Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"Congratulations, Ravi!"

"Thanks, guys," aniya at hinila si Celeste sa beywang saka hinalikan. Naghiyawan tuloy kami dahil napaka-PDA ng dalawa!

Dinala nga niya kami sa Checkpoint Bar kung saan niya ini-release ang bago niyang kanta. Sobrang dami ng taong pumunta pero iilan lang ang nakapasok dahil nagkaubusan kaagad ng ticket. Ayan tuloy, ang iba niyang mga fans, naroon sa labas naghihintay at baka masulyapan man lang ang lalaki pagkatapos niya dito.

I looked consciously at the other table. Akala ko doon siya sa mga artista niyang kaibigan pupunta pero dito naman siya dumiretso. Pinagtitinginan tuloy kami. Some are even taking unsolicited pictures of him with Celeste. Mukhang wala naman ng pakialam si Celeste at nasanay na ito.

"Ang ganda..." puri ko sa kaniya. "Salamat sa kanta."

He nodded and smiled at me. Humiwalay muna siya kay Celeste at may sinagot na tawag. Kami naman, naupo ulit at nagpatuloy sa pag-kain.

"Nakakailang naman dito, puro mga mayayaman. Kami lang ata ang hampaslupa dito, eh." Pabirong wika ni Avery habang umiinom ng tubig.

"Oo nga, parang nakita ko din yung model na half-German..."

"German? Shepherd?" ani Ivo kaya nagtawanan kami. Hinampas tuloy siya ni Yari at sinamaan ng tingin.

Nakita kong palapit ulit si Ravi dito sa table. Dala-dala niya ang cellphone niya at nakangiti sa amin.

"Gusto niyong mag-Baguio? Sagot ko na."

Halos mabingi ako sa tilian nila. Ngumiti si Celeste sa lalaki at kinalabit ito. May binulong siya bago kami balingan ulit.

"Sa Triangle Cabin tayo. Dun kasi ako mags-stay hanggang sa flight ko this Wednesday. I figured it would be boring if I'm alone there..."

"Anong alone? Nand'yan naman bebe mo!" kantyaw naman ni Yari.

Alanganin lang na ngumiti si Celeste sa sinabi niya at tumabi sa akin.

"Akin na phone mo, Raya, ipagpapaalam kita sa Papa mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Tama! Ang hilig pa naman nila sa mga gala na di planado kaya baka magtaka yun si Papa na hindi pa ako makakauwi bukas! Ang usapan kasi namin, uuwi kaagad ako para makapagpahinga pa ako dahil balik-eskwela na kami next week.

"Asa ka, Cel, ako ang hahanapin ni Tito, 'no!" ani Ivo at inagaw ang cellphone ko mula kay Celeste. Pinagpasa-pasahan pa nila ang phone para lang kumbinsihin si Papa.

"Sige na, Tito, sama din po ako!" si Lulu.

"Aalagaan po namin ang prinsesa niyo!" si Celeste naman.

"Tito, alam mo naman diba, ako na 'to eh... payagan mo na si Raya!" parang gusto kong hablutin nalang ang phone ko sa sinabi ni Karlo.

"Hindi po namin 'to padadapuan ng lamok." Si Avery naman.

"Tito, para naman makapagpahinga si Raya..." Yari smiled genuinely at me tapos ipinasa pa kay Ravi. Nanlaki tuloy pareho ang mga mata namin.

"Uh... mananagot po ang management ko kapag may nangyaring masama sa anak niyo." Kinakabahan niyang wika sabay abot kay Ivo ng phone.

Ngumisi ang lalaki at itinapat ang phone sa tainga niya. "Ano, Tito, ayos ba? Meron din po akong powerpoint presentation dito kung bakit kailangan niyong payagan si Raya..." tumawa siya at nakinig sa sinabi ni Papa. "Sige po, sige po. Ingat kayo d'yan." Then he ended the call and smirked. "Congrats, malaya ka na."

Nagsaya naman sila dahil teamwork daw iyong ginawa nila samantalang gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil kung anu-ano pa ang sinabi nila kay Papa! Sure naman akong papayag yun kahit na si Ivo lang ang kumausap sa kaniya.

Knowing that I get to spend some more time with them without worrying about any of my responsibilities, for some reason, it was like a breath of fresh air.

"Mag-mall muna tayo! Wala akong outfit, gosh!" nagpapanic na wika ni Lulu. Dapat nga kami ni Ivo ang mamroblema sa susuotin namin dahil kami naman ang mga dayo dito.

Napag-desisyunan naming pumunta sa mall habang si Ravi naman ay i-entertain-in saglit ang mga fans niyang naghihintay sa labas. Sasamahan siya ni Celeste kaya kami-kami lang.

"Ito, Raya, bagay 'to sayo! Maputi ka kasi..." hinila pa ako ni Lulu sa dressing room at iniwan sa akin yung mga pinili niyang damit. I hesitantly picked the one with the lowest price. Ang mamahal kasi ng mga pinili niya at baka maglakad na ako sa Elyu pauwi!

Nagikot-ikot pa kami sa mall hanggang sa matapos na kaming bumili. Dun na namin sa parking lot hinintay sina Ravi at Celeste. Sakay silang dalawa ng malaking van na pang-artista. Heavily-tinted ang mga bintana nun kaya nagdalawang-isip pa kami kung yun ba ang tinutukoy nila.

"Hindi na kami sasabay, sa pickup kami ni Raya..." wika ni Ivo habang hawak ang susi ng sasakyan niya. "Convoy nalang."

"Naks naman, lumi-level-up na si Ivo!" kantyaw ni Karlo.

"Oo naman, mahirap na..." makahulugan namang wika ni Lulu sabay ngisi sa aming dalawa.

Hindi ko alam kung anong tinutukoy nila kaya ngumiti nalang ako. May sasakyan naman ang kambal pero silang dalawa mismo ang tinatamad na mag-drive kaya sasabay sila dun sa van. Si Lulu rin ay iiwanan ang sasakyan niya sa condo para sumabay at si Avery, wala naman talaga siyang sasakyan kaya dun din siya.

"Kita nalang tayo," ani Ivo at lumiko. Sumunod naman ako sa kaniya habang dala ko ang mga damit na binili ko kanina.

Inilagay ko iyon sa backseat at naupo sa passenger seat. I was buckling my seatbelt while Ivo opened the hood of the car, checking on something. Nang makontento na siya, isinara niya ito ulit at pumasok na. He glanced at me.

"Bumili ka ba ng gamot?"

"Huh?"

"Baka kasi biglang sumakit ang ulo mo sa biyahe... hindi ko pa naman nadala ang pill box."

Kaagad akong tumango. Nakakahiya na mas may pakialam pa siya sa sakit ng ulo ko kesa sa akin mismo. Alam ko naman na kung anong rason kung bakit sumasakit ang ulo ko kaso wala pa akong budget ngayon para magpasalamin. Ang mahal pa naman ng lens na sinasabi ng doktor nung magpa-checkup ako.

Nag-drive na si Ivo, nakasunod dun sa van. Nag-videocall pa si Lulu sa akin at ipinakitang nagkakaraoke pala sila dun sa loob. Siguro ay soundproof iyon kaya okay lang. Mayroon pang bucket ng wine kaya talagang komportable sila. Ivo glanced at my phone and frowned.

"Feel na feel talaga nila," he tsk-ed.

Tumawa lang ako at ipinakita ang mukha ni Ivo sa kanila. May sinabi si Karlo na hindi ko maintindihan kaya tinaasan siya ng middle finger ni Ivo. Nanlaki ang mga mata ko at kaagad siyang sinamaan ng tingin.

"Ikaw ah, dumadalas na yan," sita ko.

"Ang lakas ng trip ni Karlo, eh,"

"Kahit na..." mahinang saway ko. Hindi pa rin ako sanay na nakikita siyang gumaganun!

He sighed. "Sorry na..."

Hindi nalang ako nagsalita at patuloy silang kinausap hanggang sa mapagod din sila. In-off na namin ang tawag para makaidlip ako kahit konti. Apat na oras pa naman ang biyahe pero dahil sa tulin ng pagpapatakbo ni Ivo, baka kayanin lang 'to ng tatlong oras.

Nagising nalang ako dahil marahang tinatapik ni Ivo ang pisngi ko. Akala ko ay ginagawa niya yun mula sa upuan niya kaya nagkagulatan pa kami nang imulat ko ang mga mata at ang lapit na pala ng mukha niya sa akin!

He quickly withdrew. Para siyang batang naglalaro tapos napaso. He looked away. Namumula ulit ang dulo ng mga tainga niya kaya alam kong nahihiya siya.

"Nandito na tayo..." he cleared his throat.

Tumango ako at dali-daling kinuha ang bag ko sa likod. Nasa labas na ang iba habang sina Karlo naman at yung bodyguard ni Ravi ay busy sa paglalabas ng mga gamit.

It was a cabin tucked away from the crowd, nestled in the middle of the woods. Sobrang peaceful at mukhang walang ibang tao. Kung tama ang hinala ko, mukhang naka-book ito para kay Ravi lang talaga dahil wala namang ibang tao pa dito.

Old-school wooden interior ang design nito. Napaka-cozy at comforting na para talaga sa mga taong gustong mag-unwind. Nauna si Ravi dun sa lobby nila. Sina Lulu at Celeste naman, nagpicture kaagad doon sa harapan.

May tatlong kwarto dun sa cabin kaya hinati-hati kaagad kami. Si Ravi, manager niya, at ang bodyguard niya ay sa iisang kwarto. Sina Karlo at Ivo naman ang magkasama. The rest of us girls will stay in one room.

"Ikaw, Cel, ah... bakit ayaw mong matulog sa iisang kwarto kasama bebe mo?" pang-aasar naman ni Yari nang makapasok kami sa sariling kwarto.

She looked uncomfortable with her question. Tinawanan niya lang ito. May en suite bathroom sa loob kaya nagbihis muna ako pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko.

"Hala, ang ganda ng view!" excited na binuksan ni Celeste ang pinto papuntang balcony. Sumunod naman ako sa kaniya. I gasped at the majestic view of the mountains and the birds chirping around made it more magical. Kaagad kong kinuha ang phone ko at nag-picture.

"Tayo ka d'yan, Raya, picture-an kita!" ani Cel at niyugyog pa ako kaya binigay ko nalang ang phone ko sa kaniya. "I-DP mo 'to, ha!"

Napanguso ako. "Pagt-tripan niyo lang ang comment section, eh."

"Hoy, hindi ah! Kung ayaw mo ng kalat sa comment section, i-block mo sina Karlo at Ivo!"

"Hoy! Narinig ko pangalan ko, ah!"

Napalingon kami sa katabing balcony. Naroon pala nakatambay ang dalawa. Bigla tuloy akong nahiya dahil nanunuod pala sila tapos si Celeste ay gusto pa akong mag-pose!

"Huwag na, Cel..."

"Sige na, ang ganda mo, eh! Tingin ka kunwari sa malayo, stolen shot 'to..." tumatawa niyang wika.

Feeling ko talaga pinagtitripan lang ako ni Celeste pero wala naman akong magawa. Tiniis ko nalang ang hiya dahil alam kong nakatingin si Ivo sa akin ngayon para matapos na 'to. Umalis kaagad ako sa balcony at kinuha ang cellphone mula sa kaibigan.

Sa baba ng cabin ay kompleto din. May living room, dining room, at kusina. Hindi ko alam na nag-grocery pala ang manager ni Ravi para sa amin kaso nagtuturuan naman sila kung sino ang magluluto kaya nag-presenta nalang ako. Total, wala din naman akong ginagawa kaya mas mabuti nang abalahin ko ang sarili.

Nagulat ako nang biglang tumabi sa akin si Ivo habang hinuhugasan ko ang lettuce. Napatingin tuloy ako sa kaniya.

"Ba't nandito ka?" tanong ko sa lalaki.

"Eh, ikaw? Ba't nandito ka?" tanong niya naman sa akin pabalik. "Palagi nalang ikaw ang naka-toka dito, eh."

I shrugged. "Gusto mong paglutuin si Lulu?"

His face went pale with my suggestion. "Huwag na. Sayang ingredients."

I just laughed and allowed him to help me. Siya ang taga-slice at taga-hugas habang ako naman ang nagluluto at nagtitimpla. Tumulong na din sa amin si Celeste pero umalis din ito nang tinawag ni Ravi.

"Aalis ka ba ng Elyu pagka-graduate natin?" biglang tanong ni Ivo sa akin.

I shrugged. "Hindi ko pa alam. Sana..."

"Bakit gustong-gusto mong umalis?" rinig ko ang bahid ng kalungkutan sa boses niya.

"Hindi naman sa gustong-gusto..." I gave him a sad smile. "Hindi ko lang talaga makita ang tanang buhay ko na nasa Elyu lang. At alam mo naman, diba? Napaka-limitado ng mga opportunities kapag nasa probinsya ka. Pwera nalang kung may negosyo ka..."

He nodded. "Ginagawa mo ba 'to para sa iyo o para sa pamilya mo?"

"Para sa pamilya, siyempre." Nginitian ko ulit siya. "Para kanino pa ba?"

Hindi umimik si Ivo. Nang matapos siyang tumulong sa akin, umalis din siya at umakyat sa kwarto nila. Pagbaba niya, bitbit na niya ang film camera niya. Nagpa-picture kaagad sina Lulu at Celeste sa kaniya dahil napaka-scenic daw kapag film camera ang gamit.

They were having so much fun in the living room while I worked quietly in the kitchen. Nang matapos na ako, inilipat ko sa serving bowl ang niluto kong sinigang. Nagulat ako nang biglang lumapit si Ivo sa akin at kinunan ako ng litrato.

"Ivo!" saway ko sa kaniya. "Ang pangit ko dun!"

"Huh? Kailan ka ba naging pangit?" itinaas niya ang camera dahil pilit ko iyong inaabot mula sa kaniya kahit na alam kong hindi ko naman mabubura iyong litrato.

I just rolled my eyes and continue with what I was doing. Tumulong na sina Ivo at Karlo sa akin sa paglilipat habang sina Lulu naman ang nagsandok.

Nakapalibot kami dun sa lamesang kahoy para kumain ng hapunan. Binuksan pa talaga nila ang glass doors sa balcony para daw pumasok ang hangin at hindi mainit.

Pagkatapos naming kumain, sina Ravi na ang nag-presentang maghugas ng plato. Nahihiya pa ako dahil artista tapos naghuhugas ng pinagkainan namin pero hindi naman ako pinayagan ni Celeste na tumulong kaya sumali nalang ako kina Lulu na naroon sa balcony at nagta-try ng astrophotography.

"Tanga! Taasan mo kasi ang aperture!" nagtalo pa silang dalawa doon ni Karlo. May tripod kasi dun para talaga sa gustong kumuha ng litrato sa gabi gamit lang ang phone. Ang ganda kasi ng tanawin dito at di tulad sa Manila, walang polusyon na tumatakip sa langit.

Tumabi ako kay Yari. She smiled at me. Naka-hoodie siya at umiinom ng beer. Inalok niya ako pero kaagad akong umiling.

"Kumusta sa Elyu?" tanong niya sa akin.

"Elyu pa rin." I stared at my lap. "Wala namang nagbago..."

"Hmm. Parang walang nagbabago araw-araw 'no? Pero kung babalikan mo, sobrang laki na ng pinagbago natin. Ito ata yung sinasabi nila na malayo pa pero malayo na..." she smiled at me.

Ngumiti din ako. Tama naman ang sinabi niya. Parang kailan lang, transferee pa si Ivo sa school namin. Hindi ko akalaing magbabago ng ganito ang buhay ko pagkarating niya.

Yari licked her lower lip nervously. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi siya mapanatag.

"Ayos ka lang?"

She sighed. "Bagsak ako sa isang major namin."

My eyes widened. Multimedia Arts! Diba gustong-gusto niya yun?

She gave me a bitter smile. "Nag-offer naman sa akin ang professor ko na kumuha ng summer class pero... nakaka-discourage na. Ang babaw ko, pero mukhang mags-shift ata ako ngayong second year. Baka tama ang sinabi ng mga magulang ko na hindi para sa akin ang multimedia arts."

"Susundin mo nalang ang gusto ng mga magulang mo?"

Hindi muna siya umimik. Sinimsiman niya lang ang iniinom at malalim na bumuntong-hininga.

"Siguro... ewan ko pa."

Ipinatong ko ang kamay sa kaniya at nginitian siya. "Kahit ano pang gawin mo, suportado naman kita... pero sana, gawin mo kung saan ka masaya."

Yari blinked back her tears. Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Salamat... ikaw lang ata ang masaya para sa akin na nakapag-UP ako."

"Hindi yan totoo, ah? Kahit ang ingay-ingay ng mga kaibigan natin, alam ko namang masaya din sila para sa iyo."

She just smiled and said nothing. Nakasandal lang siya sa balikat ko at nakatitig sa magandang view. Nakarinig ako ng yapak sa likuran at alam ko kaagad na si Ivo yun dahil sa ingay.

"Yari! Raya!" tawag niya kaya napalingon kaming dalawa.

He held up his camera and took a picture of us. Yari smirked.

"Kunwari ka, eh. Si Raya lang naman ang pinipicture-an mo!"

"Hoy, hindi ah!" tanggi kaagad ni Ivo. Hawak niya ang camera at nagpunta sa harapan namin. Nakasandal pa rin si Yari sa akin kaya pabiro niya itong itinulak. "Alis ka d'yan, ako naman..."

Sinipa-sipa lang siya ni Yari kaya tumawa nalang din si Ivo at nilubayan kami. Ravi invited us downstairs for a bonfire and all of us went. Kaming tatlo ni Lulu at Celeste ay bumalik muna sa taas para kumuha ng jacket dahil maginaw sa baba.

Pagkababa namin, ang iingay na nila. Si Karlo at Ravi lang naman ang nag-e-effort para magka-apoy kami tapos yung tatlo, nagbabangayan lang. I sat next to Lulu who never let go of my arm because she was freezing.

Mahina pa ang apoy sa umpisa, pero unti-unti itong lumaki. Nagdala rin ng gitara si Ravi sa circle namin kaya tumahimik na sila, lalo na nang magsimulang kumanta ang lalaki.

Pagod nang magpanggap ang pusong ito

Kung may sasabihin ka

Pakiusap giliw ko

Ipaalam sa akin ang totoo

Kasi ikaw ang pipiliin sa habambuhay

Ikaw ang gustong makasama

Ngayon lang ako naging sigurado

Wala nang iba pa

We were all engrossed in his voice but I pulled myself out of the magic he created and looked at Ivo. Nakatingin din siya kay Ravi pero hawak niya ang camera at sobrang seryoso ng mukha.

When he turned to me, something clicked in me.

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kaniya. It was as if a magnet locked our gazes together and we created our own little world that's just the two of us.

My heart started beating wildly. Iyong mga nararamdaman kong pilit kong tinatago at binabaon, sumisigaw na sila sa akin ngayon.

Kung may sasabihin ka

Pakiusap giliw ko

Ipaalam sa akin ang totoo

Ako ba ang may-ari ng puso mo?

I took a deep breath, clutching my chest. Ivo gave me a small smile before dropping his gaze and turning away. Ibinaba ko din ang tingin ko.

Kailanman, hindi ako naguluhan sa nararamdaman ko sa kaniya. Matagal na akong natauhan... kaso napangunahan.

Napangunahan ng takot dahil anong mangyayari sa amin kapag sinira ko ang pagkakaibigan namin? Anong mangyayari kung hindi pala permanente itong nararamdaman ko? Paano ang mga kapatid ko? Ang pamilya ko? Ang dami ko pang responsibilidad sa bahay na ninakaw ang karapatan kong maging masaya...

Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Ayokong sumira ng kahit na anong relasyon dahil baka hindi ko kayanin na ako nalang ulit mag-isa. Masyado na akong nasanay sa kanila.

"Galit ka ba?"

"Huh?"

Napalingon ako kay Ivo habang nagda-drive siya. Pauwi na kami sa Elyu ngayon. Dalawang gabi lang naman kaming nag-stay dun sa cabin dahil kailangan ng bumalik ni Ravi sa Manila para sa flight niya kaya nagsiuwian na din ang iba. He offered for us to stay there pero masyadong nakakahiya kaya nag-impake na din kami.

"Kako, galit ka ba?" pag-uulit niya sa mas mahinang boses.

Kaagad akong umiling. "Hindi ako galit."

He expelled a sigh of relief. "Sure ba yan? Biglang hindi mo na kasi ako kinakausap eh. Kinakabahan tuloy ako."

I chuckled. Ivo is getting nervous because of me? Ang sarap pakinggan pero parang malayo naman sa totoo.

"May iniisip lang..."

"Anong iniisip mo? Kung hindi yan math, pwede mong i-share sa akin," he grinned at me.

Nilingon ko si Ivo. Ikaw. Ikaw ang iniisip ko.

Isang simpleng ngiti lang ang iginanti ko sa lalaki at hindi na ako nagsalita pa. Mabuti na din at hindi na niya ako kinulit nang kinulit hanggang sa makarating kami sa Elyu.

"Gusto mong kumain? Magluluto ako..." alok ko sa kaniya habang binababa niya ang mga gamit ko galing sa backseat.

"Tempting... but no." he smiled at me. "Nandito ang parents ko. Gusto nila akong makita."

I nodded. Kapag talaga narito sa San Juan ang mga magulang niya, palaging nawawala si Ivo. I guess he's playing the perfect son whenever his parents are around. Ang alam ko, marami silang business party na pinupuntahan at bumibisita din sila ng iba't ibang site para sa itatayo nilang mga resort.

Tinulungan ako ni Ivo sa mga gamit ko kahit na hindi naman yun mabigat. When I opened the door, I was shocked to see Kit inside. He was about to head out. Nanlaki din ang mga mata niya nang makita ako.

"Ate... m-magandang hapon po." Nauutal niyang wika.

Pinanlisikan siya ng mga mata ni Ivo. "Eh, ako? Hindi mo ba ako babatiin?"

Siniko ko si Ivo dahil tinatakot niya ulit ang bata! Kit cowered in front of him.

"Hello po, k-kuya..."

"Ate!" napalingon kaming tatlo nang lumabas si Selena sa kwarto niya. I smiled at her. "Nakauwi ka na pala..."

"Umuwi ka na sa inyo, Kit. Anong oras na, oh..." ani Ivo at kulang nalang ipagtabuyan ang lalaki sa bahay.

Ipinasok niya lang sa kwarto ko ang mga gamit at kaagad ding lumabas. Ihinatid ko nalang siya sa gate at pinasalamatan ulit.

"Ingat ka."

He nodded and climbed inside his car. Kaagad akong pumasok at humilata sa kama. I could feel my heart beat slowing down now that he's not around.

Mabuti na 'to... mabuti na 'tong ganito. Kontento na ako sa kung anong meron kami. I don't have any intentions of nurturing my feelings into something more. His friendship is more than enough for me.

"Selena, mali-late ka na!" kinatok ko ang kapatid sa kwarto niya. First day of school kasi ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lumalabas para mag-agahan. "Sonny!" tinawag ko ang kapatid na kumakain sa lamesa. "Buksan mo nga 'to..."

He was still chewing something when he pulled a pin from his pocket. Sonny expertly unlocked the door with a grin. Nang mabuksan ang kwarto ni Selena, nakita ko siyang nakatalukbong sa kama niya.

"Selena..." lumapit ako sa kaniya. "Anong problema? May masakit ba sa iyo?"

"Absent muna ako ngayon..." she said in a hoarse voice. "Nilalagnat ata ako, Ate."

"Kaka-cellphone mo yan." Wika ni Sonny kaya siniko ko siya at sinamaan ng tingin. Tumawa naman siya at tuluyang lumabas ng kwarto.

"Ipapabili kita ng gamot kay Sonny. Inumin mo mamaya, ah? Tapos may pagkain d'yan. Kumain ka rin para hindi ka ma-drain."

She gave me a weak nod and went back to sleeping. Inutusan ko naman si Sonny na bumili ng gamot habang inaayos ko ang kakainin ni Selena mamaya.

Pagbalik niya, saktong pagdating naman ni Ivo. Sa Lorma din nag-enroll si Sonny ng electrical engineering kaya kaming tatlo na ngayon ang magkakasama. Nahihiya na nga ako dahil parang pabigat na kami, pero hindi naman tinatanggap ni Ivo sa tuwing mag-aambag ako sa gasolina.

"Kuya, ang gara talaga ng kotse mo! Lakas makahatak ng chicks..." tumatawang wika ni Sonny habang pumapasok siya sa backseat.

Ivo glanced at him through the rearview mirror. "Talaga? May chicks nga ako, eh. First year pa 'to nakikisakay sa akin."

Hinampas ko ang braso ni Ivo dahil alam kong ako ang tinutukoy niya. He just laughed and rubbed his arm before pulling out the driveway. Sobrang daldal ni Sonny sa likuran kaya nawala na yung mga moments na tahimik lang kaming dalawa ni Ivo at nakikinig sa music habang bumabiyahe.

Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa pagkarating namin sa campus. Nakasalubong ko pa si Lenard sa hallway kaya agad kaming nag-iwasan. I sighed when I walked past him.

Magiging ganito din ba kami ni Ivo kung sakaling umamin ako? Just the thought of us avoiding each other made me want to cry.

If I ever tell him how I really feel, I want to come from a place of healing and comfort. Sa ngayon, parang ang labo pa. I just turned 18. Marami pang mangyayari sa buhay ko.

Pagkatapos ng klase namin, hinintay naming dalawa si Sonny dahil nag-try out ulit ito sa basketball kahit na endorse naman na siya ng coach nila sa basketball team. Nilibre pa niya kami ng isaw sa labas bago kami nagsiuwian.

Nang makarating sa bahay ay si Sonny na ang nag-presenta na magsaing ng kanin. Napangiti ako sa kaniya dahil kahit na maloko, unti-unti na siyang nagma-mature.

"Selena?" kinatok ko ang kapatid sa loob pero hindi naman ako nakakuha ng sagot. Ni hindi niya ginalaw ang pagkain na iniwan namin sa kaniya kaya pumasok nalang ako.

I found her still sleeping in the bed. Chineck ko kung mataas pa ba ang lagnat niya pero wala naman na. But she's having chills. Kinumutan ko nalang siya para hindi siya gaanong ginawin.

Aalis na sana ako kaso may nahulog mula sa kama niya. I bent down to pick it up and my entire body froze when I realize what it was.

"Ate...?"

I turned to her. Unti-unti siyang bumangon mula sa kama niya at nanlaki ang mga mata niya nang makita kung anong hawak ko.

"Ano 'to?" I could barely recognize my voice when I held it up to her.

Her eyes widened in fear. Na-estatwa siya ng ilang segundo, halatang hindi alam kung anong sasabihin.

"Selena, ano 'to?" pag-uulit ko sa mas kalmadong boses.

Hindi siya sumagot sa akin. Tumulo lang ang mga luha niya at nag-iwas ng tingin, sabay ng panginginig ng katawan niya.

"Buntis ka?"

Selena finally broke into sobs as my tears fell.

-

#HanmariamDWTWChap23

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro