Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Act III: Arena

Napakalawak, ganoon ko madedescribe ang Arena. Like a gladiator, nakapaligid paikot ang seats at nasa front and center naman ang stage na natatakpan pa ng black curtains, kung ano man ang nasa loob, it must be very special. Sa sobrang laki ng arena, kaya nitong maaccomodate ang libo-libong audience.

Pagkarating pa lang namin, nagdadagsaan na agad ang mga manonood sa Music Fest, mostly mga students. Maraming seating plan ang arena. Mayroong VIP Standing kung saan nakapwesto ang mga audience right in front of the stage at doon kitang-kitang nila ang performance. Mayroon ding Lower Box A, ang unang layer ng mga seats na nakapalibot sa left and right side ng stage. Lower Box B, ang second layer na bahagyang mas malayo sa A. Sa balcony naman ang upper box na medyo may kalayuan na at ang general admission naman ang nasa pinakatuktok at pinakamalayong parte ng arena. Dito makakaupo ang mga Non-VIP.Thank goodness dahil nasecure ng PSU ang Lower Box A and B. Hindi ito sobrang lapit gaya ng VIP Standing at hindi rin kasing layo ng balcony. Saktong-sakto lang ito sa paningin at pandinig.

Umupo ako sa seats katabi si Max at ang kanyang banda. Nasa left side kami ng Lower Box A. Kaming mga magpeperform ang nakapwesto sa pinakaharap along with the faculty members.

At 5:30 they turned off the lights at bumukas ang mga laser lights mula sa stage at pati na rin sa taas, emitting blue ang purple rays of light na sumilaw sa aking mga mata everytime na tumatapat ito sa akin. Nararamdaman kong pasimula na ang Music Fest. Sa itaas ng stage mayroong dalawang malalaking LED screen for the sake of those na nakaupo sa balcony, para makita nila ang mga magpeperform kahit nasa dulo na sila.

A minute later, nagsimulang magpalabas ng mga patalastas sa screen. Some are advertisements while others are trailers sa mga upcoming movies. Maya-maya dumagundong ang arena sa boses nagmula sa speaker.

"Introducing our host for tonight, the one and only Drew Andrews."

There was so much commotion when everyone heard that name. The crowd went with wild kasabay ng paglabas ni Drew Andrews sa stage na gwapong-gwapo sa kanyang black blazer outfit. Nakatutok sa kanya ang mga cameras at kita rin ang astigin niyang porma sa mga screen. Walang kasing lakas ang tilian, lalo na ng mga babaing nagkakadanrapa sa kanya. Isa lang naman si Drew Andrews sa mga sikat at in-demand na celebrity personality nowadays at natural lang na maghiyawan ang lahat sa kanya. Half-Pinoy, Half-American siya, hence the surname Andrews.

"Good evening, Philippine Music Arena!" pagbati ni Drew Andrews na punong-puno ng energy, "you're in for a night na puno ng saya at kantahan. Are you ready to rock the house tonight?"

Sabay-sabay na sumagot sa kanya ang audience but he's expecting more, malakas ngunit hindi pa enough sa kanya. "I can't hear you? C'mon guys we can do better than that!"

Mas lalong nilakasan ng mga tao ang kanilang paghiyaw, kasama na roon ang mga school mates at faculty members mula sa PSU.

"That's more like it! Yugyugan na! Welcome to The 31st Annual Educational Music Festival, where we showcase the best amateur performers from 7 universities, pagalingan at palakasan ang labanan sa tugtugan in order to win the title of Grand Winner at mag-uwi ng tumataginting na P100,000. I'm sure excited na tayong magsimula ang musiklaban but before anything else gusto ko munang batiin ang ating mga audience from different universities."

Nagsimula siya sa pagtawag ng pangalan ng mga unibersidad at nagpapalakasan sa pagsigaw ang mga estudyante from their respective schools.

"Nasaan naman ang mga Taga-Perlas ng Silanganan University?"

Naghiyawan ang mga estudyante mula sa aming unibersidad na nasa lower A, isa kami sa pinakamaraming manonood sa buong arena kaya naman mahirap kabugin ang lakas ng aming sigaw.

"I love you, Drew Andrews!" Walang kasing tinis ang paghiyaw ni Sir Timothy na dinaig pa ang mga babae, alam ko na ngayon kung bakit sumama siya sa fest.

Napangiti si Drew nang marinig ang hiyaw ni Sir and at nilingon niya kami sa left side, "I love you too."

Lalong tuminis ang hiyaw ni Sir Timothy sa kilig.

"What are we waiting for? Oras na para magpasiklaban ang ating mga kalahok but before that, isang umaatikabong opening number muna from some of our favorite bands para naman mabuhayan tayo ng dugo. Let the Music Fest begin!"

Pagkababa ni Drew sabay na bumukas ang black curtains at lumantad sa lahat ang napakagarang stage na may higanteng replica ng mga music instruments. Sa left side ng stage, there's a towering guitar and drums. Must be 25 feet tall at sa kanan naman mayroong malaking piano at microphone. I have to hand it sa nakaisip at gumawa ng props. Talagang nag effort sila. Tuluyan nang nagsimula ang Music Festival at nakipagrakrakan ang mga audience sa killer opening number ng mga sikat at bigating banda sa Pinas. So much metal and energy, talagang mabubuhay ang mga katawang lupa.

Lahat kami ay nakisabay sa pagkanta ng mga banda, Sa tabi ko, Max and her band are having a good time as well. Sila ay nagtatalunan at nakikisabay sa beat. Makalipas ang ilang saglit, naging busy ako sa panonood sa mga banda at pagkalingon ko nakita kong naglalakad na ang The Macadamia's papunta sa sulok kasama ang isang faculty members, mayroon silang sinusundan na nag-aassist sa kanila. Sa backstage na kaya ang punta nila?

15 minutes ang tinagal ng opening number, nag-upuan na ang mga audience as Drew once again approaches the stage.

"Whoo!" dumagundong ang kanyang paghiyaw. "That was a solid opening, and now for the main event. Simulan na natin ang labanan. Are you guys excited?"

Nagsigawan sa iisang tinig ang lahat ng tao sa arena.

"Ang first contestant natin ay mula sa PSU. They say that their band is so good, you will go NUTS pagkatapos nyo silang mapanood."

Nagkaroon na ko ng clue kung sinong band ang tutugtog based sa introduction ni Drew.

"Ladies and gentlemen, let's give it up for The Macadamia's!"

Sumulpot sa stage ang The Macadamia's with their signature Kiss look. Lumakas ang pagcheer ng mga Taga-PSU sa left side ng stage. Pumwesto si Max si kaliwa at umupo sa may drums, malapit sa kanya si Rodney with his bass. si Jethro naman ay sa gitna dala-dala ang mike stand at katabi niya si Bogs with his guitar.

I never knew na sila pala ang unang magpeperform. Nakakapressure siguro dahil sila ang panimula ng show at ang gagaling pa ng mga bandang nagperform ng opening number. I hope they pull this off.

Sinimulan ni Max ang pagdrums in the beat of Queen's classic song "We Will Rock You." Nagsimula si Jethro sa pagkanta ng unang verse ng kanta.

"Buddy, you're a boy, make a big noise
Playing in the street, gonna be a big man someday
You got mud on your face, you big disgrace
Kicking your can all over the place, singin' "

"We will, we will rock you
We will, we will rock you!"

Nagsimulang makisabay si Max, Rodney at Bogs kay Jethro sa chorus.

Napansin kong may pagkakahawig ang boses ni Jethro kay Freddie Mercury, to my surprise. As they go further sa pagkanta, nakikisabay na sa beat ang mga audience at maging ako ay napapakanta na rin. Their vocalist is killing it with his confidence and charisma, raising his hand with the rock n' roll sign. Magaling rin ang drumming skills ni Max at ang pag-gitara at bass ni Bogs at Rodney. Nababalanse ang tunog ng mga instrument sa boses ni Jethro na lalong naging ganado sa kalagitnaan ng kanta.

Matapos ang two and half minutes, si Max naman ang pumwesto sa gitna sa may mike stand at medyo napaurong si Jethro, nagpatuloy naman sa pag-gigitara si Bogs sa tonong pamilyar, I swear napakinggan ko ang kantang ito sa phone ni Max kanina.

"Love of my life, don't leave me," sinimulan ni Max ang pagkanta.

"You've broken my heart and now desert me.
Love of my life can't you see?"

Nagbigay siya ng hand gestures sa audience at sila ang nagpatuloy sa pagkanta, taas-taas ang kanilang mga lanterns at winawagayway ang mga kamay.

"Bring it back, bring it back, don't take it away from me."

"Cause you don't know what it means to me," she resumes.

Her voice caught me off guard. Mas nasorpresa ako sa vocal range niya even more so than Jethro. Mala-KZ Tandingan ang voice niya na hindi matinis at low pitch lang pero may kakaibang dating. The sort of voice na hindi natin maririnig sa mga typical female singer. She's really one of a kind. I closed my eyes habang siya ay kumakanta, dinadama ang kanyang wonderful voice. She's really chanelling her inner Freddie. Damang-dama ang emotion and she's doing what every singer should do sa stage, tell a story through a song. When it ended, nagpalakpakan ang mga tao sa kinalabasan ng kanilang performance. I'm clapping myself as well. They're so good at na-underestimate ko ang banda nila.

"Wow!" papuri ni Drew. "What an amazing way to start the night! Ang galing! Let's give a round of applause to The Macadamia's!"

Hindi magkamayaw ang palakpakan at pagcheer ng mga tao.

"Noong una kong nabasa ang pangalan ng mga bandang magpeperform tonight, talagang tumunog sa akin ang pangalan nyo, The Macadamia's," sambit ng host. "Pwede ba naming malaman what is the story of your band name?"

"Pinangalanan po tong band namin sa aming founder," paliwanag ni Jethro sa mike. "Kung wala siya, wala rin kami ngayon dito. Sa aming unica iha, Ms. Macadamia Jacinto, maraming salamat."

Nagpalakpakan ang mga tao nang ituro ni Jethro si Max. Siya ay napangiti at nagbigay ng rock n roll gesture sa audience.

"So sa kanya pala nagmula ang The Macadamia's," napagtanto ni Drew. "Maraming salamat ulit sa solid na performance."

Muling pinakilala ni Drew ang banda. Nagbow ang apat bago sila mag-exit ng stage. Dahil tapos na ang kanilang performance, bumalik na si Max at ang mga kabanda niya sa Lower Box A, malapit sa pwesto ko.

"Grabe ang galing nyo," papuri ko kay Max, nang tumabi siya ulit sa akin.

"Thanks," naihiya niyang sinagot. "Sa wakas, tapos na rin. Marami pang magpeperform, baka matabunan kami."

"Di yan, tiwala lang," Kumpiyansa naman ako na they will leave a lasting impression, being the very first sa mga candidates.

Gaya ng sinabi niya, marami pa ngang susunod na magpeperform. 25 kaming maglalaban-laban, 7 roon ay sa PSU, kami ang school na pinakamaraming pambato. Yung iba ngang university 2 o 3 lang. Due to limited time, each are given only 5 minutes to own the stage.

Sumunod na nagperform ang isang solo performer mula sa ibang university na kumanta ng "I Don't Wanna Wait In Vain For Your Love" ni Bob Marley. Maayos rin naman ang performance niya pero di gaano ma-appeal at pumatok sa mga tao dahil reggae ang genre at solo lang siya. Kaunti lang ang nagcheer at pumalakpak sa kanya. Medyo kinabahan ako na baka ganito lang rin ka-lukewarm ang audience sakin mamaya. Pumangatlo ang girl band ni Gemma na ginaya ang Momoland sa pagkanta at sayaw ng "BBoom BBoom." Patok to sa mga fans ng K-Pop, kaso nga lang hindi ako fan kaya nag-cringe ako, nakita kong ganun rin si Max. Hindi maikakaila sa kanyang reaction na may halong umay at pagkabagot. Ang pang-apat at panlimang banda ay mula sa ibang school, parehong OPM ang kinanta nila. Ang una ay kumanta ng Eraserheads at Parokya ni Edgar naman ang kasunod.

Nagbreak muna matapos ang ika-limang kalahok at isang celebrity performer ang nakipag-jamming sa audience with a love song. Each batch are randomly comprised of 5 contenders at sa oras na matapos ang bawat batch, palaging may nagpeperform na sikat na musician, that's what I noticed.

Marami pang amateur ang sumunod. Iba't-ibang genre ang kinanta nila. Mayroong R&B, Pop, Acoustic at Rock. Syempre iba pa rin ang hatak sa tao pag Rock and Roll. By the time na matapos magperform ang pansampung contender, it was already 8pm. Ganadong-ganado pa rin ang mga audience sa Music Fest at ang taas pa rin ng energy nila.

"Jimmy," pagtawag sakin ni Sir Timothy, "tara na, malapit ka na."

"Good luck," saad sa akin ni Max bago ako sumunod kay Sir.

Sinundan namin ang nag-assist sa sulok, papunta sa backstage kung saan nakaabang na rin ang 4 na bandang makakasabay ko. Kami pala ang pang 3rd batch ng performers. May kaluwagan rin pala ang backstage at mayroong mga nakalinyang upuan para sa mga magpeperform. Pumukaw sa atensyon ko ang isang bandang Mala-Aerosmith ang pormahan. Sa buhok at eyeliner pa lang ng kanilang leader, Steven Tyler na ang dating at pwede na siyang sumali sa Your Face Sounds Familiar. Sila ang nasa unahan ng pila sa stand-by. Kasunod nila isa pang Girl Band na K-Pop ulit, from the looks of it. Ako naman ang ikatlo. Muling bumalik sa alaala ko si MJ nang makita ko ang mga girls. There's still no sign of her anywhere in the arena, not even here sa backstage. Dalawang rock band pa ang kasunod ko sa likod. Ako lang ang solo performer in this bunch.

Habang naghihintay, napalingon ako sa itaas, mayroong nakasabit na smart TV at mapapanood dito ng mga nasa standby ang performance ng mga kalahok. Nawala sa isip ko na naka live telecast nga pala ang Music Fest at mapapanood ito ng buong Pilipinas sa Channel 27. Makikita ng lahat ang performance ko. Hindi ito nakatulong sa akin at nagsimula akong tubuan ng kaba.

Ipinakilala na ni Drew ang unang bandang magpapakitang gilas. "Let's give it up for Red Leaf!"

Red leaf? Another weird name.

Nakakabingi dito ang lakas ng pag-announce ni Drew considering na nasa likuran niya lang kami. Lumabas ang banda with so much excitement as seen on TV. Kakantahin nila ang "I Don't Want To Miss A Thing" ng Aerosmith.

"I could stay awake just to hear you breathing!" Unang bukas pa lang ng bibig ng kanilang vocalist, nag-iba na agad ang reaction ng audience at pati na rin kaming nasa standby. Everyone went crazy dahil kaboses na kaboses niya si Steven Tyler. Kuhang-kuha niya yung paos at pati yung hagod sa dulo. Nakakapangilabot, it's like I'm listening to the real thing! I have goosebumps kagaya ng karamihan. Within a few minutes they already conquered the entire arena. The audience become one with the band at sinabayan nila ang pagkanta. Kahit sa TV ko lang napapanood, nakita ko kung paano nila nakuha ang atensyon ng mga audience. Grabe ang stage presence nila. Batikan na ang bandang to. They're on their own league.

Hindi pa man natatapos ang kanilang performance, nakatayo na agad ang audience lalo na nung nareach nila yung highest part ng kanya and by the time they are done, dumagundong ang arena sa lakas ng hiyawan at palakpakan, ito na ang pinakamalakas na narinig ko mula nang magsimula ang show. Nagkaroon sila ng standing ovation mula sa audience. Some are even crying happy tears.

"Wow! Wow! Wow!" that's three wows from Drew Andrews. Maging siya ay sobrang naimpressed. "Grabehan kayo! Mga halimaw sa galing! Thank you for bringing Aerosmith in the house! Plakadong-plakado! Not being bias here but for me this is by far one of the best performance tonight! Whoo! Tignan nyo impact nyo! Ganyan kayo kagaling! Napatayo nyo ang buong Philippine Music Arena. Mind-Blowing talaga! Anong masasabi nyo sa kanila?

"Thank you po sa pagsupport!" Naghahabol pa ng hininga ang pekeng Steven Tyler. Nakakahingal ang ginawa niya kanina. "We love you."

"That was jaw-dropping ! Let me say this as a tip sa mga susunod na contenders, you have to step up your game kung gusto nyo silang matalo! I encouraged you to give your best shot!"

When Drew Andrews say that, tuluyan ng natunaw ang confidence ko at na-shattered ang pag-asa kong mananalo pa ko ngayong gabi. Not to mention na nakakadagdag pressure pa ang statement niya. Sa di malamang dahilan, humilab ang sikmura ko na para bang ako ay natatae at nagmadali akong lumabas, sa pagtataka ng mga fellow contenders ko sa backstage.

Paglabas ko backstage natagpuan ko ang sarili ko sa harapan, ilang hakbang lang malapit sa stage, napatingin ako sa audience. Nalula ako sa nasilayan ko. Ganoon pala ang pakiramdam pag nasa harap mo silang lahat. Na-realized ko kung gaano karami ang taong manonood sa akin mamaya. Parang mga langgam na hindi mabilang, ganun sila karami. Kumabog nang walang kasing bilis ang dibdib ko, like a drum na tumatagos sa aking kalamnan.

I look away at dumiretso ako malapit sa snack bar. Nagsimula akong mangatog, nagpapalpitate ang puso, maging mga kamay at binti ko ay nanginginig na rin.

"Jimmy," someone called me. I turned around at nakita ko si Max na bumibili ng hotdog sandwich sa may counter.

"Max," papilit ko siyang binati, "hindi ka nanonood?"

"Girl band na K-Pop na naman kasi ang nagpeperform, kaya bumili muna ako ng makakain. Ikaw anong ginagawa mo rito? Di ba dapat nasa backstage ka na?"

"Ah," nawalan ako ng masasabi. Nahihiya akong ikwento sa kanya ang nangyayari sa akin at the moment.

Pinagmasdan niya ko with her suspicious eye, nasesensed nya kaya ang takot sa akin?

"Okay ka lang? Bakit parang nakakita ka ng multo? Bakit namumutla ka at nangangatog?"

"Ayoko na!" sumabog na ko. "Hindi na ko magpeperform."

"What?" nagulantang siya sa sinabi ko. "Nagbibiro ka ba?"

"Hindi mo ba napanood yung Red Leaf kanina? Napakagaling nila. Ano naman ang panlaban ko sa kanila?"

"Oo magaling sila. Sobra, kahit kami walang binatbat sa kanila. So what? Hindi ka naman nandito para manalo. Di ba nandito ka para sa Tito at Tita mo at para patunayan na kaya mong magperform sa harap ng maraming tao?"

"Nagkamali ako," pag-amin ko, "hindi ko pala kaya."

"Nalagpasan mo nga yung audition."

"Mga judges lang ang kaharap ko nun, ngayon libo-libong tao ang manonood. Nakabroadcast pa."

"Pull yourself together, hindi ka nakarating this far just to give up at the last minute. Once in a lifetime lang to Jimmy, are you gonna let this one slip away?"

"Natatakot ako, paano kong sumablay ako? Paano kung hindi nila ako magustuhan? Hindi ko alam kung ano ang mangyayari."

Katakot-takot na negative thoughts na ang pumapasok sa isip ko, lahat yata ng worst case scenario na-imagine ko na.

"Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? It's time to turn the page. Your life is happening in front of you. All you have to do is act. You can do this, magtiwala ka sakin."

"Bakit parang siguradong-sigurado ka sa akin?" pagtataka ko sa kanya.

"Hindi ka naman makakarating dito kung di ka magaling," sambit niya.

Nang sinabi nya yun, tila nanumbalik ang katiting na kumpiyansa sa aking sarili.

"Bibigyan kita ng payo from someone who's been there. Once you're at the stage, just close your eyes, kalimutan mong maraming matang nakatutok sa'yo. Fuck them, they don't exist. Magfocus ka lang sa'yo. Just think happy thoughts. Isipin mo na lang yung Tito at Tita mo, yung memories nila o kaya yung girl na nakilala mo kanina."

"Si MJ?"

"Yup," she agreed.

I never thought of that, hindi ko pa nagagawa tong advice na to. Everytime na nagpeperform ako, ang focus ko kasi lagi nasa spectators, kung ano ang reaction nila sa akin. Kung pinagtatawanan nila ako o napapangitan sila sa pagkanta ko and it only makes it worse. Mas lalo akong kinakabahan at sumasablay. Subukan ko nga kaya, wala namang mawawala.

"Sana nga tama ka, I will try."

Sumigla ang aura ni Max sa desisyon kong magpatuloy.

"That's the spirit! Ngayon, bumalik ka na backstage, they want a show, then give them a show. It's now or never."

Binulong ko ang mga salitang yun bilang motivation. Napatakbo ako pabalik sa arena, then napalingon ako kay Max sa may counter.

"Max," Tinawag ko siya, "Maraming salamat."

Ginantihan niya ko ng ngiti before I went on my way.

Nagmadali ako pabalik ng backstage, nangangalahati na ang Girl Band sa kanilang performance nang bumalik sa ako sa pila.

"Excuse me," nakiraan ako sa mga fellow contenders ko.

"Buti bumalik ka na," sambit sa akin ng isang staff. "Papaunahin na sana namin yung kasunod mo."

"Nag CR lang po," sagot ko, pilit na kinukubli ang kaba. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ang matinding kabog sa aking dibdib.

After two and half minutes, natapos ang 2NE1 wannabe. Drew Andrews entered the stage once again.

Ako na ang susunod. Tug tug...tug tug...tug tug...

Parang sasabog na ko sa nerbyos.

"What's up guys? Buhay pa ba kayong lahat?"

Humiyaw ang mga tao sa question niya.

"Kahanga-hanga ang energy nyo, dalawang oras na tayong nagrarakrakan at buhay na buhay pa rin ang ating fantastic audience. For now chill muna tayo guys, medyo mag lie low, and what can be better than listening to one of our favorite love song. Here to perform All of Me by John Legend, let's give it up para sa Aspiring Balladeer ng PSU, Jimmy Gopez."

Tinawag ni Drew ang pangalan ko.

"Yan na yung signal mo," senyas sa akin ang staff, tumayo ako sa aking upuan at naglakad patungo sa stage.

Kaya mo to, kaya mo to, isipin mo yung sinabi ni Max! Kaya ko to!

Nagpakawala muna ako ng isang mahabang bugtong-hininga. Humakbang ako palabas ng black curtain, patungo sa entablado kung saan ang lahat ay nakatutok sa akin. Sumilaw sa mga mata ko ang liwanag ng stage, sa akin na nakatapat ang spotlight. Nakarinig ako ng palakpakan mula sa left side ng stage, malamang mga schoolmates ko sa PSU na nakasupport sa akin.

Naghihintay na sa akin ang pianong gagamitin ko, this elegant and shiny instrument na hindi ko alam kung kakampi ko ba o kaaway. Dahan-dahan ang paglalakad ko patungo sa piano, nangagatog pa rin ang mga binti ko, sana hindi nila napansin.

Pagkaupo ko sa upuan, napatingin ako sa harapan. Grabe talaga ang dami ng tao, libo-libong mga mata ang nakatingin sa akin, pakiramdam ko malulunod ako sa kanila. Bukod sa audience, napatingin rin ako sa mga judges. Dalawang middle-aged men sa mgakabilang dulo at isang babaing in her 30's naman sa gitna. Ang lapit lang pala nila sa akin, alam kong may mga hurado pero hindi ko napansin kanina na sa pinakaharap pala sila nakapwesto. Seryoso ang tingin nila sa akin, na para bang lalamunin na nila ako.

Patuloy ang mabilis na tibok ng puso ko, isa ito sa pinaka-intense na sandali ng buhay ko. I need to do something para maibsan ang kaba. Tumingin na lamang ako sa piano, placed my shaky fingers sa keys at sinimulan ko na itong patugtugin. I hope ma-hit ko ang tamang nota. Kahit naman nangininig ako, nagawa ko namang ma-play ang piano na maayos at angkop sa tono.

This is it, my moment para ipakita sa lahat na kaya kong magperform. The show must go on kahit anong mangyari. It's now or never.

I closed my eyes like Max said.

Kalimutan mong may manonood sa'yo. Kalimutan mo silang lahat. Ikaw lang ang nandito ngayon...ikaw lang ang mahalaga... Just focus on yourself.

Sinimulan ko ng kantahin ang unang verse.

"What would I do without your smart mouth?
Drawing me in, and you kicking me out
You've got my head spinning, no kidding
I can't pin you down.

What's going on in that beautiful mind?
I'm on your magical mystery ride
And I'm so dizzy, don't know what hit me
But I'll be alright.

My head's under water
But I'm breathing fine
You're crazy, and I'm out of my mind."

That went better than I expected, so far, wala pa kong sablay, malapit na ko sa chorus. Maayos ang panimula ko pero dito dapat mas bigay todo.

"Cause all of me loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections."

Okay, nairaos ko na ang chorus. That latter part reminds me of a certain person.

"Give your all to me, I'll give my all to you.
You're my end and my beginning
Even when I lose, I'm winning.
'Cause I give you all of me, and you give me all of you, oh!"

I continued singing with my eyes closed.

Just remember why you are doing this. Para kay Tito at Tita. Just think of their memories.

Bumalik sa aking gunita ang mga panahong nabubuhay pa sila. Ang pagkukulitan nila, the way my uncle hugs my aunt from behind, kung gaano sila kasweet at kasaya. Kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. They are the epitome of a perfect couple. I hope I'm giving them justice with my song.

I can see na gumagana na ang tips ni Max, the more I think of happy thoughts and memories, the more na nakakalimutan ko ng nagpeperform ako in front of thousands. Ipinagpatuloy ko lang, mag-isip pa dapat ako ng mga magandang nangyari sa buhay ko.

Just think of MJ, nanonood kaya siya sa akin ngayon?

Inalala ko ang pagkikita namin sa Jollibee kanina. I remember her eyes, her smile, her laugh. Then suddenly, the memories of her fades away at napalitan ito ng memories that I had sa isa pang girl na ngayon ko lang rin nakilala, si Max. Bumalik sa isipan ko ang bangayan at pagkukwentuhan namin sa Bus, ang pakikinig namin ng music together, ang pag-idlip at hilik niya sa aking piling, at ang pagpapalakas niya sa akin noong pinanghihinaan ako ng kalooban.

Maybe all I want is MJ, but it is Max who I really needed all along. She was my beacon of hope and my source of inspiration.

Hindi ko siya maalis sa isip ko habang kumakanta ako, and that's a good thing. Nawala na ang pangangatog ng daliri at binti ko at bumalik na rin sa normal ang heart rate ko.

"You're my downfall, you're my muse
My worst distraction, my rhythm and blues
I can't stop singing, it's ringing in my head for you."

Umangkop sa kanya ang lyrics na to. Siya lang pala ang kailangan para mawala ang daga sa dibdib ko. She's my worst distraction indeed.

I opened my eyes and started connecting more with the audience. I started improvising and giving my own take with the song. Kailangang ipakita ko sa kanila na kinakanta ko to bilang si Jimmy at hindi si John Legend.

"Cards on the table, we're both showing hearts
Risking it all, though it's hard."

During this part, binuhos ko na lahat ng emosyon ko kasabay ng pag-piano, like the way John Legend always did. Malapit na ko sa last part, muli kong pinikit ang aking mga mata at dinama ang kanta na may panibagong meaning sa akin.

"Cause all of me loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me, I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose, I'm winning
'Cause I give you all of me and you give me all of you.

I give you all of me, and you give me all of you, oh."

I reached the end of the song at tuluyan na kong nakahinga ng maluwag. Sa wakas ay nakaraos rin. As I stop singing and playing the piano, biglang bumingi sa pandinig ko ang palakpakan ng libo-libong kamay. I gently opened my eyes at bumungad sa akin ang pagcheer ng maraming tao. Karamihan sa kanila hindi ko kilala pero lahat sila ay pumapalakpak at pumupuri sa akin, even the judges. That was unexpected, buong akala ko walang papalakpak sa akin kahit isa, yet here they are.

Hindi ko napagilan ang sarili ko sa pagngiti. It felt so good, it's like I'm floating in the air. I did it, I really did it. Napatunayan kong kaya ko nga, that I have what it takes to be a musician. Parang nanalo na rin ako.

"Ladies and Gentlemen, our Aspiring Balladeer, Jimmy Gopez," pagpapakilala sa akin ni Drew. Nasorpresa ako sa entrance niya, mas pogi pa pala siya sa personal at ang tangkad. Siguro nasa 5'11, since 5'8 ako at mukhang ilang inches ang tangkad niya sa akin.

"How are you doing, bro?"

"Ayos lang po," nahihiya kong sinagot.

"Talagang sinunod mo yung sinabi ko kanina na dapat mas galingan nyo pa. Hindi ka nagpahuli. You really made the song your own. What an amazing rendition you have given us tonight. Talagang damang-dama yung emotion. Nakikita kong may hugot e. May inspiration, In-love ka no? Para kanino ba ang kantang to?"

"Dinededicate ko po ang performance na to sa aunt and uncle ko, who recently passed away. I wanted to honor their love story."

"I'm sure they are so proud of you and they are watching you from heaven. Bukod sa kanila may special someone ka ba, to whom you dedicate this song as well?"

"Uh," hindi ako makasagot at napangisi na lang ako. Pinangunahan na naman ako ng hiya.

"Huwag ka ng mahiya, dude. Nakakanta ka nga sa stage."

"Sige po," saad ko, "gusto ko lang po sanang batiin yung isang girl na nakilala ko kanina, kung nanonood ka ngayon, I just wanted you to know that you're my inspiration, my rhythm and blues. Sana magkita pa tayo ulit."

Napahiyaw ang mga tao sa kilig, at pati na rin si Drew.

"She's one lucky girl whoever she is. Once again, let's give a round of applause to Jimmy Gopez!"

I took my bow and exit the stage with so much warmth and joy sa puso ko. Sana umabot sa kanya ang mensahe ko. I returned to my seat sa Lower Box. Masaya akong sinalubong ni Sir Timothy.

"Jimmy, ang pogi mo naman tonight!" Biro ni Sir.

"Si Sir talaga," pabiro kong sinagot sa kanya.

Sumunod na bumati sa akin ang The Macadamia's.

"Dude, astig mo doon ah," papuri ni Jethro. "Panalo!"

"Salamat, dude."

"Boy romantiko," bungad sa akin ni Max. "Di ba sabi ko sa'yo kaya mo. Nakakaproud ka."

"Hindi ko to magagawa kundi dahil sa'yo. Thank you ulit."

"Sus wala yun," she answered with her low pitched voice.

"I'm glad that I met you today," diretsahan kong sinabi sa kanya.

Kahit na may paint pa rin siya sa mukha, nakita kong kinilig siya sa hirit ko.

"Manood na nga lang tayo."

Sinulit ko ang remaining hours ng Music Fest kasama siya. Mayroon pang dalawang batch ng performers, we watched them as another few hours passed. Mostly Rock and R&B. Some are great and some are just fine. For me, they failed to match the first 3 batch, hindi ko naman sila masisisi, syempre may pressure na rin. We set the bar high, hindi naman sa pagmamayabang. Mahirap din pantayan ang stand-out performance ng Red Leaf, isa pa medyo bumaba na rin ang energy ng audience dahil kanina pa sila sigaw ng sigaw. Napagod na rin mga lalamunan nila. Malapit ng mag 11pm nang matapos ang pinakahuling banda. May dala-dala ng sobre si Drew as he crossed the stage.

"Ngayong tapos na ang lahat magperform, it's time to announce our Top 10. Sila ang may chance na tanghaling AEMF Grand Winner mamaya. Mahigpit ang labanan, lahat magagaling. The judges had already made their decision. When I call you or your band, please enter the stage. It means pasok na kayo sa Top 10."

Nanahimik na ang mga tao, ang lahat ay taimtim na nag-aabang kung sino ang kanyang tatawagin.

"Please bear in mind that this is not in particular order. Kayo unang pasok sa Top 10..."

Tumigil pa si Drew nang ilang saglit, nagpapa-suspense pang mabuti.

"Our first performer, The Macadamia's!"

Napatakip ang kamay ni Max sa kanyang bibig when she heard the name of their band. Maligaya silang tumayo sa kanilang mga upuan. Everyone cheered, lalo na kaming mga nasa Lower Box A.

"Congrats," I said to her and she smiled back at me bago siya hatakin nila Jethro, Rodney at Bogs. The audience cheered continuously as they went up the stage.

Tumingin ulit si Drew sa listahan, "Makakahinga na rin kayo ng maluwag dahil sure ball na kayo...Red Leaf!"

Lalong lumakas ang palakpakan ng mga tao. Obvious naman na pasok na sila, sa galing at stage impact nila, it's a no brainer.

Muling nagtawag si Drew Andrews, ibang banda ang natawag niya sa 3rd to 7th spot. Galing sila sa ibang university, mostly kumuha ang hurado sa first to third batch, though my isang nakapasok sa 5th. Hindi pa natatawag ang pangalan ko, malamang nasa panghuli. I hope I make it kahit sa Top 10 lang.

Dalawang banda ang inannounce ni Drew para sa 8th and 9th, still hindi pa rin ako natatawag. Isang slot na lang ang natitira at marami pang natitirang contenders. Only 1 remaining. Hindi na ko aasa, for all I know, ibang performer lang rin ang tatawagin nya.

"1 na lang at makukumpleto na ang ating Top 10," he reminded us. "Let me give you guys a clue, solo performer siya."

Solo? It means I still have a chance.

"He's last but he's definitely not the least, get up the stage dahil ikaw ang kukumpleto sa Top 10..."

Please call me, please let it be me.

"Ang Aspiring Balladeer, Jimmy Gopez!"

I knew it. Napatalon ako sa saya as the crowd cheered for me. Nagmadali ako pumunta sa stage sa sobrang excited at pumwesto sa tabi ng nasa 9th slot sa dulo.

"There we have it folks, please give a warm round of applause for our Top 10!'"

Sa mga kasali sa PSU, kami lang ng banda ni Max ang nakapasok at kami ay nasa magkabilang dulo.

"Palakasan ang magiging labanan ng ating Top 10 dahil nakasalalay na sa ating audience kung sino ang tatanghaling Grand Winner. You are given the power to vote via text message. Just type the name of your favorite performer and send it to 2377. Voting lines will be closed after 30 mins. Kaya ano pang hinihintay nyo? Boto na."

Majority of the audience grabbed their phone at binoto ang kanilang mga pambato. Pinabalik kami sa aming mga upuan. 30 minutes pa bago matapos ang botohan.

"Congrats, Jimmy," pagbati sa akin ni Max. "Nakukutuban kong kasama ka talaga sa 10."

"Congrats rin. Hindi pa nga rin ako makapaniwala, ako lang ang solo performer na nakapasok."

"See? I told you. Kaya mo naman talaga."

Hindi pa tapos ang palabas, 25 minutes are spent sa mga commercial at patalastas sa screen, there's still 5mins at malamang meron pang special performance.

"Habang tayo ay nag-aabang sa pagsasara ng botohan, let's welcome our last year's Grand Winner as they perform 'How Deep Is Your Love' by the Bee-Gees, ladies and gentlemen, The See-ngers!"

Lumabas ang trio, chanelling the Bee-Gees look and style. Nagsimula silang kantahin ang classic song. Magaling sila actually but they are not on the same league as Red Leaf, ibig sabihin mas magaling ang mga contenders ngayon kumpara last year. Pagkatapos nila, tuluyan nang isinara ni Drew Andrews ang botohan with a countdown.

"3...2...1..., that's it, all voting lines are closed."

Nagperform ulit ang isa pang celebrity performer as they calculate the votes. A few moments later, may nag-assist sa amin at muling pinaakyat ang Top 10 sa stage, this time nararamdaman kong malapit na kami sa katotohanan. Umakyat na si Drew sa stage, looking serious.

"Finally, here comes the moment we all been waiting for. Are you ready to meet the 31st AEMF Grand Winner?"

The crowd cheered at the top of their lungs.

"Sino ba ang pinupusuan nyo?"

"Red Leaf!" sigaw ng karamihan. "Red Leaf!"

That pretty much answered his question, it's only a formality na nakatayo kami dito anyway, may kutob na rin talaga kami kung sino talaga ang panalo.

"Our Grand Winner will receive a Golden Trophy and and a check of P100,000 pesos, the rest of the Top 10 will receive a Silver Trophy and a consolation price of P1,000. To announce our winner, please welcome one of our judges, Mr. Carlo Abaya."

Binigay na ni Drew ang mike sa huradong may hawak ng cheke. "Thank you Drew. The 31st AEMF Grand Winner is..."

Walang kahit katiting na kaluskos ang maririnig, lahat ay taimtim na nag-aabang.

"Red Leaf!"

Sabay-sabay napalundag sa saya si Mr Ala-Steven Tyler at ang kanyang banda. Pinaulanan sila ng confetti. The crowd cheered with so much enthusiasm.

I knew it, sabi ko na sila talaga ang mananalo, halata naman na sila talaga ang nagstand-out. I'm happy for them, happy for myself and happy rin kay Max at sa iba pang banda.

"Congratulations, Red Leaf!" sigaw ni Drew Andrews. "And thank you everyone, to our performers and audience."

Inabot sa kanila ni Mr. Abaya ang kanilang trophy at check. Nawala na sa amin ang atensyon, as usual, sa winner na nakafocus ang lahat. May nagbigay ng Silver Trophy sa amin before they assist us out of the stage.

"Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakisaya sa ating taunang Music Fest. Isa na namang matagumpay na selebrasyon ang nagtapos. We'll hope to see you again next year. Good night and God Bless."

Matagumpay na nagwakas ang Music Fest, hawak-hawak ko na ang aking Silver Trophy na may kabigatan. Hindi siya pangkaraniwang trophy, korteng gitara ito. Yung consolation na 1k na lang ang kulang, binigyan kami ng instruction kung paano namin ito maki-claim sa tinakdang araw.

You did well tonight at ang tropeyong to ang magiging remembrance sa araw na ito na hinding-hindi ko malilimutan.

12am na ng hatinggabi, ang lahat ay nagsisimula ng maglakad pabalik sa kani-kanilang mga bus. Nakasalubong ko ulit sina Gemma sa paglalakad.

"Congrats, Jimmy, nakasama ka sa Top 10," pagbati niya.

"Salamat."

"Ang galing mo, pa-autograph naman," biro nila.

"Grabe naman kayo sakin," saad ko, "ang galing nyo rin naman kanina."

"Mas magaling kayo. Biruin mo yun, pareho kayo nakasama nung katabi mo kanina sa Jollibee."

Naguluhan ako sa sinabi niya.

Nakasama, katabi ko sa Jollibee?

"Si MJ? Nakita nyo siya?"

"Oo," pagkumpirma ni Gemma, "nagperform kaya sila ng banda niya. Duh."

"Imposible, di ko naman siya napansin kanina."

"Hindi kami pwede magkamali, kilala namin siya, nakasabay pa nga namin yung band nila nung audition."

Napaisip ako. It was a 3-day audition kaya malamang hindi kami nagkapareho ng araw ni MJ.

"Anong name ng banda niya?"

"Ang hirap sabihin e," sagot ni Gemma, "pero pagkakaalala ko, The Maca..."

"The Macadamia's," saad ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Napalingon ako at nanlaki ang mga mata ko sa gulat, sa taong muli kong nakita.

Totoo ba to?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro