Chapter 1
"Raya, huwag mo sanang mamasamain itong sasabihin ko sa iyo, pero pwedeng layuan mo ang boyfriend ko?"
"Huh?" nagtataka at gulat kong tanong sa kaniya. "Sino ba ang boyfriend mo?"
Nanlaki ang mga mata ni Xandra, pero nasundan din ito ng paniningkit na alam kong puno na iyon ng pagdududa.
"Si Mateo! Ano ka ba?! Bakit ka nagmamaang-maangan, ha?!"
I took a step back, completely stunned. Mateo... Mateo?
"Wala naman akong kilalang Mateo..."
Tuluyan nang umiyak si Xandra sa sinabi ko kaya agad akong nag-panic. Eh talaga namang wala akong kilalang Mateo, eh! Anong gusto niyang gawin ko, magsinungaling ako?! Masama na ang tingin sa akin ng kaibigan niya habang hinahagod ang likod niya.
"Tahan na, Xandra... ganyan talaga ang mga babaeng yan, nagmamaang-maangan kapag kinokompronta!"
"Oo nga, Xandra! Halata naman na may gusto siya kay Mateo, eh! Ayaw pa umamin,"
I bit back a huge sigh. They dragged me in the middle of my lunch at the back of the school building for this? Ilang minuto nalang ay matatapos na ang lunch break! Gutom ako at gusto ko sanang tapusin yung kinakain ko sa cafeteria pero malamang niligpit na iyon ng staff. Baka ma-penalty pa ako dahil CLAYGO pa naman sa paaralan namin.
Hindi na ako nagsalita pa at pinanuod lang si Xandra na umiiyak. Ayoko naman kasing mag-sinungaling at um-oo nalang dahil wala talaga akong kilalang Mateo! Hindi dahil sa sobrang dami kong kaibigan, kundi dahil wala akong kaibigan kahit isa! Atsaka, bakit ba siya nagbo-boyfriend eh first year pa lang kami?! Wala nga sa isip ko ang pagbo-boyfriend, tapos bigla akong magpakakamalang nang-aagaw ng boyfriend ng iba!
"Xandra, sorry—"
"Shut up!" Singhal sa akin ng isa sa mga kaibigan niya. Napakurap-kurap ako. "Akala mo naman kung sinong anghel ka, nasa loob ang kulo mo!"
Kahit na hindi ko kilala kung sino ang Mateo na yan, nasaktan pa rin ako sa sinabi niya. Masama ang tingin nila sa akin habang inaakay si Xandra palayo na para bang ako ang may dala ng malas sa mundo. Nang mawala na silang tatlo ay saka ko nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.
My young heart couldn't dwell on their hurtful words when the bell started ringing. Mabilis din akong naglakad pabalik sa classroom ko dahil Filipino na namin kinahapunan at on-time talagang pumapasok ang guro namin.
Pagkarating ko sa classroom, nagtaka ako dahil may maliliit na grupo nang naka-form sa loob kahit wala pa ang guro namin. Kinuha ko ang bag ko sa pinakadulo at sinulyapan ang black board. May ibinilin palang instruction si Sir na bumuo ng grupo ng lima ahead of time para diretso na ang activity pagpasok niya.
I sighed, looking around. Everyone already has their groupmates. Hindi ko pa alam kung anong activity ang gagawin pero ayaw ko naman iyong gawing mag-isa dahil kakainin nito ang oras ko at hindi pwede yun dahil sa labas ng eskwelahan, marami pang naghihintay na responsibilidad sa akin sa bahay.
"Montanez, wala ka bang grupo?"
Napalingon ako nang tawagin ako ng classroom president namin, si Lulu. Nasa pinakaunang grupo siya at naroon lahat ng matatalino sa klase. Sila palagi ang groupmates kapag hinahayaan kaming gumawa ng sarili naming grupo sa mga class activities. Napalingon din sa amin ang ibang mga kaklase ko kaya bahagya akong nahiya.
Pinilit ko ang sariling tumango.
"Dito ka na sa amin!" aya niya, sabay hila ng isa pang kahoy na upuan sa tabi niya. Nagulat ang mga groupmates niya sa sinabi ni Lulu. Lima na kasi sila kaya naman wala ng rason para tawagin ako.
"Uh... lima na tayo, Pres." Bulong sa kaniya ni Jed, yung pinakamatalino sa amin pagdating sa math.
"Ayos lang! 36 kasi tayo sa klase, kaya malamang may sosobra talagang isa. Ako na magpapaliwanag kay Sir..." nakangiti na sa akin ngayon si Lulu.
I could feel the stares of my classmates and I just wanted to shrink. Kung hindi lang sana ako na-late, makakasali ako sa ibang grupo. Nai-intimidate ako sa kanilang lima at alam ko ang iniisip ng marami kapag nasali ako sa kanila... na ako ang magiging pabigat sa grupo.
"Sereia, sige na. Darating na si Sir!"
In the end, I walked slowly towards their circle and sat on the chair Lulu pulled for me. Ngiting-ngiti siya sa akin habang ang apat niya namang ka-grupo ay mga tahimik lang at mukhang hindi pa nagustuhan na bigla silang nadagdagan. Ako naman, kinakabahan dahil baka pagalitan kami ni Sir at lagpas lima kami.
Sinulyapan ko si Lulu. If there is a perfect girl, that would be her. She's smart, beautiful, and kind. She's everybody's friend. Class president at first year representative ng student council. Ang alam ko, PSG chief yung Tatay niya kaya may-kaya sila sa buhay. Sumasali din siya sa mga pageant at madalas na inuuwi ang korona. Ang galing niya sa lahat kaya nagtataka ako kung bakit palagi niya akong kinakausap.
Siguro ay naaawa sa akin. I heard that she's really empathetic when it comes to students who are left out in class. Sinisigurado niyang walang out of place dito sa classroom namin kaya sinusubukan niya talagang makipag-usap at makipag-kaibigan sa lahat. I stared at my lap and refused to meet the gazes with the rest of the class. I know exactly what they're thinking right now.
Ah, si Lulu at ang bago niyang charity case...
Naglabas ng notebook at ballpen si Lulu nang pumasok na ang guro namin sa Filipino. Kinabahan ulit ako nang kami ang una niyang napansin dahil sa dami namin. Mabilis niya naman itong naipaliwanag at tumango lang si Sir.
"Para sa activity na ito, babasahin ninyo ang Kabanata 3 ng Florante at Laura saka gagawan ng report. Creative reporting ito, isang grupo ang magpe-presenta sa bawat meeting natin..."
Nag-usap kaagad ang mga kagrupo ko nang umupo na sa teacher's table ang guro namin at ibinigay ang isang buong oras para sa brainstorming. Umusog pa sila para daw hindi madinig ng ibang grupo ang gagawin namin.
"So, anong gagawin natin?" nakangiting tanong ni Lulu sa amin. Nagtama ang mga mata namin pero kaagad akong nag-iwas ng tingin dahil baka tawagin niya ako. Wala pa naman akong ideya.
"Gusto mong mag roleplay nalang tayo? Creative reporting naman..." suhestiyon ng isa.
"Tama, sige. Ganun na lang. Pero sinong gagawa ng script?"
"Ah, bobo ako d'yan. Magaling lang akong mag-solve pero hindi ako marunong magsulat!" ani Jed.
"Ako rin... ang corny."
"Wala bang writer dito sa atin?"
Lulu laughed softly. "Pwede naman sigurong gamitin yung dialogues doon sa kabanata. Imo-modify mo lang ng kaunti..."
Nagtalo-talo na sila kung sino ang magsusulat habang ako naman ay tahimik lang dito. I am really living up to their accusations, huh? Ako ang pabigat dito... Bakit pa kasi ako tinawag ni Lulu?
"Ikaw, Raya, baka gusto mong mag-sulat?"
"Huh?!" gulat akong napatingin kay Jed nang bigla niya akong tawagin. Nakangisi na siya sa akin ngayon at ang lahat ng mga ka-grupo ko, sa akin na nakatingin. Dinaga kaagad ang dibdib ko. But growing up as someone who took most of the responsibilities abandoned by other people, I found myself nodding. "Sige, ako na magsusulat ng script..."
"Yun oh!"
Nag-cheer pa sila ng kaunti kaya naman napatingin ang ibang grupo sa amin. Nahiya tuloy ako. Baka ang taas na ng expectation nila sa akin eh napilitan lang naman ako kasi kapag hindi ko ginawa, anong gagawin ko? Wala... magiging pabigat ako.
"Sige, sinong gaganap bilang Florante? Tsaka, paano natin gagawin yung leon?"
"May lion costume ako sa bahay, okay na ba yun?"
Nagpatuloy sila sa pagpaplano kung anong susuotin, kailan magpa-practice, at may backdrop pa silang gustong gawin. Natakot ako bigla dahil ramdam ko ang pagiging competitive nila. Other groups would just summarize the chapter and write it on a manila paper with cutout art paper pasted on it and it's already "creative" for them. Kami lang ata talaga ang nagp-plano na mag-roleplay ng Florante at Laura kaya kinakabahan ako.
Si Lulu na ang nag-take note at nag-assign ng mga tasks sa bawat isa. Nang matapos ang period namin para sa Filipino ay nagsibalikan na kami sa mga upuan namin. Nakaupo si Lulu sa tabi ko, sa likuran kahit na Samaniego naman ang apelyido niya. Malawak ang ngiti niya sa akin habang nililigpit ang notebook niya.
"Buti nalang, ka-grupo ka namin, Sereia..."
I gave her a fake smile and kept quiet. Akala ko, iyong pag-upo upo niya dito, for one week lang. Hindi ko kasi siya gaanong kinibo at siya lang palagi ang nagsasalita. Akala ko babalik siya sa dati niyang upuan sa harapan pero parati pa rin siyang umuupo sa tabi ko. Tsaka dito sa likuran, puro maiingay na mga kaklase kong lalaki ang nakaupo. Kami lang ata dalawa ni Lulu ang babae dito.
I chose this seat because it's near the window and I could easily slip into my private daydreams when the class gets boring. Sa bahay kasi, hindi ko iyon magawa. Kailangan kong magsaing, magluto, maglinis, at tulungan ang mga kapatid ko sa assignment nila. Kapag mahina ang kita ni Papa sa pagiging taxi driver, kinakapalan ko ang mukha ko sa tindahan para magpalista na naman ng utang. Tahimik lang ako parati at kung pwede, ayokong magsalita. Pero hindi ko naman kayang makitang nagugutom ang mga kapatid ko kaya ginagawa ko ang mga bagay na hindi na komportable sa akin.
Sinulyapan ko si Lulu at nakitang nakikipag-kuwentuhan na siya sa mga lalaking katabi namin. Akala ko noon, KJ siya at magagalit kapag nag-iingay sila pero nakikisali siya sa kanila. Naging kaibigan na din niya ang mga lalaki roon at mas naging komportable sila kasi nga ang mismong class president namin ay hindi lang puro sermon. Nagse-seryoso naman si Lulu kapag kailangan, tulad ngayon at vacant kami sa Philippine History namin dahil hindi pumasok ang guro namin. Math nalang mamaya at uwian na.
"Raya, iyong script, ha? Huwag mong kalilimutan bukas!"
Tumango ako at naglakad na palabas ng gate. Pagkatapos ng math namin ay pinaalalahan kaagad ako ni Lulu sa script na isusulat ko mamaya pagkatapos ko sa gawaing-bahay. Gusto ko sanang pumunta sa baybay ngayon pero kailangan kong umuwi nang maaga para matapos din ako nang maaga sa mga gagawin ko at maasikaso ko pa iyong script.
Sumakay agad ako ng tricycle at nagpahatid doon sa elementary school kung saan nag-aaral ang dalawa kong kapatid. Susunduin ko sila ngayong hapon tapos sabay na kaming tatlo na uuwi sa bahay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila maalam sa pag-commute. Natatakot din akong baka maligaw lang sila kaya't hinahatid at sundo ko sila parati.
"Ate!" excited na tumakbo sa akin si Selena, may hawak pang bond paper na may drawing niya. Ipinakita niya iyon sa akin. "Tingnan mo, nag-drawing ako!"
"Ganda, ah?" ani ko, kahit na ang nakikita ko lang ay isang stick na babae at maraming hugis puso sa paligid. Hindi pa pantay ang mga mata at masyadong mahaba ang mga binti nito.
"Ikaw 'to, Ate!"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng kapatid. She giggled.
"Sabi kasi ng teacher namin, mag-drawing daw ng taong mahal namin!"
My heart melted at her words as she chattered on about their afternoon activity.
"Bakit ako? Nasaan si Papa at Mama?" I asked her gently.
Selena pouted, kicking at the dirt with her shoes. "Wala naman parati si Papa. Tsaka sabi ng mga kaklase ko, wala daw akong Mama."
"Huh?! Kausap mo si Mama gabi-gabi, ah! Anong wala?!"
Nag-iwas ng tingin sa akin si Selena. "Hindi naman siya totoo, Ate, eh. Nasa screen lang yun ng cellphone..."
My heart twisted painfully. Hindi pa nakakalakad si Selena ay nag-abroad kaagad si Mama bilang domestic helper sa America. Ako na ang nag-alaga at nagpalaki sa kaniya kaya naman hindi pa niya nakikita nang personal si Mama kahit isang beses. Kahit na nagvi-video call naman kami halos gabi-gabi, hindi pa rin kumbinsedo ang kapatid ko sa kaniya.
"Anong gusto mong pasalubong, Selena? Sereia?" malambing na tanong ni Mama. "Ikaw, Sonny?"
Itinapat ko ang screen ng cellphone ko kay Selena at tinanong siya kung anong gusto niya. Tapos na kaming maghapunan at hindi pa rin nakakauwi si Papa kaya naman tinirhan nalang namin siya ng pagkain. Nasa kusina kaming tatlo, gumagawa ng assignment habang nagvi-videocall kay Mama. Ito lang kasi ang oras ng pahinga niya kaya ito lang din ang pagkakataon na magkausap kami.
"Gusto ko, Mama, tsokolate na maraming-marami tapos yung sapatos po na umiilaw!" excited na wika ng lalaki kong kapatid, si Sonny. "Uso po yun sa school, eh."
Tumawa si Mama. Halatang pagod ito pero pinipilit pa rin ang sariling makipag-usap sa amin para daw hindi malayo ang loob namin sa kaniya. Noong tumungtong ako ng high school, pinadalhan niya ako ng pera pambili ng touchscreen na cellphone para daw maka-video call na kami. Simula noon, gabi-gabi na siyang tumatawag at nakikipag-usap sa amin.
"Sige, bibilhin natin yan. Ikaw, Sereia?"
I shrugged. "Kahit ano nalang po..."
Wala naman talaga akong gusto. Hindi, meron pala. At alam naman iyon ni Mama pero ilang taon na, hindi pa rin niya ako napapabigyan.
She sighed. "Uuwi ako this year, anak."
Tumango nalang ako at ngumiti, kahit na alam kong malabong mangyari iyon.
Taon-taon niya sinasabing uuwi siya, at taon-taon... umaasa ako sa wala.
Tinulungan ko nalang ang mga kapatid ko na tapusin ang mga assignment nila pagkatapos ay nagpatuloy ako sa pagsusulat ng script. Ala una pasado na ng madaling araw nang makauwi si Papa sa bahay, at nadatnan pa ako sa kusina. He smiled tiredly at me.
"Tulog na sila?"
I nodded. Tumayo kaagad ako at pinaghain siya. Minsan, kapag matumal ang biyahe ay inaabot siya ng madaling araw kakatiyaga sa kakarampot na mga pasahero. Isa ito sa mga araw na iyon.
"Sayang, bumili pa naman ako ng lechon manok. Bukas nalang ito..."
Pinapunta na ako ni Papa sa kwarto at sinabing siya na ang maghuhugas ng pinagkainan niya nang makitang tapos na ako sa ginagawa ko. I hesitated for a bit, but my body is exhausted so I went upstairs.
Ilang oras lang ata ang tulog ko at maaga na akong nagising para magluto. Inilagay ni Papa sa ref iyong lechon manok na binili niya kaya ipinrito ko iyon. Ang mga kapatid ko tuloy, excited na mag-agahan nang malaman nila kung ano ang ulam namin. Hinati-hati ko pa iyon para mabaon naming sa lunch at naglagay nalang ng tig-iisang nilagang itlog sa baon nila para mukhang marami ang ulam.
Wala na si Papa at hindi nakasabay sa aming mag-agahan kaya pagkatapos kong maghugas ng plato at magbihis, inihatid ko na ang mga kapatid sa elementary school. Saka pa lang ako nakasakay ng tricycle patungo sa eskwelahan ko. Bumuntong-hininga nalang ako nang makitang 8:30 am na. Tapos na malamang ang flag ceremony at 15 minutes na akong late sa klase. Homeroom naman namin pero may attendance pa rin kaya alam kong absent ako sa morning period ngayon.
Lumilipad ang utak ko sa kung saan-saan kaya hindi ko namalayang huminto pala ang tricycle para kumuha ng isa pang pasahero. Napatingin tuloy ako sa lalaking yumuko. Pareho kami ng suot na uniform kaya kinuha ng driver. Iyong akin ay kulay navy blue na palda, puting blouse, atsaka ribbon. Sa kaniya naman ay kulay navy blue din na slacks, polo shirt na may kaparehong kulay na lining sa manggas. Pansin kong wala siyang suot na I.D. kaya hindi ko alam kung anong year level siya. Matangkad kaya nag-akala kaagad ako na nasa senior o junior na ito.
"St. Agnes High School, kuya?"
"Oo, sakay ka."
Nagkatinginan kami saglit ng lalaki pero agaad din akong bumitiw at umusog nalang. Matangkad talaga siya kaya nakatupi nang husto ang mga tuhod niya at bahagya pang nakayuko. Sakop din niya ang buong space at nasiksik na ako sa gilid, sa may tabi na ng driver. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Amoy-mayaman.
"Ah, sorry. Ayos ka lang?" tanong niya sa akin nang marinig ang impit kong buntong-hininga.
Nanlaki kaagad ang mga mata ko lalo pa nang umusog siya palayo para bigyan ako ng space. Hindi nalang ako nagsalita. Magkadikit ang dalawang siko namin at wala akong ibang choice kundi tiisin yun hanggang sa makarating kami sa tapat ng eskwelahan. Agad na bumaba ang lalaki sa tricycle at nagbayad. Ako naman, nakabayad na ako kanina kaya tumakbo na ako sa classroom namin.
"Raya, good morning!" masiglang bati kaagad sa akin ni Lulu. Nasa black board siya at may kung anong sinusulat kaya rinig agad ng lahat. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko at kaagad na dumiretso sa likuran kung saan ako nakaupo.
"Raya, pati ba naman sa mga babae, snob ka?" panloloko sa akin ni Migs, isa sa mga maiingay doon sa likuran.
Hindi ko siya pinansin at binuklat nalang ang notebook ko para basahin iyong isinulat kong scipt kagabi. Tama ba 'to? Hindi ko alam ang ginagawa ko! Tsaka, masyado akong pagod kaya naman hindi ko masasabing ito ang best ko. Nagsusulat naman ako noon pa pero wala pang ibang nakakabasa kaya hindi ko alam kung magaling ba ako sa bagay na 'to.
"Nasa principal's office pa si Ma'am ngayon," balita kaagad sa akin ni Lulu nang tumabi na siya sa akin. I just nodded and flicked my gaze back to the notebook. "Wow, natapos mo? Ang galing mo naman, Sereia!"
"Uh..." I trailed off. Nanghihingi kasi ng permiso ang mga mata niyang basahin ang isinulat ko kagabi kaso nahihiya pa ako. Gusto ko sanang i-revise nang kaunti bago ko ipakita sa kanila.
Buti nalang at biglang dumating ang teacher namin kaya natigilan si Lulu. May nakasunod sa kaniya sa likuran. Tumahimik kaagad ang buong klase namin lalo na nung pumasok na iyong lalaking nakasakay ko sa tricycle kanina. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Si Lulu ay biglang napatayo at napatakip sa bibig kaya't napatingin ang lahat sa kaniya.
"Class, you have a new classmate. He's from Manila. Why don't you introduce yourself to the class and tell us a little something about yourself?"
Nakatulala akong nakatingin sa kaniya. Hindi pa siya nagsasalita pero kinikilig na ang mga babae kong classmate. Siguro kasi ang tangkad niya, moreno pa... atsaka talaga namang gwapo at nanghahatak ang hitsura. May pagkapilyo nga lang ang ngisi niya nang magsalita ito.
"Primitivo Escarra. Ivo nalang." He grinned lazily, scratching his jaw. "Hmm, yung sa a little something about yourself... mahilig akong mag-surf. Nag-transfer ako sa Elyu dahil may sinunsundan ako rito." Tumaas ang dalawang kilay niya at binalingan si Ma'am.
Binalingan ko si Lulu sa tabi ko. Mukha siyang nakakita ng multo! Kilala kaya niya ang lalaking ito?
"Mr. Escarra, you may sit on the back next to Ms. Montanez..."
Nagulat ulit ako nang banggitin ang pangalan ko. Nakangiti na ngayong naglalakad patungo sa akin si Ivo. Wala kasing nakaupo sa tabi mismo ng bintana kasi may sira ang upuan at hindi na rin ako nag-abalang ipalit iyon para na din malaki ang space ko. Pero ngayon...
Tahimik ako habang umuupo siya. Napansin niya kaagad ang na medyo gumigewang ang upuan, pati na rin ang guro namin.
"Ah, Mr. Escarra, kumuha ka nalang ng bagong upuan doon sa likod ng gym pagkatapos ng klase."
"Yes, Ma'am!" kulang nalang ay sumaludo ito sa guro namin.
Iyong mga babaeng nakaupo sa harapan ko, parang mga biik na kinikilig ulit. Out of the corner of my eye, I saw him putting down his bag on the floor. He stretched his long legs in front of him and lazily turned to me. Napatuwid tuloy ako ng upo. Si Lulu naman ay mukhang maiihi na.
Hindi ko makayanan ang titig niya kaya nilingon ko ito. Unti-unting sumilay ang pilyong ngisi sa mukha niya. Isinandal niya ang siko sa desk ng upuan at ipinatong ang ulo, nakatingin dito sa gawi ko.
"Ikaw yong nag 123 kanina sa tricycle, diba?" natatawa niyang tanong sa akin. "Seatmate tayo. Nice."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Alam mo bang siningil ako ng driver sa pamasahe mo? Akala siguro jowa kita," dagdag pa niya.
"Nagbayad na ako!" I hissed through gritted teeth.
Tumawa si Ivo. "Ewan ko anong trip ni Kuya. Binayaran ko nalang din ang pamasahe mo."
I sat there, fuming. Nakakahiya, sobra! Si Lulu naman, hindi mapakali sa kinauupuan niya. Pareho na tuloy kami! Gusto kong hanapin ang driver ng tricycle at alugin ang utak niya para maalala niyang nagbayad na ako kanina pagkasakay ko! Baka akalain ng lalaking 'to, iyon talaga ang gawain ko!
"Psst."
Nilingon ko ulit si Ivo. Nakangisi na siya sa akin ngayon.
"May utang ka na sa akin ngayon, ha?"
There are really things in life that are beyond your control. I sighed.
My father said when I was a little girl that life is like the waves of La Union.
It is ever-changing. One minute, it's calm and the next it's vicious. You will never know what lies beneath its frothy tips.
Tama nga siya... kasi simula nang dumating si Ivo sa buhay ko, nagbago lahat.
-
#HanmariamDWTWChap1
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro