatuloy pa rin ako.
"Nung gumraduate ako ng elementary at high school, wala ka. Nung nanalo ako sa chess competition, wala ka rin. Nung sinabi ng teacher ko na magdala ng Nanay sa mother's day activity, wala ka. Nung unang dinugo si Selena... wala ka rin."
"Alam ko... sorry, anak."
"Alam mo bang hirap na hirap akong itaguyod silang dalawa? Narito naman si Papa pero iba pa rin na mayroon kaming Nanay. Hindi ko alam kung ayaw mo ba sa amin dahil basta mo nalang kaming iniwan. Ni hindi ka umuwi. Nang dahil sa iyo, isinusumpa ko ang lugar na 'to... gustong-gusto kong makaalis dito!"
"I'm sorry... sorry..." paulit-ulit niyang sinabi.
"Nakita mo yung lalaking kasama ko kanina? Mahal na mahal ko yun, Mama. Pero may karapatan ba akong mahalin siya gayong ang bigat-bigat ng pasan ko? Ayokong ipasa sa kaniya lahat ng hinanakit ko kung sakaling bigyan namin 'to ng pagkakataon."
"Si Ivo ba...?"
Dahan-dahan akong tumango, umiiyak pa rin. "Hindi ako makaamin sa kaniya..." I cried.
"Ang hipokrita ko siguro kung sasabihin ko sa iyong bata ka pa..." she said in a small voice. "Gaya ni Selena, nabuntis din ako nung 16 pa ako. Kaya hanggang ngayon, ang laki pa rin ng galit ni Mama at Papa sa akin dahil sinayang ko daw ang buhay ko."
I just cried there while my mother took my hand.
"Mahal na mahal ko ang Papa mo noon. Handa akong panindigan ang pamilyang 'to dahil binuo ka namin sa pagmamahal, anak. Pinangako ng tatay mo na magiging maganda ang buhay natin at makakaahon tayo sa hirap kaso ilang taon na akong naghihintay, wala pa rin. Iniisip ko kung tama ba talaga ang sinabi ng Lolo't Lola mo na isang malaking pagkakamali ang pinasukan ko."
"Kaya ka ba umalis?"
"Hindi ko na kayang mamuhay ng ganito... ayokong lumaki kayong tatlo na mulat sa kahirapan. Kaya ako umalis dahil gusto kong makaahon tayo sa hirap, Raya. Kaya hindi ako umuwi dahil natatakot akong harapin ang Papa mo dahil... dahil nagising nalang ako isang umaga na hindi ko na siya mahal."
Napaiyak ako lalo sa sinabi ni Mama.
"Sorry..." she was also sobbing. "Sa ilang taon kong hinintay na tuparin niya ang mga pangako niya sa akin, naubos ang pagmamahal ko sa kaniya. Napuno lang ng galit at hinanakit ang puso ko dahil iniisip ko kung anong naging buhay ko kung hindi ako nabuntis nang maaga? Kung hindi ako nagkapamilya kaagad? Gustong-gusto kong maging nurse, eh. Mahal na mahal ko kayong tatlo kaya ayokong mas lalo lang kayong maghirap sa maling desisyon namin."
"Paano si Papa...?"
She shook her head. "Maghihiwalay kami... kasi yun naman ang tama. Ayokong manatili nalang sa kaniya na wala ng kahit katiting na pagmamahal ang natira sa akin."
"Paano kami, Mama?"
Hinaplos ni Mama ang buhok ko. "Hindi ko kayo pababayaan, siyempre. Apat na buwan lang ako dito, anak. Gusto ko kayong dalhin pagbalik ko. Mas maganda ang buhay sa ibang bansa. Pwede kang mag-aral kahit saan mo gusto... Brown University, NYU, University of Michigan... kahit saan! Aalagaan ko kayong tatlo. Ibibigay ko lahat ng gusto at pangangailangan niyo. Hindi mo na kailangang magpaka-Nanay sa kanila, Raya, dahil narito na ako..."
Nanigas ako sa kinauupuan. Ito ba ang ipinunta niya dito? Para kumbinsihin kami na iwan si Papa at sumama sa kaniya? She saw the expression on my face.
"Hindi kita pipilitin... pero gusto ko sanang sumama ka. Wala akong pipilitin sa inyo. Kung gusto niyong manatili dito sa Pilipinas kasama ang Papa niyo, ayos lang sa akin. Magpapadala pa rin ako. Hindi kita pipilitin, Raya, kaya pag-isipan mo sana 'to nang mabuti, anak."
She kissed my temple and stood.
"Matulog ka na..."
When my mother left the room, I turned to the side of my bed and cried myself to sleep. Akala ko ba, kapag lasing, nababawasan ang sakit na nararamdaman? Parang hindi naman, eh. Mas doble ata ang bigat sa dibdib ko ngayong sinabi na ni Mama ang gusto niyang mangyari.
I don't understand myself. Ever since she left, I wished nothing but for my mother to go home. Now that she's here, I don't know how to act around her. Before, I've always wanted to leave La Union and chase my dreams. Now that my mother presented the opportunity in a silver platter, I couldn't see myself stepping into the airport and leaving this town.
Ipinikit ko nang mariin ang mga mata at nakita ang maamong mukha ni Ivo. Nababaliw na yata ako dahil pati pagtawa niya, naririnig ko na rin.
My heart clenched painfully. Bakit pati sa sarili ko, nagsisinungaling pa rin ako?
I can leave this town in a heartbeat. I could forget all of this and start a new life...
Iyon ang pangako ko sa sarili ko noon. I had no attachment to this place for it only brought me so much pain and heartaches. Pero simula nung mapagtanto kong mahal ko na si Ivo...
All of a sudden, it's so difficult to leave.
-
#HanmariamDWTWChap25
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro