Part 20 - Repentance
Nakabalik na sina Lenlen sa classroom mula sa canteen. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang Araling Panlipunan, ang unang subject nila sa panghapong subject.
Pasimpleng lumingon ang dalagita sa kinaroroonan ng upuan ni Bongbong. Bakante.
Ipinagkibit-balikat lang iyon ni Lenlen. Sa loob-loob niya'y mahuhuli lang ang kaklase.
Pero nakapagsimula nang magturo ang teacher nila ay wala pa rin ito. Kahit sa mga sumunod na subject ay wala rin ang binatilyo.
Gustong magtanong ni Lenlen sa mga kaibigan ni Bongbong pero pinili niyang huwag na lang. Nangangamba siyang bigyan ng mga ito ng kahulugan iyon lalo pa at madalas na nagkakasama sila ni Bongbong sa ngayon dahil sa pagtu-tutor.
Hindi rin maintindihan ni Lenlen ang sarili. Dati naman ay hindi big deal sa kaniya ang pag-absent ng lalaki kahit ilang araw pang wala ito.
•••
"Uy, tingnan mo ang kaibigan nating ’yun oh, ang tamlay," ani Cherry Pie kay Agot. Naglilinis sila ngayon ng classroom. Cleaners sila.
"Ano ka ba, wala kasi 'yung labidabs niya ngayong hapon."
"Labida— ahhhh, gets." Tumango-tango si Cherry Pie nang makuha ang tinutukoy ni Agot.
"Huy!" Binunggo ni Agot ang gilid ng balakang ni Lenlen. Abala ang huli sa pagbubunot ng sahig.
Tiningnan lang ni Lenlen ang kaibigan at pagkatapos ay bumalik rin siya agad sa ginagawa.
"Antahimik natin ngayon, ah? Dahil ba wala si Bongbong mo?" Nag-apir sina Cherry Pie at Agot na ikinatigil ng ginagawa ni Lenlen.
"Tigilan n'yo nga ako. Nananahimik ako rito ha?" Muling bumalik si Lenlen sa pagbubunot. Sa pagkakataong iyon ay mas mabilis na siya.
Umupo sina Cherry Pie at Agot sa pinakamalapit na desk kay Lenlen. "Ay sus, aminin mo na kasi na may crush ka kay Bongbong. Tayo-tayo lang naman ang nakakaalam."
Akmang sasagot si Lenlen ngunit napigilan iyon nang lumapit sina Imee, Sarah, at Julianna. Nakapamaywang si Imee habang nakataas ang isang kilay.
"Lenlen, ano itong narinig kong may crush ka raw sa kuya ko?"
Hinarap ni Lenlen ang kaklase. "Walang katotohanan 'yan, Imee. Tinutudyo lang ako nina Agot kasi lagi kaming magkasama ng kapatid mo."
Sinulyapan ni Imee sina Agot at Cherry Pie. Nagkibit-balikat lang ang dalawa habang nakaismid. Muli siyang bumaling kay Lenlen.
"Mabuti naman. As early as now, I'm telling you this, hindi papatol si kuya sa mga tulad ninyong nasa marginalized sector. Kaya sana, matutong lumugar." Ngumisi nang peke si Imee sabay talikod. Bumalik na ang tatlo sa paghawak ng walis habang nagkukuwentuhan.
Nilapitan nina Agot si Lenlen. "Sabihan mo lang ako, aabangan ko 'yan sa labas ng school para mapatikim ng ganti ng isang api."
"Mas radikal ang magmahal." Kinuha na ni Lenlen ang bunot sabay ibinalik iyon sa taguan.
•••
Kinagabihan ay sumama si Lenlen sa tatay niya sa pagbebenta ng lugaw. Kapansin-pansin pa rin ang pagkatamlay niya pero higit na mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon. Bago kasi sila umalis ng bahay ay nakinig muna si Lenlen ng kanta ng Westlife.
Mayamaya ay may dumating na customer. Pamilyar iyon sa dalagita.
"Ate Analyn Muko? Ma. Kathy Pusiko?" Ang kusinera ng Marcoses at ang anak nito ang bumungad kay Lenlen.
"Hi, ineng. Pagbilhan mo nga kami ng anak ko ng lugaw. Ibabalot na," saad ni Analyn.
Pagkabigay ng lugaw ay umalis din agad ang ginang at ang anak nito.
Hindi pa nakatatagal ay may bago na namang customer sina Lenlen. Nagulat muli ang dalagita dahil isa na namang trabahador mula sa Hacienda Marcos ang naroon. Si Aiai, ang labandera.
Pero hindi pa roon nagtatapos. Mas lalong nadagdagan ang pagtataka ng dalagita dahil ang sunod-sunod na bumili ay kina Bongbong pa rin nagtatrabaho.
Nang halos maubos na ang lugaw ay mayroong kotseng tumigil sa harap nila. Kotseng kilalang-kilala ni Lenlen kung sino ang nagmamay-ari.
Si Bongbong.
Napahigpit ang hawak ni Lenlen sa dulo ng apron na suot. Nakatutok lang ang tingin niya sa binatilyong papalapit.
Nakasuot ang binatilyo ng plain polo shirt na red na pinartneran ng maluwag na pantalon at rubber shoes na kulay puti. Ang buhok naman nito ay halatang nilagyan ng pomada.
Nginitian ng binatilyo sina Lenlen at ang ama nitong si Antonio Sr. "Magandang gabi po. Bibilhin ko na po lahat ng lugaw." Dumukot si Bongbong ng isandaang piso. "Hindi ko na po kukuhanin ang sukli."
Napatingin si Lenlen sa ama. Hindi siya sigurado pero para bang gumaan ang aura nito.
Nang maibigay kay Bongbong ang lugaw ay said na ang paninda ng mag-ama.
•••
Sumama si Bongbong sa paglalakad pauwi kina Lenlen. Magkasabay ang dalawa sa paglalakad. Nauuna lang ng sampung hakbang ang ama ng dalagita na nakasakay sa bisikleta.
"Sabi na nga ba, ikaw ang may pakana no'ng kanina e."
Tumawa nang marahan si Bongbong na mas lalong nagpaguwapo sa binatilyo. Isinuksok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon. "Sabi ko sa iyo, babawi ako eh." Kinindatan niya si Lenlen.
Hindi man halata ng binatilyo ay para bang may tumalon sa isang bahagi ng puso ng dalaga.
"Salamat." Pinisil ni Lenlen ang braso ni Bongbong. Madali lang iyon pero nagpapula iyon sa mga pisngi ng binatilyo.
Laking pasasalamat na lang ni Bongbong dahil gabi na kaya hindi mahahalata ang pagbabago ng kulay ng mukha niya.
Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa.
"Wala ka kaninang hapon ah."
Nilingon ni Bongbong si Lenlen. "Uy, concerned siya sa akin." Medyo nagkalapit sila kaya nagkabungguan ang mga balikat nila.
"U-Uy, grabe ka. Curious lang ako." Sinubukan ni Lenlen na gawing normal ang tinig pero nabigo siya.
Hindi muna sumagot si Bongbong. Tumingala siya sa madilim na kalangitan na natatanglaw ng maliwanag na buwan. "I have to. Laban na kasi namin kanina sa MILO Olympics. Nanalo ako sa taekwondo. Black belt."
Nanlaki ang mga mata ni Lenlen na sinabayan ng pag-awang ng bibig nito. "Wow. Congratulations!"
Punong-puno ng emosyon ang dalagita. Nais niyang yakapin si Bongbong pero pinangungunahan siya ng hiya. Kinipkip na lang niya ang nadarama.
"Thanks. It means a lot to me, Lenlen."
Mayamaya ay nakarating na sila sa tapat ng bahay ng dalagita. Sandaling nagpaalam si Bongbong. Kinausap nito si Antonio Sr.
Nanatili lang na nakamasid si Lenlen sa dalawa. Maayos namang nag-uusap ang mga ito. Mayamaya ay may dinukot si Bongbong sa bulsa. Isang sobre. Pilit inaabot iyon sa ama ni Lenlen.
Sa una'y nagpakatanggi-tanggi si Antonio pero napahinuhod din siya ng binatilyo. Maayos na nagpaalam sa isa't isa ang dalawa.
Bumalik si Bongbong sa puwesto ni Lenlen. "Sobrang nag-enjoy ako sa paglalakad natin kanina. Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan kaso lumalalim na ang gabi. Kita na lang tayo sa school bukas."
Pagkaalis ng sasakyan ni Bongbong ay pumasok na si Lenlen sa bahay nang may ngiti sa kaniyang mga labi.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro