Chapter 1: "Dreams Portal"
Yui PoV
"Yui halika na! Nakahanda na ba ang mga gamit mo yung sasakyan natin nakahanda na naghihintay yung Hubby ko dun" Sabi sa akin ni Angela
Buti pa siya ang gwapo ng Hubby nya... Sana ganyan din si Jungkook sa akin pag naging Kami..
"Yui!!" sigaw na sabi sa akin ni Angela
"Ano ba yun!? Sakit mo sa tenga" sabi ko
"Nakatulala ka na naman diyan! Halika na aalis na tayo!" sabi ni Angela sa akin
Kinuha ko na ang bagahe ko at sumakay sa likod, Nag ayos muna ako ng hitsura ko
"Angela" Tawag ko sa kanya
"Hmm?"
"Ilang oras ba ang byahe natin papuntang Baguio?" Tanong ko Excited na akong makapunta sa Baguio Naiisip ko kasi na kasama kong tumatakbo si Jungkook Paakyat ng bundok!! Waaahhh!!
"Kaunting oras lang" sagot nito sa akin habang abala na nagmamake-up
tahimik naman nagmamaneho si Jason HaHa wala ng Kuya kuya Barkada ko naman kasi tong si Jason magbabarkada kaming tatlo tapos nagkagustuhan silang Dalawa then ayan na
Hindi ako Bitter but slight lang Hahaha!! kasi naman gusto ko may ganyan din ako Gusto ko si Jungkook lang!
"We're Here!!" sabi ni jason at Bumaba si Jason at ibinaba ang bagahe namin
Bumaba na ako ng sasakyan at kinuha ang bagahe ko
"Wow!! Ang ganda ng Baguio!!" Mangha na mangha ako sa Baguio
Hinawakan ni Angela yung kamay ni Jason pero binitawan nya yung kamay ni Angela
Hmm? Anong problema? Umiwas nalang ako ng tingin at nagkunwaring Inosente baka magkaroon pa ng gulo
"Dito ba tayo mag iistay Angela?" Tanong koat itinuro ang kamay ko sa Bahay na maliit na may dalawang Room at Maliit na sala
Maganda dito *^▁^*
Ibinaba ko ang bagahe sa may tabi at umupo sa sofa
"Dito tayo mag iistay kahit magtagal pa tayo Pwede" sabi ni Angela at umupo sa tabi ko
Si Jason Tinignan ang mga kwarto
"Saan tayo pupunta umpisa?" Tanong ko
"Akyat tayo bundok" Nakangiting sagot ni Angela sa akin
"Hubby Akyat tayo ng Bundok Please" Ang sweet nilang dalawa samantala ako wala balang araw magiging kami rin nk Jungkook sweet din kaming dalawa
Lumabas na ako at pumunta sa bundok kaming tatlo
Nagsimula na kaming umakyat ng bundok pero ang dalawang mag irog dito hindi nagpapansinan Anong problema? parang cold ni Jason nakikisabay ba siya sa Temperatura dito sa Baguio?
Umupo muna kami saglit duon sa damuhan tumayo si Jason at pumunta papalayo at tinignan ang tanawin
Sumunod naman si Angela, Hindi ko muna sila pinanansin kinuha ko muna ang cellphone ko sa bulsa at nagpatugtog ng Kanta ni Jungkook waaah!!! para nya akong hinaharana
Hininaan ko lang ang volume nito para hindi panggulo sa dalawang mag irog
"jason ano bang nagawa ko bakit ayaw mo na sa akin!?"
Hmm? Pinatay ko ang tugtog ng phone ko at lumingon sa kanilang dalawa
"Bakit ba ayaw mo na sa akin!? May nagawa ba ako Ano!?"
"Angela Break na tayo!! Lumayo ka na sa akin!"
"Please Jason ano ba ang nagawa ko bakit ayaw mo na sa akin?" Lumuhod na si Angela para lang sa kanya at halos yung eyeliner nya nag smear na
"Angela Break na tayo! Tama na ayoko na ng Relasyong ito!" sabi ni Jason
"Bakit mo ako pinagsawaan!! Bakit..!! Jason please.. Mahal na mahal kita alam mo ba iyon"
"Tama na Angela!"
"May mahal ka na bang iba!?" tanong ni Angela na umiiyak parin
"Oo!! May mahal na akong iba at ikakasal na kami dahil Buntis siya!!" sabi ni Jason
"Nakakadiri ka!! Ginawa mo lang akong Tanga!! Jason! Wala kang kwenta!! Nakakadiri ka!!"
"Ayoko kitang masaktan pero ayun yung totoo kaya tama na itong relasyon na ito!! Mahal kita kung sa Mahal pero kailangan kong panagutan ang Bata" umiiyak narin si Jason
"Wala kang kwenta!! wala kang kwentang lalaki!!" sabi ni angela at naglulupasay sa damuhan
"Tumayo ka diyan Angela tama na yang ginagawa mo please Angela Itigil mo na ito Please!!" tinayo nya si Angela at Hinalikan ito pero agad na tinulak ni Angela si Jason.
"Wala kang Kwentang Lalaki!! Ginawa mo lang akong Tanga!!" sabi ni Angela na umiiyak
Umalis si Jason at kinuha ang bagahe nya sa Bahay na pag iistayan namin.
Pumunta ako kay Angela at niyakap siya.
"Bakit ganung lalaki pa mapupunta sa akin!!" Sabi ni Angela habang yakap nya ako nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman nya Hindi nya matanggap iyon
"Angela tahan na, walang kwenta ang mga ganung lalaki nakakadiri sila tahan na kailangan mong magpakatatag kailangan mong maging malakas Angela hindi yung iiyak ka lang dahil sa kanya, Mauubos lang ang oras kakaiyak sa kanya" sabi ko sa kanya at hinihimas ang likod nya
Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mata at tumayo.
"Akyatin natin ang bundok?" Tanong ko tumango lamang ito at sumunod sa akin
Umakyat kami sa Bundok pero may nakita akong Bulaklak na napakaganda Kinuha ko iyon at Binigay kay Angela
"Bulaklak oh Ang ganda neto" nilagay ko sa gilid ng tenga nya ang bulaklak na iyon
Pero may nakita akong kumikislap kislap sa ibaba na pinagkuhanan ko ng bulaklak
Tinawag ko si Angela at sinundan nya naman ako
May Butterfly at sinundan ko iyon
"Yui saan ka pupunta?" tanong ni Angela
"Halika sundan natin ang paruparo na yun Ang ganda nya" sabi ko
Sinundan ko lang ang paru paro na lumilipad ang ganda nya tignan at may nakita akong Kweba na kulay Blue at kumikislap Lumapit ako duon
"Yui huwag mong hawakan iyan!" sabi ni Angela sa likod ko
May lumabas na Fairy sa Loob ng Blue na kweba
"Paano nyo nahanap ang lagusan na ito?" Tanong ng Fairy sa amin
Nakita ko kasi ang Bulaklak at nakita ko ang paru paro na lumilipad ang ganda niya
"Etong kweba na ito ay kayo lang ang nakakita kaya wag nyo sasabihin sa iba ang tungkol dito"
Tumango lang kaming dalawa ni Angela
"Etong kweba na ito ay Dream World, Lahat ng pangarap ng makakapasok dito ay matutupad ang kanilang mga pangarap ngunit dalawang tao lang ang pwedeng makapasok dito at kayo yun dahil nakita nyo ito" sabi nung Fairy sa amin Kung ganun yung mga dreams ko matutupad na Waaaahhhh!!!
"Sasabihin mo lang ang Wish mo at makukuha mo na agad ito kung ang dream mo ay medyo mahirap makikita o makakamit mo siya balang araw basta hintayin mo lang" sabi sa amin ng Fairy
Pumasok na ang Fairy at pumasok narin kaming dalawa ni Angela.
Pinikit ko ang mata ko dahil nakakahilo ang mga kulay..
"Yui tignan mo" sabi sa akin ni Angela
"Wow!! Ang ganda dito Angela!!"
Hinawakan ko ang kamay nya at hinila siya
"Aray naman Yui!" sabi ni Angela
At akoy mangha na mangha sa itsura ng Dream World
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro