Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Nakita ko ulit si MJ, this time suot niya ang black leather jacket ni Max at kasama niya ang ibang miyembro ng The Macadamia's na wala na ring paint at wig since tapos na ang Music Fest.

That means... I can't believe it.

"Ayan na pala siya, see you, Jimmy."

Sa sobrang shock, hindi ko na nagawang makapagpaalam kina Gemma.

"MJ? Max?" I don't even know what to call her anymore.

"Yes, ako nga Boy Assumero," mukha niya si MJ yet she talks like Max. Doon ko na-realized na iisa nga lang sila.

"Ikaw nga," imbes na matuwa ako, napahampas ako sa aking noo. "Fuck! Shit!"

"Surprays!" sigaw ni Jethro at ng kanyang mga kasama kasabay ang malakas na halakhak."Issa prank!"

Anong tinatawa-tawa nila? It's not funny.

"Oh, tama na yan," pananaway ni Max sa kanila.

"Sige maiwan na muna namin kayo," tugon ni Jethro at nauna na sila sa paglalakad.

"MJ, sorry di kita nakilala," hanggang ngayon hindi pa nagsisink-in sa akin ang lahat.

"Kasi iba itsura ko," saad niya. "Huwag kang mag-aalala nakalimutan ko rin naman na ikaw yung nakatabi ko sa jollibee kanina."

"Ano?" nadisappoint ako sa sagot niya.

"Joke lang, ano ka ba?" napahampas siya sa balikat ko. "Natandaan kita syempre."

She remembered me pero di man lang niya sinabi, I'm starting to feel betrayed.

"Anong ibig sabihin nito? Pinaglalaruan mo ba ko?"

"Hindi, Jimmy," nag-alala siya sa tono ng boses ko. "let me explain."

"Paano naging ikaw si MJ? May hikaw ka sa ilong."

Suot-suot pa niya ang kanyang nose ring, nung tinignan ko ang mata niya, bluish na ulit ang kulay.

"At itim ang mata mo kanina."

"Ah tong hikaw na to," agad niyang tinanggal ang hikaw sa kanyang ilong. "removable lang yan, tsaka nakacontacts lang ako kanina kaya black mata ko. Naaasiwa kasi ako sa eye color ko."

That explains a lot, gayunpaman, humahanap pa rin ako ng maibubutas sa kanya.

"Yung CP mo. Magkaiba kayo ng gamit."

"Dalawa cellphone ko," nilabas niya pareho mula sa magkabilang bulsa at nakilala ko ang phone na gamit ni MJ kanina. "Apple yung pang personal use at tong Samsung naman ang music phone ko. Sobrang dami ko na kasing ipon na kanta, hindi na kaya ng isang phone."

"Okay, pumila na lahat sa kanya-kanyang bus," utos ng isang faculty member sa students

"We should continue this sa Bus," suggestion ni Max.

Sumakay kami sa bus, back sa same position namin. Though this time medyo naninibago ako as if ibang tao na naman ang katabi ko. Once wala na ang kulot na wig, face paint at black contacts, mamumukhaan mong si MJ nga si Max though sinuot niya ulit ang kanyang ring.

For a moment, walang umiimik sa aming dalawa, nakikita kong nagkakahiyaan kami o nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. This time nagpasya akong mauna, I have so many questions that needed some answers.

"Ibig sabihin alam mo talaga na ako yung stranger na nakilala mo sa Jollibee. Tinanong kita, pagkasakay pa lang kung kilala mo si MJ. Bakit di ka nagpakilala?"

"Sorry nga pala," she softened her voice and she's beginning to sound like the girl I met earlier sa resto. "I didn't mean to fool you like that. Wala lang kasi ako sa mood. I've been feeling down a lot nitong mga nakaraang araw."

"Bakit?"

"Family problems, my dad cuts all ties with my mom, minsan na nga lang siya bumisita. Nalaman namin na lumipad na siya pabalik ng UK, back to his first family."

May mabigat pala siyang dinaramdam. Hindi niya to nabanggit sa akin as MJ and Max.

"Sorry, hindi ko alam," tugon ko.

"Sobrang lungkot at devastated ko, tapos dumagdag pa tong mga band mates ko. Nagkaaway kasi kami kanina dahil nalate ako. Noong nagkwento ako na may nakilala akong guy, tinawag nila akong malandi, whore, slut. Nawalan tuloy ako ng gana kaya kahit gusto kita pansinin kanina when you arrived, di ko magawa baka isipin pa nila nilalandi kita. Kaya umiwas na lang ako."

At least ngayon, lumilinaw na ang lahat sa akin. Mukha namang genuine ang paliwanag niya.

"Sorry ulit, dahil sa akin."

"Huwag ka na ngang magsorry," nanumbalik ang pagka-boyish nya. "Ayoko kaya pag palaging nagsosorry ang isang guy. Wala kang kasalanan. Ako nga dapat mag-apologize sa'yo. Anyway ganito ako pag wala ako sa mood. I withdraw myself from anyone. Nagiging iritable ako, palamura, maangas."

"Gets ko na ngayon kung bakit si Ms.Sungit ka kanina, kaya pala hindi mo sila katabi kanina."

"Nagkaayos na naman kami nung rehearsals. Naiinis lang talaga ako dahil sa name calling nila. Okay lang tawagin nila akong weird, weirdo naman talaga ako pero para tawagin nila akong malandi? Pag-insulto na yun sa pagkakabae ko, kaya talagang nainis ako kanina. Kung wala ako wala tong banda. Ako bumuo nitong The Macadamia's."

"Macadamia pala yung M sa MJ," once again nabubuo ko na ang puzzle. "Ano yung J?"

"Surname ko, Jacinto. Macadamia Jacinto. They know me as Max, I only gave my initials to you kasi nga stranger ka. Tsaka hindi mo naman tinanong yung meaning ng MJ."

"Kung tinanong ko ba ipapaalam mo sakin?

"Sure, why not? Mukhang trustworthy ka naman."

"Damn," napahampas ang kamao ko sa hangin. None of this nonsense would have happened kung nagtanong lang ako."Ang engot ko talaga! Sabi mo british ka, bakit Jacinto ang apelyido mo?"

"Kasi nga hindi ko ginagamit last name ng father ko. Di naman sila kasal ni mommy kaya Jacinto ginagamit ko."

"Kaya pala di ko makita-kita yung foreigner na surname, ikaw pala yung Jacinto na nakalagay sa sheet. Napakatanga ko. Ikaw pala yun all this time. Bakit di mo sinabi sa akin?"

"Sinusubukan lang kita kung makikilala mo ko kahit iba ako sa girl nakishare ng seat sa'yo kanina."

Share...

"And to think na nagshare pa ko sa'yo ng lahat."

"Not to mention the part na sinabi mong love mo na ko.That I'm so perfect, and you want to see me again," pang-asar niyang pinaalala ang kahibangan ko.

Sinabi ko nga yun. I remember every word at ganoon rin siya. Naalala ko yung diskusyon namin kanina, kung paano ko pinagpipilitan na sobrang magkaiba sila ni MJ, na hindi siya boyish at hindi siya makikipagrakrakan. Dagdag pa ang over the top na descriptions ko sa kanya. Akala ko kanina siya ang nagmamarunong about sa feelings ko but it turns out ako pala ang nagmamagaling tungkol sa pagkatao niya. She was right all along. Assumero nga talaga ako. I misjudged her. That was so embarassing. This is a new low for me. Kaya siguro hindi ko mapigilang magsorry sa kanya.

"Ngayong alam mo na yung other side ko, yung wild, boyish, rude at topaking ako. This is the real me. I'm not the happy-go lucky girlish chic na inaakala mo. I have my share of bad sides. I can be a bad girl lalo na pag may gig, then the next day I can be as sweet as a flower, I blend well sa paligid ko. Minamatch ko kung ano nasa surroundings. Being a Psycho major and all, interested talaga ako sa multiple personalities na kaya nating ipakita. Tatanungin kita. Mapapangatawanan mo pa rin ba yung sinabi mo na type mo ko? Kahit nakita mo na yung unattractive sides ko?"

"Pag-isipan ko muna, medyo naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon."

Noong una ko lang naman nakita yun, nung hindi pa kami vibes. Oo nung una nakakainis ang pagiging maangas, palamura at toughness niya, but it's that same attitude that saved me from giving up. As if pinasahan niya ko ng konting tapang at lakas ng loob. Kalaunan, nagustuhan ko na rin ang mga sinasabi niyang 'unattractive sides' niya and I don't considered it her flaws anymore. Maybe in love na nga ako sa kanya for me to like her bad sides o baka nadala lang ako sa ginawa niya para sa akin kaina. I really don't know.

Naglaho ang ngiti niya sa sagot ko, hindi niya nagustuhan. Inaakala niya siguro na aayawan ko siya dahil nalaman kong siya at si MJ ay iisa.

I need to say the right words, ang susunod na sasabihin ko ang magdidikta kung mapapalapit o mapapalayo ba siya sa akin. So far I'm opening so many possibilities.

"Gaya ng sinabi mo, first meeting pa lang natin. I'm not sure what I'm feeling, at paano ko naman malalaman kung di ko susubukan? Ang alam ko lang I look forward to seeing you again."

Nag-iba ang ekspresyon niya at tila nagulat.

"Wait, interesado ka pa rin sa akin?"

"Oo, naman," I answered without any hesitation. "Hindi ko sinasabi to dahil lang nalaman kong ikaw si MJ. I enjoyed MJ's company but I think I enjoyed Max's company a lot more, dahil mas nakilala ko kung sino ka talaga when you're Max. Akala ko maiinis ako sa'yo cause we're so different pero nung nagkausap tayo, na-realized kong mas makakarelate pala ako sa iyo."

Na-flattered siya, nakikita ko sa mga mata niya.

"Ako naman when I first met you sa Jollibee akala ko magkapareho tayo at magkakasundo tayo sa lahat ng bagay. I was wrong, nalaman kong marami din pala tayong differences and it could start a conflict, gaya nung muntik na tayong magtalo kanina. Naiinis ka rin pala. Kala ko di ka marunong magalit at akala ko rin sobrang confident mo sa lahat except sa girls, nadiskobre kong may insecurities and fragility ka rin pala. Natakot nga ako sa'yo kanina nung nangatog at namutla ka doon sa snack bar."

"Talaga?" Malamang na turn-off na siya sa akin. "Hindi mo na dapat nakita yung panic attack ko, that was dumb. Madalas ganoon ako pag nasa tough situations."

"Wa-epek naman sa akin yun," she assured me. "I don't mind your flaws. I can still like you. Wala ring problema kung may anxiety ka, Psychology major ako. Naiintidihan ko, may mga issues rin ako."

"Sensya na at ganun talaga ako. May pagka-sensitive at pikunin rin minsan. I guess I'm not as confident as you thought I am."

"You're really not," prangka niyang sinabi, "pansin ko nga mas nalalamangan kita sa convo."

"I need to work on that," sagot ko, "paano mananalo sa convo kapag babae ang kausap ko, lalo na pag ikaw."

That made her chuckle."Sa tingin ko okay din tong nangyari, mas marami tayong nadiscover sa isa't-isa, mas nakilala mo ko at mas nakilala rin kita, though may mga times na masusuka na ko sa mga description mo sa akin. I'm really not that pretty and perfect."

Mahirap kalimutan ang mga praises na sinabi ko tungkol kay MJ. Hindi ko siya masisisi kung exaggerated ito para sa kanya.

"I understand, kung mayroong nagdescribe sa akin ng ganun, siguro magcringe rin ako. Nung una si MJ talaga ang nasa utak ko but believe me, as time goes by unti-unti kong nakalimutan si MJ dahil kay Max. Habang lumalalim ang kwentuhan natin, I was blown away."

"Yan ka na naman," she's being cynical again. "Binobola mo na naman ako."

"Totoo, the way your mind works at yung authenticity mo, that's what draws me closer to you and yung words of encouragement mo sakin kanina, yun ang nagpalakas ng loob ko. Ikaw dahilan kung bakit ako nagkaroon ng confidence kanina nung nagperform ako. I did it because of you. Alam mo bang ikaw ang laman ng isipan ko nung kumakanta ako at hindi si MJ? I don't even know you're the same person back then."

Once again, kumislap ang ngiti niya sa akin at namula ang kanyang pisngi.

"Nagiging creepy ka na talaga, Jimmy," nararamdaman kong kinikilig na siya, pinipigilan niya lang. "Nagawa mo yun dahil magaling ka, pinush lang naman kita and now pareho tayong may trophy."

She showed me her silver trophy na korteng microphone naman, iba-ibang music instrument pala ang design ng bawat trophy.

"At P1,000," dagdag ko.

"Baka naman pwede mo ko bigyan dyan," biro niya, "tutal ikaw na nagsabi na malaki ang nagawa ko para manalo ka."

"Wait, don't tell me tinulungan mo lang ako para hingin yung price?" natatawa kong hirit.

"Yup, that's my plan all along," she played along, "just kidding."

"Pero seryoso, ikaw talaga ang nagpapanalo sa akin kanina. Max, I wanted to know you deeper. Mangyayari lang yun kung magkikita tayo ulit. Free ako this saturday, baka gusto mong lumabas?"

Nasobrahan yata ako sa confidence para yayain siya agad.

"Are you asking me out on a date? kasi kung ganun, diretsahin mo na."

"Ok sige," hindi ko na sinayang ang pagkakataon," pwede ba kitang maka-date? Please say yes."

She smiled while thinking, "may pasok ako eh."

Mukhang hindi ko siya mapapapayag.

"But I can make time, sure, I'll see you this saturday."

"Yes!" that's what I've been waiting for. Ibig sabihin, interested rin siya na mas makilala pa ko.

Nagstop na ang bus sa malapit sa school, mas madali ang byahe  pauwi kaysa noong paalis. Nagsimula nang magbabaan ang mag students.

"Paano ba yan? Oras na para umuwi I guess we better...kung ikaw lang siguro a-add mo na lang ako sa FB. Sa ating dalawa kita kong ikaw ang mas modern, I like to keep this the old fashioned way kaya.."

Kinuha niya ang brochure ng kanyang banda at sinulat niya ang number niya.

"Ito number ko. Para hindi mo na ko makalimutan."

"Salamat," I grabbed it right away.

Kinuha ko rin ang brochure ng Music Fest at sinulat ko rin ang number.

"Ito naman sakin."

She gently grabbed it and placed it in her pocket.

Nagpahuli kami sa pagbaba ng bus. Tinitigan ko siya ulit, this time, nasasanay na ako at unti-unti ng naghahalo ang mga features ni MJ at Max, nag-eemerge na sila into this one person. I can see her bluish eyes and sweet smile while wearing her nose ring, her black leather jacket and black lipstick.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa trophy at pati na rin sa kanyang numero.

"Always keep it with you," paalala niya,"next week pa ang saturday, baka makalimutan mo na ako."

"Hindi ka madaling makalimutan," kumpiyansa kong sinagot.

"Bye," nagpaalam na siya. She took one sweet glanced at me before she took her leave. Sunod akong bumaba ng bus, I can see her walking kasama ang banda niya. I can't help but feel ecstatic about this unforgettable day. I finally found my confidence and her. This soul that I want to be next to mine.

I can't wait na makita ko siya ulit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro