Chapter 12
"Congrats, Yari! Iskolar ka ng bayan!"
Umingay na naman ang lamesa namin habang si Yari ay nakangiti lang. Pagkatapos ng ilang linggo, siya ang unang nakatanggap ng balita na pasok siya sa UP. Si Avery naman, sa DLSU at si Karlo ay nag-settle sa FEU.
"Dapat mag-farewell party tayo!" ani Celeste, nakangiti at mukhang proud talaga na nakapasa si Yari sa UP. Hindi naman kasi biro ang UPCAT. Ako nga, kung magti-take ako ng entrance exam roon, hindi ako sigurado na makakapasa ako.
"Oo nga! Lapit na graduation, oh!" hirit naman ni Karlo.
Napatingin ako kay Lulu na nagce-cellphone lang sa tabi ko. Mukhang distracted ito at may iniisip kaya hindi ko nalang ginulo. Si Ivo naman, nasa kabilang banda at nanunuod ng live stream ng surfing competition sa phone niya.
Sa tuwing nararamdaman kong malapit nang matapos ang highschool life ko, bigla akong kinakabahan. Alam ko naman ang gusto ko, pero sa tuwing iniisip ko yun ay mas lalong nadaragdagan ang rason kung bakit hindi pwede ang gusto kong mangyari. Nahihiya akong sabihin kay Papa na sa Manila ko gustong mag-aral lalo na ngayong gipit ulit kami sa pera.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang mapansing nagpa-plano na pala sila kung saan kami tatambay para sa sarili naming farewell party. Hindi naman pwede kina Avery dahil hindi kami makakapag-ingay. Kina Ivo naman, hindi maganda ang pakiramdam ng Lola niya kaya bawal muna ang bisita. Ganun din kina Lulu, nai-intimidate ang lahat sa PSG chief niyang tatay na umuwi ngayon sa kanila kaya ang hirap ding mag-party doon. Sa huli, nag-presenta nalang ako na dun sila sa bahay total kami-kami lang naman.
"Aww, thanks Mom! You're the best!" biro ni Yari sa akin.
Tumawa lang ako at iti-next si Papa na dadalhin ko sila doon bukas. Hindi rin naman niya maaabutan ang mga kaibigan ko pero gusto ko pa ring ipaalam.
"Sabay tayong mamalengke bukas, ah?" ani Celeste habang nagliligpit ng gamit.
"Ay, ambagan pala 'to? Kala ko salo na ng mga ga-graduate!" biro naman ni Ivo.
"Ang barat, Ivo!" sigaw ni Karlo. "Huwag kang pupunta ah!"
"Ikaw ang huwag pumunta, bobo! Sure kang ga-graduate ka?!"
Nagtawanan ulit sila nang magbangayan ang dalawa. I quietly slid my stuff inside my bag. Nagpaalam na din ako sa kanila at sinundo ang kapatid ko. Nang makarating kami sa bahay, dumiretso kaagad ako sa kusina para magluto ng hapunan nila. Si Sonny ay hindi pa umuuwi dahil may basketball kaya kami lang dalawa ni Selena sa bahay.
"Ate..."
Napalingon ako nang bigla siyang sumulpot sa kusina.
"Bakit? May assignment ka ba, Selena?" tanong ko.
Umiling siya, namumula ang buong mukha. Nakaramdam kaagad ako ng kung ano kaya pinatay ko ang stove at nilapitan siya.
"Bakit? Ano yun?"
Mukha na itong maiiyak kaya nag-panic na ako.
"May sakit ka ba? Anong masakit sa iyo?"
"Ate... dinudugo ako..." she cried.
Natigilan ako saglit. Tumulo lang ang luha ni Selena at itinuro ang salawal niyang natagusan niya ng dugo.
"H-Hindi ko alam kung paano gamitin yung... n-napkin. Kumuha lang ako sa kwarto mo."
Kalmado akong tumango at tuluyan nang iniwan ang ginagawa ko sa kusina. Pumasok kaming dalawa sa kwarto ko.
"Huwag ka nang umiyak, Sel. Kanina pa ba yan?"
Tumango siya at pinunasan ang mga luha. Kumuha ako ng napkin sa drawer ko at tinuruan siya kung paano iyon gamitin. Mukhang nahihiya pa ito dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata ko at kahit na sinabi kong ako na ang maglalaba sa natagusan niya, nagpumilit pa ring siya na daw ang gagawa nun.
Sa mga oras na 'to, mas ramdam ko ang kawalan ng presensiya ni Mama sa bahay na ito. Dapat... dapat siya ang gumagawa nito. Hindi ko alam kung paano patatahanin ang kapatid ko o kung paano siya bigyan ng assurance na normal lang ito at narito ako. Umiiyak pa rin siyang lumabas sa kwarto ko at nagtungo sa C.R.
I heaved a sigh and blinked back my own tears. Siguro ay pagod lang ako kaya ganito ang naiisip ko. Hindi ko namamalayan na lumalaki na pala ang mga kapatid ko. Ang bilis naman ng panahon.
Kinabukasan, pumunta kaagad kami sa palengke pagkatapos ng klase namin. Si Celeste at ako ang nangunguna kasi hindi naman nila alam ang pasikot-sikot dito. Mukhang first time nga lang makatapak ni Lulu sa lugar na ito. May mga suki na kami dun sa palengke kaya mabilis kaming nakapamili. Sina Karlo naman at Ivo ang kargador ng mga pinamili namin.
"Nakakapagod naman 'to! Araw-araw mo ba 'tong ginagawa, Raya?" tanong ni Lulu nang ilapag na namin ang pinamili sa lamesa.
Umiling ako. "Hindi naman. Tuwing linggo lang ako namamalengke."
"Swerte ng mga kapatid mo sa iyo."
Nagulat ako nang biglang magsalita si Ivo sa tabi ko. Napatingin tuloy ako sa kaniya. Seryoso lang niyang nilalabas ang pinamiling prutas para sa fruit salad na gagawin mamaya.
Hindi ko alam kung anong isasagot dun kaya umalis nalang ako at tinulungan silang ipasok yung iba pa naming pinamili. Maagang umuwi si Sonny nang malamang may kainan sa bahay habang si Selena naman ay nagkulong sa kwarto niya at wala raw ganang makipag-usap sa ibang tao.
"San si Selena? May sakit ba?" tanong ni Celeste sa akin.
Tumango nalang ako para lubayan nila ang kapatid ko. Si Sonny naman, nakikipagbiruan dun kina Ivo at Karlo. Si Avery at Yari ay abala sa paglalabas ng lamesa at upuan sa labas dahil dun kami kakain. Sumunod din sa kanila ang mga lalaki para tumulong. Natagalan sila dun at mukhang may pinagkakaabalahan kaya napagdesisyunan kong sumilip. Nagulat ako nang maglagay pala sila ng fairy lights sa puno ng mangga at talagang tinakpan pa ang lamesa ng picnic mat para maganda itong tingnan. Si Sonny naman ay nanghiram ng extrang mga upuan sa kapitbahay namin dahil hindi na kasya yung sa amin at hindi rin pwedeng ilabas ang sofa.
Bumalik ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto. Marunong magluto si Celeste kaya naman mas bumilis ang ginagawa ko. Si Lulu naman, nakatingin lang at tanong nang tanong sa tuwing may ginagawa kami.
"Shet, bigla akong nahiya! Ako lang ba ang hindi marunong magluto dito?!" Lulu sighed out loud.
"Paano nalang ang magiging asawa mo, Lulu? Char!" biro ni Celeste.
"Kapagod. Parang gusto ko nalang maging trophy wife!"
"Walang papatol sa iyo kapag nalaman nilang PSG chief tatay mo!" biglang sumulpot si Karlo, hinihingal pero nagawa pa ring asarin si Lulu. Kumuha siya ng tubig sa ref at uminom.
"Ikaw, walang papatol sa iyo kasi mukha kang tae, Karlo!" ganti naman ni Lulu kaya nagtawanan sila.
Nang matapos na kami, isa-isa naming nilabas ang mga niluto namin. Kinatok ko si Selena sa kwarto niya para ayahin siya sa labas pero ayaw niya pa rin. Kumuha nalang ako ng plato at nilagyan siya ng mga pagkain saka ibinigay sa kaniya iyon para sa kwarto nalang siya kakain.
"Sure ka ba? Hinahanap ka ng Ate Celeste mo," huling subok ko na ayahin siya pero ayaw pa rin. Iniwan ko nalang ang kapatid sa loob ng kwarto.
"Hoy, gago ka! Bakit ka nagdala ng beer dito?!" nagtulakan sina Ivo at Karlo nang maglabas si Karlo ng ilang bote ng beer mula sa bag niya. Pati ako ay kinabahan din nang makita iyon.
"Beer lang naman 'to, eh! Itatapon ko ang mga bote, promise!"
"Baka makita pa yan ng Papa ni Raya, ah!" si Lulu naman na mukhang worried din.
"Ako magliligpit! Sige na, last na 'to eh! Luluwas na kami ng Maynila kaya sulitin na natin 'to!"
Napailing nalang ako. Nagduruan pa sila kung sino ang magl-lead ng prayer kaya si Avery nalang ang nagsalita. Pagkatapos nun, kaniya-kaniya na kaming kain sa lamesa. Sinita ko kaagad si Sonny nang marinig na gusto niyang tumikim ng beer.
"Bawal daw eh sabi ng Ate mo," tumawa si Karlo, sabay layo ng bote sa kaniya. "Sunod nalang, boy."
Pagkatapos naming kumain, isa-isa kong iniligpit ang mga plato para may matira pang space sa lamesa. Kahit anong pilit ni Karlo kay Ivo ay ayaw talaga nitong uminom ng beer.
"Pwede ba akong mag-try?" tanong ni Lulu.
"Huwag! Baby ka pa!" awat kaagad ni Ivo sa kaniya.
"Magka-edad lang tayo, tanga!" Singhal naman niya sa best friend at binalingan si Karlo. "Sige na? Just a sip, promise!"
"Sip lang ah? Baka singhutin mo yan!" ani Karlo at alanganing inabot kay Lulu ang bote.
She grinned widely and took a sip of the beer. Mabilis na nasira ang mukha niya at kaagad na umubo saka inilayo ang bote.
"Pwe! Ano ba yan! Ang pait!" sunod-sunod niyang reklamo saka inabot ang piraso ng prutas mula sa fruit salad para alisin ang lasa ng beer sa bibig niya.
"Sabi sa iyo, eh!" tumawa si Karlo at kinuha ulit ang bote. Si Sonny naman, mukhang na-bored na sa aming matatanda at pumasok ng bahay.
Marami-rami na rin ang nainom ni Karlo kaya sinaway na siya ni Lulu. Susunduin kasi ang kambal ng driver nila at baka mapaghalataan pang amoy-tsiko ito.
"Oo na, last na 'to..." ani Karlo at inubos ang laman ng bote niya.
"Hay," Yari sighed out loud. Tumingala siya sa langit na puno ng mga bituin. "Ang bilis ng panahon, grabe."
"Oo nga, parang kailan lang, hindi namamansin si Raya!"
Napatingin kaagad ako kay Celeste nang maging ako ang topic nila. Tumawa nang malakas si Lulu at tumango.
"Oo nga! Akala ko talaga, snob ka! Kinakapalan ko lang ang mukha na tumabi sa iyo kasi gusto talaga kitang maging kaibigan!"
I bit my lower lip, embarrassed. Ganun ba talaga ako noon?
"Talaga? Attitude ka pala, Raya," si Karlo.
Umiling ako, natatawa. "Hindi, ah. Nahihiya lang ako."
"Buti makakapal ang mukha namin, balance sa hiya mo!" hirit ulit ni Celeste.
Naging seryoso ang usapan nang tanungin ni Karlo kung nasaan at kailan uuwi ang Mama ko. Alam naman nilang lahat na OFW si Mama, pero ang ibang detalye, hindi ko pa rin masabi sa kanila. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga kamay.
"Domestic helper... sa Amerika. May dalawang inaalagaang bata. Grade 4 pa siya nung umalis ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakauwi. Narinig ko lang na sabi ni Papa, na inaasikaso ni Mama ang green card niya. Hindi ko alam kung ano yun."
A flash of worry crossed over Lulu's face. "Correct me if I'm wrong, but a green card in United States actually means permanent residency for foreigners."
Sarkastiko akong natawa. "Siguro ay wala na talagang balak umuwi."
"Anong wala?! Iiwan niya lang kayo dito? Hindi naman pwede yun!" nagagalit na sigaw ni Karlo. Hinatak kaagad siya ni Ivo paupo.
Umiling lang ako at ngumiti nang malungkot. "Hindi ko pa alam."
Celeste sighed. "For sure, uuwi rin ang Mama mo. Ako nga, may Nanay sa bahay pero parang wala..." mapait siyang natawa.
Seryosong tumingin sa kaniya si Avery. We all heard rumors... about her mother. Pero ni isa sa amin ay walang nagtanong kay Celeste tungkol doon. Natatakot kami na baka magalit siya o magtampo dahil napaka-sensitibo ng topic na iyon.
She took a deep, shaky breath. "Alam ko naman na... walker ang Nanay ko." Celeste swallowed painfully, as if every word that spills from her mouth is physically hurting her. "Iba't ibang lalaki ang inuuwi niya sa bahay. Minsan, parang ayaw ko nang umuwi dun. Nasusuka ako. Nagagalit din ako. Hindi ko nga kilala ang Tatay ko, eh. Kano daw." Tumawa ulit siya nang sarkastiko.
"Feel ko din, beh. Ang tangos ng ilong mo, eh!" biro ni Yari para pagaanin ang tension sa paligid.
Tumawa si Celeste. "Pwede, pwede. Sana biglang magpakita ang Kano kong tatay tapos sunduin ako dito kasi nababagot na ako! Bagay ang ganda ko sa States!"
"Pwedeng model o di kaya international dancer," si Lulu naman.
Tumawa nalang si Celeste sa mga hirit nila habang tahimik naman ang mga lalaki. I know just how painful it is for her to open up about her family and I'm grateful that she finally vented out to us. If she keeps on bottling her feelings, like what I'm doing, she'd be a ticking bomb.
"Pangit ng entry mo, Celeste. Ako nga, may Mommy at Daddy, pero wala namang pakialam sa akin!" ani Yari. Sinulyapan niya si Karlo. "Alam niyo naman, diba? Kung lalaki lang sana ako..."
"Hoy!" Karlo frowned at her. "Pinagtatanggol kita kay Daddy, ah?"
"Alam ko. Pero iba pa rin, Karlo, na talagang tanggap niila ako... bilang ako." She sighed. "Ni hindi nga ako makapili ng eskwelahang gusto kong pasukin dahil ikaw ang priority."
"Nag-volunteer akong mag-gap year, Yari, para ikaw muna ang mag-aral," Karlo's lips went into a thin line. "Huwag mo naman sanang i-invalidate ang nararamdaman ko dahil lang sa "paborito" kuno ako ni Dad."
"Oh, oh, baka mag-away pa kayong magkapatid!" awat kaagad ni Lulu.
"Hindi ka maka-relate, Luanne? Wala ka kasing kapatid! Sa iyo na si Karylle!" inis na wika ni Karlo.
"I'll take her any minute!" ganti naman ni Lulu sa kaniya. "Atsaka, huwag mong sasabihin sa akin yan, ah! Insulto yan sa Mommy ko na nagpakahirap mabuntis at tatlong beses nakunan bago ako iniluwal sa mundong ito!"
"Fuck," mura ni Karlo. "Hindi ko alam, sorry..."
Umirap si Lulu, halatang maiiyak na. "I have three dead siblings. They all think I'm a miracle. They all expect me to be the perfect child because they waited so long... so long to have me. I couldn't be a disappointment to them."
"Sorry, Lulu..." hingi ulit ni Karlo ng paumanhin.
Natahimik kaming lahat at naging awkward ang atmosphere dahil sa tension. Bumuntong-hininga nang malakas si Ivo.
"Akala ko ba farewell party, 'to? Bakit kayo nag-aaway?"
"Si Karlo kasi!" bintang kaagad ni Yari.
"Anong ako?! Nadamay lang ako dito, 'no!"
"Para kayong mga tanga! Dapat nag-iiyakan tayo dahil aalis na sina Avery, Yari, at Karlo pero nag-aaway pa kayo!" ani Celeste.
"Sorry na!" tumayo si Karlo at umikot sa lamesa saka niyakap si Yari. "Pasalamat ka, malakas ka sa akin,"
Siniko ni Yari ang kambal pero ngumiti na din ito. Inikot niya ang tingin sa paligid at huminto ito kay Ivo.
"Anong entry mo?"
"Huh?" Ivo looked confused while forking his mango float. "Kailan ba may entry rin ako?"
"Oo, nasimulan na eh," umirap si Celeste.
Ivo just laughed. "Wala naman akong problema. Okay kami ng Mommy at Daddy ko. May kasunduan lang kami kung anong kukunin kong kurso sa college at ako ang magma-manage sa kompanya pagka-graduate ko."
"In exchange of what? Staying here in La Union?" Avery queried.
Tumango si Ivo. "First love ko ang Elyu, Avery."
Tumawa si Lulu. "Gusto mo lang dito kasi malakas ang alon, eh."
Ivo chuckled and took a spoonful of mango float, nodding. "Noong una, oo. Pero ngayon, mas lalong nadadagdagan ang rason kung bakit gusto ko dito." Nilingon niya ako kaya tumaas ang kilay ko. Bakit? Anong meron?
Avery nodded. "Good for you. Alam mo kung anong gusto mo."
"Eh ikaw, Avery? Ano bang gusto mo?"
She shrugged, twirling the straw in her drink lazily. "Hindi ko alam ang gusto ko. Normal lang ba na wala akong pangarap?" she laughed bitterly. "Wala naman akong problema sa bahay. Bata pa lang ako, wala na ang Mama ko kaya hindi ko siya maiyakan kapag nami-miss ko siya. Si Tita ang nagpapa-aral sa akin kaya siya na din ang pumili ng kursong kukunin ko sa college. Mabuti na yun, diba? Hindi ko na kailangang isipin kung ano ang gusto ko."
"It takes time to find out what your passion is, Avery. Don't give up on it." Malumanay na wika ni Lulu.
"Oo nga, kamakailan ko lang din na-realize na gusto kong maging aeronautical engineer. Buong buhay ko, akala ko gusto kong maging doktor, eh." Singit naman ni Karlo.
Ngumiti lang si Avery at sumimsim sa inumin niya. "Salamat... buti nalang nandito kayo. Ang boring siguro ng high school life ko."
"Ako din." Napatingin silang lahat sa akin nang bigla akong magsalita. Nahiya tuloy ako pero pinagpatuloy ko pa rin ang pagsasalita. "H-Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala kayo. Baka... baka boring din ang high school life ko."
"Aww, ang cute ni Raya!" hinatak ako ni Lulu sa tabi at niyakap. Natawa ako at niyakap din siya pabalik.
"Basta, walang magkakalimutan sa college, ah? Baka makahanap kayo ng bagong kaibigan tapos hindi na magpapakita! Kukutusan ko kayo!" si Karlo naman.
"Parang gago si Karlo, kung ganyan ka palagi, talagang hindi na kami magpapakita sa iyo!" ganti naman ni Ivo.
Nagyakapan kami doon at parang tangang naiyak kahit na hindi pa naman sila aalis ngayon. Mami-miss ko talaga sila. Hindi ko pa rin alam kung saan ako mag-aaral sa kolehiyo, pero sana nga tulad ng sabi ni Karlo, hindi kami magkalimutan.
Dahil si Karlo ang nagdala ng mga beer, siya din ang komolekta sa mga bote at itinapon dun sa basurahan sa kanto namin. Mahirap kasing iwan dito dahil baka makita ni Papa at mapagalitan ako. Hindi naman magsusumbong si Sonny kaya ayos lang.
Pagbalik namin sa paaralan sa sumunod na linggo, usapan kaagad ang prom. Para lang ito sa mga third year at fourth year students. Excited sina Celeste at Lulu sa mga susuotin nila. Sina Avery, Yari, at Karlo, nag-desisyong hindi na um-attend dahil tapos na sila noong third year.
"Excited ako! Anong susuotin mo, Lulu?!" niyugyog pa ni Celeste ang mga balikat ni Lulu habang nag-uusap sila ng mga gown at kung saan rerenta. Yun din ang topic ng iba pang mga babae sa classroom namin pagkatapos i-announce kanina sa flag ceremony ang tungkol sa prom.
"A-attend ka, Raya, diba?" bigla akong binalingan ni Lulu kaya nagulat ako at nahinto sa pagsusulat.
Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil hindi pa naman sigurado. Ang alam ko, gipit pa rin kami ngayon. Kahapon, nung binigyan ako ng budget ni Papa para pamalengke, humingi pa siya ng paumanhin kasi kulang daw at hindi pa dumarating ang padala ni Mama.
"Hindi ko alam..." pag-amin ko. "Sasabihan ko muna si Papa."
"Punta ka, Raya, please!" ani Celeste. "Walang kwenta ang prom kung wala ka!"
Ngumiti lang ako nang alanganin kasi hindi ko pa alam kung anong magiging desisyon ni Papa. Hindi ako nangako sa kanila pero susubukan ko pa rin. Gusto ko din naman um-attend. Sabi nila, hindi raw kompleto ang high school life kapag hindi naka-attend ng prom. Wala na akong ibang chance para mag-prom kapag graduate na ako.
Kasabay ng preparation sa prom ay ang graduation practice ng mga fourth years. Madalas hindi na sila nakakasabay sa amin lalo na kapag kumakain kami ng street foods pagkatapos ng klase. Naiintindihan naman namin dahil busy rin sila sa pagkuha ng mga requirements pag nag-college na sila.
"Prom? Kailan daw?"
"End of the month po, Papa..." medyo kinakabahan pa ako nang mag-open up ako sa kaniya kinagabihan.
Tumahimik si Papa saglit, nag-iisip. I suddenly want to take it back when I saw the look of sadness on his face.
"Meron pa ba n'yan sa fourth year, anak? Kung ngayon lang yan, mangungutang nalang ako. Pero kung meron pa sa fourth year, pwede bang sa susunod na taon nalang? Pasensiya ka na, medyo gipit tayo eh."
"Okay lang po, Papa." Mabilis kong sagot sa kaniya. "Hindi naman required. Wala hong problema."
He still looked sad and I felt so guilty about it. I assured him that it's fine if I can't go to the prom. Tama naman ang sinabi niya. Meron pa next year. Sa susunod na taon nalang.
"Sereia..." tawag niya sa akin.
Lumingon ako kay Papa at hinintay ang sasabihin niya.
"Tumawag ba ang Mama mo sa iyo?"
Umiling ako. "Hindi pa po... bakit?"
Umiling din si Papa. "Wala. Matulog ka na, anak. Ako na ang maghuhugas ng plato rito."
Inintindi ko nalang si Papa dahil talaga namang gipit kami sa pera ngayon. Nagpapadala naman si Mama pero may mga bayarin din kami sa bahay at may utang siyang iniwan dito noon na hanggang ngayon ay binabayaran niya pa rin. Ang prom ay hindi naman importanteng gastusin kaya okay lang.
Malungkot kong ibinalita sa dalawa na hindi ako makaka-attend ng prom kinabukasan habang nagla-lunch kami sa classroom.
"Hala, pwede namang ambagan namin yung pambayad mo!" ani Lulu na mukhang maiiyak na. "O di kaya, ako nalang ang magbayad! Game?"
"Hindi na, Lulu. Nakakahiya."
"Anong hindi na? Okay lang naman sa akin—"
"Hindi na. Magagalit ako." Banta ko sa kaniya pero hindi naman totoo yun. Hindi ko ata magagawang magalit kay Lulu.
Lumungkot ang mukha niya at napanguso.
"Ayos lang yan, may next year pa naman," ani Yari.
"Oo nga, tsaka hindi naman masarap ang catering sa prom noon, eh!" hirit ni Karlo. "Um-attend lang ako kasi nandun crush ko."
"Ang landi, Karlo." Celeste rolled her eyes and turned to me. Nginitian niya din ako. "Next year, sali ka, ah?"
Tumango ako at lumuwag ang pakiramdam dahil kahit papaano ay naiintindihan nila ang sitwasyon ko. Nilingon ko si Ivo dahil kanina pa siya tahimik at wala man lang kung anong komento nang malamang hindi ako makakadalo ng prom.
For some reason, I wanted him to say something. But he didn't and it ended up disappointing me.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko sa puntong ito dahil bakit ko naman gustong malaman kung anong opinion ni Ivo? Bakit pakiramdam ko, importante sa akin iyon?
Nang magsimula nang magpractice sina Lulu, Ivo, at Celeste sa cotillion dance at sina Karlo, Yari, at Avery naman sa graduation ceremony, mag-isa nalang akong umuuwi. Hindi ako nasanay na walang gagawin bago ako pumunta sa elementary school para sunduin ang kapatid ko. I understand our financial situation, but I still can't help getting sad over it.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Noong araw ng prom, text nang text sa akin si Lulu na magkita daw kami pagkatapos ng event tapos kakain sa labas. Hinindian ko ulit ang offer niya dahil ayoko namang madaliin niya ang sarili para pumunta sa akin. Baka hindi pa niya ma-enjoy ang prom. I assured her that I was okay but deep inside, I was still sad about it.
Sabado iyon kaya naman maaga akong nakapagluto ng hapunan. Pagkatapos kumain, napag-desisyunan kong hintayin si Papa sa labas, doon sa duyan. Hindi pa ako makatulog at ayokong buksan ang phone ko dahil baka mainggit ako sa mga pictures nila sa prom na alam kong naka-post na ngayon sa social media.
Nakatulog ako sa kakahintay at nagising na lamang nang marinig na may tumatawag sa akin. Pupungas-pungas pa ako nang bumangon. I squinted my eyes in the dark, trying to figure out if my eyes are playing tricks with me because... is that Ivo?
"Ivo?" naguguluhan kong binuksan ang gate at pinapasok siya.
"Hi." Nakangiti niyang wika. First time ko siyang nakitang nakasuot ng tux. Red ang neck tie niya at nakaayos din ang buhok. Ibang perfume din ang suot niya ngayon, mukhang mas mamahalin pa sa usual niyang ginagamit.
I took a step back, still confused. "Anong ginagawa mo dito?"
"Since you couldn't go to the prom," he said, putting his bag and taking his stuff out. "I'll bring the prom to you."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi pa rin natatanggal iyong fairy lights sa puno ng mangga kaya pumasok siya para kumuha ng extension wire at pina-ilaw ito. Naglabas din siya ng portable speaker at nag-play ng kanta. Thousand Years by Christina Perri.
Gulat pa rin akong nakatayo nang lumapit si Ivo sa akin, nakangiti at may hawak na flower crown. Inilagay niya iyon sa tuktok ng ulo ko at bumulong.
"May I have this dance?"
Wala ako sa sariling tumango. Ivo gently took my hand and placed it on his shoulders. Minsan ay nanunuod ako sa practice nila sa cotillion kaya alam ko kung paano iyon sayawin. I rapidly blinked back the tears from forming in my eyes.
Heart beats fast
Colors and promises
How to be brace?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow
One step closer
I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
"Hindi mo naman kailangang gawin 'to..." basag ang boses kong wika.
"Gusto ko, eh." He chuckled and pulled me closer to him. Nakapambahay lang ako, naka-dolphin shorts at puting t-shirt kaya naman alam kong mukha kaming tanga kapag may nakakita sa amin dito.
"Tapos na ba?"
"Ang ano?"
"Ang prom doon..."
"Hindi pa."
Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer
I have died every day waiting for you
Darling, don't be afraid
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed I wound find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
Ipinikit ko ang mga mata at pilit na pinapakalma ang puso ko. I wanted to be calm and in the right state of mind so I can memorize this moment and picture it forever. I don't want this memory to fade when I grow older because this is one of the most precious moments of my dull, boring life.
"Ivo..." I took a deep breath, my hands shaking.
"Hmm?" malambing niyang sagot.
"Gusto rin kita..."
-
#HanmariamDWTWChap12
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro