Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Act I: Resto

Circa 2019

Maaga akong gumising sa panibagong araw na kay ganda. Dumating na ang araw pinakahihintay ko. Ang araw na talagang minarkahan ko sa kalendaryo at pati na rin sa schedule ko sa phone.

Ngayon na ang 31st Annual Educational Music Fest, kung saan magpeperform ang ilan sa mga bigating singers at banda para sa gabing puno ng saya at kantahan. Dito rin magtutunggali ang mga estudyante kalahok mula sa 7 University para mapanalunan ang titulo ng AEMF Grand Winner, and it so happens na isa ako sa mga contenders from our University.

Ilang oras bago ang main event, I got myself prepared. Simple lang ang gayak ko ngayon. Nakasuot ako ng checkered long sleeve na kulay blue at plain white shirt naman sa panloob, nakamaong na pants. I just styled my hair with clay-doh para maayos ang buhok ko. Unlike the majority ng mga kasali, I don't need to bring any musical instruments with me, piano lang naman ang kailangan sa entry ko and I learned that they'll be providing it.

Bago pa magtanghali, nasa mall na ko para antayin ang bus na maghahatid sa amin sa Arena. Nagpunta muna ako sa Jollibee para kumain habang naghihintay, and what could be better than their krispy-licious, juicy-licious Chickenjoy na palagi nilang pinagmamalaki sa kanilang mga commercials. That's exactly what I ordered.

As usual crowded sa Jollibee lalo na ngayon at weekend kaya naman nag-abang ako na may umalis. Nang may umalis sa two-seater table, sinunggaban ko na agad ang opportunity na mapasaakin ang spot.

Things are going just fine ngayong araw as it should have been. I can't afford any inconveniences. This is a special day para sa akin, I knew this long before it arrived, pero hindi ko ineexpect na this day will be a lot different from what I imagined and to tell you honestly, I'm saying this for the better.

Ninamnam ko ang paborito kong Chickenjoy na walang kasing lutong ang balat, sabay sawsaw sa gravy. Habang pinapaspan ko ang fried chicken, napalingon ako sa paligid. Totoo ngang napakaraming tao ngayon, sa kanan mayroong isang pamilya na masayang kumakain kasama ang kanilang mga anak, sa kaliwa nagtatawanan ang isang barkada at sa harap ko naman kumakain ang isang couple na sa sobrang sweet, pwede ng umulan ng asukal. Kapansin-pansin na lahat ng kumakain ay may kasama, pwera lang sa akin. Ako lang ang kumakain in solitude and I don't mind being alone.

Suddenly narealized ko na hindi na ko nag-iisa. From out of nowhere, isang dalaga ang nakatayo malapit sa table ko, to my surprise.

"Hello," pagbati niya sa akin habang dala-dala ang kanyang order.

I smiled back at her.

"Pwede bang makishare?" tanong niya sa boses na kasing hinhin ng typical na dalagang Filipina. "Wala na kasing vacant."

"Sure," walang pag-aalinlangan kong isinagot, wala naman siyang mauupuan kung hindi ako papayag.

"Thank you," ikinatuwa niya na pumayag ako.

"Anong inorder mo?" Kadalasan hindi ako pala-kausap sa mga hindi ko kakakilala kaya nagtaka ako sa sarili ko kung bakit ko ba siya tinanong.

"Chickenjoy lang rin, pareho sa'yo," napanatili niyang mahinhin ang kanyang boses when she answered me.

Umupo siya sa tapat ko at nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya. May kaputian ang kanyang balat, maikli ang kanyang buhok na hindi aabot sa balikat, katamtaman ang kanyang pangangatawan at pati na rin ang kanyang pisngi na hindi sobrang hawas o bilugan. Ang pumukaw sa atensyon ko ay ang kanyang mga mata na mangasul-asul at ilong na may katangusan. Malamang ay may lahi siya.

For her outfit, nakasuot siya ng pink na headband na terno sa kanyang pink na blouse at sa pambaba, tingin ko nakaskinny jeans siya, kung hindi ako nagkakamali. She carried a bagpack with her, may kalakihan, like the ones na ginagamit for school.

Patapos na akong kumain habang siya ay pasimula pa lang. Noong una para siyang nahihiyang kumain in front of me. Syempre nga naman sino ba ang gugustuhing may stranger na nakatingin sayo habang kumakain ka? I doubt na tatabihan nya pa rin ako kung mayroon namang bakanteng table. She doesn't have a choice dahil puno na at wala siyang mauupuan kundi dito, unless she decided na take-out niya yung pagkain.

Dahan-dahan ang pagsubo niya sa kanin, tila hindi makabasag pinggan. Nakayuko lamang siya at hindi niya alam na nakamasid ako sa paraan ng kanyang pagkain. Napansin kong tinanggal niya ang balat ng chicken and she placed it sa dulo ng kanyang plate.

"Hindi ka kumakain ng chicken skin?" Malumanay kong inusisa.

Noon lamang siya ulit napatingin sa akin nang magtanong ako.

"Favorite ko to, kaya ko binalatan kasi ihuhuli ko, diba sabi nga nila, always save the best for last."

Mas mahaba ang sinagot niya sa inaakala ko, ineexpect kong isang maikling 'oo' o 'hindi' lang ang sasabihin niya sa akin.

"Pareho pala tayo," ipinaalam ko sa kanya. That seems to spark my interest, na makakilala ng isa pang taong mahilig rin sa balat ng Chickenjoy, though marami naman talaga ang may favorite dito. "Favorite ko rin yung balat. Yan nga pinakagusto ko sa fried chicken. Kaya kapag inagawan ako ng balat talagang maiinis na ko."

"Ako rin, nag-aagawan pa kami ng kapatid ko dahil sa balat," medyo lumakas ang tinig niya habang nagkukuwento. "Isang beses habang kumakain kami dito, alam mo ba ano ginawa niya?"

"Ano?" nag-aabang ako sa kwento niya.

"Kinuha nya lahat ng balat, wala siyang tinira sakin. As in."

"Kung ako yan, maaasar ako."

"I know!" napalakas lalo ang boses niya, "di ba nakakainis, nawalan na tuloy ako sa mood ubusin yung chicken."

"Yan kasi nagpapasarap sa fried chicken, yung tipong pag wala yan parang kulang na."

"Totoo," nagkasabay kami ng paghalakhak. It's the first time I get a glimpse of her smile and her sparkly white teeth. She's even more beautiful when she smiles.

Natahimik ulit siya na para bang siya ay nailang at naalala niyang ibang tao nga pala ako. "Sorry, nasobrahan yata ako sa kadaldalan."

"Wala yun," sinigurado ko sa kanya, "actually naghahanap nga ako ng kausap ngayon at mag-isa lang ako. Ako nga pala si Jimmy."

Kung mayroon mang oras para magpakilala, ngayon na since we just had a proper conversation. Inalok ko ang kamay ko para sa kanya.

"MJ," pagpapakilala niya habang kinakamayan ako.

"Nice to meet you, MJ."

MJ? Ano kaya ibig sabihin?

Nakakahiya naman itanong at baka isipin nyang feeling close agad ako.

"What brings you here?" Hinayaan kong siya na ang magtanong.

I reached in to my pocket at inabot ko sa kanya ang brochure. I saw excitement in her face when she looked at it.

"Kasali kasi ako sa 31st Annual Educational Music Fest. Inaabangan ko lang yung bus na maghahatid samin sa venue."

"Talaga?" She seems astounded. "Kasali ka sa AEMF? From what school ka?"

"Dito lang, yung tabi ng Mall. Sa Perlas ng Silanganan University."

"Taga PSU rin ako," nakangiti niyang nireveal sa akin.

"Small world," nasurprised rin ako na same school lang kami nag-aaral.

"Anong course mo?"

"Mass Comm," I answered, "Sophomore."

"Freshmen, Psycho," saad ni MJ. "Pero hindi ako pyscho ah."

Hindi ko mapigilang matawa sa hirit niya. Bukod sa maganda siya, may sense of humor din siya.

"Mukha namang matino ka."

"Huwag kang pakasiguro, minsan parang baliw rin ako."

Muli kaming nagkatawanan sa sinabi niya. I can tell she's starting to become comfortable with me, and I to her.

"May mga kasama ka ba sa course nyo na sumali sa fest?"

"Sa course namin, marami pero konti lang sa mga kaklase ko. Wala akong banda, solo performer ako."

"Bihira lang yung mga Solo Performer sa AEMF, karamihan talaga mga band. Anong entry mo?"

"All of Me," sagot ko.

"Wow, mahilig ka pala sa ballad."

"Oo, mas feel ko kasi R&B, forte ko. Ikaw anong prefer mong genre sa music?"

"Kahit ano, basta music," saad niya. "Rock, R&B, Pop, Jazz, you name it."

Napangisi ako sa kanya then bigla akong natahimik. Gusto ko pang dagdagan ang convo namin pero sa di malamang dahilan, nabablangko everytime na magtatagpo ang aming mga mata. Nawawalan ako ng mga words.

Nanatili kaming tahimik sa table, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Nakikita kong naiinip na siya at hindi na niya mapigilang magsalita.

"So Jimmy, magkwento ka naman about yourself, besides sa mahilig ka sa music at sa chicken skin tulad ko, ano pa bang makukwento mo tungkol sa'yo?"

Natuwa ako at naalala niya ang small details na yun tungkol sa akin. Sa wakas ay natapos na ang awkward silence. Feel kong sa aming dalawa siya talaga ang conversation starter.

"Ano nga bang masasabi ko sakin? Masasabi ko lang siguro, ako yung typical na Boy Next Door. May kailangan ka tawagin mo lang ako and I'll be there."

Napangiti siya sa akin, as if parang nagustuhan niya ang nalaman niya.

Tyempo namang may naaninag ako na papasok sa Jollibee. Ang mga kaklase kong sina Gemma at ang barkada nito.

"Jimmy," pagbati nila nang madaanan nila kami sa table.

"Hi," kinamayan ko sila.

Napalingon sa kanila si MJ at ningitian niya ang mga girls. Nasulyapan kong nagkabulungan sila at nagkatawanan.

Akala siguro nila kadate ko si MJ. Ano nga bang masama dun? Anyone would want her to be their date. She's undeniably beautiful.

"Kakilala mo?" she asked.

"Mga classmates ko, kasali rin sila sa Music Fest."

"Mukhang type ka nila. Ikaw siguro yung Good Boy sa class nyo?"

"Marami ngang nagsasabi sa akin."

"Siguro maraming may crush sa'yo at marami ka ring friends."

"Well, isa lang ang masasabi ko, I'm a friend to all and enemy to no one. Kahit nga mga langgam friends ko."

This time siya naman ang unang natawa then she looked at me at dahan-dahang pumikit ang kanyang mga asul na mata habang siya ay nakatingin sa akin. At that moment I freezed. Binubudol ba niya ako? You need to snap out of it or else mawawalan ka na naman ng sasabihin. Ask her something.

"Ikaw naman ang tatanungin ko, nung una kitang nakita kanina, akala ko foreigner ka. May lahi kaba?"

"Ah oo," pagkumpirma niya. "Half-British, half-Australian ang Daddy ko, Pinay naman si Mommy, kaya Half-half na ko."

"British ka? Ibig sabihin hindi mo kayang magbanggit ng R?"

"Sira," napahampas siya sa akin, "mukha bang hindi ko kaya?"

Mukhang kaya naman niya, nabanggit niya nga yung R sa sira.

"Briton lang tatay ko pero hindi ako lumaki sa UK, wala akong British Accent, buti nga hindi ako lumaki doon, isipin mo na lang kung paano ako magsalita ngayon, Hewi Potah, I need a cup of tea and some wotah."

Kaya naman niyang magkaaccent ng British. I think marunong siya, hindi niya lang ginagamit.

"Ewan ko, hindi ko maintindihan bakit ganun sila, ang strange sa akin kahit may lahi akong British."

Hindi na maalis ang tingin ko sa kanya habang siya ay nagkukwento. Para bang nakaglue na ko sa kanya. There is something about her na hindi ko maipaliwanag. She's like a magnet na patuloy na nag-aattract sakin o baka naman may magic siya. Pwede ring natural na sa kanya ang pagiging charming at charismatic. I just don't know. Kung ano man ang ginagawa niya para magustuhan ko siya, she's succeeding.

"Paano ba yan napasarap tayo sa kwentuhan, hindi ko na naubos yung balat." Sinilip niya ang plato ko and she noticed na may natira pa rin sa akin. "Sa'yo rin."

"Oo nga no," nakalimutan ko na ang chicken skin dahil sa kanya.

"May idea ako," she said. "Chicken Cheers natin."

"Chicken Cheers?" Tanong ko. "Ano yun?"

"Ganito yun, parang toast lang sa drinks pero this time yung chicken skin yung cheers natin bago natin kainin."

Natawa ako sa sinabi niya. It's cringy but not if she's the one who said it.

"Cheers!" she said with enthusiasm.

"Cheers," I answered at pinagdikit namin ang dalawang chicken skin kasabay ng isang malutong na kagat.

"Kanino mo natutunan yan?"

"Sa younger brother ko," paliwanag niya, "ganyan kami lagi pag nasa jollibee."

Naubos na ni MJ ang kanyang pagkain, she looked at her phone at inayos na niya ang kanyang bag, nakahanda na siyang umalis, out of my life.

"Paano tapos na ko, I have to go, nice to meet you, Jimmy. Good luck sa Fest."

"Salamat," tugon ko.

Nalungkot ako ng nalaman kong aalis na siya, marami pa kaming dapat pag-usapan, siya yung tipo ng girl na madaling makagaangan ng loob and it's been a long time since nagkaroon ako ng conversation na ganitong kaenjoyable and to think na babae pa ang kausap ko. She made me laugh like no one ever did. She's like a breathe of fresh air.

Hahayaan mo lang ba siya umalis? I have to do something. Pigilan mo siya even for just a minute.

"Wait lang," pagtawag ko sa kanya bago siya tumayo sa seat.

"Yes?"

"Kailangan mo na ba talagang umalis? Balak ko kasi bumili ng fries, baka gusto mo? Sagot ko na. Ililibre sana kita kung ok lang sa'yo."

"Sige," wala akong nakitang sign ng hesitation sa kanya. Lalong kuminang ang ngiti sa kanyang maputing pisngi, "may oras pa naman ako at gusto ko rin ng fries. No problem."

"Sige oorder lang ako," excited akong tumayo sa seat at naglakad papunta sa counter, naramdaman kong lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Yes!

Umorder ako ng dalawang large fries. One for me and one for her.

"Ito na," I came back in a span of 5 minutes.

"Thanks," kinuha niya ang sa kanya. Nagulat na lang ako ng isalin niya sa tray ang fries at doon niya to nilantakan, kahit na maganda siya, wala siyang arte.

"Ang sarap talaga ng fries dito."

"Masarap naman pero mas gusto ko yung McDo," I told her.

"Hindi ah, para sa akin ito ang mas masarap."

Nagpatuloy ang pagkukuwentuhan namin tungkol sa maraming bagay at hindi namin namalayang lumipas na ang mahigit isang oras. The more I talk to her, mas lalo kong nararamdaman na there is really a connection between us. It's really one of those rare moments where you meet another person and you just clicked. Baka nga she is the one.

"Mahilig ka sa music, books, arts. Nag eexcel ka rin sa swimming at ibang sports it seems like magaling ka sa lahat ng bagay."

"Sa isang bagay lang hindi," sambit ko.

"Saan naman yun?"

"Sa mga babae," isang bagay na hindi ko na dapat sinabi sa kanya. Alam naman nating lahat na mahilig ang girls sa mga lalaking malalakas ang loob, baka maturn-off siya sa akin.

"Ang awkward ko kasi pag may kausap akong girl, parang di ko magawang tignan sa mata. Nahihiya talaga ako pagdating sa kanila."

"Hindi ka naman nahihiya sa akin," she continued. "Ibig sabihin ba hindi ako tunay na babae?"

There she goes again, yung mga hirit niya, it never fails to make me laugh.

"Siguro dahil maaga kong nalaman na we have a lot in common. Music, Chicken Skin, and yung Happy Go-Lucky attitude. Honestly, sa lahat ng babae, sa'yo lang ako naging comfortable."

Nahalata ko ang kilig sa expresyon ni MJ kahit pigilan man nya, hindi maikakaila dahil namumula ang kanyang pisngi and she's restraining her smile.

"Ano ka ba naman, we only just met and trust me, marami ka pang hindi alam sa akin. Kapag mas nakilala mo pa ko, you'll be surprised sa malalaman mo, tulad na lang ng kasali rin ako sa Music Fest."

"Seryoso ka?"

Totoo kaya ang sinasabi niya o nagbibiro lang siya?

"Kasali ako," inamin niya, mukhang hindi naman siya nanloloko. "I mean kasali kami ng band ko."

"May banda ka?" isa pa sa mga bagay na ikinagulat ko. "No way, wala sa looks. Siguro kung may banda ka man, kayo yung kikay group na puro Ariana Grande o K-Pop ang kakantahin."

"You'll see," tugon niya matapos siyang mapahalakhak sa mga assumptions ko.

"Ano nga bang kakantahin ng banda nyo mamayang gabi?"

"Secret, abangan mo na lang mamaya."

"Sabihin mo na please, sinabi ko nga yung entry ko. Para fair."

"Sige na nga.."

Nakumbinsi ko rin siya, sasabihin na sana niya sakin ngunit biglang nagring ang phone niya agad niya itong sinagot. Bad trip naman.

"Hello...Ano? Nandyan na kayo?" Tila nabother siya sa sinabi ng kausap. "Kanina pa, sige, sige pupunta na ko."

Hindi nagtagal ang usapan nila at binaba niya agad ang phone.

"Mga bandmates ko, naghihintay na sila sa akin mga isang oras na."

"Ganun ba? Pasensya na at naantala kita."

Tinago niya ang Cellphone at sinout ang kanyang bagpack.

"Sorry, I have to go. May mga bibilihin pa kasi kami."

"Gusto mo samahan ko na kayo?"

"Huwag na, nakakahiya naman at baka maabala ka pa namin. Basta abangan mo na lang ang performance namin mamaya. It was nice meeting you, Jimmy."

Nakipagkamay ako ulit sa kanya, this time napagtanto kong hindi ko na siya mapipigilan.

"Good luck sa inyo," sinabi ko sa kanya.

"Best of luck din sa'yo," sagot niya.

Napatapik siya sa balikat ko at ningitian niya ko bilang pamamaalam. Nagmadali siya papalabas ng resto, bigla akong may naalala at hinabol ko siya bago pa siya makalabas ng pintuan.

"MJ wait lang, ano nga palang bus number nyo ng banda mo?"

Hindi na ko nagpaligoy-ligoy, kailangan malaman ko para man lang may idea ako kung saan ko siya makikita mamaya.

"Sa Bus 903 kami."

Tama ba ang narinig ko? 903? Doon din ako nakaassign. Talaga bang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita kami ulit?

"Doon din ako," halos umabot na sa tenga ang ngiti ko sa saya.

"Really, it means magkikita pa tayo mamaya and same bus lang pala sasakyan natin. Makakapag chit chat pa tayo mamaya pag may time. Kitakits na lang."

Tuluyan siyang nag-exit sa resto patungo sa lobby ng mall.

"Abangan ko kayo ng bandmates mo sa bus," sigaw ko sa kanya.

"Sige, bye," nilingon niya ko for the last time.

"Babye."

Naiwan akong nakatanaw sa magandang dilag na hinulog sa akin ng langit at bumilis ang pintig ng puso ko. Kanina excited ako sa magperform sa Music Fest, pero ngayon mas excited na kong makita ulit si MJ mamaya sa Bus.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro