
Chapter 19
"Hoy! Gago ka, hindi mo man lang sinabi sa amin na sa inyo pala yung resort sa Elyu!" kaagad na binatukan ni Karlo si Ivo nang magkita sila.
Napalingon kaagad ako sa kanila. May ipinakitang picture si Karlo sa cellphone niya. Ilang buwan din kasing sirado ang resort dahil nire-renovate tapos ngayong soft opening nila, naroon ang mga owners ng resort at kasama si Ivo sa picture.
"Anong mapapala ko kapag sinabi ko? Baka hindi kayo magbayad ng entrance fee, 'no!" ganti naman sa kaniya ni Ivo.
Natigilan ako. Ilang beses na kaming naligo roon, ah? Hindi ba siya kilala ng mga staff o itinago niya talaga sa amin? Matagal ko namang alam na mayaman talaga sila pero akala ko ka-level ng kambal o nina Lulu. Mukhang hindi pala.
"Alam mo ba na sa kanila ang resort, Lulu?" tanong ni Celeste sa kaniya.
Umiling siya. Narito kami sa condo ni Luanne sa Manila dahil term break naming dalawa ni Ivo. Sila naman, pumunta lang dito nang malamang nasa Manila kami.
"Marami silang resort. Hindi ko na maalala kung ano yun..."
Sina Karlo at Avery ang namili ng iinumin namin sa convenience store dahil napag-desisyunan nilang mag-inuman total wala naman silang klase bukas. Si Yari ang may klase sa sabado pero titikim lang daw siya sa takot na malasing.
"Nasaan ang chuckie ko?" reklamo ni Ivo habang hinahalughog ang plastic bag galing sa convenience store.
"Ampota, chuckie? Ano ka, bata?" pambabara ulit ni Karlo sa kaniya. "Uminom ka, uy!"
"Ayaw ko nga ng lasa!" mukhang na-badtrip pa si Ivo at inilabas ang phone niya saka nag-scroll doon. Umalis siya sa kusina nang mapagtantong hindi talaga siya binilhan ng chuckie.
"Kumusta sa dorm mo, Cel?" tanong ni Lulu habang nakasandal kami sa paanan ng sofa. Malaki ang condo ni Lulu at may dalawang kwarto pa. Ang alam ko, paulit-ulit niyang inalok si Celeste na dito nalang tumira para may kasama siya pero hindi naman tinanggap ni Celeste.
"Ayos lang naman. Minsan, naiinis ako sa mga roommates ko kapag hindi nila nililigpit ang kalat nila! Pagod na nga sa school, yun pa sasalubong sa iyo..."
"Same, girl, same." Panggatong ni Yari sabay tingin sa kambal na naroon sa kusina. "Para akong nakatira kasama ang isang bata."
Lulu laughed. "Ang saya siguro kapag may kasama, 'no?"
"Nasanay ka na kasi na kasama si Ivo sa tanang buhay mo." Komento naman ni Celeste habang may hinahanap sa bag niya. "Ngayon ikaw nalang mag-isa..."
"Hmp. Hindi naman ganoon kasayang kasama si Ivo. Akala niyo lang!"
"Hoy, narinig ko ang pangalan ko, ah?!" sigaw ni Ivo sa may pintuan. Nagulat ako nang makitang nagpa-deliver pala talaga siya ng chuckie dito sa condo ni Lulu at nagdagdag pa ng mga chichirya. "Pinag-uusapan niyo na naman ako!"
"Ang feeling, Primitivo!" sigaw ni Lulu at umirap pa. Pagkatapos magbayad ni Ivo ay pumunta siya sa kusina para ipakita ang pinamili niya kina Avery at Karlo.
Hinintay namin silang matapos dun sa kusina at tumulong na din sa paglilipat ng mga inumin at pagkain sa living room ni Lulu. Umalis siya saglit para sagutin ang isang tawag at kaagad din namang bumalik para samahan kami.
Si Karlo na ang nag-volunteer na gunner dahil sobra daw kung maglagay ng tagay si Celeste kaya nagtalo pa sila bago kami makapagsimula. Ako nalang ata ang natitirang minor dito kaya hindi ako maka-inom. Kaka-18 lang din ni Celeste at Ivo. Lahat sila ay legal na maliban sa akin.
"Ano, kumusta? Anong chika for today?" kinulit-kulit ako ni Celeste dahil kaming dalawa ang magkatabi.
"Huwag mong guluhin yan si Raya, Cel. Puro chika ang nasa laman ng utak mo!"
"Tumahimik ka, Karlo. Napanuod kong talo kayo sa last season! Nakakahiya sa kambal mong varsity player!"
Inismiran lang siya ni Karlo at mukhang dinibdib talaga ang pagkatalo nila sa UAAP. Kalaban niya kasi si Yari noon at dahil nasa national television, sikat ang mga players lalo na ang kambal. Chi Ong duo pa nga ang tawag sa kanila kahit na magkalaban naman sila ng school.
"Ito namang isa, tahimik lang pero nag-Baguio pala kasi may bebe siya sa PMA," pang-aasar ni Celeste sabay tingin kay Avery.
Muntik na siyang mabulunan sa kinakain niyang chichirya.
"Hoy, nakita ko yun!" dinuro-duro pa siya ni Yari. "Siya yung ROTC commander noon—"
"Napaka-tsimoso naman!" reklamo ni Avery. "Ganyan talaga kapag walang nagpapasaya sa inyo, 'no? Deserve niyo yun."
"Hoy, basta walang magdadala ng jowa sa inuman, ah! Hindi 'to by partner! Sasapakin ko talaga kayo," ani Lulu.
Umikot ang tagay at gaya ng dati, hindi pa rin umiinom si Ivo. Masaya siya sa chuckie niya at nakikipagbiruan lang din sa usapan. Mabuti na ring hindi siya uminom dahil ang alam ko, uuwi siya sa bahay nila dito sa Manila mamaya.
Inabot ata kami ng madaling araw doon. Si Yari ang magda-drive para sa kanilang dalawa ni Karlo kaya todo reklamo ito nang malasing nang husto ang kambal. Tinulungan pa siya ni Ivo na ibaba ito sa basement parking. Si Celeste naman, hindi hinayaan ni Lulu na umuwi dahil lasing na din ito. Dito nalang daw matutulog kasama si Avery. Ganun din ako.
"May extrang foam pa naman ako sa kabilang kwarto!" ani Lulu at isa-isang hinila ang mga foam niya palabas. Tinulungan ko si Lulu sa paglalabas ng mga foam sa living room niya dahil mukhang nabibigatan pa ito. Pagkatapos, humiga ako sa couch dahil sa sobrang pagod. Hindi naman ako uminom pero antok na antok ako.
Narinig ko nalang ang boses ni Ivo at Lulu na nag-uusap. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero sa sobrang bigat ng talukap ng mga mata ko, nakatulog din ako.
Naalimpungatan lang ako nang maramdamang umangat ang katawan ko mula sa couch. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata at nakita kaagad ang mukha ni Ivo.
"Huwag mong itabi kay Celeste, Ivo... malikot yan matulog. Dito kay Avery..." narinig ko pa ang boses ni Lulu.
I drifted to sleep again because I couldn't hold it back. I remembered bits and pieces of the night so when I woke early in the morning, I was immediately embarrassed.
Nasa sala kami natutulog apat ngayon at tabi-tabi ang dalawang foam na inilabas ni Lulu. Bumangon kaagad ako at nagpalinga-linga para hanapin si Ivo. Saka ko pa naalala na umuwi nga pala siya sa bahay nila dito sa Manila.
Dahil nakasanayan, nagluto kaagad ako ng agahan para sa kanila. Maraming stock ng pagkain si Lulu pero mukhang hindi nagagalaw dahil ang iba ay papalapit na sa expiration date nila. Nagluto ako ng itlog, sinangag, tsaka tocino. Abala ako sa pagtitimpla ng kape nang makarinig ako ng door bell sa labas.
Binalingan ko silang tatlo. Tulog na tulog pa rin sila kaya ako na ang nagpunta roon at binuksan ang pinto. Nagkagulatan pa kami nang makita ko kung sino ang nasa labas.
"Uh..." umatras nang bahagya si Kael para i-check ang unit number sa labas. Mukhang hindi na niya ako naalala kaya hindi niya alam na kaibigan ako ni Lulu. "Sorry, wrong number—"
"Tulog pa si Lulu." Sabi ko sa kaniya, nakahawak pa rin sa pintuan.
His eyes widened a bit. Tinitigan niya ako kaya agad akong na-conscious.
"Kaibigan niya ako. Raya."
"So, you're Raya, huh?" he smiled a bit. Napatingin ako sa dala niyang maliit na plastic. Mga gamot ba yun? "Can you give this to her?"
"Ano yan? Drugs?"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Ivo sa hallway, naglalakad patungo sa amin. Bagong ligo ito at naka-pantalon at black shirt. Kulay puti ang cap at sneakers niya at may suot pang relo.
"Medicine." Kael's lips went into a thin line upon seeing Ivo. Natigilan siya sa paglalakad nang makita ang mukha ng lalaki.
"Hala, kilala kita, ah?"
Kael took a step back. Tinanggap ko nalang ang plastic bag mula sa kaniya at nagpasalamat, saka hinila si Ivo sa loob.
"Hindi mo aayain? Kawawa naman!" komento ni Ivo.
"Hindi ko naman 'to condo..." ani ko sabay sulyap kay Celeste na natutulog at yakap si Lulu ngayon. Mamaya ko nalang siguro sasabihin sa kaniya na dumaan dito si Kael.
"Oo nga. Ayoko ding makita na maglandian sila. Umagang-umaga pa naman."
Wala na akong komento dun sa sinabi ni Ivo. Hindi ko pa sana gigisingin ang tatlo pero binulabog niya na ang mga ito at sinabing kakain na daw.
"Tanghali na, Luanne Rose, Celeste Imarie, Avery Felicia!" sigaw-sigaw niya doon sa living room. "Mga senyorita, kakain na po! Ginagawa niyong alila ang Raya ko, ah!"
Napalingon ako sa sinabi ni Ivo. Ano daw? Tama ba ang pagkakarinig ko? Hindi ko na yun na-confirm dahil hindi rin naman niya inulit at nasapawan na ng iba't ibang reklamo galing sa tatlo.
"Dinaig mo pa ang nanay ko, Ivo, hayop ka," ani Celeste na nakasimangot at inaayos ang buhok.
Si Lulu at Avery naman, nagtungo muna sa CR para makapaghilamos. Si Celeste ay ginamit iyong CR sa living room niya at nagpunta ng kusina habang pinupunasan ang mukha.
"Magc-commute ba kayo pauwi sa Elyu?" tanong ni Lulu habang kumakain kami.
Tumango ako. Binalingan niya si Ivo.
"Hoy, diba niregaluhan ka ng pickup ni Tito? Bakit di mo yun gamitin? Hinahayaan mo talagang mainitan si Raya sa biyahe?" pang-aakusa niya.
"Gagi, niregaluhan ka ng pickup?!" gulat na tanong ni Celeste.
Ivo shrugged as if it was nothing. "Graduation gift daw."
"Eh ba't hindi mo ginagamit?! Hayop ka talaga, ilang beses na kaming naglalakad pauwi kasama ka tapos may kotse ka pala!" sinuntok nang mahina ni Celeste ang braso ni Ivo.
"Ang lapit-lapit lang naman ng mga lakarin dun sa Elyu! Hindi na kailangan yun!" sumbat naman ni Ivo. "Ang mahal pa ng gas, buti sana kung mag-aambag kayo!"
Simula nung makilala ko siya, ramdam ko talagang hindi siya komportable na pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya. Ivo is an open book, yet he is very secretive when it comes to his family.
Pagkatapos naming kumain, tumulong sa akin si Ivo sa mga hugasin. Alam kong lumaki siya sa marangyang pamilya pero marunong pa rin siya sa mga gawaing-bahay tulad nito. Nakakatuwa lang.
"Binabad muna namin yung kawali kasi dumikit ang tocino," paliwanag ni Ivo habang pinupunasan ang kamay. "Hugasan mo yan mamaya, ah! Baka mamaya, uurin yan!"
"Ew! Kadira ka!" Lulu made a face.
Inayos ko ang mga gamit at nilingon si Ivo. Uuwi na kasi kami ng Elyu ngayon. Mga apat na oras pa ata ang biyahe kaya nakakapagod din yun.
"Mag-iingat kayong dalawa!" ani Lulu habang kumakaway. Sina Celeste at Avery naman, mamaya pa uuwi. Pagkalabas namin, itinext ko si Lulu na may mga gamot na iniwan si Kael kanina at itinago ang phone ko.
Nagpunta kami sa terminal ni Ivo at saktong paalis na ang bus papunta sa Elyu. Isa nalang ang bakante kaya nag-alangan kaagad ako pero pinapasok na ako ni Ivo.
"Sige na, matagal pa ang susunod na bus..." sumunod siya sa akin at ibinigay ang bakanteng upuan habang nakatayo siya sa tabi ko. Na-guilty kaagad ako kaya inalok kong ako nalang ang magdadala sa bag niya.
Kulang pa ang tulog ko kanina pero hindi ko naman magawang matulog habang nakatayo si Ivo sa bus. Pinilit ko nalang ang sarili kong magising at pinisil-pisil ang mga daliri. Sobrang init pa dahil hindi ito airconditioned na bus kaya tumutulo ang pawis ko.
Dalawang oras atang nakatayo si Ivo. Nakaupo lang siya nung bumaba ang katabi ko sa Tarlac. Bakas sa mukha niya yung pagod at pangangalay sa kakatayo pero wala naman siyang reklamo. Nginitian niya lang ako at kinuha ang bag niya.
"Palit tayo, Raya. May bintana dito..." ani Ivo kaya napalingon ako sa kaniya. Naiinggit nga ako dahil mahangin sa tapat niyang nasa dulo ng bintana.
"Hindi na..." nahihiya kong sagot sa lalaki.
"Tumutulo pawis mo, eh," he chuckled and pulled a handkerchief from his bag. Wala man lang siyang pasabi nang punasan niya ang pawis ko! Nanigas ako sa kinauupuan habang marahan niyang pinupunasan ang mukha ko. Nang matapos siya, ibinigay niya sa akin ang panyo at itinuro ang leeg ko.
Nanginginig pa ang mga kamay ko habang pinupunasan ang pawis sa leeg. Ni hindi ako makapagsalita! Hindi rin ako nakipagtalo sa kaniya nung makipagpalit siya sa akin ng upuan. I bit back a sigh of relief when I felt the cold air rushing through the open window.
"Gusto mong matulog?" tanong ulit sa akin ni Ivo nang mapansing tahimik ako at papikit-pikit.
"Huh? Hindi na..." I bit back a yawn so my voice came out muffled. "Malapit rin naman tayo."
"Okay lang. Para makapagpahinga ka na rin. Anong oras ka ba bumangon kanina?"
Inisip ko agad kung anong oras yun. Alas singko kasi madalas ang bangon ko kaya kahit na weekends, yun pa rin ang nakakasanayan ng katawan ko.
"Alas singko ata..." hindi pa ako sigurado sa sagot ko.
"Sige na, sandal ka nalang sa balikat ko."
"Huwag na!"
"Raya naman, kinikilig ka kaagad!" biro sa akin ni Ivo. "Ayos lang talaga, promise."
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas pa dahil ginagago niya ako! Ano daw?! Kinikilig?! Minsan ang sarap talagang ihagis ng lalaking 'to, eh.
Wala naman akong nagawa dahil mapilit si Ivo kaya pinilit ko nalang din ang sarili kong matulog. Actually, hindi talaga pilit kasi antok na antok na ako. Mabilis akong nakatulog sa balikat niyang ang lapad-lapad kaya komportable. Isali mo pa ang pabango niyang pamilyar na sa akin kaya pakiramdam ko hini-hele ako habang natutulog.
Mabilis din namang lumipas ang oras dahil namalayan ko nalang na marahan niyang tinatapik ang pisngi ko. Pagmulat ko ng mga mata, nasa terminal na pala kami ng San Juan.
Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko at sumunod kay Ivo palabas. Nauna kasi siya kaya pagkalabas ko ng bus, nakita kong bumibili na siya dun ng nilagang itlog atsaka mani.
"Gusto mo?" alok niya sa akin.
Tumango nalang ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Kumuha din ng dalawang bottled water si Ivo at chichirya. Naupo muna kami sa magkakadikit na upuan dun para tapusin ang kinakain namin.
"May surfing competition ako next month..." ani Ivo habang kumakain kami.
Tumango lang ako. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Noon pa siya sumasali sa mga ganyang competition pero palagi akong wala dahil andaming ginagawa sa bahay. Sina Lulu lang madalas ang nakaka-attend doon para sumuporta.
"Ano?" tanong ko sa kaniya nang makitang nakatitig siya sa akin na parang tuta.
"Baka naman, Raya..." he tilted his head innocently and even gave me his puppy eyes! Bagay naman sa kaniya dahil maamo ang mukha niya kaya agad na lumambot ang puso ko pero hindi ko ma-gets kung anong gusto niya!
"Anong baka naman?" I frowned at him.
"Hindi ka pa nakaka-attend sa surfing competition ko, eh."
"Kailan ba yan?"
"Next month. Sa 30." Sagot niya kaagad na nakangiti sa akin.
"Try ko lang."
Kaagad na bumagsak ang mga balikat niya sa sinabi ko. Bakit ba? Talaga namang susubukan ko, eh! Hindi ko pa alam kung anong mangyayari next month o kung kakailanganin ako sa bahay kaya hindi ako makapagbigay ng konkretong sagot.
Pumikit lang ata ako at tapos na agad ang term break namin at balik eskwela na naman kaming dalawa. Hindi naman ako napapagod sa college dahil gusto ko ang kursong kinuha ko. Napapagod lang ako sa biyahe dahil medyo malayo ang campus sa bahay namin at kailangan ko pang mas lalong agahan ang gising ko para ipagluto ang mga kapatid ko.
"Ate! May sasakyan sa labas!" sigaw ni Sonny isang umaga.
Stress na ako dahil medyo late akong nagising at iniisip ko pa lang ang traffic at pakikipag-agawan ng jeep sa ibang pasahero, parang gusto ko nalang maglupasay sa sahig. Tapos ito ngayon, binubulabog pa ako ni Sonny.
"Ang gara, Ate! Brand new ata 'to!" report niya habang nakasilip sa bintana. Hindi ko siya pinansin.
"Hala, gagi, si Kuya Ivo pala!" mas lumakas ulit ang sigaw ni Sonny at kaagad na binuksan ang pinto.
May mga kapitbahay din kaming naki-usyuso nang makita ang bago at makintab na kotse sa labas. Binilisan ko nalang ang ginagawa ko at hinanda na rin ang baon nilang dalawa.
"Kuya Ivo! Sayo ba yan?!" tanong kaagad ni Sonny habang pinagbubuksan siya ng gate.
"Ah, hiniram ko lang sa tatay ko," pagsisinungaling pa niya. Nakita kong pickup nga ang dinala niya at malamang iyon ang tinutukoy ni Lulu na graduation gift ng mga magulang niya.
"Ang gara, Kuya! Rides naman tayo!"
"Sonny!" sinita ko kaagad ang kapatid dahil nakakahiya! Sa ilang taon nilang magkakilala ni Ivo, hindi ata talaga tinatablan ng hiya si Sonny pagdating sa kaniya. Feel na feel!
Tumawa lang si Ivo at ginulo ang buhok ni Sonny. Nilapitan niya ako at sinilip kung anong niluluto ko.
"Pwede bang makikain?"
Tinaasan ko siya ng kilay at sinilip ang nakaparada niyang kotse sa labas. "May pang-kotse ka pero wala kang pang-agahan?"
Tumawa si Ivo habang hinihila ang upuan at nagsasandok roon ng kanin.
Hindi ko na siya pinigilan kasi nakakahiya naman at feel at home ang lalaki. Tumabi nalang ako sa kaniya at kumain na rin. Lumabas na din si Selena mula sa kwarto niya. Naka-uniform na siya at naka-braid ang buhok. Bagong lip tint na naman ata ang suot niya dahil iba ang shade nun at naka-curl pa ang mga pilik-mata.
"Ganda naman! May date ka ba sa eskwelahan niyo, Selena?" kantyaw ni Ivo sa kaniya.
"Wala 'no!" umirap si Selena sa kaniya na ikinagulat ko. "Alam mo bang andaming nanghihingi sa akin ng number mo, Kuya Ivo?! Nakakairita! Lalo na yung mga fourth years!"
"Pogi problems. Tsk. Tsk."
Parang gusto kong sundutin ng tinidor ang mga mata ni Ivo dahil sa kayabangan niya. Tumahimik nalang ako at binilisan ang pag-kain. Dahil malapit lang naman ang eskwelahan ng dalawa, nagkasundo kami na sila na ang maghuhugas ng pinggan tuwing agahan.
"Ako naghugas kahapon, eh!" reklamo ni Sonny habang paalis na kami.
"Hindi ah, fake news ka! Ako ang naghugas! Itanong mo pa kay Ate!"
Napabuntong-hininga ako nang marinig na nag-aaway na naman ang dalawa kung sino ang maghuhugas ng plato. Habang lumalaki sila, dumadalas na talaga ang pagtatalo nila lalo't iba-ibang mga bagay ang gusto nila at magkasalungat pa.
"Sonny, Selena," I said calmly. "Mali-late na ang Ate niyo. Pwede bang huwag na muna kayong mag-away at hugasan nalang yang plato?"
Nag-iwas kaagad ng tingin ang dalawa, nahihiya. Nang mapagtanto kong hindi naman nila iiwanan ang hugasin sa lababo, nagpaalam na ako at sumunod kay Ivo sa labas.
"Sa iyo ba talaga 'to?" tanong ko habang pumapasok sa kotse niya. May plastic pa doon sa head rest at halatang ngayon lang ginamit! Nakakahiya tuloy na sumakay.
"Oo. Hindi ka na maiinitan sa biyahe," he grinned while looking at the side mirror. Pinapaatras niya nang dahan-dahan ang kotse dahil makipot ang daan at minsan may mga maliliit na bata pang bigla nalang tatakbo sa daanan.
"Araw-araw mo akong susunduin dito? Nakakahiya naman! Pwede naman sigurong mag-ambag ako sa gasolina!"
Ivo chuckled and started driving away when we turned to the corner of our street. "Ayos lang. Wala namang pumipilit sa akin."
Tahimik lang ako habang nagda-drive si Ivo. Simple lang ang campus namin at simple lang din ang mga estyudante kaya nagtinginan kaagad sila nang makitang may estyudanteng nagdala ng kotse sa eskwelahan. Parang ayoko na tuloy bumaba dahil sa dami ng mga matang pasulyap-sulyap sa amin.
Mas lalo pa akong kinabahan nang makita si Elaina kasama ang mga kaibigan niya na nakatayo sa tapat ng tindahan. Tinapik siya nung isa niyang kaibigan at itinuro ang kotse nung lumabas doon si Ivo. Napatitig ang babae sa kaniya.
"Raya, tara na!"
Nagulat ako nang biglang buksan ni Ivo ang pinto sa tabi ko. I licked my lower lip nervously and grabbed my things. Nag-panic pa ako sa pagtatanggal ng seatbelt ko kaya tumawa si Ivo at pinigilan ang mga kamay ko.
"Ako na..." he said calmly while unlodging the seatbelt around me.
Halos hindi ako makahinga dahil sobrang lapit ulit ng mukha niya sa akin. Iniwas ko nalang ang tingin ko at nakahinga lang nang maluwag pagkatapos niya dun.
"Ivo!"
Napalingon kaming dalawa nung tinawag siya ni Elaina. Lumapit siya sa amin at kaagad akong tiningnan na nasa loob pa ng kotse ni Ivo. She smiled at me.
"Raya, right? The one from AB department?"
Tumango ako at lumabas ng kotse. Tumabi naman si Ivo sa akin.
"Ah, hindi ko pa ata siya napapakilala. Si Raya, high school friend ko," ani Ivo at binalingan ako. "Si Elaina, classmate ko."
"Nice to meet—" naputol ang sinasabi ni Elaina at kaagad siyang napangiwi sa sakit saka niyakap ang bandang tiyan niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Ayos ka lang ba?"
Hindi siya nakasagot kaagad. She was breathing heavily while clutching her stomach.
"Hoy, inaatake ka ba ulit ng ulcer mo?" nag-aalalang tanong ni Ivo sabay akay sa kaniya.
"I'm... not... sure..." she said between breathing heavily. Pakiramdam ko maiiyak na siya sa sakit anumang oras. Pati ako tuloy, nagpa-panic na rin.
"Punta nalang tayo sa clinic..." nilagay ni Ivo ang isang kamay niya sa balikat at hinawakan ang beywang nito. Nilingon niya ako. "Sorry, Raya, mauna ka na sa klase mo. Baka malate ka pa, eh."
Tumango nalang ako at hinayaan ang dalawa na umalis. Napabuntong-hininga ako nang mawala na sila sa paningin ko at agad na nagtungo sa classroom ko.
Hindi ko alam kung sabay ba kami ni Ivo na magtatanghalian pero hinintay ko pa rin siya sa classroom ko at tinanggihan ang mga kaklase nung yayain nila ako.
Magkakalahating oras na ako dun sa classroom nang mapagtanto kong baka kumain na pala siya kaya bumuntong-hininga ako at kinuha ang mga gamit ko para lumabas. Saktong paglingon ko sa pintuan ay nakita ko si Ivo na hinahabol ang hininga.
"Sorry, kanina ka pa?"
Hindi ako nakasagot kaagad. Hindi naman ako nag-text sa kaniya o ano na sabay kami. Nakasanayan ko lang na palagi kaming magkasama tuwing lunch kaya nag-assume nalang din ako.
"Hindi naman..."
"Tara, kain na tayo."
Kinuha ko ang bag ko at sumunod kay Ivo. Talagang mali-late kami sa afternoon classes namin ngayon dahil ilang minuto nalang ang natitira. Binagalan ni Ivo ang paglalakad niya nang mapansing nahuhuli ako.
Nang maabutan ko siya, nilingon ko saglit ang lalaki bago itinuon ang tingin ko sa daan.
"Akala ko nasangit ka na sa kung ano." Hindi ko mapigilan ang tampo sa boses ko at sa totoo lang, hindi ko alam kung san yun galing!
Nagkamot sa batok si Ivo. "Hinintay ko pa kasi yung guardian ni Elaina bago ako umalis sa clinic."
I pursed my lips.
"Wala namang kami!" sabi niya kaagad.
"Wala namang nagtatanong." Natatawa kong sagot sa kaniya.
"Baka kasi isipin mo na ano..."
Bumagal ang paglalakad ko kasabay ang pagtibok ng puso ko.
"Na ano?" halos bulong na iyon.
Tumigil sa paglalakad si Ivo at nilingon ako. He expelled a heavy sigh.
"Na may gusto akong iba..."
Hindi ako sumagot. Ano bang ibig niyang sabihin dun? Nahihiya naman akong mag-clarify kaya hindi ko na rin siya kinulit tungkol dun. Hindi na kami pumasok sa tapsilogan at nag-lunch nalang sa mga street foods sa labas. Nakatayo kami habang kumakain at pabilisan pa dahil nauubusan na kami ng oras
Sa sumunod na mga linggo, naging busy na ako sa midterms namin. Hatid-sundo pa rin naman ako ni Ivo at kahit anong gawin ko, ayaw niya talagang tumanggap ng ambag pang-gasolina kaya sobra na akong nahihiya sa kaniya.
"Punta ka nalang sa surfing competition ko sa Sabado," paalala niya ulit. "Bayad mo na yun sa akin."
Tumango ako at nangakong pupunta. Iyon lang naman kasi ang magagawa ko sa lahat ng ginawa niya para sa akin, eh! Ayoko namang sabihin ng iba na abusado ako sa sobrang kabaitan ni Ivo.
Niyaya ko din si Lulu na manuod dahil awkward kung ako lang mag-isa ang pupunta. Baka akalain ng mga naroon, girlfriend ako o ano. Um-oo namn siya dahil uuwi siya ng Elyu kaya sabay na kaming nagtungo roon. Naka-shorts lang ako na maong tsaka off-shoulder na crop top. Si Lulu ang nag-insist sa akin na suotin yun dahil daw mainit pero hindi naman ako komportable dahil nakikita ang tiyan ko. Wala na akong nagawa dahil kinaladkad na niya ako palabas ng bahay.
Malaking tarpo ng Sea Games ang tumambad sa amin sa venue kung saan gaganapin ang competition. Day 1 palang ngayon. Hindi ko alam kung ilang araw ang event na ito. Marami na ding tao sa loob at meron ding iba't ibang food stalls na nagtitinda ng mga pagkain para sa mga taong nagpunta.
"Putek, asan na ba yung lalaking yun?" ani Lulu habang palinga-linga kami. May mga nakatayong tent sa buhanginan para may silong. Mayroon ding first aid team na nakatambay roon at maraming tao ang may dala na camera para kunan ang event. Marami ding mga foreigners doon at nagsasalita na ang commentator pagdating namin.
"Raya!"
Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko. I turned and saw Ivo. Nakasuot siya ng wet suit na kulay black at nakapaa lang.
"Ang init, Ivo!" reklamo ni Lulu habang pinapaypayan ang sarili.
"Eh bakit kasi narito ka?! Date sana 'to, eh!" ganti naman ni Ivo.
Lulu gasped. "Primitivo—"
"Joke lang." barumbado niyang wika at binalingan ako. "May upuan dun sa isang tent. Dun muna kayo."
Tumango ako at hinila si Lulu dahil mukhang makikipag-away pa ito sa kaibigan eh. Bumulong-bulong siya habang nakasunod sa akin doon sa tent na itinuro ni Ivo. May flag pa iyon ng Pilipinas kaya alam kong para sa team yun nina Ivo.
Sinundan ko siya ng tingin at nakitang nakikipag-usap siya sa teammates niya. Si Lulu naman, nagpi-picture para sa IG story niya daw. Mayamaya, lumapit si Ivo sa amin na may dalang t-shirt. Inabot niya 'to sa akin.
"Ano 'to?"
"Pakihawak lang, pwede mo ding suotin kung gusto mo," he shrugged. "Kita strap ng bra mo, eh."
Lulu glared at him. "Style kasi yan! Off-shoulder nga, eh!" pagtatanggol niya sa suot ko.
Tiningnan ko ang shirt na binigay niya. May logo iyon ng Sea Games tapos pangalan ni Ivo sa likod pati na rin ang team niya. Masyado iyong malaki sa akin. I stood and stared at him.
"Susuotin ko pero dapat manalo ka."
Ivo grinned. "Easy."
Ngumiti lang ako sa kaniya sabay alis para maghanap ng CR. Isinuot ko ang shirt niya at iti-nuck-in dahil masyadong maluwag para sa akin. I was grateful for the comfort of his shirt because the crop top is really making me uncomfortable. Hindi ko lang masabi kay Lulu dahil natatakot akong ma-disappoint siya. Sobrang excited niya kasi, eh.
Lumabas ulit ako at bumalik dun sa tent. May kausap si Ivo pero agad siyang lumapit sa amin nang makarating ako sa inuupuan naming dalawa ni Ivo. Hinubad niya ang bracelet niya at ibinigay sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.
"Diba lucky charm mo 'to?"
"Natatakot akong mawala sa dagat, eh." He shrugged. "Isa pa, may bago na akong lucky charm." Ipinatong niya ang kamay sa tuktok ng ulo ko saka ginulo ang buhok ko. Hindi na ako maka-protesta dahil iniwan na ako ni Ivo para sumama sa teammates niya patungo sa dagat.
I sighed and stared at his back.
"Good luck..." I whispered while watching him.
-
#HanmariamDWTWChap19
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro