Chapter 16
"Happy graduation to us!"
Hinila ni Lulu ang palapulsuhan ako para itabi ako sa kaniya samantalang si Celeste naman sa kabila at si Ivo sa likod. Mama ni Lulu ang kumuha ng litrato namin at nakailang ulit pa kami dahil hindi kontento si Celeste sa mukha niya.
"Isa pa po, Tita! Lumilipad yung buhok ko, eh!"
Tumawa lang ang Mommy ni Lulu at kinunan ulit kami ng litrato. Nababagot na ata si Ivo sa likuran dahil inakbayan niya kaming dalawa ni Lulu at nagpabigat kaya todo reklamo kaagad ang isa.
"Ano ba, Ivo! Ang laki-laki mong tao!"
She was teasing him but I could see the sparkle in her eyes. She's really happy right now. I don't want to ruin the mood by telling her that I won't be moving to Manila and UP is nothing but a wish for me.
Umiwas nalang ako ng tingin, nagi-guilty na tinago ko ito sa kanilang lahat at tanging si Ivo pa lang ang nakakaalam. Nangako siya sa akin na sasamahan niya akong magpa-enroll sa Lorma Colleges kung saan kaming dalawa mag-aaral next school year. Naroon pa rin naman ang kursong gusto ko at walang entrance exam kaya madaling makapasok. Kahit na ganun, hindi ko pa rin maiwasan na malungkot.
"Ivo, hindi ka talaga iinom?"
"Ayaw nga," tamad na sagot ni Ivo habang may nilalaro sa phone niya. Mukhang namatay ata ang player niya kasi ibinaba niya ang phone at tiningnan si Celeste, sabay pakita sa chuckie niya. "Meron naman ako nito."
"Pota, parang bata..." bulong ni Celeste.
Narito kami ngayon sa kwarto ni Lulu at nagmo-movie night. May malaking projector siya at may couch din sa loob ng mismong kwarto kaya komportable kaming lahat. Ito ang nagsilbing celebration namin sa pag-graduate ng high school. Sila Yari, Karlo, at Avery naman ay umuwi para lang dito.
"Excited na ako sa college! For sure, maraming gwapo sa UST. Gusto kong magkaroon ng Thomasian na boyfriend!"
"Ayaw mo ng Atenean?" biro naman ni Lulu na nakahiga sa kama niya.
"Mga red flag!" tumawa si Celeste habang sinasalinan ng alak iyong maliit na shot glass. Siya kasi ang nag-presentang mag-gunner para dito.
"Gago, ano 'to? Ba't andami ng tagay ko?" reklamo ni Karlo nang ipasa na sa kaniya ang baso.
"Bobo, ice lang yan, eh!" tinuro-turo pa ni Celeste ang ice dun sa baso para kumbinsihin siya. Apat pa kaming mga minor dito kaya sina Karlo, Avery, at Yari lang ang umiinom.
"Gusto mo akong lasingin no?! Pagsasamantalahan mo ako!" bintang naman ni Karlo kaya nasapak siya ni Celeste. Napilitan tuloy nitong inumin ang tagay niya.
"Daming arte, eh." Irap ni Celeste habang kinukuha ang baso sa kaniya.
Mas lalo akong kinakabahan na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kanila. Baka magtampo sila sa akin dahil tinago ko ito nang ganito katagal. Hindi ko naman kasi alam kung paano sasabihin at sa totoo lang, may parte sa aking hindi naniniwala na bibitawan ko nalang basta-basta ang pangarap ko sa UP.
"Ngapala, Raya, hindi mo pa nababanggit sa amin kung san kayo sa Manila titira. Nakapaghanap na ba ng bahay ang Papa mo? Sana malapit lang sa Katipunan para kapitbahay tayo!" ani Lulu.
Muntik ko nang mabuga ang iniinom ko sa biglang tanong ni Lulu. Ivo glanced at me with a knowing look. Kahit tinatanong-tanong siya ng mga kaibigan namin kung okay lang ba siyang maiiwang mag-isa dito sa Elyu, ni minsan hindi niya nabanggit ang tungkol sa sinabi ko. It remained a secret between the two of us until... now.
Sasabihin ko na sa kanila.
Inilapag ko ang mga kamay sa hita at yumuko.
"Hindi na ako tutuloy sa UP."
"Gago, seryoso ka ba?!"
"Bakit? Pasado ka, ah?"
"Hoy, huwag kang magbiro nang ganyan! Baka magkatotoo yan!"
Humigit ako ng malalim na buntong-hininga. Alam ko na kaagad na ganito ang magiging reaksyon nila. Pati si Celeste, huminto sa ginagawa at tumitig sa akin.
I gave them a sad smile.
"Alanganin, eh. Hindi namin kaya..."
"Pero... paano ang pangarap mo sa UP?" bulong ni Yari.
Natahimik silang lahat. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Ramdam ko ang lungkot nila para sa akin. Simula noong araw na nag-desisyon akong huwag nang mag-UP, pinipigilan ko ang iyak ko. Ayokong maluha ngayon sa harapan nila gayong inabot na ako nang ganito katagal sa pagkikimkim ng totoong nararamdaman ko.
"She'll be fine... magkasama naman kami sa Lorma." Pagbasag ni Ivo sa katahimikan.
Lulu looked betrayed. "Nagpa-enroll ka na doon? Bakit hindi mo sinabi?"
Umiling ako nang marahan. "Hindi pa, Lulu. Pero plano ko talaga doon para malapit lang sa amin. Hindi na kami lilipat ng titirahan, hindi na mahihirapan ang mga kapatid ko, at hindi na rin mawawalan ng trabaho si Papa. Ito lang ang dapat kong gawin sa sitwasyong ito."
Yari looked so sad and disappointed. Ako rin naman, disappointed sa sarili ko. Ni hindi ko magawang ipaglaban ang pangarap ko. Pero matatawag ko pa rin ba iyong pangarap kung ang kapalit ay paghihirap ng sarili kong pamilya?
"Intindihin natin si Raya, guys..." seryosong sabi ni Karlo. "Hindi naman tayo lahat, breadwinner. Hindi rin madali sa posisyon niya."
Dahan-dahang tumango si Avery. "Oo nga. Baka hindi talaga para sa iyo ang UP, Raya. Pwede ka pa rin namang mag-excel sa kahit saang eskwelahan na gusto mo."
"Tama, tama. Ang talino mo kaya. Kalimutan mo na ang UP, maalikabok doon!" Yari forced out a laugh in an attempt to lighten the mood.
Lulu gave me a small smile. "Sorry, Raya. I know I'm privileged and sometimes a brat. Kung saan mo gustong mag-aral, susuportahan ka namin."
Nginitian ko lang sila at hindi na nagsalita pa. Baka mamaya, umiyak na talaga ako. Pakiramdam ko lang nabunutan ako ng tinik nang sinabi ko na sa kanila ang noon pang bumabagabag sa akin. Iniba naman kaagad ni Celeste ang topic kaya nag-iba na din ang mood.
Nakapagpahinga ako kahit papaano pagsapit ng bakasyon. Palagi pa din naman kaming nagkikita dahil hindi pa sila luluwas ng Manila para sa next school year.
"Ate, nasa labas ang future brother-in-law ko!" malakas na sigaw ni Sonny.
Muntik ko na siyang batuhin ng hawak kong sandok dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid at pinagsabihang tigilan niya ako kakaasar kay Ivo dahil baka mailang na iyon at hindi magpakita.
"Tamang-tama, agahan na pala! Makikikain ako, ha?" walang-hiyang tanong ni Ivo habang pumapasok sa bahay namin.
Nag-plano kasi kaming magpa-enroll ngayong araw kaya magkasama kaming dalawa. Naka-pantalon si Ivo, itim na t-shirt, jacket, saka white na cap. Hinubad niya iyon nang makapasok sa bahay namin.
"Magpapa-enroll kayo ni Ate ngayon, Kuya?" tanong ni Ivo habang pinaghahain ko sila.
"Oo. Sabay kami ngayon."
"Bantayan mo si Ate Raya, ah? Andami mo nang kaagaw—"
"Sonny!" sinita ko kaagad ang kapatid dahil nahihiya na talaga ako at kung anu-ano ang sinasabi niya kay Ivo. Nginisihan lang ako ng kupal at inabutan si Ivo ng plato.
"Kaagaw sa ano?" curious na tanong ni Ivo.
"Huwag mong pansinin yan, Ivo. Sabog yan." Sinamaan ko ng tingin si Sonny nang maupo ako. Si Selena naman, kanina pa tahimik at nakakunot ang noo sa cellphone. "Selena, kain na. Tama na yang cellphone mo."
She sighed and flopped her phone on the table. Hiningi niya ang cellphone na yun kay Mama last year dahil siya nalang daw ang walang cellphone sa classroom nila at nahihiya siya.
"Alam mo bang may jowa yan si Selena, Ate?" sumbong naman ni Sonny.
"Ano?" kumunot kaagad ang noo ko at binalingan si Selena na kaagad sinapak si Sonny.
"Maniniwala ka dito, Ate? Eh puro bola ang laman ng utak n'yan!" inis niyang wika at inirapan pa si Sonny.
I watched how Selena is slowly turning into a lady. Palagi na niyang hinihiram ang ibang dress ko at naglalagay na rin siya ng lip tint. Hindi ko alam kung saan niya nabili iyon. Noong isang araw, tinanong niya din ako kung bagay ba sa kaniya na magpa-rebond pero umayaw naman ako dahil baka masira ang natural niyang buhok dahil ambata pa niya.
"Huwag ka munang magbo-boyfriend, Selena. Ang bata mo pa..." paalala ko.
"Oo nga, Selena. Gayahin mo ang Ate Raya mo..." dugtong naman ni Ivo.
Kumunot ulit ang noo ni Selena. "Wala nga akong boyfriend!"
Binalingan ko si Ivo at naalala ang nangyari sa kaniya nung graduation namin. Nag-confess daw kasi si Eris sa kaniya pero mukhang wala namang nangyari. I decided to tell him about what she did.
"Alam mo bang kinausap ako ni Eris noon?"
"Huh? Ano daw sabi?" Distracted niyang tanong.
"Layuan daw kita." I chuckled humorlessly. "Hindi kasi tayo ka-league."
Kaagad na sumeryoso ang mukha ni Ivo. A flash of anger crossed his face but it must've been my imagination because it quickly vanished.
"Ano daw? Pinagsasabi nun." Napailing siya. "Anong sinabi mo?"
I shrugged. "Sabi ko shut the fuck up and it's none of your business."
Napaawang ang mga labi ni Ivo sa gulat kaya natawa ako.
"Biro lang. Sabi ko, nasa iyo kung gusto mo pa akong kaibiganin o hindi. Wala naman siyang magagawa dun."
Napangisi si Ivo sa akin. "Sinabi mo yun? That's my girl!"
Inirapan ko siya. "Palagi nalang akong inaaway ng mga fans mo."
"Luh, wala naman akong ginagawa. Tapos di ko talaga trip si Eris. Ayoko nung ginagawa niya sa iyo at kung sino pa man. Ano ako, laruan na ayaw niyang ipahiram? Parang in-objectify naman."
Pagkatapos naming kumain, nagpresenta si Ivo na siya na daw ang maghuhugas ng pinagkainan namin. Ang mga walang-hiya kong kapatid, hindi man lang siya pinigilan at hinayaan doon sa lababo. Pinaalis naman ako ni Ivo sa kusina at sinabing mag-ayos na para makaalis kaagad kami. I sighed and went into my room.
Nagbihis lang ako ng simpleng pantalon at knit top. Medyo hanging iyon kaya konting galaw ay nakikita ang maliit na parte ng tiyan ko. Naghanap ako ng iba pang blouse na pwedeng isuot pero kinatok na ako ni Ivo sa kwarto at sinabing mali-late na kami.
Itinali ko ang buhok ko at nag-lip tint na rin. Lumabas ako ng kwarto at hinanap kaagad si Ivo.
"Tara na."
Nakatayo lang siya doon at hawak ang jacket niya. Tinawag ko pa ng isang beses si Ivo dahil mukhang wala ito sa sarili. Napakurap naman siya at sumunod sa akin.
"Bago ba yang lip tint mo?" tanong niya sa akin habang nakasakay kami sa tricycle.
Bigla akong na-conscious sa tanong niya. Bakit niya alam? Halata ba? Hindi naman kasi ako nagli-lip tint noon, eh! Buy 1 take 1 kasi ang binili na lip tint ni Selena kaya sa akin ang isa. Ginamit ko nalang ngayon total nasa kolehiyo naman ako. Ayokong parang bata ako palagi tingnan.
"Bigay 'to ni Selena..." I defended myself for no reason.
Inalis na ni Ivo ang tingin sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. "Bagay sa iyo..."
Mahina ang boses niya at kinakain ng ingay ng tricycle pero rinig na rinig ko iyon. Nagkunwari nalang akong walang narinig kahit na pulang-pula ang mga pisngi ko.
Lumipat kami ng jeep patungo doon sa Lorma Colleges. Siksikan pa kaya magkadikit ulit ang siko namin ni Ivo. Pinagpapawisan na ako sa loob ng jeep at nagsisi kaagad na itong knit top ang suot ko.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Ivo.
Medyo masakit ang tiyan ko pero dahil na siguro ito sa discomfort. Siguro ay mawawala din ito mamaya pagkarating namin sa campus.
Tumango lang ako at tumahimik hanggang sa makarating kami sa campus. Maraming estyudante na magpapa-enroll din at ang iba ay grupo pa talaga ng magkakaibigan.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot at kaba. Wala na ngayon sina Lulu, Celeste, Avery, Yari, at Karlo. Papasok ako sa classroom na walang kakilala o manggugulo sa akin tuwing umaga. Maga-adjust ulit ako at maghihintay na may kumaibigan sa akin. Tanging si Ivo lang ang narito.
"Takte, nakalimutan kong magdala ng ballpen," napakamot sa ulo si Ivo nang abutan siya ng form na fi-fill-up-an namin sa registrar.
"May ballpen—"
"Ito, first year. BSBA ka?" tanong ng babae sa registrar, nakangiti kay Ivo.
"Ah, oo. Salamat, ah?"
Dali-dali kong tinago ang extra kong ballpen sa bag at tahimik lang na nag-fill up doon katabi si Ivo. Ginugulo niya ulit ako at tinanong-tanong ng kung anu-ano habang nagfi-fill up kami. Nang matapos na, nag-submit din kami ng requirements.
"Punta kayo sa Finance tapos bayaran niyo ang ID niyo. Pumila nalang kayo sa bookstore para magpa-picture. Naroon din ang lace tsaka I.D. case. Bawal ang ibang sling, yung official ID sling lang ang pwedeng gamitin."
Tumango ako at hinila si Ivo patungo roon sa Finance. Pumila ulit kami. Naroon ulit iyong mga maiingay na babaeng nakasabay namin kanina. Walang kaalam-alam si Ivo pero malakas ang kutob kong siya ang pinag-uusapan nila dahil kanina pa sila patingin-tingin dito sa gawi namin. Alam kong hindi naman ako ang tinitingnan nila kaya paniguradong si Ivo iyon.
"Gusto mong mag-tour pagkatapos nito? Maliit lang naman ang campus kaya hindi ka maliligaw," tumawa nang bahagya si Ivo habang nagbabayad kami. "Pero ito ang magiging eskwelahan natin sa apat na taon..."
Tumango ako at pumayag. Wala din naman akong gagawin mamaya. May iniwan na akong ulam para sa mga kapatid ko pang-tanghalian para kung gugutumin sila, magsasaing nalang.
Nakaramdam ulit ako ng sakit sa may puson ko. I clutched my stomach and walked slowly. It was painful and must be evident on my face because Ivo stopped walking and looked at me worriedly.
"Raya, ayos ka lang?"
I took a deep breath. Hindi pwede 'to. Bakit ngayon pa? Gusto ko nalang maiyak at magpalamon sa lupa nang mapagtanto kung anong nangyayari.
"Ivo..." my lips trembled as I clutched my stomach. Hiyang-hiya na ako at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil may mga tao sa likod at malamang makikita nila iyon. "P-Pwede ko bang hiramin ang jacket mo?"
Tumitig si Ivo sa akin nang ilang segundo bago niya naiintindihan kung anong nangyayari. Kaagad siyang tumango at dali-daling hinubad ang jacket niya. Ipinulupot ko ito sa baywang ko para takpan ang likod ng pantalon ko. Nahihiya kong nilibot ang tingin para hanapin ang CR.
"Tara, naroon ang CR..." ani Ivo at hinawakan ang braso ko.
I was grateful for it because I think I'm going to collapse in pain. Paminsan-minsan lang naman ako magka-dsymenorrhea pero kapag tinatamaan ako, sobrang sakit talaga at parang hindi na ako makalakad. Katulad ngayon.
"Ah, pucha naman!" napamura ako nang makitang walang laman ang vendo para sa mga sanitary napkin. Naiiyak na talaga ako at wala pang ibang babae sa loob ng C.R. para mahingan ko ng pad.
Lumabas ulit ako. Naghihintay doon si Ivo. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kaniya pero nabasa niya kaagad ang mukha ko.
"Dito ka lang. Ano pang gusto mong bilhin ko? Buscopan?"
Nahihiya akong tumango dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit. Tumango din si Ivo at umalis. Nakatayo lang ako doon sa labas ng C.R. at nahihilo. Ilang dekada ata siyang nawala dahil sa bagal ng oras hanggang sa makabalik siya, may dalang plastic bag mula sa 7/11.
"Salamat..." bulong ko at pumasok ulit sa C.R.
Halos himatayin ako sa loob nang makitang bumili din pala siya ng disposable panties! Gusto kong iuntog ang sarili sa pader sa sobrang kahihiyan. Mabagal ang galaw ko habang nagpapalit sa loob. Bumili pa siya ng heat patches kaya ginamit ko din iyon. May tubig din sa loob atsaka gamot.
I took the medicine and remained in the C.R. for a few minutes, just to compose myself and allow the medicine to kick in. Inayos ko din ang sarili ulit at nag-lip tint dahil sobrang putla ko na.
Pagkalabas ko, halos hindi ako makatingin kay Ivo. Naroon pa rin siya at naghihintay sa akin. Pulang-pula pa rin ang mukha ko sa kahihiyan kaya yumuko nalang ako at mahinang bumulong.
"Okay na ako..."
"Sigurado ka? Pwede naman tayong umuwi tapos balikan nalang natin ang ID bukas."
Umiling ako, mas lalo pang nahiya. Madadamay pa siya eh pwede namang ako nalang mag-isa ang umuwi! Dapat tapos na siya dito pero heto, na-stranded pa siya.
I took a deep breath. "Huwag na... n-nakakahiya..." bulong ko.
"Anong nakakahiya dun? Normal lang naman yun," inilagay ni Ivo ang dalawang kamay sa bulsa habang naglalakad kami patungo sa bookstore. May ibang napapatingin sa amin dahil may nakatali na jacket sa baywang ko.
Pumila kami at nagpa-picture na doon sa loob. Hinintay nalang din namin ang ID namin dahil 15 minutes lang naman daw. Pagkatapos, bumalik ulit kami sa registrar para ipa-print ang schedule namin.
"Patingin!" ani Ivo nang makuha ko na yung akin. "Classmates tayo sa Life and Works of Rizal pati na Art Appreciation!" tuwang-tuwa niyang wika.
Sinilip ko din ang sa kaniya at nagpatantong tama nga siya. Wala pa naman kaming gaanong major subjects dahil first year pa. May dalawang minor subjects kaming classmate. Paulit-ulit pang ikinompara ni Ivo ang ibang subjects pero iyon lang talaga ang magkapareha kami.
"Gutom ka na ba?" tanong sa akin ni Ivo habang naglalakad kami palabas ng campus.
Wala naman akong ganang kumain dahil medyo masakit pa rin ang puson ko pero baka nagugutom na din si Ivo kaya tumango nalang ako. Nagpunta kami sa malapit na tindahan dahil punuan ang mga karinderya at ayaw naming dalawa na makipagsiksikan sa sobrang init.
"Hala, may Sarsi pa pala kayong binibenta! Isa sa akin, kuya!" ani Ivo habang nakatingin dun sa bote ng Sarsi sa display. Binalingan niya ako. "Gusto mo, Raya?"
Tumango nalang din ako. Sarsi saka siopao ang kinain namin. Wala akong gana kaya hindi ko rin naubos ang siopao at tinupi nalang iyong pambalot. May iilan pang mga estyudanteng nagpapa-enroll ang nagsilabasan sa campus at naghahanap ng makakainan.
Mayamaya, nag-ring ang cellphone ni Ivo. Nilabas niya ito sa bulsa at napangisi sabay pakita sa akin sa screen. Tumatawag si Lulu at mukhang gustong mag-video call. Nang sagutin ni Ivo ang tawag, tumambad kaagad ang mukha ni Lulu at Celeste doon sa screen.
"Rayaaaaa!" sigaw kaagad ni Lulu nang lumapit ako kay Ivo at tumabi. Ngumiti ako sa kaniya.
"Kumusta naman kayo d'yan sa Pinas?" biro ni Celeste. Magkatabi sila ngayon at mukhang nasa loob ng sasakyan.
"Okay lang kami. Pasalubong namin, ah?" biro din ni Ivo habang tumatawa.
"Tapos na kaming magpa-enrol! Daming tao, grabe!" reklamo ni Lulu.
Tumango-tango naman si Celeste. "Kikitain namin ngayon ang kambal at si Avery."
Napanguso ako pero wala naman akong masabi. Naiinggit ako sa kanila dahil kahit na iba-iba sila ng school, magkakasama pa rin sila. Kung gusto namin silang makita, kailangan pa naming lumuwas ng Manila o sila ang umuwi dito. Alam kong magiging busy din sila sa susunod na mga araw kaya baka malabong mangyari iyon.
"Uuwi kami ngayong weekend! Kita tayo, ah?" ani Lulu.
Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. "Sige."
"Punta rin kayo ng Manila minsan, 'no! Ikaw, CEO, i-libre mo yang si Raya ng pamasahe! Huwag kang barat!" pambubuska naman ni Celeste kay Ivo.
"Oo na!" binalingan ako ni Ivo. "Gusto mong pumunta ng Manila, Raya?"
I just gave him a hesitant smile. "Sa susunod na kapag may pamasahe na ako."
"Hindi, seryoso, manlilibre talaga ako..." aniya. "Sabihan mo lang ako kung kailan mo gustong pumunta ng Manila. Pwede ka namang matulog sa condo ni Lulu tsaka may bahay naman kami dun. Pwede akong umuwi dun kung sakali..."
Tumango nalang ako at hindi sineryoso ang sinabi niya. Ang mahal kaya ng pamasahe patungong Manila kung magc-commute kami! Alam ko namang may kaya talaga sina Ivo pero hindi naman niya ako girlfriend o ano para ilibre niya ng pamasahe doon. Magkaibigan lang kami at dapat hindi ko iyon inaabuso.
Nagpaalam na ang dalawa dahil nagugutom na daw sila at malapit nang makarating sa mall kung saan sila lahat magkikita. Nag-promise naman si Lulu na bibisita siya tuwing linggo para nagkikita pa rin kami.
Umuwi na din kami ni Ivo pagkatapos. Maluwag na ang jeep ngayon kaya may distansiya sa pagitan naming dalawa. Pagod ako kaya pumikit-pikit ako sa biyahe kahit na hindi naman kalayuan.
"Para po!" sigaw ko nang makitang malapit na ako sa terminal ng mga tricycle.
Magpapaalam na sana ako kay Ivo pero bumaba din siya ng jeep at nagpumilit na ihahatid daw ako mismo sa bahay namin eh pwede naman siyang dumiretso para hindi aksaya ng pamasahe! Napailing nalang ako at hinayaan siya. Natutulog sa duyan si Sonny pagkarating ko at si Selena naman ay nasa kwarto niya ata.
"Salamat, Ivo. Lalabhan ko muna ang jacket mo bago ko ibigay sa iyo..." nag-iwas ulit ako ng tingin sa hiya. Hindi ko naman natagusan ang jacket niya pero nakakahiya pa rin.
Ivo nodded. "Ayos lang. Kina Lulu tayo ngayong sabado, ah?"
Tumango nalang din ako at kumaway sa kaniya saka ako pumasok. Nagligpit ako ng kalat sa bahay at nagsaing muna bago ako nagtungo sa kwarto para magpahinga.
I placed my hand on my chest, trying to feel my heart beat. Ang lakas-lakas pa rin ng tibok ng puso ko kahit na wala na si Ivo. Bakit ganito? Apat na taon naman na kaming magkakilala. Kung palagi akong ganito, anong mangyayari sa akin?
Umuwi nga dito sina Lulu pagka-Sabado. May kukunin daw silang kulang na requirements sa high school namin kaya bibisita nalang din daw sila. Sumama naman ang kambal at si Avery kaya narito ulit kami sa bahay nina Lulu.
"Kumusta ang UST, Cel?" tanong ni Ivo sa kaniya. Gusto sana nilang mag-inuman kaso hindi pwede dahil narito ang tatay ni Lulu at babalik pa sila ng Manila mamaya. Kakakuha lang din ni Karlo ng driver's license niya kaya siya ang magda-drive.
"Ang laki! Feeling ko maliligaw ako dun!" tumawa naman si Celeste at binalingan si Yari. "Ano nalang ang mangyayari sa akin kung nag-UP ako, diba?"
Yari shrugged. "Naliligaw din ako minsan dun, eh. Kabisado ko lang yung mga kainan."
Nagtawanan sila at pinagpasa-pasahan ang chichirya na binili namin kanina sa convenience store. Tumabi si Lulu sa akin at nginitian ako.
"Kumusta ang Lorma? Hindi ka pa pinapabayaan ni Ivo?"
"Hoy, Lulu, inaalagaan ko yan nang maayos 'no! Makapagsalita ka, ha!" sigaw ni Ivo na naroon pa sa kabilang side, katabi ni Karlo.
"Ayos lang... hindi naman kalakihan ang campus. Hindi ako maliligaw roon." Biro ko pa. "Nandun din ang kursong gusto ko."
"Buti naman. Hindi ka mahihirapang mag-adjust dun. Tsaka, nand'yan naman si Ivo."
Tumango lang ako at nginitian din siya. Alam kong nag-aalala pa rin sila sa akin dahil baka malungkot pa rin akong hindi ako nakapag-UP. Siguro masyado lang akong naging unrealistic sa pangarap ko kaya grabe ang disappointment nang hindi talaga ako makapasok dun. Pero desisyon ko rin naman yun. Ayokong gumawa ng bagay na makakapagpahirap sa pamilya ko.
Sila muna bago ako.
Bumalik ulit silang lahat sa Manila bago mag-Monday. Kami naman ni Ivo, naging busy na rin sa orientation ng mga first year at sa pagpapa-sukat para sa uniporme namin. Sabay ulit kami sa campus ngayon kaya maaga akong nagising at nagluto para sa mga kapatid ko.
Beige na vest top ang suot ko at may white inner ako kaya naman laking gulat ko nang dumating si Ivo at ganun rin ang kulay ng suot niya. Oversized beige shirt ang sa kaniya at yung puting cap niya.
"Hala, twinning tayo!" puna niya kaagad. Parang gusto ko itong hubarin bigla at magsuot ng iba dahil baka asar-asarin kami ng mga tao roon pero naalala kong wala na nga pala ang mga kaibigan namin rito.
Napailing nalang ako. "Gaya-gaya ka kasi."
Tumawa lang si Ivo at nakikain ulit sa amin. Naabutan niya si Papa ngayon kaya naman dinaldal niya rin ito habang nasa lamesa kami.
"Ingatan mo ang anak ko sa Lorma, Primitivo, ah? Hindi pa naman yan mahilig makipagkaibigan."
"Ako po bahala sa anak niyo!"
I groaned. Bakit ba sila nag-uusap ng ganito na parang wala ako sa tabi nila?!
Si Papa na ang nag-presentang maghugas ng plato at pinaalis na kaming dalawa dahil baka ma-late pa daw kami. Nagpaalam na ako sa mga kapatid ko at kinuha ang bag ko sabay sunod kay Ivo palabas.
Nang makarating kami sa school, pinapunta kami sa gym kung saan gaganapin ang orientation. Marami kasing first year kaya walang classroom ang makaka-accommodate sa aming lahat. Pagdating namin doon, puno na ang mga upuan sa gitna ng gym kaya ang iba ay sa bleachers nalang nakaupo. May malaking projector sa magkabilang gilid at naroon naka-flash ang orientation para sa amin ngayon.
"Sereia?"
Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lenard.
"Ikaw pala!" napangiti ako at nakahinga nang maluwag. Akala ko talaga wala na akong ibang kakilala dito bukod kay Ivo. "Hindi mo sinabi sa akin na sa Lorma ka magc-college."
He shrugged. "Hindi na tayo madalas nagkikita sa club, eh. Balita ko may chess club din daw dito. Ang sabi ng president, pwede niya daw tayong i-endorse para hindi na natin kailangang mag-audition pa. Sali tayo?"
Nag-alangan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung may future ba ako sa chess o kung ipagpapatuloy ko pa ito. Hindi naman na required ang clubs ngayong college na kami dahil may kaniya-kaniyang clubs ang bawat department na required kaming maging mga member.
"Pag-iisipan ko." Sabi ko nalang sa kaniya.
Binalingan ko si Ivo. Tahimik lang siyang naghihintay sa amin na matapos at talagang dumistansiya pa. Nginitian ko ulit si Lenard.
"Sige, Lenard, kita nalang tayo..."
He stared at Ivo for a bit before nodding.
Binalikan ko na si Ivo. "San tayo?"
Bumaling naman siya kay Lenard na naglalakad na palayo sa amin.
"Akala ko sasama ka ulit sa lalaking yun..." mahinang wika ni Ivo, halos hindi ko yun marinig.
"Huh?"
Ivo shook his head. "Wala, tara na..."
-
#HanmariamDWTWChap16
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro