Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Missing Chapter - Jimmy and Yana's Break-up

Timeline : In between Chapter 35 and 36.

Missing Chapter - Jimmy and Yana's Break-up

Yana's POV,

Excited ako ngayon papunta sa usapan naming lugar ni Jimmy. Gusto niya raw makipagkita sa akin at bibihira 'yun dahil mas madalas na ako ang mag-ayang lumabas sa aming dalawa. May practice kami ngayon para sa special performance namin para sa student's day pero ayos lang naman siguro na malate ako ng kaunting oras. Kaya ko namang humabol.

"Bayad po," saad ko bago iabot sa driver ng jeep ang bayad ko. Hindi kami sabay ni Yara pumunta sa practice dahil nga may iba muna akong lakad bago sa practice, at nasa kaniya ang kotse. "Sa Lorrence Heights lang po," sabi ko pa bago ako abutan ng sukli.

Ilang minuto akong nakatingin sa labas ng jeep at maya't-mayang napapatingin sa cellphone ko. Sobra akong na-eexcite sa hindi ko malamang dahilan. First time akong ayain ni Jimmy na lumabas. Wala namang event ngayon at walang dapat icelebrate kaya nakakapagtaka.

Med'yo traffic. Mabuti na lang at malapit lang ang napag-usapan naming lugar kaya nakarating agad ako within 20 minutes.

Pagbaba ko, agad kong hinanap si Jimmy. Sakto namang nagtext siya sa akin at sinabi niyang nasa LoyalTea Shop siya. Isang coffee shop na ilang lakad mula rito kaya naman nagsimula na akong maglakad. Hindi ko alam pero 'yung excitement ko, parang unti-unting nawawala sa bawat hakbang ko papalapit sa coffee shop kung nasaan si Jimmy.

Nang makarating ako sa harap ng coffee shop, pumasok kaagad ako at hinanap siya. Kaunti ang tao sa loob kaya nakita ko kaagad siya na nakatingin sa cellphone niya at hindi naramdaman ang pagdating ko. Kinakabahan akong lumapit sa kaniya, pero sinalubong ko pa rin siya ng ngiti.

"Hey, loves," bati ko sa kaniya kaya inangat niya ang tingin niya sa akin. Ngumiti siya sa akin bago ako inalok ng upuan. "Anong meron? Bakit nag-aya kang makipagkita?" Straight kong tanong sa kaniya dahil kinakabahan na ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta bigla na lang akong kinabahan. Kanina excited pa ako. Pero nang salubungin niya ako ng ngiti lang, at walang beso, o reply man lang ng "hey loves", nawala ang excitement na nararamdaman ko.

O baka nag-ooverthink lang ako?

"May gusto ka bang orderin? My treat," pag-iiba niya ng usapan bago isantabi ang hawak niyang cellphone. "Iced Coffee gusto mo? Baka nainitan ka habang papunta ka rito. Sorry talaga hindi kita nasundo. Coding ko kasi ngayon," sabi pa niya bago ako ngitian.

Panandaliang nawala ang kaba sa dibdib ko. Kaya ko nagustuhan si Jimmy ay dahil sa ugali niyang 'to. Maalalahanin at sobrang sweet. Bukod pa ro'n na kahawig talaga niya si Jimin.

"Ayos lang ano ka ba. Tsaka, I'm fine. Hindi ako nauuhaw," sabi ko bago rin ngumiti sa kaniya. "So... ano nga ulit meron?" Tanong kong muli sa kaniya.

Napatingin siya sa labas ng coffee shop. Napatingin sa cellphone niya, sa likuran niya, sa likuran ko, sa akin, tapos sa kung saan-saan pa. Ngayon ko lang siya nakitang maging ganito. Parang balisa. Para siyang hindi mapakali. Bumalik tuloy sa akin 'yung kaba na nararamdaman ko. Gaya kanina, hindi ko pa rin alam kung bakit ako kinakabahan.

Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ibabaw ng table. Napahinto siya sa paglingon-lingon sa iba't-ibang lugar. Napatingin siya sa kamay ko na nakapatong sa kamay niya, bago tumingin sa akin. "Are you okay? Kinakabahan ako sa inaasta mo loves," saad ko bago pinilit na ngumiti kahit med'yo alanganin.

Lumunok siya, bago binawi ang kamay niya. Napatingin ako ro'n at mas lalong kinabahan.

"Yana, let's break-up," diretso niyang saad. Hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi ko mas'yadong maintindihan ang sinabi niya. O baka hindi lang matanggap ng tainga ko ang sinabi niya.

"Ha?"

"I said let's break," aniya sa mas malakas na boses kaya napaurong ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"You're kidding me right?" Ani ko. "Hey loves, tumingin ka nga sa'kin. Sabihin mo na nagjojoke ka lang," dagdag ko pa.

Sinunod niya ang sinabi ko. Tumingin siya sa akin. Direkta sa mga mata ko. "Yana, magbreak na tayo. Hindi ako nagbibiro," saad pa niya na halos ikabingi ko. Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong mauuna, ang luha ko, o ang mga tanong na nabubuo sa isipan ko.

Hindi ko alam kung anong dapat na lumabas sa bibig ko ngayon. Wala akong ibang maramdaman kung 'di sakit at dismaya. Napayuko ako bago mag-isip ng mga katanungan. Kung bakit. Paano. Kung tama ba ang pagkakarinig ko. Baka may camera at niloloko lang niya ako. Baka may surprise siya pero naghintay ako... walang surprise.

Pag-angat ko ng tingin sa kaniya, nakatingin siya sa akin na parang naaawa.

"Ba-bakit?" Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. "Pa-paano? A-anong b-break. H-hey lo---"

"Yana, walang dahilan. Basta ayoko na," sabi pa niya. "I know I broke you into pieces. But there's someone who'll pick up those pieces. I just want to be free Yana. I'm so sorry. I want you to know that I don't have regrets of being with you. I love you, pero hindi sa paraang iniisip mo," aniya na mas lalong nagpagimbal sa akin.

Tumulo na ng tuluy-tuloy ang mga luha ko. Hindi ko alam kung sasampalin ko ba siya, aawayin o hahayaan. Ang sakit-sakit. Parang may tumusok sa puso ko na mas matalim pa sa kutsilyo.

"M-may kasalanan b-ba ako sa'yo? M-may mali ba akong na-nagawa? Loves---"

"Wala kang pagkakamali. Ako ang may pagkakamali that's why I'm leaving. I'm breaking up with you."

"P-pero ayaw ko," saad ko habang pinupunasan ang mga luhang nakaharang sa mga mata ko para makita si Jimmy.

"Pero kailangan," aniya. "Yana, please. Let's break," dagdag pa niya kaya marahas akong tumayo.

"No! H-hindi ako pumapayag," diin kong sabi. "A-anong da-dahilan? M-may iba ka ba? Nags-sawa k-ka na ba?" Tanong ko sa kaniya dahil wala akong mapanghawakan na malalim na dahilan. "Ba-bakit biglaan? B-bakit loves?"

"Dahil hindi naman kita minahal," diretsa niyang saad. Hindi ako naniniwala sa kaniya. "Kung ayaw mong makipagbreak ako sa'yo, then fine. Pero never na akong makikipagkita pa sa'yo. Para sa'kin break na tayo. Wala ng tayo. Set me free Yana."

"B-bakit!? Nasasakal ba k-kita!?" Inis kong saad. "Hey loves answer---"

"Don't call me loves. Jimmy ang pangalan ko," huli niyang sabi bago siya tumayo at nagsimulang maglakad paalis. "By the way, mawala man ako sa'yo. May nag-iisang tao na nagmamahal sa'yo na bubuo ulit sa'yo. I'm sure siya ang tunay na nagmamahal sa'yo." He said before leaving the shop.

Pagkatapos no'n.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na umiiyak sa harapan nila Jen, Yara, Francheska at Juo. Sobrang late na ako sa practice, pero pagdating ko umiyak pa ako. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari. At sinabi kong hindi na ako sasama sa student's day para mahanap ang sarili ko. Kailangan kong mapag-isa para maisip kung may nagawa ba akong mali.

At para maisip.

Kung sino ang tinutukoy ni Jimmy na taong tunay na nagmamahal sa akin.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro