Chapter 10
Pagtungtong namin ng third year, mas naging madalas ang usapan kung saan kami magco-college at kung anong kursong kukuhanin namin. Si Lulu ang madalas nag-o-open nun, dahil luluwas siya ng Manila at doon na mag-aaral.
"Babalik ka ng Ateneo?"
Tumango ito at ngumisi nang malapad. "Why not? I like it there!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Avery. Matagal nang tapos ang isyu tungkol dun sa pagnanakaw ng pera pero si Lulu, hindi na tumakbo pa bilang officer sa taong ito. Classmate na din namin siya kaya mas madalas kaming magkasama at madali lang namin siyang nakakaladkad sa kung saan-saan hindi tulad noon na palagi siyang busy sa student council.
"Ikaw, Avery, ga-graduate ka na. Anong kukunin mo?"
She shrugged. "Sa La Salle daw ako, eh, sabi ni Tita. Siya naman ang magpapaaral sa akin kaya wala din akong magagawa. BS Psychology daw."
Binalingan ko si Celeste, nagtatanong ang mga mata.
"Ta-try ko sa UST. Hindi pa ako sigurado kung anong kurso ang kukunin ko pero bahala na, basta maganda ako!" biro niya.
Lulu turned to Yari. Nakasandal ang likod niya sa kambal habang nagce-cellphone.
"San ka, Yari?"
She sighed and put her phone down. "Mag-u-UP ako. Ayaw akong suportahan ng mga magulang ko kapag hindi business-related ang kukuhanin kong kurso."
"Eh bakit si Karlo, aeronautical engineering ang kukunin niya, ah!" reklamo naman ni Celeste.
"Sigurado kasi ang pera dun," ngumisi si Karlo. "Atsaka, nakakalimutan mo atang intsik ang tatay namin. Para sa kaniya, wala daw pera sa multimedia arts."
Natahimik kaming lahat. Hindi na rin umimik si Yari dahil sensitive ata siya sa subject na iyon. Hindi ko alam kung may problema din ba siya sa pamilya nila pero sa limitado kong perception, mukhang mas pinapaburan si Karlo dahil siya ang lalaki.
"Ikaw, Ivo?" si Avery naman ang nagtanong.
"Huwag mo nang tanungin yang si Ivo, baliw yan dito sa Elyu. Hindi yan aalis dito," si Lulu naman ang sumagot.
Tumawa lang si Ivo at walang sinabi. Hindi ko masabi sa kanila na gusto kong mag-UP dahil malakas ang kutob kong hindi namin yun kakayanin. Kailangan naming lumipat ng bahay dahil kung magdo-dorm ako doon, walang mag-aalaga sa mga kapatid ko. Kung kami naman lahat ang lilipat, kailangan ding lumipat ng eskwelahan ang mga kapatid ko. Mag-a-adjust na naman sina Selena sa bago niyang eskwelahan, at si Sonny naman, gumaganda na ang position niya sa basketball team kaya huwag nalang. Hindi ko kayang isakripisyo ang pangarap ng mga kapatid ko para sa akin.
Pagkatapos ng lunch ay nagsibalikan na rin sina Yari, Avery, at Karlo sa mga classroom nila. Dahil simula pa naman ng klase namin, walang ibang ginawa ang adviser namin kundi magpa-elect ng officers at i-establish ang house rules. Nag-object si Lulu nang may nag-nominate sa kaniya kaya si Ivo tuloy ang na-nominate at kahit puro kalokohan lang yung speech niya sa harap, siya pa rin ang nanalo bilang class president.
"Okay ka lang?" rinig kong bulong ni Celeste kay Lulu habang nasa harapan si Ivo at siya na ngayon ang nagp-preside ng election.
Tumango naman si Lulu pero wala ng ibang sinabi. She's the kind of person who wants to serve other people. Pero dahil sa trauma ng nangyari, hindi na niya nakikita ang sarili na maging officer ulit. Hindi ko rin alam kung paano ko siya ico-comfort. Masaya lang ako na alam niyang narito ako palagi sa tabi niya, pati na rin ang iba naming mga kaibigan.
Birthday ng kambal sa susunod na linggo kaya naman pilit naming tinatapos ang mga activities namin nang maaga para makadalo kami. Noong mga nakaraan nilang birthday ay ako lang ata ang hindi nakakadalo kasi ang daming dapat gawin sa bahay.
"Wala akong masusuot," bulong ko habang tinitingnan ang invitation letter ng birthday nila.
Ang sabi ni Yari ay kami-kami lang, pero bakit may invitation card pa?! Ibig sabihin ay maganda talaga 'to at may venue pa!
"Hiramin mo nalang ang dress ko, Raya!" nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Avery. Narinig ba niya ang sinabi ko? Ngumisi siya nang malawak. "Bagay sa 'yo yun, maputi ka kasi. Tsaka hindi na kasya sa akin yun!"
Kumunot tuloy ang noo ko. Anong sinasabi ni Avery? Isang taon lang naman ang agwat namin, ah? At sa tunog ng pananalita niya, pambata ba iyong dress na tinutukoy niya?
Nahihiya naman akong humindi kaya pumayag ako nang sabihin niya sa aking dadalhin niya yung dress bukas. Itinago ko ang invitation card sa bag ko at nagpaalam sa kanila. Kailangan ko pang sunduin si Selena. Grade 6 na siya ngayon pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala para sa kaniya. Napansin ko ding tumatangkad na siya at nauunahan pa si Sonny.
"Ate!"
Nagulat ako nang makitang magkasama ulit sila ni Ivo. Noon, nagpapabili pa siya ng ice cream dito pero tinamaan na ata ng hiya dahil unti-unti ng nagdadalaga kaya siya na ang bumibili ng sarili niyang pagkain. Nilapitan ko ang dalawa.
"Napadaan lang ako," paliwanag kaagad ni Ivo. "Akala ko kasi umuwi ka na."
"Hindi, nagkita kami nina Yari. Binigyan niya ako ng invitation card para sa birthday niya."
"Luh? Ba't wala sa akin?" pagmamaktol niya kaagad. "Hindi ba ako invited?!"
Inirapan ko lang siya at natawa. Malamang si Karlo na ang magbibigay nun sa kaniya, o di kaya matic na invited siya kasi... bakit hindi?! Ivo is the closest to Karlo, after all. Lulu, Ivo, and Karlo went to the same school in elementary before.
Kinuha ko yung bag ni Selena at ako na ang nagbitbit habang naghihintay kami ng tricycle na masasakyan. Si Ivo naman, nakatayo rin sa likuran namin at hindi pa umaalis.
"Hindi ka pa ba aalis?" hindi ko mapigilan ang sariling tanungin siya.
"Hindi, mamaya na. Pasasakayin ko lang kayong dalawa." Seryoso niyang sagot sa akin.
Tumango lang ako at pinara kaagad ang unang tricycle na nakita. Kumaway si Selena kay Ivo habang ako naman ay tipid lang na tumango at iniwas kaagad ang tingin. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatingin nang maayos sa kaniya samantalang siya ay normal pa rin ang pakikitungo sa akin. A part of me is scared that once he finds out what I'm thinking about him, he'll think I'm weird.
Kinabukasan, hindi kami nagkita nila Avery sa lunch dahil may gagawin daw ang mga fourth year ngayon at busy sila. Nag-text lang siya sa akin na kuhanin ko yung dress pagkatapos ng klase nila.
"Oh my God!"
Natumba ang upuan ni Celeste nang bigla siyang tumayo at nagtalon-talon habang hawak ang cellphone niya. Napatingin tuloy kaming lahat sa kaniya.
"Ano yan?" curious na tanong ni Lulu at tumayo para silipin kung anong meron dun sa cellphone ni Celeste. Binasa niya yun saglit at nanlaki ang mga mata. Nakangiti siyang bumaling kay Celeste. "Wow! Free ticket ba 'to? Saan?"
"Kay bebe ko yan!" inagaw ni Celeste ang phone niya at ipinakita iyong picture ni Ravi. "May mini concert siya sa Manila ngayong sabado. Yung isa sa mga admin niya, nagpa-raffle ng ticket! Pupunta ako ng manila! Makikita ko na ang bebe ko!" masayang-masaya pa rin siya at sumayaw-sayaw pa.
"Sinong maghahatid sa iyo, Cel?" si Ivo naman.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Celeste nang mapagtanto niya iyon. She started thinking about it pero mukhang wala siyang ibang maisip kundi mag-commute patungong Manila.
"Magco-commute nalang—"
"Ako na maghahatid sa iyo," ani Lulu.
Nanlaki ang mga mat ani Celeste sa sinabi niya. "Sure ba yan?"
"Oo. Pupunta si Dad sa Manila ngayong Sabado kaya sumabay nalang tayo. Anong oras ba yan?"
"Lulu, in love na ata ako sa iyo! Wah!" she embraced Lulu and almost choked her to death while crying about what just happened. Nagkatingininan lang kami ni Ivo at napailing.
Kinahapunan, nagmamadali akong lumabas ng classroom para hanapin si Avery at makuha iyong dress na hihiramin ko sa kaniya. Wala ng tao sa classroom nila at tanging si Karlo lang ang naabutan ko, kasama iyong mga kaibigan niyang lalaki.
"Si Avery? Nandun sa may manggahan!" he jerked his chin towards the open field. Tumango naman ako at nagpasalamat. Hindi naman na mainit kaya tinawid ko nalang ng diretso ang open field para makapunta roon sa manggahan. May mga upuan at lamesa kasi dun at malilim kaya maraming estyudante ang nakatambay lalo na tuwing hapon.
Nakita ko kaagad si Avery, natutulog sa lamesa at ginawa pang unan ang bag niya. May hawak siyang libro pero mukhang nakatulog ata siya kakabasa nito. Maglalakad na sana ako patungo sa kaniya nang mapansin kong may katabi pala siyang lalaki. Hindi ko alam kung magkatabi ba talaga sila o umupo lang siya dun dahil sa laki ng distansiya niya. He's wearing an ROTC uniform. Familiar din masyado ang mukha niya at saka ko lang napagtanto na siya pala yung ROTC commander na palagi kong nakikita sa flag ceremony.
He glanced at Avery with his arms crossed against his chest. Wala naman siyang sinabi at nakatitig lang. May nahulog na dahon sa tuktok ng ulo niya kaya dahan-dahan niyang kinuha iyon. Avery stirred from her sleep, scrunching her nose. The guy chuckled and removed the leaf. Kaagad na akong tumalikod.
Siguro bukas ko nalang kukunin.
"Raya..."
Napatingin ako kay Ivo nang bigla na naman itong sumulpot. San na naman 'to galing?
"Susunduin mo si Selena?" malawak ang ngisi sa mukha niya.
Tumango ako.
"Sama ako!" he fell into steps next to me and started chattering. Inalok pa niya ako ng kinakain niyang fish ball. Naalala ko na palagi nalang akong humi-hindi sa kaniya kaya tumango ako at kinuha iyong stick.
Nanigas bigla si Ivo sa ginawa ko at doon ko lang napansin nang makagatan ko na iyong fish ball. Nakatingala ako sa kaniya, nagtataka sa inaakto niya.
"Bakit?" bigla akong kinabahan. "Gusto mo bang isauli ko yung fish ball?"
"Huh?! Hindi!" kaagad siyang umiling sabay ng pamumula ng dulo ng mga tainga niya. Tinakpan ni Ivo ang bibig at tumingin sa kabila, hiyang-hiya.
"Okay ka lang, Ivo?"
Tumango lang siya, nakatakip pa rin ang kamay sa bibig. Hindi ko maintindihan ang inaakto niya kaya naman nagkibit-balikat nalang ako at naunang maglakad.
Pagkatapos naming sunduin si Selena, nagpaalam na si Ivo na pupunta daw siya sa dagat. Sa dalas niya roon, inaalok na siya ng surf school na mag-part time instructor sa mga turista. Dagdag income din yun para sa kaniya at gagawin niya lang kung may kliyente sila. Palagi niya yung kinu-kwento sa akin kapag nagsasabay kaming dalawa sa San Juan elementary school.
I'm happy for him that he knows exactly what he wants in life and he can do it. Alam ko rin naman ang gusto ko, pero mukhang malabong mangyari. I will be stuck here in La Union until I can graduate and hopefully get a job. Hanggang hindi pa okay ang mga kapatid ko, hindi ko rin pwedeng unahin ang sarili ko. Sila muna, bago ako...
Nakuha ko din ang dress kay Avery kinabukasan at tinanong-tanong pa niya ako kung bakit hindi ako nakapunta.
"Hinintay kita, eh!"
"Sorry..." nahihiya kong wika sa kaniya.
"Bakit hindi ka nakapunta?"
I bit my lower lip and looked away. Nahihiya ako na pinaghintay ko siya pero mas nakakahiya atang sabihin yung nasaksihan ko kahapon. Wala naman akong alam sa kanilang dalawa nung ROTC commander. Ni hindi ko nga alam ang pangalan nun.
"Busy lang. Uhm... salamat dito, ah?"
Tumango siya at kumaway. "Magsuot ka ng nipple tapes! Hindi pwede ang ordinary bra para d'yan!" tumawa pa siya at naglakad na sa hallway.
Kinakabahan tuloy ako kung anong dress ang ipinahiram niya sa akin at bakit hindi pwede ang ordinaryong bra lang? Sinilip ko ito mula sa paper bag pero tanging kulay ginto lang ang nakita ko. Maybe I'll give it a try once I get home...
"Grabe, sobrang excited ako! Anong susuotin ko?!" hindi mapakali si Celeste sa upuan niya habang nanunuod ng interview video ni Ravi sa morning show kung saan siya nag-guest.
Sumilip naman si Lulu doon. "May mga dress ako sa bahay, gusto mong tingnan?"
"Hubadera ba yang mga dress mo, Lulu? Kasi go ako!" natatawang sagot ni Celeste.
Tahimik lang akong umupo at inilagay sa gilid iyong paper bag na bigay ni Avery. Sama-sama ulit kaming nag-lunch doon sa manggahan dahil nag-aya si Yari.
"Ang init-init..." reklamo ni Yari, nakakunot ang noo at namumula pa ang mga pisngi. Dumako ang tingin niya roon sa mga ROTC officers na nagt-training habang tirik na tirik ang araw. "Grabe, hindi na siguro tatalab ang mga sunscreen sa kanila, 'no? Buti wala namang nahihimatay sa kanila?"
"Mga pa-pogi lang yang ROTC, eh," Karlo murmured. Narinig iyon ng kambal niya kaya binatukan siya nito.
"Anong pa-pogi ka d'yan?! Eh totoo naman talagang mga pogi sila! Lalo na yung commander! Ano nga ulit pangalan nun, Avery?"
"Huh?!" nagulat si Avery at namula nang biglang matuon sa kaniya ang atensyon. "Bakit ako?"
"Diba kakilala mo yun?"
"Hindi ah!" tumanggi kaagad siya.
"Ano, Ivo, pasok ba tayong ROTC? Magkaka-chicks tayo nyan!" aya naman ni Karlo.
"Pass." Tumatawang sagot ni Ivo.
Buong lunch tuloy namin ay sila lang ang pinagti-tsismisan ng lahat. Hindi pa talaga sila natapos at hanggang sa nagsibalikan na kami sa mga classroom namin ay naroon pa rin sila sa quadrangle.
Nakalimutan ko nang tingnan yung dress hanggang sa sumapit ang Friday. Maaga kaming nagsiuwian para makapaghanda pa sa birthday party mamaya. Nagluto din ako nang maaga para sa mga kapatid ko at pumasok sa kwarto para tingnan iyong dress ni Avery.
Nanlumo kaagad ako sa nakita. Bodycon iyon at napakanipis ng straps. Hindi pa ito umabot sa tuhod ko nang tuluyan kong isukat. Kinalkal ko ang cabinet ko para maghanap ng cardigan na babagay dito pero wala talaga. A dress like this can live on its own, and I know that. Hindi lang ako sanay na magsuot ng mga ganito.
Sa huli ay wala rin akong nagawa. Wala naman akong ibang matinong damit para sa party. Sana pala ay tinanggap ko alok ni Mama noon na bilhan ako ng mga damit. Back then, I had no friends. So, I thought buying fancy dresses will be just a waste of money. Wala din naman akong pupuntahan. Pero iba na ngayon...
"Wow! Ate, sinong ka-date mo?!" kantyaw sa akin ni Sonny pagkalabas ko ng kwarto.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ang maghuhugas ng plato ngayon, Sonny, ha? Matulog kayo nang maaga. Huwag niyo nang hintayin si Papa dahil matatagalan yun ng uwi."
He opened his mouth to protest but I beat him into it.
"At walang basketball ngayong gabi, Sonny. Walang kasama si Selena."
Hindi na sumagot si Sonny sa akin pero nakita kong bumulong-bulong pa ito.
Susunduin ako ngayon ni Lulu dahil sila lang naman ang may sasakyan sa amin. Ang alam ko, dadaanan niya muna sina Ivo at Celeste bago niya ako masusundo. Nang makarinig ako ng ingay ng sasakyan sa labas, kaagad na akong lumabas.
"Rayacakes!" malakas na sigaw ni Celeste sa akin habang binubuksan ang kotse. Nahiya tuloy ako dahil alam kong rinig iyon ng ibang kapitbahay namin. Sumipol pa siya nang malakas. "Ganda mo!"
"Oh my gosh! You look really beautifull, Sereia..." nanlalaki pa ang mga mata ni Lulu at nakatakip sa bibig habang tinitingnan ako.
Bigla akong na-conscious sa sinasabi nila. Normal lang naman 'to ang suot ko sa party. Sila din ay ganun ang mga suot kaya bakit nila sinasabi sa akin 'to?
Napatingin ako kay Ivo na nakatingin lang din sa akin. Nasa pinakagilid si Celeste, tapos si Ivo, kaya ang natitirang space nalang sa backseat ay para sa akin... at tabi kami. I bit my lower lip and hesitantly climbed inside the car.
Muntik pa akong matumba dahil nakasuot ako ng heels kaya agad na sinunggaban ni Ivo ang braso ko at inalalayan hanggang sa makaupo ako.
"Salamat..." bulong ko.
"Iyan ba yung dress na pinahiram ni Avery sa iyo? Bagay sa iyo!" daldal ulit ni Celeste habang umaandar ang sasakyan.
Tumango ako, iniisip kung anong sinuot ni Avery ngayon. Si Ivo naman, hindi pa rin nagsasalita at sa totoo lang, hindi ako sanay na tahimik siya.
"Ang ganda ni Raya, diba? Tingnan mo si Ivo, hindi na makapagsalita!" patuloy pa ni Celeste.
Kumuha ng newspaper si Lulu sa dashboard at pabirong ipinalo sa ulo ni Celeste habang kami naman ni Ivo ay nagkakahiyaan dahil sa bigla niyang sinabi. Parang gusto ko tuloy buksan bigla ang pinto ng kotse at tumalon nalang dito.
Sinulyapan ko siya. Naka-simpleng navy-blue polo shirt lang siya at black slacks. Wala na ata siyang magawa kaya bigla niyang tinanggal ang butones sa manggas at irinolyo iyon pataas.
I looked away and squinted at the harsh lights of the car. Lately, I've been having headaches almost every night. Hindi naman siguro ito dahil sa pagod. Sanay na ang katawan ko sa mga gawain sa bahay. Pakiramdam ko dahil ito sa mga mata ko. I want to get my eyes checked because the chronic headache keeps on coming back.
"Ayos ka lang?" bulong ni Ivo sa akin.
Napatingin ako sa kaniya at kaagad na umayos ng upo. Bakas ba sa mukha ko yung sakit? Baka hindi na ako mag-enjoy sa party mamaya ngayong masakit ang ulo ko.
Mabilis kaming nakarating sa hotel kung saan ih-held ang birthday party ng kambal. Malapit iyon sa dagat at ang nirentahang function hall ay malapit din sa buhanginan. It was a grave mistake to wear heels in this place. Bawat tapak ko ay nalulubog ang takong sa buhangin. Nagulat ako nang biglang kumapit si Celeste sa akin dahil muntikan nang madapa. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming nagtungo roon sa function hall.
Karylle and Karlo were there, wearing cocktail dress and tuxedo. Parehong kulay navy-blue iyon. Parang naging debut iyon ni Yari dahil sa dami ng tao. May program pa at MC. Naupo kami sa iisang table at naroon naghihintay si Avery. Pinalakpakan pa niya ako nang makitang suot ko ang dress niya. Most of the guests here also came from FilChi families. Sa mga mukha pa lang nila, alam mong mga negosyante ang mga ito.
"Sabi na eh! Bagay sa iyo!"
Ngumiti lang ako nang tipid dahil masakit pa rin ang ulo ko. I sat next to Celeste, who keeps on talking to everyone. Sina Lulu naman at Ivo sa kabilang dako.
The program started. May AVP pa iyon ng mga childhood photos nina Karylle at Karlo. Halatang hindi nila alam dahil gulat na gulat ang mukha ni Yari at inasar-asar pa dahil baka daw narito ang crush niya at nakikita ang mukha niya noong bata pa siya.
Pagkatapos ng program ay kumain kami. May pa-games daw pagkatapos nito. Excited naman sina Lulu at Celeste dahil gusto nila iyon habang ako naman, halos hindi na makasabay sa usapan nila dahil sa sakit ng ulo.
"Raya! Sali ka, kulang pa kami ng isang member!" hihigitin sana ni Celeste ang braso ko pero bigla iyong pinigilan ni Ivo.
"Mamaya na siguro, Cel. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Raya..." binalingan niya ako.
Yumuko nalang ako dahil sa hiya. Pansin ba niya talaga yun? Nag-sorry pa sa akin si Celeste at naghanap nalang ng ibang sasali sa team niya para sa sack race. Hindi ko alam kung paano nila gagawin iyon na ganun ang mga suot nila.
Kami nalang dalawa ni Ivo ang naiwan sa table. Tahimik lang ako at nakikinig sa MC habang binabasa ang mechanics ng laro. May prize daw sa mananalong team.
"May pupuntahan lang ako..." biglang tumayo si Ivo at umalis. Siguro ay may nakita siyang mga kaibigan kaya agad akong tumango.
Nanatili lang ako doon sa table at nanuod sa kanila. Sobrang ingay ng mga tao nang magsimula na ang laro. Iyong mga kaibigan ko naman, sobrang competitive. Kasali kasi si Yari sa team ni Celeste kaya determinado itong manalo. May isa pang nadapa kaya nagtawanan sila pero bumalik din naman ito at nagpatuloy habang tumatawa din sa kahihiyan.
"Maduga yung kabilang team!" reklamo ni Celeste dahil nauunahan na sila. "Ba't nandyan si Karlo?! Unfair, ah!"
"Nariyan nga si Yari!" inismiran sila ni Karlo habang hinihintay ang isa niyang kasama na makabalik at makuha niya ang sako.
Umingay ulit sila nang manalo ang team nina Karlo. Sina Celeste naman, nakasimangot at nag-uusap-usap. May isa pang game kaya alam kong babawi sila dito.
"Raya..."
Napatingin ako kay Ivo nang bigla nalang siyang maglapag ng gamot sa harapan ko. Kumunot ang noo ko sa nakita. Lumabas ba siya para rito? Wala namang tindahan sa labas, ah? San siya bumili?
"Ah, teka. Ikukuha kita ng tubig..."
"Huwag na—"
Kinain lang ng hangin ang mga salita ko dahil umalis na si Ivo para maghanap ng tubig. My heart started beating while I stared at the medicine he bought for me. Bakit niya ginawa yun?
"Here, drink this."
I murmured a thank you and accepted the glass of water from him before taking the medicine. Umupo siya sa tabi ko at tinanong kung anong nangyari sa sack race kanina.
Ikinuwento ko lang sa kaniya nang tahimik ang nangyari habang nanunuod kami ng calamansi relay nila. Natatakot ako dahil napaka-seryoso nila Celeste at determinado talagang manalo!
Yung team naman ni Karlo ang nagkakaproblema ngayon dahil nahuhulog ang kalamansi nila at bumabalik na naman sila sa umpisa. Nang manalo sila Celeste, tumalon-talon ulit siya at inaway-away pa si Karlo.
"Ha! Take that! Akala mo dahil birthday mo ngayon palalampasin namin?! Asa ka!"
Gusto ko nalang lumubog sa kinauupuan ko dahil sa hiya para kay Celeste. Si Ivo naman ay tumawa sa tabi ko, halatang naaaliw sa bangayan nilang dalawa.
Pagkatapos nilang tanggpin ang mga prize ay bumalik rin sila sa table namin. Tumaas ang kilay ni Celeste nang makitang magkatabi kami ni Ivo.
"Kayo ah, pasimple kayo!" kantyaw niya sa amin. "May namumuo na bang love team rito?!"
"Cel..." mahinang saway ni Lulu pero tumatawa din ito.
Hindi ako makagalaw o makapagsalita dahil sa hiya. Kaagad na tumayo si Ivo at ibinalik kay Celeste ang upuan niya.
"Sure kang pababalikin mo ako rito? Mukhang maiiyak ka na, eh!"
"Dami mong alam, Celeste Imarie." Asar na wika sa kaniya ni Ivo kaya nagtawanan ulit sila.
Sa huling part ng program ay nagpasalamat ang kambal sa lahat ng dumalo. Nagpunta rin sina Karlo at Yari sa table namin at nakipag-picture. Lahat kaming babae ay nasa gitna habang nasa magkabilang gilid naman ang mga lalaki.
Niyakap ako nang mahigpit ni Yari. "Sa susunod naming birthday, punta ka ulit, ah?"
Tumango ako, nahihiya na sa barkda namin, ako ang palaging wala. Ang hirap kasing basta nalang iwan ang mga kapatid ko. Sila pa naman ang tipong hindi nagp-plano at basta nalang gagala kapag trip nila.
Mabilis na lumipas ang panahon. Naghahanda sina Avery, Yari, at Karlo para sa mga entrance exams nila habang kami naman ay sandamakmak na projects ang inaatupag. Pagkatapos ng first quarter namin, naging usap-usapan kaagad sa buong school ang pagt-transfer ng babaeng artista daw sa amin. Pamilyar nga sa akin ang pangalan niya at nang makita ko siya sa guidance office, doon ko napagtantong siya nga pala ang cover ng teen magazine na meron ako sa bahay.
"Minor roles pa lang naman ang nakukuha niya. Kumbaga, sinisimulan pa lang niya ang career niya sa showbiz..." daldal naman ni Celeste sa amin habang kumakain kami ng lunch.
"Eris Cane, diba?"
Tumango ulit si Celeste. "Ang ganda, grabe! Kakaibiganin ko yun, tapos itatanong ko sa kaniya kung anong skincare niya!"
Nagtawanan lang kami doon. Alam kong siya din ang laman ng usapan ng ibang tao sa school. Minsan lang kasi na may artistang nage-enroll sa paaralaang ito. Public school ito kaya pati ako ay nagtataka kung bakit narito siya. May all-girls school naman na malapit sa amin at private iyon. Tingin ko mas nababagay siya doon.
"Ivo, sa inyo kami mamaya, ah?" siniko ni Lulu si Ivo upang paalalahanan ito sa study session namin.
Tumango naman siya at nagpatuloy sa pag-kain. Ako naman, napatingin nang mas lalong lumakas ang bulungan ng mga estyudante pagpasok ni Eris sa cafeteria.
Pagkatapos ng klase namin ay nautusan pa si Ivo na dalhin ang mga pinasang science projects doon sa faculty room. Sinabihan niya nalang kami na maghintay sa kaniya sa waiting shed kaya doon kami nauna.
"Antagal naman ng Ivo na yun!" reklamo ni Karlo nang abutin kami ng 15 minutes sa labas. Lumingon-lingon siya sa paligid. "San daw siya?"
"Nautusan lang." binalingan ako ni Celeste. "Raya, sunduin mo nga yun! Baka maagnas pa tayo rito, eh..."
Gusto ko sanang magreklamo at tanungin sila kung bakit ako pero hindi ko magawa. Iniwan ko nalang ang bag ko at pumasok ulit sa eskwelahan saka dumiretso sa building namin. Ang sabi niya, sa faculty room daw siya. Pero pagsilip ko roon, wala naman.
Naglakad-lakad ako para hanapin siya hanggang sa mapadaan ako sa school clinic namin. Alam ko agad na bag niya iyong nakapatong sa desk kaya naman nag-aalangan akong pumasok. May nangyari ba sa kaniya?!
"—really sorry about this. It's so embarrassing! Ikaw pa talaga ang nakakita..."
"Ayos lang. Okay na ba ang pakiramdam mo?" boses iyon ni Ivo. Natigilan ako.
"Yes, I'm feeling fine, now. Thank you for taking me here."
"Sige... uh, ano nga ulit pangalan mo?"
The girl laughed. Alam kong boses iyon ni Eris. Narinig ko siyang nagsalita kahapon sa guidance office kaya naman pamilyar ako.
"It's Eris, you silly."
Tumawa din si Ivo. "Sige, Eris. Naghihintay ang mga kaibigan ko sa labas, eh."
"Sure, go on..."
Kaagad akong nag-panic at tumalikod para lumabas ng clinic pero nakita ako ni Ivo at tinawag.
"Raya!"
Napalingon ako sa kaniya at alanganing ngumiti. Nagtataka naman ang mukha niya.
"Kanina pa ba kayo sa labas? Sorry, may nangyari lang."
"Hindi naman..." sinulyapan ko si Eris at muntik na akong matumba nang makitang walang ekspresyon ang mukha niyang nakatingin sa akin. Mabilis niya akong nginitian nang mapansin ang gulat sa mga mata ko kaya naman alanganin din akong ngumiti pabalik sa kaniya.
"Tara..."
Wala sa sariling hinawakan ni Ivo ang braso ko habang palabas kami ng clinic. Nagulat ako pero hindi ako makapagsalita kahit na napapaso ako sa hawak niya. Tinitigan ko lang iyon hanggang sa mapansin niya rin. Agad niyang binawi ang kamay at umaktong bata na nahuling nangunguha ng chocolate sa ref.
"S-Sorry, hindi ko namalayan..." paumanhin niya.
I rubbed my wrist to get rid of the sensation that burned my skin.
"Okay lang..." bulong ko, kahit malayo sa okay ang nararamdaman ko ngayon.
-
#HanmariamDWTWChap10
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro