Act II: Bus
2pm, that's our call time sa bus. It's 1:55 pm, five minutes na lang. I'm usually the early bird, pero this time medyo nagpahuli ako. Ayoko na kasi maghintay o mag-abang, gusto ko pagkapasok ko, naroroon na agad si MJ at siya ang una kong makikita. I will not miss the opportunity na tabihan siya and maybe talk some more. Hindi na ko makapaghintay.
Nang makarating ako malapit sa school namin, magkakatabi na ang mga puting bus na maghahatid samin sa Arena. 3 Bus ang gagamitin ng PSU namely Bus 903, 904 at 905. May kalakihan ang mga ito compared sa mga usual passenger bus na makikita natin. Tulad ng ginagamit sa field trip noong elementary and high school days.
Wala na kong inaksayang oras at pagkakataon, binilisan kong pumasok sa loob, my heart racing intensely just to meet her.
Pag-akyat ko, bumungad sa akin ang lamig ng aircon, well-ventilated ang Bus. Sa harap pa lang, nabingi na ko sa lakas ng rock music kung sino man ang nagpapatugtog.
"Dude," bumati sa akin ang isang lalaking kakaiba ang itsura. Kulot ang buhok niya, may pinturang puti ang mukha na may halong itim sa may mata, actually tatlo sila. Must be their costume para sa fest. Familiar ang outift, hindi ko lang maalala kung anong band ang ginagaya nila
"Support mo naman band namin, The Macadamia's," paanyaya ng ikalawang lalaki sa akin.
Inabutan nila ako ng brochure ng kanilang banda. Ang logo nito ay isang drums na may Macadamian nuts.
Anong klaseng pangalan to para sa banda? Magtataka pa ba ko. All bands have weird names anyway.
"Kitakits, mamaya dude," sambit sa akin ng pangatlo na di ko gaano pinansin.
They look like a bunch of clowns with that ridiculous outfit.
As I move forward sa bus, I spotted a familiar face. It is MJ? No. Isang faculty member lamang na nakaassign magbantay sa bus, si Sir Timothy na teacher ko sa PE. As usual naka garter shirts at jogging pants siya as if may PE class.
Kasalakuyan siyang nakatayo at nagtatawag ng mga pangalan mula sa attendance sheet at mukhang patapos na siya sa pagcheck.
"May kulang pa ba tayo before we go?" he asked them.
"Sir," pagtawag ko mula sa kanyang likuran.
Nilingon niya ko at nakahinga siya ng maluwag.
"Mr. Gopez, sakto ikaw na lang ang hinihintay," saad ni Sir Timothy. "You can sit in front."
Napansin kong malapit roon nakaupo ang magulong bandang nakasalubong ko kanina.
"Wala na bang iba, Sir?"
"Meron pa dun sa likod, sa tabi ni Ms. Jacinto," tinuro niya yung pwesto sa second to the last seat.
Pinagmasdan ko ang mga nakasakay sa bus, karamihan sa kanila mga boy band na nakacostume na pang rakista. Yung iba ay may sungay at red na kolorete sa mukha, yung iba ay pure black na shirt, yung iba naman casual lang ang suot. I didn't see MJ or her girl band. At least not from the front, baka naman nasa likuran sila. Napasulyap ako sa attendance sheet na hawak ni Sir Timothy.
"Sir pwede bang makita ang attendance sheet?"
"Sige pero wala ang mga kaklase mo dito, sa 904 naassign ang mga
Mass Comm majors."
"Okay lang sir," wala naman ako paki sa kanila, only one person matters to me and I need to her name sa list.
Binasa ko lahat ng pangalan from top to bottom, ngunit wala akong nabasang MJ sa list.
"Ito na ba lahat?" pagtataka ko.
"Oo, yan na lahat."
"Sir favor lang, may kilala ba kayong student na MJ ang pangalan? Taga-PSU din siya at contestant rin sila ng banda niya. Dito daw sila nakaassign na bus."
"Sorry Jimmy, wala ako kilalang MJ, magtanong-tanong ka na lang sa mga banda dito baka may kilala sila."
"Sige po, salamat sir."
That comes as a bit of shock for me, naglakad na lang ako papunta sa napili kong pwesto habang nagmamasid sa mga students. May pangilan-ilang mga girls pero sure ako na hindi sila si MJ. Mga syota lang sila ng mga kasaling boy bands. How do I know? Sobrang PDA ba naman, kala mo nasa park sila, yung iba naman ay nakaakbay sa kanilang mga chicks.
Lumalapit na ko sa pwesto ko, still there is no sign of MJ or her band. Kahit shadow niya hindi ko makita.
Matapos ang ilang hakbang, narating ko ang seat ko. Nais ko sanang kunin ang seat malapit sa bintana pero may nakaupo na ritong isang solitary creature.
"Excuse me," bungad ko sa student na makakatabi ko, "Pwede bang makitabi?"
"Sige upo ka lang," the student answered in a dry tone habang nakatingin sa bintana. She didn't even looked at me. Narealized ko na babae pala siya base sa boses, though she doesn't look like one.
Umupo ako sa tabi niya. Parang nasa Antarctica ako sa lamig ng Bus. Bumubuga sa ulo ko ang hangin na dala ng aircon mula sa itaas. This is going to ruin my hair. That's the least of my concerns. Ang main concern ko lang ay si MJ. Nasaan na kaya?
Nagsimula nang magmaneho ang driver at umandar na ang bus, buti na lang hindi siya kaskasero at smooth lang ang ride. Ayoko kasi yung tipong nakakalula sa bilis at mapapaisip ka na lang kung huling sakay mo na ba.
Kailangan malaman ko kung nasaan siya, I better ask questions sa mga students gaya ng sinuggest ni Sir Timothy. Simulan ko na dito sa katabi ko. Nakatingin pa rin siya sa windows. Kumuha ako ng tyempo para tanungin siya.
"Miss," tinawag ko siya ng dahan-dahan, "may tatanong sana ako?"
She turned to me. "Ano?"
"May hinahanap kasi akong girl, kasali din siya sa Music Fest. MJ ang pangalan niya. Kilala mo ba siya?"
"Wala akong kilalang MJ dito," she said bitterly in a boyish tone.
"Ganun ba? Sabi nya kasi dito rin siya sa Bus 903 sasakay? Bakit kaya wala siya?"
"Hindi ko alam at wala akong pake," may kasungitan ang isang to. Nanahimik na lang ako habang nag-oobserve sa kanya.
Nakasuot siya ng black leather jacket. Like The Macadamia's, kulot rin ang buhok niya na mapapaghalataang wig, may puting pintura rin ang kanyang mukha at itim naman sa kanyang mata na korteng star. May suot siyang hikaw sa pagitan ng kanyang ilong at siya ay nakablack na lipstick.
"Kabanda mo ba yung mga nakaupo dun sa harap?" Tinanong ko siya. "Pareho kasi kayo ng ayos."
"Hindi ba obvious?" I sensed iritability sa kanyang mababang boses.
"Nagtataka lang ako bakit hindi mo sila katabi, bakit ang layo mo sa kanila?"
"Mas gusto ko mapag-isa," nananatili siyang dry, walang tono at emosyon. "It's none of your business, kaya pwede ba huwag mo na kong kausapin."
"Sorry," what is wrong with her? Nagtatanong lang ng maayos. Di naman kailangan magsungit.
Inirapan niya lang ako bago niya ko talikuran at humarap ulit sa bintana.
Hindi ko na siya kinausap ulit, nagmasid na lang ako sa bus. Maayos naman ito, malinis at mabango. Wala namang problema, save one: ang mga nakasakay. Pumukaw sa atensyon ko ang bandang The Macadamia's. Just 10 minutes within the ride, non-stop na ang kaingayan nila. Ang lalakas ng mga boses nila habang nag-aasaran at nagkukulitan. Kahit dito sa likod, rinig pa rin sila. Sinasabayan pa nila ng heavy metal music sa kanilang loud speaker. Sila lang naman ang ganyan. Yung ibang band naman ay tahimik lang, minding their own business. karamihan ay nakatutok sa kanilang cellphones, ang iba sa kanilang jowa at iba naman sa pagkain.
Malapit lang sa kanila si Sir Timothy at narinig kong sinaway niya ang mga ito, pero dedma pa rin, lalo lang nilang nilakasan ang volume ng bluetooth speaker at sumabay sa rythm ng heavy metal.
"Ms. Jacinto," tinawag ni Sir Timothy si Ms. Sungit na katabi ko. "Pakisaway nga tong mga bandmates mo. Napakaingay, nakakaistorbo na."
Kabilang nga siya sa banda, kumpirmado na.
"Hoy!" Nagulantang na lang ako at iba pang mga students nang bigla siyang sumigaw. "Mga putang ina nyo! Manahimik nga kayo!"
Ito na ang pinakamalutong na murang narinig ko sa buong buhay ko.
Hininaan ng kanilang lider ang speaker at sila ay tumahimik. "Sorry po, Bossing!"
Ibang klase tong si Ms. Sungit, maangas, siya ang may authority sa banda niya, kahit na babae siya.
Mula noon, medyo natahimik na ang bus at kaunting chatter na lang ang maririnig sa paligid, voices na nagsama-sama mula sa iba't-ibang usapan. Napasandal na lamang ako sa upuan ko, at least tela siya at cozy, hindi rough tulad ng iba dyan. Sobrang nabobored ako, paano ba naman tong katabi ko nakakainis, sobrang sungit at angas. Parang manununtok pag kinausap mo, mas mabuti pang huwag mo na lang siya kausapin. I don't really like that type of girl. Siya ang opposite ni MJ. Kung sa kanya naattract ako, dito naman sa babaing to sobrang nagrerepel ako.
A quarter later, kumakain na ng chichirya ang mga students. Kumakain ng Pringles ang isang miyembro ng The Macadamia's nang bigla itong inagaw ng makulit niyang banda.
"Kunin mo samin!" maligalig niyang pinaglaruan ang kasama.
"Uy balik nyo sa akin!" sagot ng kasama nila na halatang hindi na nakikipagbiruan sa kanila.
Inabot ng bully ang Pringles sa kanilang lider, marami itong kinuha at halos mapuno na ang kamay niya.
"Hoy ang sisiba nyo!" paninita ng kabanda nilang inagawan. "Huwag nyong ubusin! Kaunti pa lang nakakain ko dyan!"
Kinalog-kalog ng kanilang lider ang pringles hanggang sa madurog ito.
"Hindi na ko natutuwa," Babala ng kabanda.
Tumayo si Ms. Sungit at sinilip kung ano ang nangyayari sa kanyang mga kabanda.
"Ang lalakas ng trip nyo, taena nyo!" muling rumindi sa pandinig ko ang lakas ng kanyang sigaw. "Ibalik nyo na nga kay Rodney yan!"
"Baka gusto mo ihagis ko sa mukha mo tong Pringles!" pananakot ng kanilang lider.
"Aba gago ka, Jethro!" napuno si Ms. Sungit. "Sige subukan mo! Ako pa tinakot mong hindot ka!"
"Manahimik nga kayo!" Sa wakas ay napasigaw na si Sir Timothy sa kanila. "Namumuro na grupo nyo! Kung gusto nyo mag-away dun kayo sa labas! Isa pang ingay at maglalakad kayo papuntang arena."
"Sorry po, Sir," nagpaumanhin si Ms. Sungit sa mahinahong boses.
"Sorry po," saad ng kanyang banda at tinigilan na nilang paglaruan ang isang kasamahan.
Makalipas ang ilang minuto nagstop-over ang bus sa may gas station para magpa-refill.
"Yung mga nawiwiwi dyan, mag-CR na kayo," utos ni Sir Timothy. "Aalis ang bus within 5 mins."
Marami ang nagsibabaan sa bus, karamihan ay umihi, ang iba naman ay sumuka. Buti na lang talaga hindi ako nalulala sa kahit anong vehicles. I stayed sa pwesto ko, hindi pa naman ako naiihi.
Naiwan ang The Macadamia's sa bus at naghuddle sila na parang may pinagbubulungan.
Ano na naman kayang kalokohan ang niluluto nila?
"Tara na, magpractice na tayo," atas ng kanilang lider.
"Hindi ba sasama yung isa dyan?" saad ng ikalawang pabida na halatang pinariringgan ang katabi ko.
Nananatiling matigas si Ms. Sungit na patuloy ang pagdedma sa kanila.
"Sorry na kanina," tugon ng kanilang lider na tinawag niyang Jethro kanina, "sorry na talaga, alam mo naman kahit siraulo kami, mahal ka namin."
"Halika na, Max, alam mo namang hindi kami kumpleto pag wala ka," tugon ng miyembrong pinag-tripan kanina. "Please. Papayag na yan!"
"Papayag na yan!" Nagsabay sabay sila sa pag-chant. "papayag na yan."
"Oo na," napatayo siya sa kinauupuan niya na may bahid pa rin ng pagkapikon, "matahimik lang kayo."
"Yun, salamat Max."
Bumaba ang banda kasama si Ms. Sungit.
Max? Kahit pangalan niya panlalaki.
Inayos ng kanilang lider ang formation nila, nasa gitna siya. Katabi niya ang second in command at nasa magkabilang dulo naman si Max at ang binubully nilang member.
Nagsimula silang mag-ensayo, kumanta ang lider na siya ring vocalist. Kinanta nila ang "We Will Rock You." Si Jethro ang bahala sa lyrics, the rest of the band naman ang second voice. After a few minutes, natapos nila ang practice at nagkatawanan sila. They even shared a group hug.
Bumalik si Max na tila maayos na ang mood at nakangiti.
"Napanood mo yung kahihiyang gagawin namin mamaya?" nagulat na lang ako at kinausap ako ni Sungit.
"Oo, nasilip ko kayo sa bintana."
"Ang weird namin di ba?" Tanong niya. "Parang mga tanga lang kami."
"Hindi naman," kailangan hinay-hinay ang sagot ko dito, baka bigla tong manapak, "mukhang maayos naman kayo at mukhang okay na rin kayo kung ano man ang hindi nyo pagkakaunawaan ng banda mo."
Napatango siya at natahimik, not willing to share any more infos about it.
"Yang ayos nyo? Anong inspiration?"
"Hango ito sa bandang KISS pero kakantahan namin mga Queen songs"
"Kiss meets Queen ang pasabog nyo mamayang gabi," I told her.
"Natumpak mo," she agreed.
"Pasensya na pero di ko kasi trip mga banda-banda, rock and roll. Bakit yan ang nahiligan mo e kababae mong tao?"
I said too much, this could ignite the fire.
"Walang basagan ng trip, pwede ba, boy?" halatang na-annoy siya kahit na kalmado na siya ngayon.
"Hindi 'Boy'ang pangalan ko, Jimmy," sa tingin ko kaya ko naman siyang sungitan kung ganyan ang gusto niya.
"Tinatanong ko ba?" sinimulan na niya akong barahin.
"Sorry Ms. Tomboy, high blood ka na naman?" humahanap ako ng tamang pang-burn sa kanya, hopefully it works.
"Sinong nagsabing tomboy ako?" she asked again. "Babae pa rin ako kahit ganito ayos ko."
"Whatever, you say, Max," pinaninindigan ko pa rin na tibo siya.
"Paano mo nalaman pangalan ko?"
"Narinig ko kanina."
"Tama ka, Max nga pangalan ko," pagpapakilala niya, "Macadamia, pareho lang ng pangalan ng band namin."
"Macadamia" I repeated with a bitter taste in my mouth, "pangalan ng mani yun."
A strange name for a strange girl.
"Alam ko, may problema ka sa pangalan ko?" Nanghahamon na ang aura niya, I better stop messing with her.
"Wala," matipid kong sinambit.
"Nasaan mga kasama mo?" kumalma na uli siya.
"Wala akong kasama."
"Solo mode ka boy, ano ba kakantahin mo mamaya?"
"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Ako naman ang nagtanong ng pagalit. "None of your business din."
"Nagtatanong lang, galit ka agad."
I answered her with a smirk. "Sa'yo pa talaga nanggaling yan, ikaw nga tong sobrang sungit sa akin kanina."
"Ok ok," sumabat siya, "nagsungit ako, pasensya na. Mainit lang talaga ulo ko kanina, nagkaaway lang kasi kami ng mga kabanda ko."
"Ayos na naman kayo ng banda mo di ba?" dinagdagan ko rin ang mga tanong ko. "Bakit di mo pa sila tabihan dun sa harap? May bakante pa."
"Pwede naman talaga, kaso gusto ko pa rin dito, sa dulo talaga favorite spot ko sa bus," napanatili na niyang mahinahon ang kanyang tono. "Isa pa dahil sa'yo."
"Sa akin?" It startled me.
"Napansin ko kasi na sobrang tahimik mo kaya nagpasya ako umupo dito, tabihan ka, makipag-usap."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Gusto makipag-usap ng kagaya niya sa katulad ko?
"Ano naman pag-uusapan natin?"
"Magsimula tayo sa kakantahin mo mamaya?"
"All of me," sinabi ko agad, hoping she'll leave me alone after that. "Masaya ka na?"
"Yup," she seems confident. "Nalaman ko lang naman na mas malaki ang chance naming manalo kaysa sa'yo. Rock and Roll talaga mga patok kantahan sa music fest, hindi mga ballads."
"Tignan na lang natin mamaya,"
Ako naman ang tumalikod sa kanya, that's it, ayoko ng magsayang ng laway sa mga katulad niya.
"Alam ko na kung bakit ka badtrip," hindi pa rin niya ko tinantanan, "dahil dun sa babaeng hinahanap mo kanina, yung nang-indian sayo? Sino ba siya? Tropa mo? Jowa mo?"
"Hindi," saad ko, "stranger lang rin siya, kagaya mo."
"Gusto mo siya na lang pag-usapan natin," panghihikayat ni Max. "Pampalipas lang ng oras, naiinip na ko. Ayoko namang makipagkwentuhan sa mga kabanda ko. Sawa na ko sa mga pamumukha nila."
"Sige," kung ito lang rin ang paraan para tantanan niya ko, I'll play her little game. "Nakilala ko siya sa Jollibee kanina. Nakishare siya ng upuan sa akin. We talked a bit then she leaves. Siya na yata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko."
"Ows?" nagcringe siya sa kwento ko. "OA mo naman brad."
"Totoo yun, kung nakita mo lang siya."
"Hindi ako madaling maimpress lalo na sa mga kapwa ko babae. Ano ba itsura?"
"Parang labanos ang kutis niya, shiny ang buhok niya, maamo ang mga mata niyang asul at yung ngiti niya, para kang nakarating sa langit pag napagmasdan mo."
"Yuck, masusuka na ata ako" biro niya.
"Para siyang anghel na hinulog sa langit. Nagkaroon kami ng conversation at talagang masasabi kong nagclick kami. We share common interests, nag-aagree siya sa akin, napapatawa niya ko sa mga jokes niya and she's so much fun. Kahit sandali ko lang siya nakasama, she left a huge impact sa akin. Bibihira mga babaeng katulad niya. Sinasabi ko sa sa'yo, she is the one. Nagmadali nga ako pumunta sa bus sa sobrang excited kong makita siya ulit kaso sobrang disappointed ako nung malaman kong wala siya sa bus."
"Nabokya ka," Pinagtawanan niya ko.
"Naguguluhan lang ako, rinig na rinig ko sinabi niyang dito rin siya sa Bus 903."
"Sigurado ka ba na yun ang number na sinabi niya?"
"Sure na sure ako, hindi naman ako bingi."
"Baka naman nagkamali ka ng rinig sa sobrang humaling mo sa kanya. Baka nasa 904 siya o sa 905. Pwede mo naman check bawat bus, yun nga lang mapapagkamalan ka nilang baliw na obssessed sa isang girl."
"Posible nga na nakasakay siya sa ibang bus, kasi pati yung girl band niya wala rin naman dito, magkakasama siguro sila."
"Girl band?" Nagtaka si Max.
"Oo sabi niya, may banda rin siya. Mga babae silang lahat."
"Sinabi nya yun sa'yo na puro babae kabanda niya?"
"Hindi," sabi ko.
"Hindi naman pala, so paano ka nakakasiguro na puro babae nga kasama niya? Assumero ka rin no, brad."
"Makikita mo naman sa style niya. Babaing-babae siya, kaya sure akong mga babae rin kasama niya sa banda. Imposibleng makipagrakrakan siya. Hindi naman siya boyish na katulad mo, no offense."
"Coming from a guy na nakilala lang siya saglit sa Jollibee. Parang alam na alam mo na lahat about her."
"Instinct ko lang," may pagmamalaki kong tinuro ang sentido ko. "May connection nga kami. I need to see her again, sa tingin ko I'm falling in love with her."
"In love?" muli siyang namuna,"Oh please naman, kakikilala mo pa lang sa kanya, in love ka na agad?"
"Hindi ka ba naniniwala sa love at first sight? Or love at first talk?"
"No,"sa sagot niya, mukhang sure siya, "parang tinanong mo na rin kung naniniwala ako kay Santa Claus o sa mga fairytale. Love doesn't work that way sakin. Sure ka ba sa sinasabi mo, tol?"
"I'm telling you, siya ang para sa akin, lahat ng hinahanap ko sa babae nasa kanya na. She has no flaws, she's perfect in every way."
"Walang perfect, Jimmy, ilusyon mo lang yan."
Hindi ko nagugustuhan ang mga komento ng babaing to sa kwento ko.
"Ang nega mo naman, ikaw tong nagpapakwento, tapos ikaw tong kontra ng kontra."
"Hindi ako nega," giit niya, "nagpapaka-realistic lang. Nagiging delusional ka na kasi. Sabihin mong love mo na agad yung girl samantalang ngayon lang kayo nagkakilala at malala pa dun, ina-assume mo agad na perpekto siya. Hate to burst your bubble, I can tell you hindi siya perfect."
"Paano mo naman nalaman?" nagsisimula ng uminit ang dugo ko sa kanya. "You don't even know her."
"Ikaw rin naman, hindi mo rin naman siya kilala. Ipinakita niya lang yung side na gusto niyang pakita sayo. Sinasabi mong mahal mo siya dahil sa maganda ang mata niya, ang mukha niya, ang smile niya. Dahil lang napapatawa ka niya."
"Ano bang gusto mong sabihin?" diretsohin na lang niya kasi ako.
"Mahal mo lang yung magagandang katangian niya. Parang ganun ang pinupunto mo. What about her bad sides? You only know her for a brief moment, marami ka pang hindi alam sa kanya. Paano kung mabaho pala siyang umutot? Paano kung malakas siyang humilik pag tulog? Paano kung may topak pala siya pag wala sa mood, paano kung may mental disorder siya, paano kung nalaman mo na lahat ng panget sa kanya, lahat ng kapintasang meron siya. Mamahalin mo pa rin ba siya?"
Come to think of it, ngayon lang yun pumasok sa isip ko, nang sabihin niya sa akin and for a moment, naubusan ako ng maikakatwiran sa kanya.
"I can assure you, lahat ng sinabi mo, hindi siya ganun. She's perfect in every way. Yun lang ang alam ko."
"Ewan ko sa'yo Boy Assumero," para sa kanya, walang sense ang paliwanag ko. "Binubulag ka lang ng admiration mo sa kanya. Di ba nga sabi sa lyrics ng All of Me, 'Love her curves and all her edges, all her perfect imperfections.' Kung kaya mong mahalin ang lahat ng hindi maganda sa kanya, doon lang ako maniniwalang love yan, pero so far, hindi ganun ang nakikita ko sa'yo."
"Talaga? Ano bang nakikita mo sa akin?" Nakakainis lang na bakit parang mas marunong pa siya sa akin at sa nararamdaman ko.
"Nakikita kong napaka one-sided ng pananaw mo sa love. Iba kasi kahulugan nun sa bokabularyo ko. Mas malalim. Baka nga hindi mo pa alam ang meaning ng love. Hula ko di ka pa nagkagirlfriend kaya ganyan ka?"
"Manghuhula ka na rin pala ngayon? Ikaw rin nag-aassume. Paano kung sabihin kong mali ka?"
"Tama ako, nababasa kita. You're being defensive. Halatang tinatago mo. Aminin mo na."
She's good at this, palagi siyang mas lamang sa akin. "Oo na, sige na, aamin na ko. Wala pa kong nagiging girlfriend."
"Tignan mo, sabi ko na."
"Ikaw, nagkaboyfriend ka na ba?" binalik ko sa kanya ang tanong.
"Bakit napunta na sa akin?" napangisi siya sa tanong ko. "Ikaw at yung girl ang topic natin."
"Naisip ko lang kanina pa ko nagkukwento tungkol kay MJ, ikaw naman ang magkwento ng sayo, Max. Para naman tabla na tayo."
"Sige, game," mabilis siyang napapayag.
"Assume ko nagkaboyfriend ka na? O baka naman girlfriend?"
"Tatlo," walang pag-aalinlangan niyang binunyag.
"Tatlong girlfriend?" dito ko mahuhuli kung babae siya o tibo.
"Hindi," pagtanggi niya, "Boyfriend. Di naman talaga ako lesbi, ayos ko lang to."
"Kwentuhan mo ko each," oras na para siya naman ang mapagod kakasalita.
"Yung una kababata ko, mostly puppy love lang, naging kami nung 13 pa lang ako, masyado pa kaming hilaw para sa konspeto ng pag-ibig kaya naghiwalay rin kami pagkatapos ng ilang linggo, di naman rin talaga seryosohan."
"Yung pangalawa?"
"Kaklase ko nung high school, kaso bad boy siya, typical womanizer, may third party kaya humantong rin sa hiwalayan. Ayoko ng may kaagaw sa pag-ibig."
"Yung last?"
"Si Mark," naging malumanay ang tono niya when she said that name. "Siya ang pinakamatagal na nag-stay sakin. Sa kanya lang ako nagkaroon ng anniversary. Siya rin ang pinakaminahal ko sa lahat. Akala ko nga siya na yung 'The One' ko."
"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko.
"Ayaw niya sa pagbabanda ko. Hindi nya ko sinusuportahan sa mga pangarap ko. Pinagbabawalan nya ko magpunta sa mga gig, pati pakikipagkita ko sa mga bandmates ko binibigyan niya ng malisya. Talagang magkaiba kami. Hindi kami compatible, walang spark, walang connection. Kabebreak lang namin ilang buwan pa lang. We're just not meant to be."
Kahit hindi niya sabihin, nahahalata ko ang lungkot sa kanyang mga mata. She's still affected by her recent break-up, aminin man niya o hindi.
"May reason naman pala, kala ko nagbreak kayo dahil sa inangasan at binatukan mo, Ms. Sungit ka kasi," sana mapatawa ko siya sa hirit ko.
It works, natawa nga siya sa sinabi ko and beneath that paint, nakikita kong maganda rin ang ngiti niya. The way she closed her eyes when smiles then looks at me after, it almost reminds me of her...wait...what? shit! Paano kung siya pala si...imposible...they are so different...so opposite. Puti si MJ, Itim si Max.
"Max," pagtwag ni Jethro. "Tara may sasabihin lang kami."
"Sige, tol," pinuntahan niya ang mga kaibigan sa harap.
Pinagmasdan ko siya when she stands. Ngayon ko lang napansin na pareho sila ng height at stature ni MJ. No it can't be. Itim ang mata ni Max, si MJ ay blue, may hikaw sa ilong si Max, si MJ wala. Isa pa kung siya nga talaga si MJ, bakit hindi niya sinabi the moment na tabihan ko siya? Nagkakamali lang ako, sa sobrang pagkahumaling ko kay MJ, kahit kanino nakikita ko na siya. Sa totoo nga, hindi ko na alam kung totoo ba si MJ o pigment lang siya ng aking imahinasyon because I'm lonely. Paano kung may sakit ako sa isip at naghahallucinate lang? It will be the shock of a lifetime kung malalaman kong hindi pala nag eexist si MJ, that she's nothing but an imaginary creature.
After a few she minutes, bumalik siya sa tabi ko.
"Anong pinag-usapan nyo? Tinatanong ba nila kung naba-bother ka sakin?"
"Hindi," sagot niya. "pinaalala lang nila yung workflow namin mamaya sa arena para ready kami at walang aberya."
"The Macadamia's," saad ko, "strange name para sa isang band pero it has a nice ring to it."
"Strange kasi sakin ipinangalan, actually ako talaga ang founder ng banda," she revealed. "Nagsimula nung elementary days namin, one of the boys talaga ako at mahilig kami sumali sa mga talent show sa school namin, tapos nung high school medyo nagdrift apart kami nung naging kikay at girlish ako."
"Ikaw, kikay at girlish?" pinagdudahan ko ang sinabi niya. "Hirap naman paniwalaan yun."
"Totoo, you should see me kapag wala kaming gig, pambabae lang rin ako manamit."
"Hindi ko maimagine."
"I don't blame you, minsan hindi ko rin makilala sarili ko.
Gusto mo ba makilala mga bandmates ko?"
"Kahit hindi na," nakilala na naman nila ako ako nung sumakay ako kanina. That's enough.
"Huwag ka mag-alala tuturo ko na lang sila.Tignan mo yung maingay na yun, yung daig pa si Jollibee magpabida?" Tinuro niya ang tumatayong lider ng banda. "Siya si Jethro, leader at vocalist namin."
"Narinig ko nga kanina pangalan niya, nung muntik kayong mag-away."
"Buang kasi yan minsan," pagkatapos tinuro naman niya ang second-in-command ni Jethro. "Yun namang isang maligalig ay si Bogs, may pagkapilyo at pala-asar. Siya ang aming gitarista. Yun isa namang dude na inagawan nila ng junk food kanina ay si Rodney, ang aming bass player na madalas binubully ng barkada."
"I see, so paano kayo nagbalikan, kung muntik na kayo magdisband?"
"Well, before graduation namin, napagdesisyunan namin to pursue our music career. Sabi ng mga teachers namin, malakas ang potensyal ng banda. Sa PSU kami nagcollege at mula nun palagi na kami sumasali sa iba bang gig at contest. Pangarap namin na maging sikat na banda balang araw."
"Malay natin di ba?" gusto kong palakasin ang loob niya.
"Sana magdilang-anghel ka,"hiling niya.
Anghel? Hindi ko alam kung anghel nga lang si MJ. Just stop thinking her, may kasama ka naman, si Max.
"Ikaw anong instrument ang gagamitin mo mamaya?" Nagtanong ako ulit para malibang ako at makalimutan ko si MJ.
She reached to her paper bag at ipinakita niya sa akin ang dalawang drumsticks.
"Ako yung magdadrums."
"Nice."
"Hindi sa pagmamayabang, kaya ko rin naman lahat ng ginagawa nila. Kumakanta rin naman ako. Marunong din ako mag-gitara at bass."
Sa tingin ko nagsasabi siya ng totoo, hindi naman pala siya mayabang at hambog, style niya lang talaga.
"Buti ka pa marunong sa mga music intruments, ako piano lang alam ko."
"Buti ka pa marunong magpiano, ako hindi," siya naman ang nainggit sa akin. "Anong masama kung hindi ka marunong?"
"Nakakahiya kasi, music lover ako pero pagkanta at piano lang alam mo, parang hindi ko deserve yung term."
"Ganyan naman sila, pag hindi mo alam lahat tungkol sa isang bagay, parang wala kang karapatang kahiligan to. Tignan mo yung Endgame, yung mga fans ng MCU, sinasabi nilang walang karapatan maging fans yung hindi nakapanood sa lahat ng movies. Ang toxic kaya ng ganun. Kailangan ba talaga alamin o panoorin lahat? Hindi ba pwedeng magustuhan mo yung movie ng walang stress o pressure na alamin lahat."
"Agree ako sa'yo, ang daming toxic ngayon," kung saan-saan na napupunta ang topic namin but to my surprise, nag-eenjoy akong kausap siya.
"Musician ka pa rin, marunong ka man magplay ng instruments o hindi, mahalaga mahal mo ang music."
Tumatak sa akin ang mga words niya, ngayon ko napapagtanto na malawak ang kaisipan niya. I couldn't said it any better. She's a smart girl.
"Ako nga manalo man kami o hindi okay lang sa akin," kanina lang e nagtatalo pa kami kung sino ang mananalo tapos sinabi niya to.
"Okay lang matalo ko kayo?" I asked in a joking manner.
"Oo, hindi naman yung contest at prize pinunta ko dito, kundi dahil mahal ko magperform at masaya ako tuwing nasa harap ako ng entablado. Ikaw ano ba dahilan mo bakit ka sumali dito?"
Ayos lang na magshare ako sa kanya, siya nga nagshare sa akin willingly, kahit na ngayon lang kami nagkakilala. Napansin ko rin na nagsoften na yung voice niya when talking to me.
"Pareho tayo, hindi ko rin hinahangad na manalo. Gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya kong magperform sa harap ng maraming tao. Chinachallenge ko yung sarili ko since may stage fright ako noon pa man, gusto ko ma-overcome yung fears ko. Show them na I have what it takes."
"Ako ang huhusga mamaya," she dared me.
"Challenge accepted. May isa pa kong dahilan. I want to honor someone dear to me. Kakantahin ko ang 'All of Me' as a tribute sa Tito at Tita ko na nagpassed away recently in a car accident."
"Sorry," the way she apologized, she's beginning to sound like a normal girl. "Rest in Peace sa kanila."
"Salamat. Hopeless romantic ako at yung pagmamahalan nila ang naging inspiration ko when it comes to love. They understand and support each other. Ni minsan hindi ko sila nakitang nag-away nung nabuhuhay pa sila. It was pure love, something na hindi ko nakita ko sa parents ko. I want to honor them with my song."
"Sigurado ako, matutuwa sila sa'yo, nasaan man sila ngayon."
"Tama na nga to, baka maiyak ako. Kahit na lalaki ako, I'm a sensitive soul. Kayo, bakit mga Queen songs ang kakantahin nyo?"
"Solid Queen fanatics kami," pagmamalaki niya, "Idol na idol namin si Freddie Mercury at pati yung ibang members ng Queen.
"Ah si Freddie, hindi ko siya kilala masyado. Alam ko lang siya yung mustache guy na mahilig mag-Ay-Oh! nalaman ko lang buhay niya nung napanood ko yung Bohemian Rhapsody."
"Kahanga-hanga siya. Biruin mo ang weird niya, malaki ngipin niya, bisexual siya at ang exotic ng looks niya for UK standards, still, he made a name for himself, naging legend siya and he changed Music History forever. Siya talaga ang early inspiration ko. Para sa akin siya ang best singer in the world, mas magaling pa siya kay Michael Jackson."
"Lodi mo talaga siya. Gaya ng paghanga ko kay John Legend, Ed Sheeran at Charlie Puth."
"Siya ang nagpatunay that the weirdest people shines the brightest when given the chance. I'm a self-proclaimed weirdo at pinagmamalaki ko yun, being normal is overrated. Ang boring maging normal, pare-pareho lang sila."
One thing I can say about her, she's far from boring. I take back what I said, she's starting to make sense now. Once you get used to her rough exterior, maayos din siyang kasama, sa katunayan mas maayos pa nga kaysa sa ibang matagal ko ng kilala. Kinuha niya ang kanyang phone. I can confirm na hindi siya si MJ. Samsung ang phone niya at yung kay MJ naman ay Apple na may pink casing. Kinonek niya ang kanyang earphones.
"Magsa-soundtrip ako, gusto mo makinig?"
I don't know what to answer, malamang mga rakrakan na heavy ang papakinggan niya gaya ng mga kabanda niya.
"Huwag ka mag-alala, wala yan tutuli," ipinakita niya sa akin ang malinis na earphone. Kinuha ko ito, sinuksok sa tenga at nakinig kami. Kumuha siya ng Piattos sa paper bag niya at inabutan niya ko ng isa.
"Thanks."
She played 'Somebody to love' by Queen, as I listen to Freddie Mercury playing the piano sa simula ng kanta, na-amazed ako sa galing niya sa paggamit nito, sinabayan pa niya ng kanyang boses na kakaiba ang dating at hagod. After that, she played different songs mula sa iba't-ibang banda such as The Beatles, Led Zeppelin, Aerosmith, Air Supply, Kiss. The more I listened to it, the more na napapagtanto kong magaganda naman pala ang mga music nila. Same kay Max, the more I spend time with her, the more na narerealized ko na she's a lot different from what I thought. Akala ko nung una wild, maangas at troublemaker lang siya, but she's more than that. She yung tipo ng tao na masarap maging kaibigan dahil magaling siyang magsalita at mag-advice, prangka siya pero may sense ang lahat ng sinasabi niya, walang tapon o sayang na salita. She's wise beyond her years at hindi ko akalain na marami akong wisdom na makukuha from someone like her na bad girl ang datingan. It blows my mind. Iba ang pamamaraan niya ng pag-iisip compared sa mga babaeng nakilala ko, she's more complex and complicated, a deep-thinker. She's the rarest of the rare. I'm feeling a little guilty cause I misjudged her badly earlier.
It's been 2 hours mula ng magbyahe kami, dahil 4pm na, nagsimula nang sumikip ang daloy ng traffic sa kalsada, inantok na ang mga students at nakatulog na ang iba sa kanila. Maging ang emo group na nasa likuran naman ni Max ay nakatulog na rin.
Kasalukuyang nakikinig pa ko ng music nang biglang napasandal sa balikat ko si Max with her curly wig. Nakatulog na siya sa sobrang traffic at hindi niya namalayang napasandal na siya sa akin. Nakanganga pa ang kanyang bibig at kahit nakaearphone ako naririnig ko na malakas pala siyang humilik. I couldn't help but smile when I looked at her. Di ko alam kung bakit pero gumagaan na rin ang loob ko sa kanya. Yung inis na nararamdaman ko sa kanya nung first hour ay naglaho na. Hinayaan ko na lang siyang matulog sa balikat ko at ipinikit ko na lang rin ang mga mata ko at umidlip.
Moments later, tumigil na ang bus, at nagsalita si Sir Timothy, "nandito na tayo."
I wake up at napatingin ako sa oras, 5pm na pala, from the window, naaaninag ko na ang arena kung saan gaganapin ang 31st AEMF. Nakarating na nga kami.
Hindi pa rin nagigising si Max sa balikat ko, I patted her shoulders gently,"Max, Max, gising na nandito na tayo."
Idinilat niya ang kanyang mga mata at doon lang niya napansin na nakasandal siya sa akin, agad siyang lumayo na parang nahihiya, "shit, nakatulog pala ako, sorry. Bakit di mo sinabi?"
"Okay lang, truce na naman tayo," that made her chuckle.
"Okay formation na mga banda," nagbigay ng instructions si Sir Timothy, "pupunta tayo sa arena ng maayos and in one piece."
"Kailangan ko ng puntahan ang banda ko," pagpapaalam ni Max.
"Good luck," sinabi ko na may sinseridad sa bago kong kaibigan.
"Good luck din, fistbump," she initiated.
I reached to her hand at nagfistbump muna kami.
"Huwag kang mag-alala, malay mo biglang sumulpot mamaya yung dream girl mo," she said to me before she joined her band.
Si MJ? Oo nga pala, I almost forgot about her. Siguro masyado lang malakas ang personality ni Max at medyo naeclipsed siya.
Ibang klase talaga tong araw na to. What are the odds na magkaroon ako ng chance encounter from two different people in the same day? Must be a 1000 to 1. They are the total opposite. Para silang day and night, each special in their own unique way.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro