Chapter 21
Sabay ulit kaming nag-enroll ni Ivo sa second semester pero ngayon, wala na talaga kaming minor subjects na magkaklase kaming dalawa. Paulit-ulit niyang tiningnan ang white form namin at parang gusto pang mag-reklamo dun sa registrar kaya hinila ko na siya paalis dahil nakakahiya.
"Ano ba yan! Bad trip talaga," parang batang nagmamaktol si Ivo.
Naging busy na rin ang mga kaibigan namin sa kani-kanilang enrollment kaya hindi sila nakauwi ng Elyu. Kahit na may sasakyan na ngayon si Ivo, hindi rin kami nakaluwas ng Manila dahil abala din dito, lalo na ako dahil malapit na ang birthday ni Selena.
"Ibili ko kaya siya nung album ng kinababaliwan niyang boy group? Magkano ba yun?" tanong ko kay Ivo habang naglalakad kami palabas ng campus.
"Aba, malay ko! Hindi ko trip ang mga yun kasi wala naman akong naiintidihan!"
Napailing nalang ako at nilabas ang cellphone ko. Muntik na ata akong himatayin sa presyo. Bakit ang mahal naman nito?! Para sa isang album?! Ganito ba talaga sila kasikat?
"Ang mahal..." nanlulumo kong wika.
Sumilip si Ivo sa cellphone ko. "Gusto mong maghanap ng secondhand? Baka may nagbebenta sa Facebook."
Napanguso ako. Limited edition ata 'tong album kaya ganito kamahal. Siguradong mas mahal din sa Facebook dahil parang collector's item na ito para sa mga fans na tulad nila.
"Iba nalang siguro ang ibibigay ko..."
Tumango si Ivo at inaya akong kumain sa isawan. Nakakapanlumo pa rin dahil hindi ako pumayag na magpa-salamin para lang makabili ng disenteng regalo para sa kapatid pero ganito rin pala ang mangyayari. Maghahanap nalang siguro ako ng mas tipid na regalo.
"Happy birthday, Selena!"
Nagulat si Selena pagpasok niya sa bahay. Um-absent pa talaga kaming dalawa ni Ivo sa afternoon classes namin para dito. Sakto ding umuwi si Lulu kaya nagpunta siya sa bahay at tumulong para sa preparation.
Simple lang naman ang niluto ko kasi naka-budget ang pang-birthday niya. May spaghetti, fried chicken, lumpia, at buko salad. Nag-ambag ambag din kami pambili niya ng cake.
Her mouth formed an 'o' when she saw what we prepared for her. Tapos ay tumalon-talon siya at isa-isa kaming niyakap.
"Thank you, Ate!"
Naupo kaming lahat dun sa lamesa. Kahit si Papa ay umuwi nang maaga para makasali siya sa amin. Pinagsandok ko ang kapatid habang masaya siyang nagkukwento kanina na sinurprise din siya ng mga kaibigan niya. Si Sonny naman, walang ginawa kundi mang-asar at tinakot pa siyang babatuhin siya ng itlog mamaya.
"Selena, regalo ko..." Lulu slid an elegant-looking box across the table. Excited naman iyong kinuha ni Selena at binuksan. Mukhang mamahalin ang bracelet na iyon kaya kinurot ko agad si Lulu sa tagiliran. Tinawanan niya lang ako.
"OMG! Authentic Chanel ba 'to?! Salamat, Ate Lulu!" mukhang maiiyak na si Selena sa regalong natanggap.
"Pwede mo yang isangla, Sel. Samahan kita mamaya." Biro naman ni Ivo kaya nagtawanan kami.
Pagkatapos kumain ay tulong-tulong kaming tatlo na naghugas ng plato habang busy naman si Selena sa pakikipag-usap sa mga classmate niyang dumayo dito sa bahay.
"Ayain ko sana si Celeste kaso busy siya ngayon! Yung kambal naman, ayun may kaniya-kaniyang buhay. Si Avery, nasa Baguio." Pagbabalita ni Lulu habang busy kami sa lababo.
"Sabihin mo sa kanila, malapit na akong magtampo. Mga gagong yun. Antagal nang hindi nagpapakita, ah?!" angal naman ni Ivo.
Lulu smirked. "Diba mas okay yun, Ivo? Masosolo mo na si Raya?"
Kaagad akong lumayo kay Ivo dahil sa sinabi ni Lulu kaya malakas siyang tumawa. Si Ivo naman, winisikan ng tubig ang damit ni Lulu.
"Pinagsasabi mo, Luanne Rose."
Umuwi na ang dalawa pagkatapos naming maghugas. Nag-bring home pa si Lulu ng pagkain dahil na-miss niya daw ang luto ko. Ngiting-ngiti si Selena sa cellphone niya nung pumasok ako sa kwarto niya. Agad niya naman itong inilapag nang makita ako.
"Ate!"
I smiled at her and handed the box. Namilog ang mga mata niya.
"Gift ba 'to?"
Tumango ako. Agad na binuksan ni Selena ang box at malakas itong tumili nang makita ang album na binili ko para sa kaniya.
"Nananaginip ba ako?! OMG!" hinalik-halikan pa niya ang album at tumalon-talon. Kulang nalang ay luhuran niya ito. "The best ka talaga, Ate!"
I smiled and hugged my sister. "Happy birthday, Selena..." I whispered.
Nagpaalam na din akong papasok sa sariling kwarto para mabigyan siya ng privacy. Bago ko pa maisara ang pinto, tinawag niya ulit ako.
"Ate..."
Binalingan ko ang kapatid. She had a nervous expression on her face.
"Gusto ko lang sabihin na... alam ko nang maghihiwalay sina Mama at Papa."
Nagulat ako sa sinabi niya. Nagpasya kasi kami ni Papa na huwag na munang sabihin sa dalawa ang tungkol sa hiwalayan nila dahil baka mas lalong lumayo ang loob nila kay Mama at hindi na ito kausapin. Simula nung pinadalhan ni Mama si Selena ng cellphone, direkta nang tumatawag at kumakausap si Mama sa kaniya.
"Selena..."
Umiling-iling siya. "Ayos lang, Ate. Naiintindihan ko naman kung bakit. Baka kasi mabigat na din sa iyo na tinatago mo sa amin ni Sonny ang nalaman mo. Kinausap ako ni Mama."
Dahan-dahan akong tumango. "Sorry..."
She shrugged. "Ganun naman talaga, diba? Wala namang pag-ibig na pang-habangbuhay talaga. Siguro sa mga kdrama meron," she laughed sarcastically. "Pero dito... wala. Tanggap ko naman. Tsaka, sa tagal nang hindi umuuwi ni Mama, baka kapag bigla siyang nagpakita dito, hindi ko na siya makilala."
My shoulders dropped. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayon. This is the first time that she confided in me! Gusto ko siyang i-comfort pero mula noon hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong dapat kong sabihin.
"Salamat sa mga sakripisyo mo sa amin, Ate... sa pagpapaka-Nanay mo sa aming dalawa ni Sonny. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin kung wala ka."
Pumasok ulit ako sa kwarto niya at mahigpit siyang niyakap. There were no words to say. Alam kong ramdam niya kung gaano siya kahalaga sa akin sa mahigpit kong yakap na yun. I kissed her forehead.
"Matulog ka na... happy birthday." Bulong ko bago siya iniwan sa kwarto niya.
Ilang beses na bumisita sa amin sina Avery, Karlo, Yari, at Celeste sa sumunod na mga buwan, halatang bumabawi. Kung hindi kami sa bahay namin, dun naman kami sa bahay nina Lulu tumatambay lalo na kapag wala ang Daddy niya.
"Kokompletuhin ko na talaga ang simbang-gabi this year!" Celeste announced cheerfully. Nakaupo kami paikot pero hindi naman kami nag-iinuman ngayon. Kumakain lang kami ng chichirya at kung anu-anong nakuha namin sa kusina nina Lulu. "Nakaka-inspire mag-simba kapag Thomasian ka! Ang ganda ng simbahan namin, eh."
"Sama ako!" Avery begged.
"By partner simbang gabi, Avery. May boyfriend ka bang kasama?" she smirked. Hindi nakasagot si Avery sa kaniya.
Nung sinabi ni Celeste na sila na daw ni Ravi, lahat kami nagulat. Sino ba naman kasing mag-aakala na magiging nobyo niya ang lalaking iyon? Sobrang sikat na niya ngayon at ang laki din ng fans base niya. Halos lahat ng mga sumikat na movies ay siya ang kumakanta sa theme songs kaya mas lalo pa itong nakilala ng mga tao.
"Sure ka bang hindi mo ginayuma si Ravi?" pambubuska naman ni Karlo. "Parang ang hirap kasing paniwalaan na ano..."
"Na ano?" panghahamon ni Celeste at pinaningkitan siya ng mga mata.
Karlo laughed. "Wala. Parang yung mga movies lang, nagkakatuluyan yung fan atsaka idolo niya."
Umirap naman si Celeste. "Siyempre magkakatotoo yun sa akin! Ang ganda ko kaya!"
Napailing nalang si Lulu at natawa sa sinabi niya. Silang dalawa naman ni Kael, mukhang okay naman sila. Hindi naman nila dinadala ang mga boyfriend nila kapag nagkikita kami kaya wala pa akong lubos na kilala sa kanilang dalawa.
Hinatid ako ni Ivo sa amin pauwi pagkatapos namin kina Lulu. Gusto pa sana ni Lulu na mag-overnight ako dun kaso hindi naman pwede dahil hindi naman ako nagpaalam kay Papa at baka mag-alala lang yun.
"Anong wish mo, Raya?"
"Wish?" tanong ko kay Ivo habang naglalakad kami patungo sa kanto ng subdivision nina Lulu. Hindi niya dinala ang kotse niya ngayon at sa totoo lang, gusto ko ring maglakad ngayong gabi kaya mabuti na rin yun.
"Oo." Nilingon ako ni Ivo habang naglalakad kami. "Sabay tayong mag-simbang gabi? Kompletuhin natin." Nakangiti niyang wika.
Nag-isip ako saglit bago ko siya sinagot. Huli kong na-kompleto ang simbang-gabi nung nandito pa si Mama. Simula nun, sobrang nasasaktan na akong pumunta sa simbahan na hindi siya kasama kaya hindi na rin ako nagtangka pa. Hindi rin interesado ang mga kapatid ko na sumama sa akin kaya kung sakali, ako lang mag-isa.
"Sige..." I answered after a while. The thought of going to the church with him for nine days straight feels... nice. Isa pa, alam ko sa sarili ko na kailangan kong harapin ang mga bagay na kinalimutan ko noon pag-alis ni Mama.
"Nice," he chuckled. Nakasiksik ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng hoodie niya at mukhang giniginaw pa ito.
Tinapos namin ang natitirang araw bago ang Christmas break. Gaya ng napag-usapan namin, kokompletuhin naming dalawa ang simbang gabi. Nakapagpaalam na ako kay Papa at pumayag naman siya nang malamang si Ivo ang kasama ko roon.
"Mag-iingat kayong dalawa, ah?"
Tumango ako at kinawayan si Papa. Naghihintay si Ivo sa akin dun sa labas, nakatayo sa harap ng kotse niya. Dahil maginaw, naka-jacket ako at pantalon. Ganun din siya. Kulay na itim na t-shirt ang panloob niya at naka-cap pa.
"Hi." Bati niya sa mahinang boses.
Nginitian ko siya bago sumakay sa kotse niya. Sobrang tahimik ng paligid dahil alas kwatro pa ng madaling araw. Nag-desisyon kaming dun na sa dating simbahan na pinuntahan namin. The streets are cold and empty, but the church from afar is glowing with life. The saints were adored with lights to look ethereal for those who cared to look up. Mayroon pang malaking Christmas tree na puno ng LED lights sa gilid ng simbahan. Bukas din ngayon ang tindahan na nagtitinda ng mga kakanin.
"Andami ng tao, grabe..." bulong ni Ivo habang bumabagal ang pagmamaneho niya. Dagsa na nga ang tao at mukhang impossible na kaming makapasok sa loob. Siguro tatayo nalang kami sa labas at susubukang makinig sa misa. Sana may speaker sila o ano para maintindihan ko kung anong sinasabi ng pari.
Nahirapan pa si Ivo na i-park ang kotse niya dahil sa dami rin ng pumunta. Pagkababa namin ng kotse, lumapit kami dun sa simbahan at tumabi sa mga taong naroon sa may entrance nakatayo.
We did the basics while attending the mass and paid our respects. Tahimik lang si Ivo at nakikinig talaga sa sinasabi ng pari.
"Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo..."
Nakataas ang mga kamay namin habang kinakanta iyon. Hindi ko naman kilala ang nasa tabi ko kaya hindi ko hinawakan ang kamay niya pero si Ivo, hinuli yung akin at mahigpit akong hinawakan.
Napatingin ako sa kaniya.
"Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit..."
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakawak siya sa kamay ko. Ipinikit ko nalang ang mga mata dahil pakiramdam ko magkakasala pa ako nito. Hindi ako makapag-concentrate!
His hands feel so warm with mine. For some reason, it feels like coming home. Pamilyar na pamilyar ang kamay ko sa kaniya. I am starting to feel nostalgic for something that never even happened to me before.
Hanggang matapos ang Ama namin, hindi binitawan ni Ivo ang kamay ko. I felt comfortable holding his hand so I let him. Pasulyap-sulyap ako sa kaniya pero talagang nakikinig siya sa misa kaya pinilit ko nalang din ang sarili kong makinig hanggang sa matapos iyon.
"Ivo..." tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami. Dagsa ang mga tao palabas at nabubunggo-bunggo pa ako dahil iyong iba ay mga batang nagtatakbuhan.
"Hmm?" nilingon niya ako.
"Uhm... yung kamay ko..." nahihiya kong wika sa kaniya.
His eyes widened a bit. Napatingin kaagad siya sa kamay naming magkahawak at kaagad itong binitawan na para bang ngayon lang sumagi sa isip niya na magkahawak-kamay kami sa buong misa!
"Ay, gagi—" he grunted. "Ano ba yan, katatapos lang ng misa tapos nagkasala ulit ako."
I chuckled, rubbing my hand. Itinuro ko iyong tindahan ng kakanin.
"Gusto mong kumain ng bibingka?"
"Oo ba!"
Sumunod ako sa kaniya dun sa tindahan. Puto bungbong ang in-order ni Ivo habang bibingka naman yung sa akin. Dalawang maliit na kahoy na upuan lang ang meron dun at may nakaupo na kaya nakatayo nalang kaming dalawa habang kumakain.
We could still hear the choir singing from here. Mag-aalas singko na ata ng umaga. It felt so magical even when I was just eating a simple bibingka. Para akong ibinalik sa masasayang memorya ko noon kasama si Mama.
"Ang sarap nito, Raya. Dalhan natin ang mga kapatid mo,"
Tumango ako at nagpabalot para sa pamilya ko. Nung makasakay na ako sa kotse ni Ivo, saka pa ako tinablan ng pagod. I yawned. Babagsak na ata ang mga mata ko anumang oras.
Nang makarating kami sa bahay, inaya ni Papa si Ivo sa loob. Nakapagsaing na pala siya at may ulam na rin. Nagpaalam ako sa dalawa na mauna na sa kwarto ko at hindi muna ako kakain ng agahan. Sobrang late ko na kasing natulog kagabi at maaga pa akong nagising kaya kulang na kulang ang tulog ko.
Hapon na ata ako nagising. Kaagad akong nag-panic dahil hindi ko alam kung nakakain na ba ang mga kapatid ko. Inalis ko ang kumot at dali-daling lumabas. Muntik na akong mapasigaw nang makitang natutulog si Ivo sa sofa namin.
"Anong ginagawa ni Ivo dito?" tanong ko kay Sonny na kakapasok ng bahay. Pawisan ito at may hawak na bola.
"Ah, hindi na pinauwi ni Papa. Matulog daw muna dito kasi inaantok siya kanina. Delikado daw mag-drive ng inaantok."
Napabuntong-hininga ako. Ang galing naman ng mga kapatid ko, ni hindi man lang siya binigyan ng unan! Nakatakip ang braso niya sa mga mata at nakatupi din ang mga tuhod dahil masyado siyang matangkad para sa sofa namin. Pumasok ako sa loob ng kwarto at kumuha ng unan.
I squatted in front of him, trying to figure out how to place the pillow. Malamang mangangawit 'to kapag nagising! Dahan-dahan kong hinawakan ang ulo niya para sana iangat ito kaso bigla siyang nagising.
His eyes were wide when he saw me. Pati ako rin nagulat dahil sa biglaan niyang paggising at sobrang lapit din ng mga mukha namin sa isa't isa!
"Uh... u-unan..." nauutal ko pang wika saka ibinigay sa kaniya ang unan para matakpan ang paningin niya sa mukha ko.
Bumangon si Ivo at itinabi ang unan, nakatingin pa rin sa akin. He chuckled while running his fingers through his hair.
"Napasarap ata ang tulog ko..."
"Oo, kuya! Parang humihilik ka pa nga kanina, eh!" sigaw ni Sonny mula sa kusina na nakatingin pala sa aming dalawa.
"Hoy, hindi ako humihilik, ah!" depensa kaagad ni Ivo.
I chuckled. Mukhang hindi na niya kakailanganin itong unan. Kailangan na din niyang umuwi dahil baka magtaka yung Lola niya na inabot na siya ng hapon sa simbang-gabi.
Nagpaalam na si Ivo sa amin at umalis na. Ako naman, ginawa ko na yung mga gawaing-bahay na napabayaan ko kanina habang natutulog. Hindi ko rin papagurin nang husto ang sarili dahil magsisimbang-gabi ulit kami mamaya at nakaka-guilty na iyong bibingka lang ang nasa isip ko habang nasa misa.
Nasa kama ako at nagbabasa ng libro nang biglang mag-ring ang phone ko. Akala ko si Lulu o Ivo ang tumatawag kaya napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Lenard sa screen. Nagpalitan kasi kami ng numbers pero ngayon ata ang unang beses na tumawag siya sa akin.
"Hello?" alanganin ko pang sagot habang nakaupo sa kama.
"Raya!" masaya ang boses nito na para bang hindi niya inaasahang sasagutin ko ang tawag niya.
"Lenard... anong meron?"
"Ah, wala. Busy ka ba ngayon?"
Tumingin ako sa kwarto ko. Nakapaglinis naman na ako kaya walang kalat. Wala na akong ginagawa at dahil Christmas break naman, wala din akong acads na inaasikaso.
"Hindi naman..."
"Gusto mong kumain sa labas?"
I bit my lower lip. I couldn't say no to him. How could I? Pagkatapos ng lahat ng naitulong niya sa akin noong high school pa lang kami... hanggang ngayon. Isa pa, tinuturing ko din na kaibigan si Lenard.
"Sige, bihis lang ako. San ba tayo magkikita?"
Ang sabi niya ay doon daw kami sa Food Park, malapit sa dagat. Alam ko naman kung saan yun kaya hindi na ako nagpasundo sa kaniya kahit na nag-alok ang lalaki.
I changed into a simple white blouse and a black skirt. Hapon na ngayon kaya hindi mainit lumabas. Okay lang din na ma-late ako dahil mamayang madaling araw pa pupunta dito si Ivo.
"O, Ate! May date ka na naman?!" pang-aasar sa akin ni Sonny habang inaayos ko ang sling bag palabas.
Hindi ko pinansin ang hirit niya. "Mag-saing ka mamaya kapag hindi pa ako nakauwi ng alas sais. Ako na ang magluluto ng ulam." Bilin ko sa kapatid saka lumabas ng bahay.
Nag-tricycle lang ako papunta doon dahil hindi naman kalayuan ang food park sa bahay namin. Marami ng tao at marami ring stalls ang nakatayo. Ganitong oras dumadagsa ang mga tao dito dahil maganda ang view ng sunset at mura lang din ang pagkain. Kaagad kong nakita si Lenard na nakaupo sa sementong upuan at tahimik na nanunuod sa mga tao.
Nginitian ko siya nang magtagpo ang mga mata namin.
"Hi."
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya kaagad sa akin habang naglalakad-lakad kami. Ang dami kasing mapagpipilian dito.
"Mag-barbeque nalang tayo."
Tumango si Lenard at hinila ako dun sa mga stall ng nagtitinda ng barbeque. Um-order kami at naupo. Plastic ang upuan nila kaya lumulubog ito sa buhangin kapag gumagalaw. Kahit na ganun, maganda pa rin ang ambiance ng lugar. I turned to the beach and the sun slowly setting into the horizon.
"Ang ganda dito 'no?" hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit sa napakatagal na panahon, hindi ko magawang mahalin ang Elyu. Siguro dahil sa napakaraming masasamang memorya na dinulot nito sa akin, lalo na nung bata pa ako. Siguro dahil nakita ko ang determinasyon ni Mama na umalis dito, na para bang may mas maganda pang tanawin sa ibang lugar bukod dito.
"Maganda nga..."
Nginitian ko si Lenard. But while I was looking at him, all I could imagine is Ivo in front of me. Alam ko kung siya ang kasama ko, hihirit na naman siya. Baliw na baliw siya sa Elyu eh. Kahit na hindi ko aminin, isa siya sa mga rason kung bakit unti-unti ko na itong natututunang mahalin ulit.
Gaya ng dati, tungkol sa chess ulit ang topic namin ni Lenard habang kumakain. Wala naman kaming ibang mapag-usapan kaya iyon nalang. Kumain din kami ng kwek-kwek at Betamax bago kami naglakad-lakad. Bumili din ako ng kape na nasa paper cup nang makakita. Everything looks like a painting, coated with a soft orange glow of the sun.
Nang tuluyan nang lumubog ang araw, ako na mismo ang nag-aya na umuwi. Kailangan na ako sa bahay ngayon.
"Ihahatid na kita!"
"Huwag na. Malapit lang naman ang sa amin."
Parang hindi mapakali si Lenard kaya kalmado muna akong tumayo at hinintay kung may sasabihin ba siya o ano.
"Ayos ka lang?"
Umiwas siya sa akin ng tingin kaya nilapitan ko ang lalaki.
"Lenard?"
"May sasabihin ako sa iyo."
"Ano?"
Humugot ng malalim na hininga si Lenard at tinitigan ako sa mga mata. "Gusto kita."
I smiled at him. Yun lang pala.
"Gusto din kita—"
"Hindi bilang kaibigan, Sereia."
Ibinaba ko ang tingin sa kape. The dark liquid swirled gently in my hands.
"Anong sinabi mo?" tanong ni Ivo sa akin habang magkatabi kaming dalawa. Tapos na ang misa kaya kumakain ulit kami.
Sinimsiman ko muna ang iniinom na kape. Ikinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari sa aming dalawa ni Lenard kahapon.
"Nawalan ata ako ng kaibigan, Ivo..." I whispered.
He stiffened in his seat. "Basted...?"
I nodded. "Pakiramdam ko, tinraydor niya ako. Antagal na naming magkaibigan, eh. Tapos biglang gusto niya pala ako... higit pa sa isang kaibigan. Kung babalikan ko ang mga taong magkaibigan kaming dalawa, hindi ko alam kung alin dun sa mga ginawa niya ang ginagawa niya lang bilang kaibigan ko at higit pa roon."
Ivo went silent. Halos hindi na niya ginalaw ang bibingka na binili niya. Inubos ko ang iniinom na kape at inilapag ang kulay brown na mug sa lamesa. Sinwerte ata kami ngayon dahil nakahanap kami ng mauupuan pagkatapos ng misa.
"Atsaka, andami-dami ko pang iniisip sa bahay. Malalaki na ang mga kapatid ko pero pakiramdam ko, mas kailangan ko silang pagtuonan ng pansin ngayon. Kailangan kong magpaka-Nanay sa kanila sa mga panahong ito. Kailangan kong kumustahin palagi si Papa dahil hindi ko alam kung hanggang kailan siya magpapanggap na okay lang siya sa mga nangyayari. Ayokong pumasok sa isang relasyon na ganito pa ang sitwasyon ko."
Ivo nodded. "Tama. Magkakasakit ka lang ng tao."
I gave him a shaky smile. "Pwede naman siguro akong gumraduate ng college ng hindi nagkaka-boyfriend, diba? Hindi naman yun pre-requisite sa graduation." Biro ko pa.
Ivo barely laughed. Pinaglaruan niya lang iyong dahon ng saging na ginamit pambalot sa bibingka.
"Anong mangyayari sa inyo ngayon... ni Lenard?"
I shrugged. "Wala. Sira na ang pagkakaibigan namin. I don't want to be cruel by still communicating and seeing him after confessing that he has feelings for me. Ako na mismo ang didistansiya para makapag-move on siya nang payapa."
"Kahit kailan... hindi ka nagkaroon ng feelings sa kaniya?"
I turned to him and smiled. "Gaya lang yan ng sinabi mo sa akin noon, Ivo. Pwedeng maging magkaibigan ang lalaki't babae na hindi nilalagyan ng malisya. Lenard is nothing but a friend... sadly, he ruined our friendship."
Malalim na bumuntong-hininga si Ivo. "Wew. Nakakakaba naman yan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong nakakakaba dun? Magco-confess ka rin ba?" biro ko sa lalaki.
"Huh? Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun?!"
I smiled at him. "Pero kung may nagugustuhan ka ng babae... kung ayos lang sa iyo, sabihin mo sa akin, ah? Ayoko kasing mapagbintangan ulit na nang-aagaw ng boyfriend. Alam kong natural lang na tayong dalawa ang palaging magkasama dahil tayo nalang ang naiwan sa Elyu pero hindi naman ibig sabihin na hindi ka na titingin sa ibang babae. Ang dami pa namang nagkakagusto sa iyo."
Tumawa lang si Ivo. "Hindi ko naman sila gusto."
Inirapan ko ang lalaki. Minsan, napaka-barombado niyang kausap! Sana lang hindi niya 'to sinasabi talaga sa mga babaeng nagkakagusto sa kaniya dahil ang sakit nun! In fact, I couldn't imagine the pain that I caused to Lenard. He might be even loathing me for all I know.
"Bakit kasi nagkakaaminan pa? Magkaibigan nga, eh..." I sighed and stretched my legs.
Tumawa si Ivo. "Tama, tama. Ekis yang mga yan."
Sa sobrang dalas ni Ivo sa bahay, iniwan na namin ang susi sa bulaklak sa balcon dahil alam naming pupunta siya. Minsan ay pinapasok pa ako sa kwarto dahil natatagalan ako ng gising.
"Last simbang gabi na 'to! Woo!" pagdidiwang niya pagkatapos naming mag-park, at naglalakad na ngayon papunta sa simbahan.
Mas dumami ata ang mga tao ngayon, siguro dahil ito na ang huling simbang-gabi. I felt a sense of satisfaction knowing that I have completed the nine masses. Hindi naman yun mangyayari kung wala si Ivo.
"Anong plano niyo ngayong Pasko?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam kung sila lang ba dalawa ng Lola niya sa bahay. Gusto ko sana siyang ayain sa amin kung ganun.
He shrugged. "Umuwi naman ang parents ko. Nandun sila sa bahay last week pa."
Tumango ako. Di bale, sa susunod na pasko nalang.
Gising na gising ang diwa ko sa misa de gallo. Pagkatapos ng misa ay may mga bata pang nakapang-anghel na costume ang kumanta kaya feel na feel talaga ang pasko. Ang gandang pakinggan ng himig nila na sumasabay sa malamig na hangin. I smiled to myself and glanced at Ivo. Kahit na malabong makasama ko ulit si Mama sa ganito, masaya akong siya naman ang nasa tabi ko ngayon.
"Anong wish mo?" tanong sa akin ni Ivo. Kilala na ata kami ng nagtitinda dito ng bibingka sa dalas namin. Yun lang kasi ang binibenta malapit sa tindahan kaya yun din ang kinakain namin.
"Wish?"
"Oo. Na-kompleto mo ang simbang gabi, eh." Ani ivo.
"Ganun pa rin," I shrugged. "Wala naman akong maisip na ibang wish."
"Gusto mo pa ring umuwi ang Mama mo?"
Tumango ako nang dahan-dahan saka ko siya nilingon. "Ikaw? Anong wish mo?"
He smiled at me. "Ganun pa rin..."
I waited for him to continue. Inalis ni Ivo ang tingin niya sa akin.
"Sana walang magbago. Gusto pa rin kitang makasama sa susunod na Pasko... pati na rin ang mga kaibigan natin. Sana ganito tayo palagi dahil naging parte ka na ng buhay ko."
-
#HanmariamDWTWChap21
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro