Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17

"After this general orientation, please proceed to building 4 and look for your names in the list. An attendance stub will be given so do not skip!"

Nagsitayuan na ang mga estyudante pagkatapos ng closing prayer. May lunch pa kami bago ang afternoon orientation kung saan hinati-hati na kami. May naging kaibigan na kaagad si Ivo na nakatabi lang namin kanina sa bleachers at inaya kaming mag-lunch.

"Tara, Ivo! May alam kaming tapsilogan sa labas. Sama mo girlfriend mo!" aya ng lalaking nagpakilalang Troy kanina.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi naman nila ako kinausap kanina at wala rin kaming nabanggit na ganun kaya bakit girlfriend kaagad ang tawag sa akin? Dahil ba pareha kami ng kulay ng suot?

"Hindi niya ako girlfriend—"

"Sige, tara." Tumatawang sagot ni Ivo at hinila ako kasama sila.

I sighed. Maiingay sila at mukhang galing ata sa parehong high school. Awkward akong sumunod sa kanila habang tinanong-tanong nila si Ivo ng kung anu-ano.

"Ano nga palang kurso mo?" naglakad paatras ang babaeng nagpakilalang Camille kanina at sinabayan ako sa likod.

"AB Comm." Tipid kong sagot sa kaniya. Mukhang syota niya ata yung Troy. Magkaholding-hands sila kanina, eh.

"Wow, pang-matalino!" tumawa siya at umiling. "HRM ako kasi madali lang daw!"

Umiling kaagad ako. "Hindi naman..."

Nang makarating kami sa tinutukoy nilang tapsilogan, marami ng tao. Anim kaming lahat kaya naghanap sila ng malaking lamesa. Nakakita naman sila pero lima lang ang upuan. Dahil nasa huli ako, nakaupo na silang apat at kami nalang ni Ivo ang nakatayo.

"Upo ka na, Raya, maghahanap lang ako ng extrang upuan," ani Ivo.

Before I could protest, he left me with his new friends. Napabuntong-hininga nalang ako at umupo saka kinandong ang bag ko. Kinuha ko rin ang bag ni Ivo sa lamesa dahil naglalagay na ng tubig at mga baso ang isa sa mga nagbabantay roon.

"Babe, dapat ganyan ka! Gayahin mo si Ivo, napaka-gentleman kay Raya!" hinampas pa ni Camille ang braso ni Troy.

Tumawa naman siya. "Ilang years na kayo?"

Kaagad akong umiling. "Hindi kami..."

"Anong hindi kayo?"

Mas lalo pa ata akong namula sa tanong niya. Kailangan ko pa ba talang ipaliwanag ito? Bakit kasi nag-assume kaagad sila na mag-syota kami ni Ivo? Sana pala nagpalit nalang talaga ako ng suot ko kanina!

"Hindi ko boyfriend si Ivo. Kaibigan ko lang siya."

"Ito piso, hanap ka ng kausap," seryosong wika ni Ivan sabay abot sa akin ng piso. Nang kumunot ang noo ko, tumawa siya nang malakas. "Seryoso ka ba? Feeling mo maniniwala talaga kaming hindi kayo mag-on ni Ivo?"

I sighed. "Kaibigan ko lang siya noong high school."

"Huh? Eh halata namang may gusto siya—"

"Sinong may gusto?" nanigas ako nang marinig ang boses ni Ivo sa likuran. He dragged a plastic chair next to me and sat, smiling at everyone. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Hindi ba talaga kayo mag-jowa, Ivo?" lakas-loob na tanong ni Camille. Pulang-pula na ang mga pisngi ko at parang gusto ko nalang maglaho sa kinauupuan ko.

"Hindi." Tumatawang sagot ni Ivo. Binalingan niya ako. "Diba, Raya? Gusto mo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin?! Hindi ko alam ang isasagot ko!

"Bagal mo, pre!" kantyaw naman sa kaniya ni Marko.

Buti nalang nawala na yun sa isipan nila nang bigyan na kami ng menu. Iniba na rin nila ang topic kaya nakahinga ako nang maluwag.

Pagkatapos kumain ay bumalik na din kami sa campus at hinanap ang mga pangalan namin. Magkaiba kami ng classroom ni Ivo kaya napilitan akong pumasok mag-isa. Wala din si Lenard doon o kahit sino kaya ako lang talaga. I took a shaky breath. Kinakabahan pa naman ako kapag wala akong kakilala maski isa.

Nairaos ko naman ang afternoon orientation. Nagpa-ice breaker lang yung facilitator namin at in-encourage kami na kilalanin ang isa't isa. Pagkatapos doon ay ibinigay na sa amin ang handbook namin pati na rin ang attendance stub.

Pinuntahan ko ang classroom kung saan na-assign si Ivo at sinilip kung naroon pa ba siya. Hindi pa pala sila tapos. Nakita ko siyang nakaupo don sa dulo at sa tabi niya ay babae. Tahimik lang iyon at mukhang hindi interesado kay Ivo pero gaya ng ginagawa niya sa lahat, dinadaldal niya rin iyong babae at nakikipagbiruan.

Inalis ko ang tingin sa kanilang dalawa at sumandal na lamang sa pader habang naghihintay. Nang matapos na sila, nagulat si Ivo nang makitang nasa labas ako ng classroom.

"Kanina ka pa ba?"

Umiling kaagad ako. "Kararating ko lang." pagsisinungaling ko naman. Nakakahiya kasing sabihin na kanina pa ako naghihintay sa kaniya dahil baka kung anong isipin niya.

Tumango naman si Ivo. Habang naglalakad kami ay ikinuwento niya sa akin kung anong nangyari sa afternoon orientation nila. Mukhang mas masaya ang sa kanila dahil may pa-games pa talaga ang facilitator nila at siyempre, marami ulit siyang nakilalang kaibigan.

Kinabukasan, lumuwas ulit ako ng San Fernando para bumisita sa isang optical clinic. Tama nga ako at nang magpunta ako roon at na-check ng ophthalmologist ang mga mata ko, sinabi niyang kailangan ko ng magsuot ng salamin.

Sakto naman ang ipon ko para sa salamin, pero nag-aalangan ako dahil malapit na rin ang birthday ni Selena at panay ang parinig niya na gusto niya ng bagong damit. Tulad ko, ayaw niya ring manghingi ng kung ano kay Mama kahit na paulit-ulit niyang tinatanong kung anong gusto namin sa tuwing katawagan namin siya.

"Sa susunod nalang po siguro, kaya ko pa naman..."

"Oh, I wouldn't recommend that. The more you strain your eyes, the worse it will get. Mabuti na rin iyong magpa-salamin ka habang maaga pa. Where are your parents? Mag-isa ka lang bang pumunta dito? We actually have installment plans here." The doctor gave me a sympathetic look.

I bit my lower lip. Ilang taon ko din itong pinag-ipunan dahil hindi naman kalakihan ang baon ko at sa tuwing gustong magpabili ng pagkain ang mga kapatid ko, hindi ko sila tinatanggihan. Bakit ko naman gagawin yun eh pagkain na yun, diba? Atsaka ate nila ako kaya responsibilidad kong bigyan sila ng kung ano ang makakaya ko.

Sinabihan ko siyang babalik nalang ako kapag handa na akong magpasalamin. Hindi naman niya ako pinilit at ang tanging magagawa niya lang ay resetahan ako ng gamot para sa sakit ng ulo ko.

"Anong gusto mo sa birthday mo, Selena?" tanong ni Mama habang nagvi-video call kami. Mukhang break niya ngayon dahil nasa kwarto lang siya at nakahiga. Rinig ko pa ang mga kasama niyang kasambahay doon sa kabilang double deck na nag-uusap rin.

"Wala naman..." distracted na sagot ni Selena habang nagce-cellphone. Siniko ko siya nang makitang lumungkot ang mukha ni Mama. Nag-angat ng tingin si Selena. "Uh... kahit ano nalang po. Magpadala nalang po kayo ng pera para ako nalang ang bibili sa gusto ko."

"Sige, ayos ba yun sa iyo? Huwag kang mag-alala, anak, pagka-uwi ko babawi ako sa inyo..."

Tumango lang siya at hindi na nagsalita pa. Alanganin akong ngumiti kay Mama. Nalaman na niya kung saan ako magko-kolehiyo at nangakong magpapadala siya ng pang-allowance ko.

"Totoo bang uuwi siya? O gawa-gawa niya na naman yun?" tanong sa akin ni Selena habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin. Nagulat si Papa sa tanong niya at kaagad akong binalingan.

"Nagkausap po kami kanina..." paliwanag ko naman.

"Ano daw sabi?" mahinang tanong ni Papa.

"Yung usual niya pong sinasabi... na uuwi siya tapos hindi pala." Sarkastikong tumawa si Selena at tumayo. "Basta Papa, sa birthday ko, ha? Kahit bigyan mo lang ako ng pera kasi ililibre ko ang mga kaibigan ko."

"Ayaw mo bang magpakain nalang dito sa bahay, anak?"

"Huwag na po, mapapagod lang si Ate kakaluto. Hindi naman tumutulong si Kuya Sonny, eh."

"Luh? Ba't ako nadamay? Ako ba may birthday?"

Nag-away na naman ang dalawa kaya sinita ko sila at sinabing pumunta na sa sari-sariling kwarto. Talagang dalaga na si Selena pero kahit anong turo ko sa kaniya na magluto, palagi iyong palpak kaya nawawalan siya ng gana at ayaw na magpaturo. Si Sonny naman, simpleng prito lang ang alam kaya kahit ngayong nasa kolehiyo na ako, sa akin pa rin ang responsibilidad sa kusina. Buti naman at ngayon ay tumutulong na ang dalawa sa paglilinis pero pagod na pagod pa rin ako lalo pa ngayong medyo malayo na ang campus.

Unang nag-debut si Lulu sa amin at umuwi siya ng Elyu. Silang lahat ang umuwi para lang dito. Marami naman siyang mga kaibigan dun sa Manila pero pinili pa rin niyang dito i-celebrate para daw special at makadalo kaming dalawa ni Ivo.

Gaya ng inaasahan ko, bongga iyong debut ni Lulu at talagang required na magsuot kami ng cocktail dress. Tuxedo naman sa lalaki. Kinunan ko ulit ang ipon ko at pinagkasya nalang ang ipangreregalo ko kay Selena atsaka kay Lulu na rin.

"Raya! Pasok ka!" sigaw ni Celeste nang makitang nasa tapat na ako ng bahay nila. Napag-usapan kasi naming dito nalang sa kanila mag-ayos total marunong namang mag-make up si Celeste at siya din ang may pinakamaraming gamit pang-make up sa amin. Sumama naman sina Yari at Avery sa akin samantalang sina Ivo at Karlo, nauna na dun sa venue.

Pumasok kaming tatlo sa bahay nila. Mas maliit iyon kompara sa amin at nagkalat ang mga laruan dahil may bata. Napatingin ako sa anak ng ate niya. Ang ganda-ganda niya at kulay brown pa ang buhok. Siguro ay katulad ni Cel na foreigner din ang tatay. Nahihiya naman akong magtanong kung sino kaya kumaway lang ako sa kaniya at nginitian ko siya.

"Pasensiya na, ang gulo dito. Si Amy kasi..." natatawang wika ni Cel habang nililigpit ang mga laruan niya.

"Huwag ka nang magligpit, Cel, para naman kaming others!" tugon ni Yari at prenteng naupo dun sa sofa nila. "Wow, Mama mo ba yan?! Ang ganda, ah? Binibining Pilipinas din ba yan?"

Tumawa si Cel kaya napatingin kaming lahat doon sa picture frame. Mas bata at mas maganda ang mama niya doon, karga-karga si Celeste na maliit pa samantalang ang Ate niya naman ay nakahawak sa kabilang kamay.

"Hindi naman siya mahilig sa pageant eh. Mahilig siya sa afam," biro niya saka naupo sa sahig, binubuksan ang makeup kit niya.

"Bruha, narinig ko yun, ah?!" sigaw ng Mama niya sa kwarto.

"Totoo naman," ngumuso lang si Cel at namili doon ng primer. Binalingan niya ako. "Dinala mo ba ang susuotin mo, Raya?"

Nahihiya akong tumango. Binili ko lang ang dress na ito sa sale at nag-iisa nalang kaya wala na akong magawa na sobrang hapit nito sa katawan ko. Gusto ko sanang mag-size up pero iisang stock nalang at ito rin ang pinakamura kaya binayaran ko nalang.

"Sige, ikaw uunahin ko."

Umusog ako kay Celeste at ipinikit ang mga mata ko nang magsimula na siya. Nag-usap usap kami tungkol sa college life nila sa Manila habang nilalagyan ako ng makeup ni Celeste. Ngayong nakapasok na ako sa Lorma at nag-start na din ang klase namin, unti-unti nang nawawala ang panghihinayang ko na binitawan ko ang UP. Hindi naman mahirap mahalin ang Elyu, sadyang wala lang talaga dito ang pangarap ko. Pero alam kong may posibilidad naman na magawa ko na ang gusto ko kapag nakapagtapos na ako ng kolehiyo kaya yun nalang talaga ang inaasahan ko.

"Kumusta naman kayo ni Benj, Yari?" biglang tanong ni Celeste.

Nagulat si Yari sa tanong niya at kaagad na ibinaba ang cellphone. Bigla ding nag-iba ang timpla ng mukha niya sabay iwas ng tingin.

"Wala na kami."

Nahulog pa ang brush mula sa kamay ni Celeste nang sabihin iyon ni Yari. Nakakunot ang noo niyang binalingan ang kaibigan.

"Anong wala na?"

"Break na. Wala na. End of relationship." Sarkastikong sagot ni Yari.

"Huh?! Bakit?"

"Cheater ang gago." Ikinuyom ni Yari ang kamao niya at bakas sa mukha ang galit.

"Tangina, seryoso ba yan?" napatakip si Celeste sa bibig sa sobrang gulat. Maski ako ay nagulat din. "Apat na taon ka niyang niligawan tapos magc-cheat siya sa iyo?!"

Yari shrugged. "Hindi ko alam ang takbo ng utak ng hayop na yun."

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Avery. "Ba't hindi mo sinabi kaagad sa akin?"

Matagal bago nakasagot si Yari. Bumuntong-hininga siya. "Binugbog kasi ni Karlo. Alam niyo naman yun, napaka-OA. Ayokong mag-alala din kayo nang ganun para sa akin. Ayos naman ako. Hindi naman masyadong masakit."

"Slight lang?" biro ni Celeste para pagaanin ang loob niya.

Tumango si Yari. "Hindi naman yun true love. Okay lang."

I bit my lower lip. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Wala naman akong experience sa ganito kaya baka kung ano pa ang masabi ko. Itinikom ko nalang ang bibig at hinayaan sina Celeste at Avery na i-comfort siya.

"Hindi naman kawalan ang mga cheater, Yari. Buti nalang hindi kayo nagtagal ng hinayupak na yun," si Celeste.

"Oo nga. Siya din ang sumayang ng apat na taon niyang effort kaya wala kang talo dito." Si Avery naman.

Yari just gave us a shaky smile and assured us that she's okay. Sa tagal ng panliligaw ni Benjamin sa kaniya, iilang beses lang siyang dinala ni Yari sa barkada kaya hindi ko talaga siya kilala. Nagtataka lang ako kung bakit sasayangin niya ang apat na taon niyang panliligaw para sa panandaliang saya o kung anuman ang ginawa niya para masabihan siyang cheater ni Yari.

"Ayan, tapos na! 500 ang talent fee ko, ah, hair and make up na!" biro ni Celeste at inabutan ako ng salamin. "Ayos ba?"

Tinitigan ko ang mukha ko. She expertly concealed my dark circles with makeup and highlighted my cheekbones. Kulay abo ang ginamit niyang eyeshadow para sa akin pero coral tone naman ang sa mga labi kaya hindi overwhelming tingnan. Naluha pa ako kanina nang lagyan niya ako ng eyeliner pero naging maganda naman ang resulta.

"Salamat, Cel..."

"O, next na!"

Pagkatapos naming mag-makeup ay nagbihis na din kami isa-isa. Doon kami sa kwarto ni Celeste nagbihis. Natawa ako nang makitang may mga poster pa talaga ni Ravi na nakapaskil sa kwarto niya. Mayroon din siyang mga album doon at limited edition na mga t-shirt na talagang naka-frame pa. Ang sabi niya hindi raw niya dinadala ang mga merch niya sa Manila dahil baka masira o nakawin pa daw ang mga ito kaya dito lang sa bahay nila sa Elyu.

I slipped on my dress. Blush pink iyon na off-shoulder at mermaid hem kaya talagang hapit sa katawan. Simple lang naman ang dress at wala ng ibang design. Kahit na hindi kita ang heels ay kulay pink din ang isinuot ko at dinala ko iyong purse ni Mama na kumikinang na cellphone lang ang pwedeng mailagay.

Nang lumabas ako sa kwarto, kaagad na sumipol si Celeste kaya napalingon silang lahat sa akin.

"Miss, pwedeng pahingi number?" biro pa niya.

Napailing ako habang pinupuri nila ang dress kong sa sale lang nabili. Puro magaganda naman ang mga suot nila at mukha na talaga silang mature. Ako lang ata ang mukhang bata dito dahil sa kulay ng suot ko.

"Nariyan na ang sasakyan!" sumilip si Yari sa labas at binalingan kami.

"Let's go, girls." Ani Avery at nagpaalam na sa Mama ni Celeste. Nagpaalam at nagpasalamat din ako sa kaniya bago ako sumunod sa kanila.

Sa Thunderbird Resort ginanap ang debut ni Lulu. Marami ng tao doon pagkarating namin at talagang ginastusan ang event. Naroon din ang ilan sa mga high school classmates namin.

"Primitivo!" malakas na sigaw ni Celeste habang naglalakad kami papasok. "Hoy, Karlo!"

Napalingon ang dalawa. Nag-uusap kasi sila sa tabi nang datnan namin. They both grinned when they saw us. Ivo's eyes went to me. Nawala ang ngiti sa mukha niya nang makita ako kaya kinabahan kaagad ako at na-conscious. Bakit? May mali ba sa suot ko?

"Hoy, para kayong bell boy dito. Wala man lang ka effort-effort!" pambubuska ni Celeste nang makarating kami sa kanila.

Patingin-tingin ako sa paligid dahil hindi inaalis ni Ivo ang tingin niya sa akin. Nang ibalik ko ang tingin ko, naroon pa rin ang mga mata niya kaya nginitian ko siya ng alanganin. Something must've snapped in him because he quickly averted his gaze away. Napahawak pa siya sa batok at kahit na gabi na, kitang-kita ang pamumula ng dulo ng mga tainga niya.

Nag-iwas nalang din ako ng tingin. Hindi ko pa naman dinala ang jacket niya at baka biglang singilin niya yun sa akin kaya hindi ko nalang kakausapin.

Nang magsimula ang program, saka pa lumabas si Luanne kasama ang tatay niyang barako. She looked really beautiful tonight, like a grown woman. Kulay red ang gown niya at nakaayos ang mukha pati na ang buhok. Nagsuot din siya ng contact lenses na bumagay sa makeup niya.

Isa si Ivo sa mga 18 roses niya at naroon din si Kael. Nang turn na niyang isayaw si Lulu, hinid ko mapigilang lingunin si Celeste. Nakatingin siya sa dalawa at nagpipigil ng ngiti. Nakahinga ako nang maluwag dahil mukhang wala na talaga siyang nararamdaman para sa lalaki.

Kasali kaming apat sa 18 candles ni Lulu. Nahihiya akong nag-message sa kaniya sa harapan dahil hindi ko naman alam na seryoso pala 'to. Puro english kasi ang speech ng mga Atenean niyang friends kaya bigla akong na-conscious.

"Lulu, salamat sa pagkakaibigan... sa pagiging and'yan mo palagi para sa akin. Hindi ko alam kung anong nakita mo sa akin pero sinali mo ako sa mundo mo at habambuhay akong magpapasalamat sa iyo. Happy birthday, Luanne Rose."

Sumunod naman sina Celeste na puro din kalokohan ang speech kaya nagsitawanan ang mga guests ni Lulu. Nang matapos ang 18 candles ay nagpa-games saglit ang MC tapos nagsikainan na.

"Guys! I missed you!" isa-isa kaming niyakap ni Lulu nang makarating siya sa table namin.

Umupo siya sa tabi ko at nahirapan pa dahil sa laki ng gown niya kaya tumayo si Ivo at inalalayan siya.

"Thanks, Ivo." Tinapik niya ang kamay nito at itinuro ang bakanteng upuan sa tabi ko. "D'yan ka."

"Huh? Bakit? Naroon ang plato ko!" reklamo naman ni Ivo.

"Gusto kong makatabi si Celeste, eh! Cel, lipat ka dito."

Ngumisi naman si Celeste at inagaw ang upuan ni Ivo. Bumulong-bulong pa siya habang nililipat ang plato niya.

Habang kumakain kami, biglang nag-play iyong kanta ng Ben&Ben na Pagtingin. Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Ivo. Hindi ko alam kung bakit ang tahi-tahimik niya ngayon eh araw-araw naman kaming nagkikita.

"Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago ang pagtingin... aminin ang mga lihim, sana 'di magbago ang pagtingin..." sinabayan ni Celeste ang chorus at tumingin-tingin pa sa amin. Na-awkward tuloy ako at inusog palayo ang upuan ko palayo kay Ivo. Ganun din si Ivo na naubo-ubo na sa kinakain niya.

"Ayos ka lang, pre?" nagtatakang tanong ni Karlo.

Tumango naman si Ivo at uminom ng tubig saka niya sinamaan ng tingin si Celeste. Nagpatuloy nalang ako sa pag-kain. Katabi ni Ivo si Karlo at nasa kaniya pinakamalapit ang pitcher ng tubig. Mukha pa naman iyong mamahalin kaya imbes na abutin ko ay nagpasuyo nalang ako.

"Karlo, pwede bang pasuyo sa tubig?"

Hindi niya ata ako narinig dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Yari kaya nagulat ako nang si Ivo ang umabot nun at ibinigay sa akin nang walang pasabi. I blinked before accepting the pitcher from him and murmuring a thank you. Hinintay niya akong ma-refill ang baso ko saka ibinalik dun ang pitcher sa pwesto ni Karlo.

Na-ungkat ulit ang isyu ni Yari tungkol sa ex-boyfriend niya kaya nag-iba ang mood sa table namin. Pati si Ivo ay nakasimangot nang nakikinig kay Yari na mukhang maiiyak na habang nagkukuwento kung ano talaga ang nangyari.

"Pota, mamatay na lahat ng cheaters..." bulong ni Lulu sa tabi ko.

"Abangan natin yan sa gate, Yari!" ani Ivo. "Ano, Karlo, sama ka?"

"Nabugbog ko na, pre. Late reaction ka."

Nagbangayan ulit sila kaya natawa si Yari habang mabilis na pinupunasan ang mga luha. Inalo naman siya ni Avery at kinomfort ulit. Sinasabi niyang hindi siya affected sa nangyari pero sa tingin ko talagang nasaktan siya sa ginawa ni Benjamin. Sino ba naman ang hindi? Para siyang pinaasa, eh.

Pagkatapos ng party, nagpaalam na kami kay Lulu. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"Araw-araw kitang nami-miss, alam mo ba yun? Kapag nasa Ateneo ako at kung anu-ano ang nakikita ko, ang palaging naiisip ko, ano kayang reaction ni Raya dito? Gusto kaya 'to ni Raya? Siguro mas masarap magluto si Raya dito..." tumawa siya. "In love ata ako sa iyo, eh."

Tumawa lang ako pero parang may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman kasi ako nag-expect na aabot pala ng ganito katagal ang pagkakaibigan namin. Akala ko talaga noon, trip-trip niya lang ako. Charity case...

"Salamat, Lulu..." bulong ko.

"Ivo, ihatid mo si Raya!" bigla niyang sigaw kaya nag-panic kaagad ako. Busy pa naman sa pakikipag-usap si Ivo sa kaibigan nila sa Ateneo kaya napalingon siya nang sumigaw nang malakas si Lulu. Kumunot ang noo niya, hindi ata narinig ang sinabi ni Lulu.

"Lulu, huwag na—"

"Hatid mo si Raya!" sigaw niya ulit at nameywang na. Nagpaalam si Ivo sa kausap niya at lumapit sa amin.

"Ano? Hindi kita marinig!"

"Bingi nito, sabi ko ihatid mo bride mo!"

"Ah, si Raya?"

Uminit nang husto ang pisngi ko sa sinabi ni Ivo at ganun din siya nang ma-realize kung anong sinabi niya. Umubo-ubo pa siya para pagtakpan iyon.

"Ihahatid ko si Raya?" pag-uulit niya. Ivo cleared his throat and stood there uncomfortably.

Lumawak ang ngisi ni Lulu at siniko ang best friend. "Door to door mo, ah? Hindi 'to pwedeng umuwi nang mag-isa, masyado siyang maganda!"

Umirap lang si Ivo at may binulong pero hindi ko naman narinig. Nagpaalam ako kay Lulu at tumalikod na. Sumunod naman si Ivo sa akin pero nasa likuran ko lang siya kaya sobrang awkward tuloy.

"Baka may pupuntahan ka pa, Ivo... ayos lang naman ako." Nilingon ko siya.

Tumabi naman si Ivo sa akin. "Ayos lang. Papatayin ako ni Lulu kapag umuwi ka nang mag-isa."

I bit my lower lip and looked away. Gusto kong maglakad nang mabilis pero sumasakit na ang paa ko sa heels.

"Ayos ka lang? Naka-heels ka ba? Tumangkad ka, eh." Natatawang wika ni Ivo at sinipat ng tingin ang mga paa ko kahit na natatabunan naman iyon ng haba ng dress.

"Ayos lang..." tumango ako sa kaniya pero bigla niyang hinawakan ang braso ko. Gulat akong napatingin kay Ivo.

"Dito ka lang." aniya at iniwan ako doon.

Gusto ko pa sana siyang habulin pero pumirme na din ako at naupo para tingnan kung nagkasugat na ba ang mga paa ko. I sighed when I saw some blisters beneath my skin. Hindi talaga para sa akin ang pagsuot-suot ng mga heels.

Ilang minuto lang nawala si Ivo at pagbalik niya, sakay na siya ng taxi. Kinuha ba niya ito galing sa terminal? Ang layo nun, ah? Atsaka, bakit taxi?! Wala na akong pera pamasahe pauwi. Nag-expect pa naman ako na magt-tricycle lang kami kasi hindi naman kalayuan.

Lumabas si Ivo at inakay ako papasok sa taxi. Kinakabahan ako pero hindi ko naman magawang mag-reklamo dahil nakakahiya kay kuya na pumasok pa talaga dito sa resort. Nagdasal nalang ako na sana naroon na si Papa sa bahay para makahingi ako ng pamasahe.

Akala ko sa front seat siya uupo pero tumabi siya sa akin sa backseat at sinabi sa driver ang address ng bahay ko. Humugot ako ng malalim na hininga at hinigpitan ang hawak sa purse ko. Halos hindi ako makahinga dahil amoy na amoy ko ang pabango niya at mukhang nilukop na ata ang buong taxi. Ito pa yung pabango niya noong una ko siyang nakasakay sa tricycle, ah?

Wala ring imik si Ivo hanggang sa nakarating kami. Binalingan ko ang bahay at napahinga nang maluwag nang makitang bukas pa ang ilaw. Ibig sabihin, naroon na si Papa.

"Sandali, kukuha lang ako ng pamasahe—"

"Ayos lang." kaagad na sabi ni Ivo at hinawakan pa ang braso ko kaya natigilan ako sa pagbaba. Kaagad naman siyang bumitiw. "Libre ko na 'to."

"Huh? Eh hinatid mo na ako! Nakakahiya!"

Tumawa lang si Ivo. "Bayaran mo nalang ako sa susunod kung nahihiya ka talaga. Pasok ka na..."

Nag-alangan ako pero dahan-dahan din akong tumango. Hinawakan ko ang pinto ng taxi at tiningnan si Ivo.

"Salamat, Ivo..."

Tumango siya. Isasara ko na sana ang pinto pero bigla niyang hinarang ang kamay niya kaya nagulat ako. Muntik ko na siyang masarhan!

"Sereia!"

Napatingin ako sa kaniya. Magkadikit na ang kamay namin ngayon sa pinto ng taxi at sa hindi malamang dahilan, hindi ko man lang ginalaw ang kamay ko palayo. Gayon din siya.

"May sasabihin ako."

"Ano?"

"Ang ganda mo. Yun lang." ngumisi si Ivo sa akin at dahan-dahang inalis ang kamay ko saka isinara ang pinto ng taxi.

-

#HanmariamDWTWChap17

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro