Chapter 13
"Raya, nag-away ba kayo ni Ivo?"
"Huh?"
Napatingin ako kay Lulu nang bigla niya iyong itanong sa akin. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at naghihintay ng sagot.
"Anong away? Hindi naman..." sagot ko.
"Hindi ka niya pinapansin, eh." Ani Lulu, nakahalumbaba at nakatingin kay Ivo na naroon sa grupo ng mga lalaki at nakikipagtawanan.
Napansin ko din iyon. Medyo umiiwas na siya sa akin simula nung nagpunta siya sa bahay at sinayaw ako. Hindi ko alam kung anong nasabi ko nong gabing iyon pero mukhang tama nga si Lulu, umiiwas siya sa akin.
"Anong tsismis? May nangyari ba?" si Celeste naman na nakarinig sa pinag-uusapan naming dalawa.
"LQ sina Raya at Ivo," Lulu chuckled while fixing her hair.
Namula kaagad ako sa ginamit niyang term. "Anong LQ? Hindi ah!"
Tumawa nang malakas si Celeste at tinulak-tulak pa ako. "Ikaw ah, napaghahalataan ka na. Crush mo ba si Ivo? MU kayo? Yiee!"
I bit my lower lip, trying to recall that night. I went back, reminiscing one of the most magical moments of my life but it got ruined because now Ivo stopped talking to me.
"May nasabi ba ako...?" bulong ko sa sarili.
"Ano ba kasing nangyari? Kwento mo na, dali! Absent naman Filipino natin," umusog ng upuan si Celeste para malapit sa akin.
I sighed and told him about what happened that night. I planned on keeping it to myself because it's precious but I'm worried that I might've really done something to piss Ivo off.
"Sinabi mong gusto mo siya?!" muntik nang matumba si Celeste sa upuan niya kaya agad ko siyang hinatak dahil ang lakas ng boses niya at napalingon pa si Ivo sa gawi namin. Baka malaman niyang siya pala ang pinag-uusapan naming tatlo dito.
Si Lulu naman, bakas din ang gulat sa mukha at hindi makapagsalita.
"Sinabi kong gusto ko siya... bilang kaibigan, okay?" paglilinaw ko. "Yun din naman ang sinabi niya sa akin noon. Gusto niya ako bilang kaibigan. Naisip ko lang na hindi ko pa yun nasasabi sa kaniya at gusto ko siyang pasalamatan sa lahat ng ginagawa niya para sa akin."
"You're so cruel, Raya, and you don't even know it," Lulu shook her head.
Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit? May mali ba sa sinabi ko?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.
Celeste rubbed her temples. Mukhang na-stress talaga siya sa akin.
"Grabe, wala akong masabi," tumawa siya. "Lodi talaga kita!"
Hinampas ni Lulu si Celeste. "Cel, this is serious!"
"Paano magiging serious eh parang tanga yung dalawa?" tumawa ulit si Celeste. "Para kayong naglalaro, eh."
Seryoso kong tiningnan si Celeste. "Bakit? Ano ba dapat ang sasabihin ko?"
She shrugged. "Yung totoo mong nararamdaman?"
"Totoo naman... ang nararamdaman ko." Napayuko ako.
"Friends lang?"
Natigilan ako at matagal itong pinag-isipan. Friends lang, diba? Aaminin ko namang gusto kong kasama ang lalaki at sa dami ng ginawa niya para sa akin, hindi naman mahirap na hindi siya gustuhin.
But a big part of me is alarmed. What happens, then? Anong gagawin ko? Paano ko malalaman, paano ako makakasigurado na gusto ko talaga siya? Hindi ko naman nakikita ang sarili ko sa isang relasyon. Bata pa ako at oo, marami akong responsibilidad lalo na sa bahay kaya ayaw kong dumagdag 'to.
"Bilang kaibigan lang." I said firmly.
Nagkatinginan sina Lulu at Celeste. Tumango naman si Celeste at hinawakan ang kamay ko.
"Wala kang dapat gawin. Huwag kang mag-alala, papansinin ka ulit niyan ni Ivo. Hindi ka niya matitiis, no!"
Napanguso lang ako. Sana nga... kasi hindi ako sanay na ganito. Lumipat pa nga siya ng upuan para lang hindi kami magkausap. Nasasaktan ako pero kasalanan ko din naman. Dapat hindi ko siya ginugulo nang ganun. Hindi ko naman alam na ganun pala kalaki ang impact ng sinabi ko.
I thought it was just for a few days. But the school year is about to end and Ivo still avoids me like a plague. Hanggang sa maka-graduate sina Avery, Yari, at Karlo, hindi pa rin kami nagpapansinan. Sumasama pa rin naman siya sa gala pero palagi niyang pinu-pwesto ang sarili sa pinakamalayo sa akin. Kinakausap niya lang ako kung gusto niyang magpaabot ng tubig at walang ibang naroon kundi ako o di kaya nakaharang ako sa daraanan niya.
When some of our friends graduated from high school, a part of me broke a little. Natatakot ako na baka hindi na kami magkita at mas lalong natatakot ako para sa kung anong magiging future ko. Kami na ngayon ang maghahanda para sa entrance exams, ang mamimili ng kursong kukunin sa kolehiyo, at maga-adjust ulit sa panibagong eskwelahan.
Ilang araw bago ang pasukan, tinawagan ako ni Lulu kung pwede ba daw kaming maligo ng dagat, kaming tatlo ni Celeste para daw makapag-enjoy bago kami mag-fourth year.
"Ngayon na?" gulat kong tanong sa kaniya.
"Oo, hindi natutuloy pag nagpaplano tayo, eh!" she laughed. "Naalala mo pa yung resort na pinuntahan natin noon? Doon pa rin tayo."
"Sige..."
Wala naman si Papa sa bahay at tulog naman si Selena. Ibinilin ko kay Sonny ang kapatid at pinagbawalan muna siyang mag-basketball hangga't hindi ako nakakauwi. Nagdala lang ako ng tuwalya, damit pambihis, atsaka pagkain. Hindi ko alam kung anong kakainin namin doon dahil wala naman talagang matinong plano kaya mabuti nang magdala ako.
Nag-tricycle lang ako papunta roon dahil malapit lang naman. Buti nalang at hindi pa rin sila nagtataas ng entrance fee doon. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap ang dalawa. Nag-text na ako na papunta ako at ang sabi, naroon na daw sila.
Nagpunta ako don sa may buhanginan. Walang masyadong tao ngayon dahil weekday kaya naman mabilis kong nakita si Ivo na nakaupo don katabi ng surfboard niya. Bigla akong natigilan at kinabahan. Aalis na sana ako pero bigla siyang lumingon at nagtagpo ang mga mata namin.
Napamura ako at gustong sabunutan ang sarili dahil hindi man lang ako makagalaw. I took a deep breath. Kinaladkad ko nalang ang sarili patungo sa kaniya at alanganing ngumiti.
"Nandito ka pala..." mahina kong wika.
"Magkikita daw kami ni Lulu," he shrugged.
Nanlaki ang mga mata ko. "Magkikita kami—" I stopped when I realized something. Kinuha ko ang phone ko at nakompirma nga ang mga text ni Lulu na prank lang daw yun at gusto niyang magka-usap na kaming dalawa ni Ivo kaya sinet-up niya kami. I grunted out loud.
"Aalis nalang ako kung hindi ka komportable—"
"Huwag!" mabilis kong wika. Pareho na nanlaki ang mga mata namin at nagkahiyaan pa. Nag-iwas ng tingin si Ivo at inilagay ang kamay sa bibig, namumula ang tuktok ng mga tainga.
"Uhm... nandito na tayo eh... kaya..." I trailed off.
Tumango naman si Ivo at itinuro yung pwesto niya kanina. Hindi na kami nag-abalang mag-renta ng cottage dahil kami lang naman dalawa. Sumama ako sa kaniya dun at nilapag ang bag ko sa pagitan namin. Si Ivo naman ay nakahawak sa surfboard niya, nakatingin lang sa malalaking alon at hindi nagsasalita.
I started overthinking. Why did I stop him from leaving? I'm not sure what to say! Ano bang dapat kong sabihin? Ano bang dapat kong maramdaman? Magagalit ba ako dahil biglang hindi na lang niya ako pinansin o hihingi ako ng sorry sa sinabi ko? Hindi ko alam!
"Sorry..." ani Ivo. Gulat akong napatingin sa kaniya.
"B-Bakit ka nagso-sorry?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.
"Ang gulo ko kasi," he chuckled humorlessly. "Sorry kung naguguluhan ka sa kinikilos ko. Kasalanan ko."
"Hindi naman, Ivo... ako ata ang nanggulo sa iyo," hinging paumanhin ko. "I used the word carelessly. Dapat hindi ko na sinabi yun..."
A look of pain crossed his face but he nodded. "So binabawi mo na ang sinabi mong gusto mo ako?" tumawa siya nang mapakla.
"Gusto kita." Pagkaklaro ko. "Pero dapat pala hindi ko na sinabi dahil ipinapakita yun, diba? Gaya ng ginagawa mo..."
Ivo groaned. Nag-panic ulit ako.
"Bakit? Mali ba?"
"Bilang kaibigan, diba?"
"Oo naman, bilang kaibigan." I tilted my head curiously. "Iyon naman ang pinag-uusapan natin, diba?"
He looked at me hopelessly, like he wanted to do something but he's restraining himself. I stared back at him, realizing the little changes in him after the whole summer that I didn't see him. Medyo mataas ang buhok niya ngayon, mas nade-depina na din ang katawan niya marahil sa araw-araw na paglalaro sa alon.
Ivo took a deep breath. He took a fistful of sand and threw it into the air. Pinanuod ko lang siya at hindi na umimik dahil baka kung ano na naman ang masabi ko.
"Kalimutan nalang natin yun, Raya. Ayos na tayo, diba?"
Tumango ako. I feel so relieved that we're okay again. Ang hirap kasi na hindi nag-iimikan. Masyado na nila akong sinanay sa ingay nila kaya ang hirap na bumalik sa dati kong mundo.
"Ayos tayo, Ivo..." sinulyapan ko ang surf board niya sa tabi, nacu-curious. "Magsu-surf ka ba ngayon?"
"Hmm, depende sa alon. Kapag lumaki-laki ng konti, saka ako lulusong. Alanganin, eh."
Binalingan ko ang dagat. Ang lakas na ng alon, ah? Mas malakas pa ba ang gusto niya? Hindi ba delikado yun?
"Gusto mong mag-surf?" tanong sa akin ni Ivo, nakangisi na. "Masaya yun. Marunong ka bang lumangoy? Turuan kita!"
"Huh?"
Hindi na ako naka-hindi dahil tumayo na si Ivo at pinagpagan ang shorts niya ng mga buhanging dumikit. Kinuha niya ang surf board sa tabi at inilagay sa gitna namin.
"Dito muna tayo sa buhangin magpa-practice bago ka pumunta sa dagat. Game?"
Tumango nalang ako kahit na alanganin. I couldn't see myself drifting with the waves, much as rule it. Kontento lang akong nakatingin sa malalakas na alon pero wala naman akong kagustuhan na sumagupa roon. Only people like Ivo, who are free-spirited and loves to take on challenges, will ride waves with much gusto. Minsan ay naiinggit ako sa passion niya dahil ang aga-aga niyang na-discover ito at ngayon ay sobrang galing na niya.
"Shortboard na 'to pero para sa mga beginner na katulad mo, long board ang dapat gamitin..." pagpapaliwanag ni Ivo habang nilalagay ang board niya sa buhangin. He attached the leash to my back foot and asked me to lie belly-down on the board.
"Kailan ka pa natuto nito?"
"Hmm, bata pa ako eh," aniya at nag-squat sa harapan ko para makita ang mukha ko. "Gustong-gusto ko kasi ang dagat."
I nearly scoffed. He loves it so much but for someone who grew up near the ocean, I am nearly sick of it. I want to look at the beach in a different view, somewhere far from here. Ang alam ko lang, wala rito ang pangarap ko.
"Okay, start na tayo. Left-handed ka diba?"
Tumango ako.
"Goofy stance kung ganun. Try to paddle to get a feel of how your muscles work."
Sinunod ko naman siya kahit na mukha akong tanga na nagpa-paddle sa buhangin. Tiniis ko nalang ang hiya kasi nakatingin siya sa akin at ang iba pang narito sa resort.
"Nakakangalay," reklamo ko at binagalan ang pagpa-paddle ko.
Ivo chuckled. "Sa simula lang yan."
We were like that for a few minutes until he instructed me to try popping up. Nanghiram na din siya ng isang surf board dun sa resort para makita ko kung paano iyon gawin.
"Place your hands below your chest, Raya. Ganyan, itukod mo ang kamay mo tapos tayo ka kaagad. Kung hindi mo pa kaya, itukod mo lang muna ang tuhod mo tapos isunod mo yung isang paa hanggang makatayo ka."
"Paano kung mahulog ako?" kinakabahan kong tanong habang ginagaya ko siya.
"Eh di patay ka," he said nonchalantly.
Sinamaan ko ng tingin si Ivo kaya tumawa siya.
"May leash ka naman, atsaka marunong kang lumangoy diba? You'll be fine..." he reassured me. "Nandito naman ako. Hindi naman kita papabayaang malunod no. Baka lunurin din ako ng Papa mo."
Nag-practice ulit kami ng take-off nang paulit-ulit. Nakakahingal pala 'to. He makes it look like it's so easy. Saludo na ako sa lalaking 'to!
"Goofy foot," tawag niya sa akin dahil hindi na ako nakikinig at hinihingal na nakahiga sa surf board ko. Ivo chuckled. I could feel the sweat drenching the back of my shirt. "Tara, sa dagat na tayo."
"Huh?! Agad-agad?" reklamo ko sa kaniya.
"D'yan lang tayo sa mababaw na parte." Ivo offered his hand so I could stand. "Don't worry, I'm just here."
Tumango ako at sabay kaming naglakad sa dagat bitbit ang mga surf boards namin. Nabibigatan ako ng konti sa akin kaya mabagal ang lakad ko.
Hindi naman ganoon kalakas ang alon ngayon kaya magpa-paddle lang daw kami. Kinakabahan kasi ako kanina dahil baka gusto niya palang mag-surf kami diretso. He told me to take it slow and just find my sweet spot on the board while I'm paddling. Unti-unti na din akong nagiging komportable dahil marunong naman akong lumangoy kaya kampante ako kahit na mahulog ako dito.
Ivo rode his surf board, looking at the horizon. Ginaya ko din ang ginawa niya at tumabi sa kaniya.
We were just drifting with the waves, comfortable with each other's silence.
"Luluwas ka din ba ng Manila?" maya-maya ay tanong niya.
I shrugged. "Hindi ako sigurado, eh."
"Bakit?"
"Mahirap." I sighed. "Wala ngang tuition sa UP, pero lilipat pa kami ng bahay, maghahanap ng marerentahan, magbabayad ng downpayment, maglilipat ng gamit. Magt-transfer din ng eskwelahan ang mga kapatid ko kung ganun. Mahihirapan sila. Si Papa, mawawalan ng trabaho."
"Ang mature mo namang mag-isip," he chuckled. "Talagang mahal mo ang pamilya mo, 'no?"
Tumango ako.
"Swerte nila..." bulong ni Ivo.
Medyo nabubunggo na ng surf board ko ang sa kaniya dahil sa lapit namin kaya dahan-dahan akong nag-paddle palayo, nakatingin sa ibang direksyon kaya hindi ko nakita ang paghampas ng malaking alon sa akin.
Nabunggo ko ulit si Ivo. Nakahawak ang dalawa kong kamay sa dibdib niya habang ang tuktok naman ng ulo ko ay dun sa baba niya. Napasigaw pa ito sa sakit kaya kaagad akong bumitaw at muntik nang mahulog sa surf board ko. Buti nalang nasunggaban niya kaagad ako.
I stared at him with wide eyes. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ivo pulled me back slowly.
"Ayos ka lang?"
Tumango kaagad ako at nag-iwas ng tingin, pinipilit na pakalmahin ang puso. Ano yun?
Matagal kaming nanatili ni Ivo sa laot hanggang sa makaramdam na kami ng gutom. Umahon kami sa tubig at bumalik doon sa table kung san namin iniwan ang mga gamit. Inilabas ko ang pagkain na dala ko kanina at inalok si Ivo.
We ate and talked about college for a bit. Pagkatapos ay nagligpit na at nagbanlaw. Isinauli din ni Ivo ang hiniram niyang surf board at binitbit yung kaniya habang pauwi kami.
"Hatid na kita," alok niya sabay para ng tricycle. Hinayaan ko nalang din siya dahil alam kong miss na siya ni Sonny at hindi sila makapag-usap sa bahay nung hindi kami nagpapansinan.
Nagulat ako nang makita si Papa sa bahay pag-uwi ko. Half-day lang daw ang pasada niya ngayon dahil hati sila noong isa pang taxi driver na bagong hire. Pinapasok ni Papa si Ivo at inalok ng pagkain.
"Hindi na po, salamat. Kumain na kami ni Raya kanina..." magalang niyang pagtanggi kay Papa.
"Papa, tara, basketball tayo sa labas kasama si Kuya Ivo," ani Sonny dala-dala ang bola na ibinigay ni Ivo sa kaniya noon.
"Hindi na ako magaling mag-basketball, Sonny, baka mapahiya ako sa Papa mo," Ivo chuckled nervously.
"Ayos lang! Tara! Raya, sa labas lang muna kami,"
Tumango naman ako. Buti naman at kahit papaano nakakapagpahinga na si Papa. Ang ingay nilang tatlo sa labas kaya pumasok muna ako sa kwarto ko. Nag-isip na din ako ng kung anong lulutuing meryenda para sa kanila mamaya.
Nakaidlip ako saglit sa kwarto. Pagkagising ko, nagpapahinga na sila sa labas. Kaagad akong nagluto ng meryenda at binigyan sila ng tubig. May pinag-uusapan silang kung ano kaya hindi na ako nakisali at naupo nalang dun sa duyan, nagce-cellphone. May pumasok na message mula kay Lulu sa GC namin na para lang sa mga babae.
Luanne Rose Samaniego: @Sereia musta?
Nag-seen kaagad ang iba kaya naman napairap ako. Pinicture-an ko si Ivo na nakikipagtawanan kina Papa at Sonny saka isinend sa GC.
Sereia Montanez: bati na :)
Celeste Imarie Arellano: naks, future son-in-law ni Tito!
Karylle Jane Chi Ong: ay, namamanhikan na ba ito?
Avery Felicia Perez: sana all hahaha
Luanne Rose Samaniego: anong ginawa niyo kanina?
Sereia Montanez: tinuruan niya lang akong mag-surf
Celeste Imarie Arellano: ride me baby hahahahaha
Karylle Jane Chi Ong: @Celeste ang kalat beh, sino ba cleaners ngayon
Inasar-asar lang nila ako dun sa GC kaya nagsisi kaagad ako na nag-send pa ako ng picture ni Ivo na nasa bahay. Napansin niya atang nagce-cellphone lang ako kaya lumapit siya at ngumiti. Itinago ko kaagad ang phone ko dahil baka kung ano pa ang makita niya. Bakit ba ganito sila magbiro? Nakakahiya!
"Uuwi na ako..."
Tumango naman ako at isinilid na ang phone sa bulsa ng shorts ko. Nakapagpaalam na din siya kina Papa kaya binuksan ko nalang ang gate para sa kaniya.
"Salamat kanina..." mahina kong tawag sa kaniya habang palabas siya.
Nilingon ako ni Ivo at ngumisi. "Wala yun. Kita nalang tayo sa pasukan."
Tumango ako at ini-lock ang gate. Kaagad akong pumasok sa bahay at nagtungo sa kusina para maghanap kung anong pwedeng lutuin sa hapunan namin. Habang naglilinis ako ng isda, biglang pumasok sa isipan ko yung nangyari kanina. Nag-init kaagad ang pisngi ko at mas marahas na kiniskis ang kaliskis ng isda para mawala yun sa isipan ko.
"Yiee! Bati na sila!" kantyaw kaagad ni Celeste sa akin nang magkita kami sa first day of school.
Sinamaan ko lang siya ng tingin dahil ang lakas ng boses niya at nabubulabog ang iba naming kaklase. Magkakasama pa rin kaming apat sa iisang classroom kaya naman tuwang-tuwa si Lulu.
"Sign na talaga 'to! Pang-forever na 'to!" inakbayan niya ako habang naglalakad kami patungo sa classroom.
"Kumusta kaya sina Avery?" Celeste sighed. "Miss ko na agad sila."
"Magkita daw tayo sa sabado. Libre nila." Ani Lulu na nakatingin at may tina-type sa cellphone niya.
"Talaga? Gusto ko yan!"
Hindi ko nakita si Ivo nung first day of school namin kahit na classmates naman kami. Nag-double check pa kami sa classroom list at naroon nga ang pangalan niya. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag ni Lulu kaya bahagyang nag-alala ang babae para sa kaniya.
"Dadaanan ko nalang sa bahay nila mamaya." She said, slipping her phone back inside her bag. "Baka nakatulog na naman yung lalaking yun."
Nag-enroll na din si Selena sa St. Agnes bilang freshman kaya hindi ko na siya kailangang sunduin sa tuwing hapon. Hihintayin ko nalang na matapos ang klase niya para sabay na kaming umuwi. Si Sonny naman, palaging may practice sa basketball kaya ako pa rin ang magbabantay kay Selena, lalo na ngayon, dalaga na siya at baka may mga lalaking aali-aligid sa kaniya.
"Grabe, Cel, miss mo agad ako?!" biro ni Ivo kinabukasan nang magpakita na siya. "Huwag ka nang mahiya!"
"Pwe! Ang dugyot, Ivo! Dun ka! Cute ka lang nung freshman pero ngayon mukha ka nang ewan!" tinulak-tulak pa siya ni Celeste palayo.
Ivo grinned. Hindi niya sinabi sa amin kung bakit siya absent kahapon at wala namang nagtanong kaya hinayaan nalang. Mukhang alam ni Lulu pero wala naman siyang sinabi. Siguro personal iyon kaya hindi na kami makikialam.
Pag-elect ng new officers, si Ivo na ang naging president namin. Ilang beses nag-object si Lulu nang sinusubukan siyang i-nominate ng ibang kaklase namin. Si Celeste naman, ninominate ang sarili niya para maging muse kaya nagtawanan ang lahat. Nanalo naman siya kasi... bakit hindi? Muse na siya mula freshman hanggang ngayon. Wala na atang bago dun.
"Cel, sayang, hindi pa rin tayo classmate ngayon," bigla siyang kinalabit ng isang matangkad na lalaki habang nakapila kami sa cafeteria.
Celeste turned and frowned at the guy. Akala ko makikipagbiruan siya dito pero iniwas lang niya ang tingin at umusad sa linya.
"Hoy, ba't ayaw mo kong pansinin?" the guy chuckled. "Ang snob mo, ah."
"Bro, yan ba yung walker?"
Natigilan ako nang marinig ang tanong ng isa sa mga barkada niya. Kaagad ko silang nilingon at masamang tiningnan.
"Oo. Walker ka, diba, Cel? Pa-book naman!" biro ulit nung lalaki.
"Anong sabi mo?" iniwan ko ang tray dun sa tabi at lalapitan na sana yung lalaki pero naramdaman ko nalang na hinila ako ni Ivo.
"Huwag mo yang papatulan, Raya. Gago yan." Bulong niya sa akin at pilit akong inalis doon. Si Celeste naman, halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan niya dahil naririnig ng mga estyudanteng malapit sa akin ang pinag-uusapan nila.
"Ang bastos, eh!"
"Anong bastos dun? Totoo naman, ah? Pokpok ang nanay mo. Buntis nga ate mo ngayon, eh. Ikaw na ba sunod? Patikim naman!"
Mabilis akong binitawan ni Ivo at walang sabing sinuntok sa mukha yung lalaki. Naghiyawan kaagad yung mga babaeng nakapila doon nang bumagsak siya sa sahig habang gulat na gulat kaming nakatingin sa kaniya.
"Ivo!" mabilis siyang hinila ni Lulu pero wala naman itong dulot sa kaniya. Hinila ni Ivo ang neck tie na suot nung lalaki na nasa sahig.
"Bastos kang gago ka. Wala ka bang Nanay o kapatid na babae?!"
Ako na ang lumapit at hinila si Ivo palayo sa kaniya dahil baka suntukin pa niya ito ulit. Palapit na ang mga SSG officers sa amin kaya nagsialisan na rin ang ibang estyudante sa takot na ma-sanction.
"Tama na yan." Kalmadong wika ng bagong president namin. "Tara sa office."
Masama pa ring natitinginan ang dalawa pero sumama naman sila sa office. Nilingon ko si Celeste na nakatulala lang doon habang hawak naman ni Lulu ang kamay niya.
"Tara na, Cel..." mahinang bulong ni Lulu.
She licked her lower lip and gently peeled her hand away. Nauna siyang maglakad habang nakasunod lang kaming dalawa. Hindi pa kami nakakakain ng lunch kaya gutom pa rin ako pero hindi ko na yun inintindi. Bumalik lang kami sa classroom. Dumukdok si Celeste sa desk niya at ginawang unan ang bag.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Lulu. Hindi namin alam kung umiiyak ba siya dahil wala naman kaming marinig na hikbi mula sa kaniya o baka natutulog lang. Tinabihan nalang namin siyang dalawa habang naghihintay sa first period namin sa panghapong klase.
Hindi na pumaosk si Ivo sa afternoon class namin kaya dinala ni Lulu ang bag niya at hinanap namin sa guidance office. Nauna nang umuwi si Celeste at tumanggi ito nang sabihin kong ihahatid ko na siya. Hindi na rin ako nagpumilit dahil baka kailangan niyang mapag-isa sa ngayon.
"Bad trip, apat na oras akong magc-community service!" reklamo kaagad ni Ivo nang magkita kami.
"Basagulero ka kasi. Bakit mo naman sinuntok si Mateo?"
"Siya si Mateo?!" gulat kong tanong kay Lulu.
"Oo. Bakit?"
I blinked, trying to remember where I had met him before. Pinagbintangan kasi ako ng ex niya noon na inagaw ko daw siya tapos ngayon ko lang siya nakilala, nasuntok pa ni Ivo. Bakit ko naman aagawin ang lalaking yun? Ang pangit ng ugali niya! Gusto kong balikan si Xandra para ipamukha sa kaniyang hinding-hindi ko aagawin ang ganung klaseng lalaki!
"Eh paano si Mateo?"
"Suspended." Ngumisi si Ivo. "Buti nalang open-minded ang counselor natin."
Tumango si Lulu at bumuntong-hininga. "Nag-aalala ako para kay Celeste."
"Okay lang yun, ang tigas nun, eh. Lodi ko yun," ani Ivo. "Iparamdam lang natin sa kaniya na nandito tayo palagi para naman gumaan ang loob niya."
"Ano daw gagawin mo sa community service?"
"Di ko alam, sa clinic daw ako eh. Baka gagawin akong alila dun."
Tumawa si Lulu at nailing. Nagpaalam ako sa kanila at sinundo si Selena sa classroom niya. Nag-kwento siya sa akin habang sakay kami ng tricycle na muse daw sila sa classroom nila at may mga kaibigan na rin siya.
Pagdating namin sa bahay, nagulat ako nang makita si Sonny na umiiyak sa labas. Inilapag ko kaagad ang bag ko at pinagbawalan si Selena na pumasok saka ako nagpunta sa loob.
Ang daming basag na bote ng alak sa sahig at sobrang kalat din ng buong bahay. Naroon si Papa sa sahig, umiiyak. Kaagad akong lumapit sa kaniya at lumuhod sa harapan niya.
"Papa... bakit?"
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Punong-puno ng luha at pawis ang mukha niya. Namumula din ang mukha marahil sa alak. Mas lalo siyang napahagulhol nang makita ako.
"Hindi na uuwi ang Mama mo, anak..."
-
#HanmariamDWTWChap13
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro