Bonus Chapter
Bonus Chapter | Elyu Squad
#Laura – Lulu
"Bakit hindi si Raya si Laura?" kaswal na tanong ni Ivo sa akin.
Tinaasan ko ng kilay ang best friend. "Bakit?"
"Bagay sa kaniya, eh."
"Siya nagsulat ng script, kaya siya narrator..."
"Diba maganda si Laura?"
Sinamaan ko ng tingin si Ivo. "Sinasabi mo bang pangit ako, Ivo?!"
Tumawa siya nang malakas at nagkibit-balikat. Kulang nalang itapon ko ang notebook ko sa kaniya dahil sa inis.
"Crush mo ba ang kaibigan ko?!"
Ivo shrugged, walking away. "Secret."
---
#Spin the Bottle – Yari
"Ako na! Ako!" marahas kong sigaw sabay agaw sa bote. Nakaikot kami habang nag-iinuman at nang maubos ang unang bote, ginawa namin 'tong laruan para sa spin the bottle.
Inikot ko ang bote at pagkatapos ng ilang ikot, tumapat ito sa sa unggoy na si Karlo. Tumaas ang kilay nito habang abala sa pagtatagay.
"Truth or dare?"
"Truth." Bored niyang sagot.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, nag-iisip ng magandang itatanong sa kaniya. Madalas sa minsan, barumbado pa naman siya sumagot sa akin.
"Hmm, bukod sa akin, sino ang pinaka-nagagandahan mo dito?"
"Dare."
"Ano ba, nag-truth ka na, eh! Gago ka ba?!"
Tumawa nang malakas si Celeste. "Sige na, sagutin mo na, Karlo. Huwag kang mahihiya, alam ko namang ako ang crush mo—"
"Si Avery."
---
#Primo – Sereia
"Primo..."
Gulat na napalingon si Ivo sa akin. Nahihiya akong ngumiti sa kaniya.
"Naalala ko noon ang sinabi ko, diba ang Lola mo lang ang hinahayaan mong tumawag sa 'yo ng Primo?"
Dahan-dahang tumango si Ivo. Napanguso ako at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
"Ayos lang bang tawagin din kitang Primo?"
"Ayoko."
Bumagsak ang mga balikat ko sa sagot niya. "Huh—"
"Eh di para na din kitang Lola? Parang ang pangit naman pakinggan, girlfriend ko ang Lola ko—"
Binato ko ng throw pillow si Ivo sa inis. He burst out laughing.
"Joke lang, oy. Tawagin mo 'kong Primo. Ikaw lang." he smiled.
---
#Upuan – Ivo
"Sali ka mamaya? Magb-basketball kami..." ani Lloyd habang prenteng nakaupo sa upuan ni Sereia.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam, hindi naman ako mahilig sa basketball, eh..."
"Huh? Ano palang sport mo?"
"Nags-surf ako."
"Yung sa dagat? Hanep!"
Napalingon ako nang makita ko si Raya sa pintuan ng classroom, nag-aalangan kung papasok o hindi. Kakaway sana ako sa kaniya nang mapansing hindi naman siya sa akin nakatingin kundi kay Lloyd na nakaupo sa upuan niya.
Lumapit ako kay Lloyd at bumulong.
"Lods, lipat ka muna ng upuan, and'yan na kasi ang bride-to-be ko, eh..."
"Gago!" tumawa si Lloyd at tumayo, sabay tingin kay Sereia.
"Oh, huwag mo nang tingnan! Taken na yan, eh!" hinila ko kaagad siya at napahinga nang maluwag nang makitang tuluyan nang pumasok si Sereia.
---
# Wrong Send – Celeste
"Beh, anong magandang i-wrong send? Gusto kong magpapansin kay Ravi, eh."
Tumawa nang malakas si Lulu at sinilip ang phone ko. Pinakita ko sa kaniya ang convo namin ni Ravi na malamig pa sa simoy ng hangin tuwing Pasko.
"Mag-send ka lang ng one dot, tapos i-unsent mo."
Kaagad kong ginawa ang sinabi niya. Pagkakita ko ng you removed a message, tumitig ako sa phone ko ng ilang segundo hanggang sa mag-seen si Ravi.
"Nag-seen na siya!" niyugyog ko si Lulu nang malakas.
Unti-unting nawala ang ngiti ko nang makitang wala man lang siyang ginawa. Hello? Hindi ka ba curious sa one dot ko? Bakit seen lang?
Sa sobrang inis, ini-off ko ang phone ko at pinilit na makinig sa klase. Pagkatapos ng last subject namin, saka ko pa sinilip ang phone ko.
Ravi Alfonso: unsent a message
---
# Karlo – Number
"Kuya, anong pangalan nung kaibigan mo?"
Nagulat ako nang biglang may sumulpot na babae sa tabi ko, malawak na nakangiti sa akin.
"Sinong kaibigan?"
"Yung kasama mo kanina..."
"Ah, si Ivo?"
"Pwede ko bang mahingi ang number niya, Kuya?"
I sipped on my drink. Ivo went to the restroom because he's about to vomit. Napaka-weak talaga ng lalaking yun. Parang isang bote lang ng beer, eh.
"Taken na yun."
"Ay, kasal na?"
"Hindi pa..."
"Hindi pa naman kasal, eh!" she giggled. "Ayos lang naman siguro. Sige na, kuya!"
Siningkitan ko siya ng mga mata. Sakto namang pagdating ni Ivo kaya kaagad kong hinablot ang braso niya at idinikit ang ulo ko nang palambing sa balikat niya. Tumindig ata lahat ng balahibo ko sa katawan pero pinandigan ko nalang ang ginawa ko.
"Babe, may gustong humingi ng number mo, oh!" I said in a sick, sweet tone.
Ivo looks like he's about to puke again while the girl's face turned white. She sprinted away. Mabilis kong tinulak palayo si Ivo.
"Pwe! Kung hindi ko lang talaga kaibigan si Raya..."
---
# Picture -- Avery
"Av, pa-send nga ako ng pictures natin kanina..." biglang lumapit si Ivo sa akin habang hawak ang phone niya.
"Teka," kinuha ko ang phone ko at nag-swipe. Dahil ako ang unang nakapag-upgrade ng phone sa amin, ginawa nila akong camera man at ginamit pa ang cellphone ko sa pagpi-picture sa dagat kanina.
"Lahat, ah?" wika ni Ivo habang nakaupo sa amin.
I nodded and took a huge bite of my burger. Napalingon ako nang magtilian ang mga kaibigan namin at nakitang nakapag-spike si Celeste nang hindi nab-block ni Yari kaya todo saya siya.
"Salamat!" ani Ivo kaya napalingon ako sa kaniya. Tapos na atang ma-send. Tinago ko ang phone ko at pinanuod siyang i-swipe ang mga pictures namin kanina hanggang sa bigla siyang mapadpad sa isang picture.
Parehong nanlaki ang mga mata naming dalawa.
"Hala, diba siya yung—"
"I-delete mo yan!" sigaw ko kaagad sa kaniya.
"—ROTC commander—"
"Primitivo!"
Tumawa siya nang malakas at sinulyapan ulit ang picture habang hiyang-hiya ako at pilit na inaabot ang cellphone mula sa kaniya.
"Yiee, dalaga na si Avery..." pang-aasar niya sa akin. "Ide-delete ko na...."
Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa habang pinapakita ni Ivo sa akin kung paano niya i-delete ang picture. He grinned, putting his phone into his pocket.
"Sa susunod, ayain mo siya sa gala natin, hindi yung hanggang picture ka lang..." he said, whistling away.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro