Chapter 2
"Pucha, Ivo, anong ginagawa mo dito?!"
"I miss you too, Lulu," Ivo chuckled.
"Ang tigas talaga ng ngala-ngala mo! Bakit ka narito, ha?! Sumunod ka talaga sa Elyu?!" Lulu hissed. She's glaring at Ivo like she's ready to lunge at him at any minute.
"Aray, Lulu. Ganyan mo ba talaga babatiin ang boy best friend mo?"
"Boy best friend mo, mukha mo!"
Kanina pa palipat-lipat ang galaw ng mga mata ko sa kanilang dalawa. Nagtatalo kasi sila at nasa gitna ako kaya kahit gusto kong manahimik, wala naman akong magawa! Rinig na rinig ko ang pagtatalo nila habang may sinusulat ang guro namin sa black board.
Magkakilala pala sila... at mukhang matalik na magkaibigan din.
It's my first time to hear Lulu curse. She's the peaches and cream type of girl and I never expected her to curse like that. Hindi naman siya mahinhin, pero hindi mo pa rin mai-imagine na nagmumura pala siya.
I forced myself to look down on my notebook. Kinokopya lang namin ang isinusulat ni Ma'am sa black board. Nagbabangayan pa rin ang dalawa pero humupa na ito. Napatalon ako sa gulat nang maramdaman kong may tumutusok sa siko ko damit ang dulo ng ballpen.
"Psst, seatmate." Ivo whispered.
I turned to him and I almost forgot how to breathe when I saw how close his face is. He's leaning into me and I could see his face clearly. Sobrang kinis ng balat na para bang hindi pa ito dinapuan ng tigyawat sa tanang buhay niya! His hair is messy, but it looked so soft and designed to tempt any girl to ran her fingers through his hair and fix it. May nahuhulog pang bangs sa mga mata niya habang nakatingin siya sa akin.
"Ano..." I trailed off.
"May extra kang ballpen?" ipinakita niya sa akin iyong ballpen na ginamit niya pang-sundot at pinindot-pindot ang pang-click nito. "Hindi na sumusulat itong sa akin, eh."
"Sereia ang pangalan niya, hindi seatmate," Lulu scolded, rummaging through her bag. "Atsaka next time, magdala ka ng extra mong ballpen. Hindi iyong inaabala mo ang iba. Oh!"
Ngumisi si Ivo at tinanggap ang ballpen mula kay Lulu. His hand was so close to brushing against my chest when he accepted the pen. Ako lang ata ang nakapansin noon at sobra akong nanigas sa kinauupuan. Ivo looked at me innocently when he had the pen.
"Ayos ka lang?"
I nodded again and looked away. Bakit ba ganito ang iniisip ko?! Hindi naman iyon intensiyonal at nasisiguro kong wala siyang ideya noon. Parang gusto ko nalang makipagpalit sa kaniya ng upuan para malaya niyang nakakausap si Lulu.
Nang sumapit ang lunch ay hinila ni Lulu ang collar ni Ivo at lumabas silang dalawa. Nagbulungan kaagad ang mga kaklase ko, lalo na iyong mga babae na nag-aabang pa talaga at gustong makausap sana si Ivo.
Napailing nalang ako at nilabas ang baon ko. Lumabas na din ang mga kaklase ko at ang natira nalang ay grupo ng mga babae na pinaikot ang mga upuan nila at kumakain din ng baon. Hindi ko naman kabisado ang pangalan nila, pero alam kong magkakaibigan din sila simula elementary kaya close sila ngayon. May dalawang babae pa nga na galing kabilang section at tumawid lang dito para sabay silang mag-lunch.
I stared at my food, thinking. Bakit ako, walang kaibigan? Ah, siguro dahil masyado akong abala sa pag-aalaga ng mga kapatid ko nun na nawalan din ako ng oras para sa sarili ko. Pagkatapos ng klase, diretso uwi. Magluluto, maglilinis, atsaka maghuhugas ng plato. Hindi naman namin kayang kumuha ng katulong kaya ako ang sumalo sa lahat.
Kumakain ako mag-isa nang makarinig ng upuang hinihila patungo sa gawi ko. Nag-angat kaagad ako ng tingin at nakita si Celeste, iyong muse namin na patungo sa akin. Kasali siya dun sa grupo ng mga babaeng magkakaibigan kaya laking gulat ko nang huminto siya sa harapan ko.
"Sabay tayong kumain, okay lang?"
I nodded hesitantly. Sinulyapan ko iyong mga kaibigan niya at lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Katabi mo si Ivo kanina, diba?" tanong niya kaagad habang nilalabas ang baunan niya.
Tumango lang ako.
Ngumisi naman si Celeste. "Mabango ba? Ang gwapo niya, no? Balita ko, taga-Ateneo siya. Magkaibigan ba sila ng president natin?"
Sunod-sunod ang mga tanong niya at hindi ko alam kung anong uunahin. A part of me is hurt because she must've gone over here just to talk about Ivo. Eh kanina ko lang naman nakilala ang lalaki kaya wala din akong matinong maisasagot sa kaniya!
Celeste laughed upon seeing my reaction. "Don't worry. Hindi ko naman crush si Ivo. May gusto akong iba," her eyes twinkled.
"Ah..." hindi ko pa rin alam ang isasagot ko.
"Guys, dito kayo! Hindi siya nangangagat!" biglang sigaw ni Celeste. Excited naman na nagsilapitan ang mga kaibigan niya at pumalibot na din sa akin.
"Buti nalang kinausap ka ni Cel, Raya..." komento ng isa kong kaklase habang kumakain kami. "Akala namin ayaw mo talagang makipag-usap sa mga tao, eh."
I chewed slowly, getting conscious with their looks.
"Hindi naman..."
"Tsaka, Raya, nai-intimidate sila sa iyo! Ang ganda mo kasi, pero sobrang tahimik mo. Parang bawal kang kausapin! Okay lang bang tawagin kitang Raya, o Sereia talaga?"
My eyes widened a bit. Iyon ba... ang tingin nila sa akin? Hindi ko naman sinasadya. Tsaka, hindi rin ako nagsasalita kapag hindi ako kinakausap kaya ganun.
"Raya nalang..."
"Call me Cel," Celeste quipped again. I turned to her. Bagay talaga siyang muse dahil maganda ang mukha at ang katawan niya. Tuwid na tuwid ang itim na buhok atsaka natural na kulay rosas ang mga labi. Kinulang lang siya ng height pero bawing-bawi naman sa iba. Atsaka, sumasayaw din siya at ang ganda niyang tingnan sa entablado. Nakita ko siya noong first day of school sa flag ceremony, sumasayaw kasabay ang iba niyang ka-grupo sa Tanikala.
Akala ko puro si Ivo lang ang pag-uusapan habang kumakain kami pero hindi naman. Tinanong-tanong nila ako tungkol sa akin, kung saan ako nag-elementary at kung bakit ang tahimik ko. Sinagot ko naman sila sa makakaya at inaya pa nila akong kumain ng street foods sa labas pagka-uwian.
"Susunduin ko ang mga kapatid ko, eh,"
"Ay, sayang naman! Ilang taon na ba ang mga kapatid mo, Raya? May pictures ka? Patingin!" excited na sabi ni Cel sa akin.
Inilabas ko ang phone ko at ipinakita ang lockscreen sa kanila. Picture namin yung tatlo nina Selena at Sonny sa bahay. Pasko noon at sa likuran namin ay Christmas tree. Mayroon ipinadalang balikbayan box si Mama kaya may matino kaming suot noong araw na iyon. Si Papa naman ang nagpumilit na magpakuha daw ng litrato para may remembrance kami nung araw na yun.
"Guys, tingnan niyo, ang gaganda at gwapo din ng mga kapatid niya! Grabeng genes naman yan!" ipinakita ni Cel ang phone ko sa iba kaya bahagya akong nahiya.
Totoo ngang magkakamukha kami ng mga kapatid ko. Pareho kami lahat na mapuputi ang mga balat at kulot ang buhok. Sa akin ay may pagka-wavy lang. Si Selena naman, parang buhok ni Mama. Kulot mula dulo kaya minsan ay inaasar siyang Marimar ng mga kaklase niya. Hindi naman siya nasasaktan kasi bata pa nga, at sinasabi din sa aking compliment iyon dahil maganda naman talaga si Marimar.
"Parang manika, beh! Nagsasalita pa ba 'to?"
Natawa nalang ako at kinuha ulit ang phone ko. Nang mag-ring na ang bell ay nagpaalam iyong dalawa nilang kaibigan na babalik na sa classroom nila. Inayos namin ang mga upuan at bumalik na. Nakita ko agad sina Ivo at Lulu na naglalakad pabalik sa classroom. Mukhang bati na sila dahil inaasar-asar na siya ng lalaki.
"Hi, Raya! Nag-lunch ka na?" bati kaagad sa akin ni Lulu.
Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Hindi ko talaga alam kung anong mapapala ni Lulu sa pagiging mabait sa akin pero hindi naman ako nagrereklamo. I thought high school is going to be a hell for me but she's making it easier. Sobrang grateful na ako dun.
"May roleplay daw kayong gagawin? Sali ako sa grupo niyo!" biglang sabi ni Ivo kaya napalingon ako sa kaniya.
"Hindi, wala na, Ivo! May character na ang lahat."
"Pwede naman akong puno, ang tangkad ko kaya," biro pa niya at binalingan ulit ako. "Ikaw ang nagsulat ng script, diba? Eh, di ikaw ang direktor? Sali ako, ah?"
"Uh..." I turned to Lulu but she just rolled her eyes and nodded. Siya na lang daw ang magpapaliwanag kung bakit ngayon ay pito na kami sa grupo.
Nung pumasok na ang Filipino teacher namin ay kinausap agad siya ni Lulu pero hindi rin naman kami pinayagan. Sobra na daw kami kaya sa ibang grupo nalang ibibigay si Ivo. Napunta siya doon kina Celeste at impit ang tilian ng mga babae niyang ka-grupo. Si Ivo naman ay natatawa lang na pumunta doon at naupo sa kanila.
"Hindi ko gusto iyong Ivo na yun, ang yabang ng dating," Jed remarked carelessly, not knowing that he is best friends with Lulu.
Tumaas naman ang kilay ni Lulu sa sinabi niya. "Mayabang? Paano mo nasabi?"
"Hindi ko alam," he shrugged, while scanning the script I wrote yesterday. "Hindi naman siya kagwapuhan pero pinagkakaguluhan ng mga babae. Ewan ko ba."
I wanted to protest but I held my tongue. Maling-mali na siya doon sa parte na hindi siya kagwapuhan. Ivo might be one the most handsome guy I've seen in real life, except from the celebrities I watch on TV. Para nga siyang artista, eh! Pero hindi naman kami close at ayokong ipagtanggol siya kasi baka magtaka sila.
Lulu just laughed and said nothing. Mukhang alam niyang wala namang kwenta ang sinasabi ni Jed at hindi nalang pinansin. Perhaps he said it out of insecurity. Siya kasi ang prince charming sa room namin at itinuturing na gwapo ng karamihan. Malakas ang sex appeal niya pero iyon lang. Ang samang pakinggan pero gusto kong ibalik sa kaniya ang sinabi niya na siya rin... hindi kagwapuhan.
Nag-practice kami sa quadrangle para sa roleplay namin. Iyong iba naman, busy na sa pagsusulat sa manila paper ng report nila. Natunugan din namin na magro-roleplay iyong grupo nila Celeste, at si Ivo ang gagawin nilang Florante! Jed looks bothered, but he did not say anything. Nag-practice lang siya ng mga linya niya at minsan ay pinapaiksi pa sa akin ang mga dialogue kasi raw mahirap i-memorize ang iba.
"Lulu!" bigla na namang sumulpot si Ivo habang nagpa-practice kami. Napatingin tuloy ang lahat sa kaniya. Ngumiti siya at naupo doon sa sementong upuan, tabi ni Lulu. "Tapos na kayo?"
"Kita mong nagpa-practice pa?" she rolled her eyes.
"Ang highblood mo, te." Hinagod-hagod pa ni Ivo ang likod ni Lulu pero mahina niya itong sinampal palayo. Tumawa ulit si Ivo at napatingin sa akin.
"Sayang, hindi ako naging puno dito. Pero okay lang dahil Florante naman ako doon sa bago kong grupo," sabi niya habang nakatingin sa akin.
Lumingon-lingon ako para siguruhing ako ang kausap niya. Wala namang tao sa likuran ko kaya itinuro ko ang sarili, nagtataka.
Ivo chuckled. A deep, manly chuckle that is illegal for someone young like him! Tumindig ata ang balahibo ko sa narinig. Bakit ganun kalalim ang boses niya?
Tumayo si Ivo at lumapit sa akin, saka ginulo ang buhok ko.
"Ikaw ang kinakausap ko, Sereia. Cute mo." Aniya.
"Ah, pare, pasensiya na pero nagpa-practice pa kasi kami. Pwedeng mamaya na yan?" agad na sabat ni Jed at hindi man lang itinago ang iritasyon sa boses niya.
Ivo nodded, still grinning boyishly. "Kita nalang tayo ulit sa classroom," sabi niya at tinapik-tapik ang balikat ko.
Lumapit kaagad ang babae kong ka-grupo sa akin, nanlalaki ang mga mata.
"Close kayo, Sereia?"
Agad akong umiling at napatingin kay Lulu. Kinakausap niya lang naman ako kasi kinakausap ako ni Lulu! Iyon lang yun. Atsaka, timing pa na magkatabi kami ng upuan kaya normal lang na magka-usap kami. Pero iyong pananalita niya kasi sa akin ay parang ang tagal na naming magkakilala kaya hindi ko rin masisi kung ganun ang dating sa iba.
Hindi ko nalang siya inisip at nagpatuloy kami sa pagpa-practice. Nang matapos na ang Filipino period ay agad din kaming bumalik sa classroom namin. Nakaupo na dun si Ivo pero pinapalibutan na siya ng mga lalaki kong kaklase at nagtatawanan pa sila. May nakaupo doon sa upuan ko kaya nagdadalawang-isip ako kung paaalisin ko ba o hihintayin ko ang history teacher namin na pumasok para umalis na siya?
Nagtama ang mga tingin naming dalawa ni Ivo. He whispered something to the guy on my seat. Napalingon din ito sa akin bago tumayo at lumipat nalang ng upuan. Bahagya tuloy akong kinabahan. Ano kayang sinabi niya dun sa kaklase namin?
Walang imik akong naupo at dumukdok sa arm chair ko. Magkukunwari nalang siguro akong natutulog. Hindi pa kasi pumapasok si Lulu dahil nasabit sa kaibigan niyang taga-ibang section kaya ako lang mag-isa ngayon ditong babae sa likuran.
"Bakit ka lumipat dito, Ivo? Ateneo ka pala!"
"Ah, may sinusundan lang."
"Si Luanne? Mag-syota ba kayo ni President?" natatawang tanong ng isa niyang kausap.
"Hindi. Best friend ko yun."
"Eh ano?"
Hindi na nakasagot si Ivo dahil bigla nang pumasok ang history teacher namin. Kaniya-kaniya naman silang balik sa upuan nila. Si Lulu ay nagmamadaling pumasok at naupo sa tabi ko. She caught me staring at her and smiled. Nginitian ko din siya pabalik.
Pagkatapos ng klase ay niligpit ko na agad ang mga gamit ko at lumabas ng classroom. Nag-abang kaagad ako ng tricycle sa gate ng eskwelahan namin patungo sa elementary. Dahil labasan na din ng mga estyudante, puno iyon at nag-aagawan pa sa tricycle. Nag-cellphone nalang muna ako at hihintaying humupa ang mga pasahero bago ako sumakay.
"San ka?"
"Sa San Juan elementary—" natigilan ako dahil akala ko tricycle driver ang nagtatanong sa akin pero pag-angat ko ng tingin, si Ivo pala. Bahagya siyang nakayuko at sinisilip ang mukha ko kaya napaatras ako sa sobrang gulat.
Ivo chuckled. "Masyado kang nerbyosa, ah? Bawasan mo ang kape mo,"
"Uh..." lumingon-lingon ako para hanapin si Lulu pero hindi naman niya kasama. "Nasaan si Lulu?" tanong ko nalang.
"Sinundo na ng tatay niya. Dadaan ka ng San Juan elementary school? Malapit lang dun ang bahay ko. Sabay na tayo?"
Gusto ko sanang tumanggi kasi hindi ko alam pero sobrang kinakabahan ako sa presensya niya. Wala naman akong magawa kundi tumango nalang. Baka sabihin nito, snob ako. Nagsisimula na akong magkaroon ng kakilala sa classroom kaya ayaw kong may kumalat ulit na tsismis na hindi ako namamansin ng mga kaklase.
Tumango ako at hinayaan si Ivo na maghanap ng tricycle para sa aming dalawa. Agaw atensyon siya sa ibang pasahero kaya naman pinagtitinginan. Nang makakuha siya ng tricycle ay tinawag niya kaagad ako.
"Sereia, tara!"
I nodded and marched towards him, but it felt like the entire world is watching me when they saw I was walking towards Ivo. Parang biglang umatras ng mga paa ko at huwag nalang pumunta sa kaniya dahil malamang sa amin sila nakatingin. Yumuko nalang ako para hindi kita ang mukha ko at kaagad na pumasok doon sa tricycle. Tumabi naman si Ivo sa akin at umandar na iyon.
"Anong gagawin mo sa elementary school?"
"Susunduin ko ang mga kapatid ko," tipid kong wika.
"Wow, may kapatid ka pala?" mangha niyang tanong na para bang ngayon lang siya nakakilala ng taong may mga kapatid.
Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa.
"Kinausap ako ni Cel kanina, gusto ko ba daw sumali sa basketball team? May kakilala daw siya roon na pwede akong isali."
Tumango ulit ako. Pakiramdam ko nagsasalita lang siya para walang dead air sa aming dalawa. Wala rin naman kasi akong sinasabi at ilang minuto pa bago kami makarating doon sa elementary school.
"Hindi naman basketball ang sport ko."
Umangat ang kilay ko sa sinabi niya. Ang tangkad niya, ah, tapos hindi siya nagba-basketball? Sayang naman.
Ivo laughed upon seeing my reaction. He leaned closer, whispering. "Gusto mong malaman?"
Pakiramdam ko sasabog na ata ang puso ko sa bigla niyang ginawa. Napakurap-kurap ako at inilayo ang sarili sa kaniya. Ivo quickly withdrew himself and grinned at me.
Wala na siyang sinabi pa pero pangiti-ngiti siya sa akin hanggang sa makarating kami sa elementary school. Nagbayad kaagad ako at bumaba. Si Ivo ay ganun rin. Nakatingin siya sa akin ngayon habang naglalabasan naman ang mga estyudante at ang iba'y sundo pa ng Mama nila. Medyo kumirot ang puso ko sa nakita. Baka gumraduate nalang si Selena sa elementary nang hindi nararanasang masundo ni Mama.
"Uh... una na ako," ani ko, sabay turo doon sa gate.
Sumilip-silip pa si Ivo at tumango. Kinawayan niya ako habang papasok ako dun sa loob. Hindi ako lumingon hanggang makarating ako sa corridor nila. Diretso kaagad ako sa classroom nina Selena. Naroon siya at nakikipag-tsismisan sa iba niyang mga kaklase na naghihintay rin ng sundo nila.
"Ate!" she jumped from her seat and cheerfully walked towards me.
I smiled and patted her head. Sunod kong sinundo ay si Sonny. Naabutan ko pa siyang nakikipaglaro ng basketball sa mga kaklase niya kaya hinintay nalang naming matapos. Wala rin naman akong gagawin kaya ayos lang na malate ako nang kaunti sa bahay.
"Gusto mo ng gulaman, Sel?" tanong ko sa kapatid.
Tumango naman siya at nagpunta kami doon sa nagtitinda ng sago't gulaman. Nang makabili ay bumalik ulit kami sa gym at naupo habang umiinom. Tahimik lang ako habang nagkukuwento si Sel sa akin tungkol sa naging araw niya. Patango-tango ako habang ang mga mata'y nakasunod sa mga galaw ni Sonny sa gym. Ang harsh nilang maglaro, ah? May nagtutulakan pa para maagaw iyong bola. Foul yata iyon pero wala namang nagbabantay kasi nga laro-laro lang kaya nagagawa nila kung anong gusto nila.
"Sereia!"
Nag-angat ako ng tingin at nanlaki ang mga mata nang makitang naglalakad papalapit si Ivo at Lulu sa aming dalawa. Naka-uniform pa din si Lulu pero si Ivo naman, naka board shorts at itim na shirt. May bitbit siyang malaking kulay blue at puting surf board sa isang kamay. Wala na din ang suot niyang relo sa braso.
"Hala, siya ba yung kapatid mo? Ang ganda, Sereia!" bulalas ni Lulu habang papalapit sa aming dalawa. Mukhang natakot ata si Selena dahil napakapit pa siya sa blouse ko.
Tuluyan nang lumapit si Lulu at nag-squat sa harapan namin para ka-level sila ng kapatid ko. Kumaway pa siya.
"Hi! Anong pangalan mo?"
"Se...le...na..." putol-putol pa iyong pagkakasabi niya dahil nahihiya.
"Ganda ng pangalan mo, ah? Bagay sa iyo. Ako si Ate Lulu, kaibigan ng ate mo," pakilala niya at inilahad pa ang kamay.
Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Kaibigan? Hindi ko alam na iyon na pala ang tingin niya sa akin. Wala naman kasi siyang sinasabi at basta nalang akong kinakausap. Akala ko pinagti-tripan niya lang ako pero ngayon...
"Ako si Kuya Ivo!" singit naman ni Ivo nang hindi pinansin ni Selena iyong kamay ni Lulu. Napasimangot siya at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Gusto mo ice cream?"
Umiling si Selena pero tinanggap niya iyong kamay ni Ivo kaya nanlaki ang mga mata ni Lulu at hinampas-hampas pa ang balikat ni Ivo.
"Ang daya! Ginagamitan mo ng ice cream ang bata!"
Tumawa si Ivo. "Eh ayaw naman niya."
"Hmp," Lulu scoffed and looked at us. "Uuwi na ba kayo? Gusto niyong sumama sa amin? Magpa-practice si Ivo."
Dumako ulit ang tingin ko doon sa dala niyang surf board. Ito ba iyong sport na tinutukoy niya kanina sa tricycle?
"Magluluto pa ako sa bahay..." sagot ko naman. "Sa susunod nalang."
"Guess that means I'm stuck with this idiot," Lulu commented.
Ivo laughed again, completely unbothered. "Pagtiisan mo na ako, Lulu. Kapag nasanay na ako dito, pwede namang ako nalang mag-isa ang pupunta sa dagat."
"May choice pa ba ako? Hay, tara na nga."
Nagpaalam na ang dalawa sa amin at umalis. Malapit na ang dagat rito at hindi na kailangang sumakay ng tricycle. Lalakarin lang ata nila yun. Ako naman, tinawag na si Sonny dahil kailangan na naming makauwi tatlo.
Nagluto kaagad ako ng hapunan namin. Si Papa naman, inagahan ang uwi ngayon dahil hindi niya nakausap ang dalawa kahapon. Nung tumawag si Mama kinagabihan, nakipag-usap na rin si Papa sa kaniya.
"Narinig mo yun, Selena? Ipapasyal daw tayo ng Mama mo sa Enchanted Kingdom pagdating niya!" tuwang-tuwang sabi ni Papa at hawak pa ang cellphone.
Parang wala namang narinig si Selena at nagpatuloy lang sa pagsusulat ng notebook niya. Si Sonny naman, excited at patalon-talon pa.
"Mama, mama! Yung sapatos ko, ha? Ako nalang ang walang ganun sa classroom namin, eh,"
"Oo, ipapadala ko yun. Kinokompleto ko lang itong ilalagay ko sa box. Sereia, sigurado ka bang wala kang gusto? Dress? Bag? Ano? Bibilhin ko."
Umiling nalang ako. Wala talaga akong maisip. Maayos naman ang bag ko. May cellphone pa ako. Kung dress naman, wala naman akong pupuntahan para suotin iyon kaya huwag nalang. Gastos pa. Gusto kong makapag-ipon na si Mama para makauwi na siya dito.
Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa school dahil may morning practice daw kami bago ang presentation namin mamayang hapon. Nagdala talaga ng mga costume ang mga ka-grupo ko. Ako ang nagsulat ng script, kaya naman ako ang narrator. Ang gagawin ko lang ay babasahin iyong mga parts ng narrator sa harapan at aalis kapag oras na para umakto ang mga characters.
Maaga ding dumating sa school si Ivo. Basa pa ang buhok at mukhang kakaligo lang. Pupunta sana siya sa gawi namin pero nang makitang narito si Jed ay umatras siya at dumiretso nalang sa classroom.
"Pustahan tayo, galing yan ng dagat," bulong naman ni Lulu sa tabi ko.
"Huh?"
Nginitian ako ni Lulu. "Parang ayaw na ata niyang umuwi kahapon, eh. Pinilit ko pa kasi magdidilim na. Baliw talaga sa surfing ang lalaking iyan."
Surfing...
I tried to recall the last time I watched a surfing competition. Nag-enjoy naman ako at nakakamanghang panuorin ang mga taong balansehin ang sarili nila sa malalaking alon. Kahit hindi naman ako marunong mag-surf, nakakahawa ang adrenaline rush nila. Kaya siguro ganyan ang katawan niya dahil nagsu-surf siya palagi? O baka ito rin ang dahilan kung bakit siya narito sa Elyu...
Bumalik na kami sa classroom namin nang mag-bell na para sa first period. Ivo is talking to the guys again. Medyo tuyo na ang buhok niya. Nginitian niya ako nang magtama ang mga mata namin.
"Hi, Sereia." Bati niya pagkalapag ko ng bag ko.
Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong sabihin. Good morning ba? Hello? Galing ka bang dagat? Parang napaka-tsismosa ko naman kahit na curious na curious ako sa ginagawa niya at sa totoo lang... gusto ko siyang mapanuod na mag-surf.
"Ano ba yan! Amoy-dagat ka, Ivo! Ang langsa, ah?!" pang-aasar naman ni Lulu sa kaniya.
"Gagi, naligo kaya ako!" parang na-conscious ata siya sa sinabi ni Lulu sa kaniya at inamoy-amoy pa ang sarili. "Amoy-dagat ba ako, Sereia?"
Nagulat ako kasi bigla niyang inilapit ang sarili sa akin para ipaamoy kung amoy-dagat nga! Hindi ata ako huminga kasi sobrang lapit niya talaga at nararamdaman ko ang init ng hininga niya! Nagulat pa nga ang iba naming kaklase sa bigla niyang ginawa.
"Personal space, Ivo!" Lulu reminded, pushing him away. "Ikaw kung makaasta ka, akala mo close na talaga kayo ni Raya."
Sumimangot si Ivo at tiningnan ako. "Magiging close din kami."
"Hah. Asa ka!"
Matagal na nakatitig sa akin si Ivo pero wala namang sinasabi. Ako naman, parang isdang inilabas sa aquarium at hindi makahinga! Nagpunta nalang muna ako ng CR dahil wala pa naman ang teacher namin at pinilit pakalmahin ang sarili. Nang makabalik ako, narito na ang homeroom teacher namin kaya mabilis akong naupo at binuklat ang notebook ko.
Una ko agad na nakita ang nakatuping papel doon kaya kinuha ko iyon at binuklat. Muntik na akong mahulog sa nabasa.
Gusto kitang maging ka-close. Pwede ba kitang tawaging Raya?
- Ivo
-
#HanmariamDWTWChap2
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro