Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9 - Pale

Chapter 9 - Pale
























"A-ahh," lumayo ako ng kaunti dahil sa lapit niya.

"So-sorry," saad niya at dumistans'ya rin siya.

"Bakit?" Kaswal na tanong ko, hindi pinapahalata ang kaba na nararamdaman ko.

Hayop talaga. Why am I feeling this awkward thing? Ngayon ko lang naramdaman 'to sa buong panahon na kasama ko siya. I know, I shouldn't feel this thing. Pinipigilan ko pero bakit ayaw papigil?

"Thank you nga pala ulit do'n sa kahapon," sabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin, bagkus, sa speaker na tumutugtog siya tumingin.

"Ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na wala lang 'yon?" Sabi ko sa kaniya bago iikot muli ang tingin ko sa loob ng classroom.

Ang cute talaga. Lalo na 'tong si Jen na natutulog sa tabi ko. Ang ganda ni Jen. And to be honest, naging crush ko siya noong grade 7 pa lang kami. Una kong naging kaibigan si Jen noong grade 7, lagi akong umuupo sa tabi niya para makipagkaibigan.

That time, kaibigan na niya sila Yana at Yara. Since grade 1 magkakakilala na sila so parang childhood friends na silang tatlo. Parang sumabit lang ako gano'n.

Hindi ko alam kung ilang beses akong binusted nitong si Jen noong grade 7 at 8 kami. Nakakatawa lang isipin 'yung mga memories na 'yon dahil sobrang immature. I even wrote letters for her na sobrang immature rin ng laman. Sinabi ko pa nga dati sa mama niya, si Tita Liza, na crush ko 'tong si Jen at secret lang namin 'yon.

Natatawa ako sa tuwing naaalala ko 'yon and at the same time nahihiya para sa younger self ko.

Hindi ko namalayan, as day pass, nawawala na 'yung paghanga ko kay Jen. Dahil nga naging COCC kami, mas marami akong nalaman kay Jen. Hindi ako naturn-off sa mga 'yon, pero nalaman ko kasi na hindi na siya p'wede. I mean, sabi nga ni Francheska, may nakaharang na kay Jen.

And that's Alas, 'yung kaklase namin na siga at magaling sa chess dahil vasity. Siga siya pero taob naman dito kay Jen. Manliligaw ni Jen 'yon since grade 7 yata. Hindi ako sure. Dumating ako rito sa school na 'to na may namamagitan ng red strings sa kanila dalawa.

Hanggang ngayon nanliligaw pa rin si Alas sa kaniya. Mukha mang masamang damo si Alas, isa naman siyang sakristan. Hindi halata sa kaniya pero siga siya in out, pero sobrang soft ng inside niya na nakikita ko lalo na kapag kasama si Jen.

You may think na plastic siya dahil mabait siya kapag kasama niya si Jen, pero para sa akin. He's not. Hindi siya plastic dahil nagseserve siya kay God and he even shared some words of God nang minsang lumabas kami nila Jen at Francheska para magmilk tea. At sobrang genuine ng side na 'yon ni Alas.

"Juo? Ayos ka lang?"

Bumalik ang diwa ko sa katawan ko nang yugyugin ni Yana ang kaliwang balikat ko. Napatingin ako sa kaniya. May bakas ng pag-aaalala sa mukha niya.

Agad kong tinanggal sa balikat ko 'yung kamay niya.

"A-ayos lang. La-labas lang muna ako," sabi ko bago tumayo at iniwan siya.

Lumabas ako ng class room.

Malamig sa loob ng class room since tulog 'yung mga kaklase ko, at walang nagsasalita for about one and a half hour. Pero nakalabas at nakababa na ako sa comfort room hindi pa rin nawawala 'yung lamig. Nanuot hanggang buto 'yung lamig na nararamdaman ko.

That's when I confirmed na hindi dahil sa aircon 'yung lamig na nararamdaman ko. Dahil 'yon kay Yana.

Napaharap ako sa salamin na nasa comfort room at napatingin sa mukha ko.

I have this glasses na nasa itaas lang ang border at wala sa ibaba kaya bagay sa hugis at hulma ng mukha ko. Malabo ang mata ko since late grade 8 dahil sa pagbabasa ng mga webcomics. My classmates always commend my glasses dahil ang ganda nito tingnan. Mukhang malinis at ang clear kasi sa paningin.

Pero hindi iyon ang napapansin ko ngayon sa harap ng salamin.

Kundi 'yung namumutla kong mukha.

How?

Paano nangyari sa akin 'to? I couldn't imagine that I will feel this thing. Hindi kaya dahil sa nangyari kahapon kaya namumutla ako? Hindi kaya sobrang late ng reaction ko at ngayon ko lang naramdaman 'yung kaba na dapat sana kahapon nang mababangga si Yana?

"Uy. Ginagawa mo diyan?"

Napalingon ako sa pintuan ng comfort room ng mga babae. Nandoon si Jen na kinukusot ang kanang mata, halatang kagigising lang.

"Nananalamin, 'di ba obvious?" Walang gana kong sabi sa kaniya.

"K," aniya bago pumasok ng tuluyan sa C.R.

Tinanggal ko 'yung suot kong salamin at naghilamos na lang para kahit papaano ay mahimasmasan. Nawala naman ng kaunti 'yung pamumutla ko, pero nilalamig pa rin ako.

Lumabas ng C.R. ng babae si Jen at nanalamin.

"Alam mo, kaninang umaga pa 'yang malalim mong iniisip," panimula niya habang inaayos 'yung pagkakapuyod ng buhok niya. "Actually, kahapon may malalim ka ring iniisip," dagdag niya bago tumingin sa akin.

Tumingin din ako sa kaniya.

"Pero sigurado ako na magkaibang problema 'yang iniisip mo ngayon at kahapon. Tingin ko mas matindi 'yung ngayon dahil napahilamos ka. Aba, Juo Salev, naghilamos," nang-iinsulto niyang saad kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ha. Ha. Jen," tangi kong tugon bago naglakad palabas ng C.R.

"Teka. Joke lang eto naman," sabi niya bago sumabay sa akin sa paglalakad. "Alam mo, kaibigan mo kami. P'wede mo naman sabihin sa amin kung anong problema mo," aniya sa seryosong tono kaya napatingin ako sa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa room.

Paano ko sasabihin sa kanila 'yung problema ko? Eh isa sa kanila 'yung--

"Pero ibang usapan kung isa sa amin 'yung problema mo," seryoso niyang saad.

This is one of her character na talagang nagustuhan ko sa kaniya noon hanggang ngayon. Mas'yadong malalim mag-isip. Perfectionist kasi siya kaya naman lahat ng possibilities, or outcome ng isang bagay, nahuhulaan niya agad.

"I know you're not yet ready to tell us your problems. But I hope someday, you'll tell us that. And I hope that someday is today para hindi na lalong lumaki 'yang iniisip mo," sabi niya bago naunang maglakad sa akin.

Naiwan akong nakatunganga sa likuran niya habang marahan na naglalakad.

Problema nga ba 'tong iniisip ko?

***

"Guys kain naman tayo sa labas," pag-aaya ni Jen habang nag-aayos ng mga gamit niya sa table.

"Bakit? Anong meron?" Tanong ni Yana.

"Nakaperfect ako sa science. Bihirang-bihira mangyari sa history ng section natin na magkaroon ng perfect exam sa science!" Jen exclaimed. Sobrang laki ng ngiti niya ngayon. Malayong-malayo sa Jen na seryosong kinakausap ako kanina.

"P'wede ba tayo?" Tanong ni Yana kay Yara.
She's always like this. Tatanungin muna niya si Yara kung p'wede ba. Para bang hindi niya kaya magdecide ng wala si Yara sa tabi niya kahit na siya 'yung panganay sa kanilang dalawa.

"Wala tayong pera. Nag-iipon tayo 'di ba?" Sabi ni Yara bago isinukbit 'yung bag niya.

"Treat ko!" Mabilis na sigaw ni Jen.

"Baka pagalitan tayo ni Mama," sabi ni Yara.

"Text mo. Sabihin mo kasama naman natin si Juo, ihahatid na lang kamo niya tayo," sabi ni Yana kaya napatingin ako sa kanila.

"Ginawa niyo nanaman akong panakip butas," wika ko.

"Eh kapag sinasabi namin 'yang pangalan mo kay mama, bigla-biglang nagkakaroon ng milagro at pinapayagan kami. Ano bang meron sa pangalan mo? Magic word ba 'yan?" Natatawang saad ni Yana.

Napa-iling na lang ako.

Lumabas na kami ng class room at iniwan 'yung mga kaklase namin na naglilinis ng room.

"Natext mo na?" Narinig kong tanong ni Yana kay Yara.

"Oo," maikling tugon ni Yara.

"Ano sabi?" Tanong ni Jen. Nakita kong dumungaw ito sa cellphone ni Yara. Actually, tatlo silang nakatutok sa cellphone ni Yara.

"Basta raw umuwi tayo before 6pm," ani Yara.

"Sabi ko sa'yo Juo. May magic power talaga pangalan mo. Kitams? Pinayagan kami ni Mama," natutuwang saad ni Yana.

Oh. What. The. Heck.

Napahinto ako sa paglalakad.

Ang over-acting ko.

Pero ba't gano'n? Hindi ko mapigilan 'yung sarili ko.

'Yung ngiti niya.

Priceless.

Napalingon si Jen sa akin at pina-una 'yung magkapatid sa paglalakad.

Pumunta siya sa akin at sinukbit 'yung braso niya sa braso ko.

"Mukhang may ikukwento ka sa'kin mamaya," nakangising sabi nito bago ako hatakin para makapaglakad.

"Wala akong dapat ikwento," wika ko nang mahanap ko ng muli ang boses ko.

"Marami kaya, isa-isahin ko pa sa'yo," aniya.

Hindi na lamang ako sumagot.

Sa aming apat, Jen is the most observant. Isang tingin pa lang niya sa isang bagay, sure na agad siya sa sasabihin niya tungkol dito. Kaya alam kong may ideya na siya sa kung anong nangyayari sa akin.

"Jen..."

"Oh?"

"P'wede ba?"

"Nako hindi! May nanliligaw na sa'kin 'di ba. Lagot ka kay Alas," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Hindi 'yon baliw," sabi ko.

"Eh ano?"

"Kanina pa nakapulupot 'yang kamay mo sa braso ko. Feel na feel lang?" Natatawa kong tanong sa kaniya. "May nanliligaw na nga sa'yo, iba naman nililigawan mo," panunukso ko rito.

Agad niyang tinanggal 'yung kamay niyang nakasukbit sa braso ko.

"Kapal mo whoi!" Aniya.

Natawa ako sa inasta niya.

"Jen..."

"Ano nanaman?" Masungit na sabi niya.

"P'wede manligaw?" Tanong ko.

Napahinto naman siya sa paglalakad.

"Hoy Juo. Ikaw manliligaw? Baka nga magpakilig ng babae 'di mo magawa," panlalait nito.

"Grabe. Laglag nga panty mo sa'kin no'ng first day no'ng grade 7 pa tayo."

"Owemji kadiri," sabi niya. "Ay teka! Hoy! Absent ako no'ng first day no'ng grade 7!"

Natawa akong muli.

"Pero seryoso ka? Manliligaw ka sa'kin?" Tanong niya.

"Joke lang. Eto naman. Hindi ko kayang manligaw sa'yo. Mas'yado kang bantay sarado diyan kay Alas kahit hindi pa kayo. Tsaka mamumulubi ako sa'yo. Tingnan mo si Alas, wala ng pambili ng skin sa ML," ani ko kaya pinalo ako nito sa braso. "Aray!"

"Kainis," masungit niyang saad.

"Jen..."

"ANO NANAMAN!?"

"Chill," ani ko bago tumawa. "Alas o Taehyung? Mamili ka," tanong ko kaya napahinto siyang muli sa paglalakad.

Ngumisi ito ng nakakaloko.

"Both hihi!"

To be continued... masyadong lumandi si Jen. Ang haba tuloy ng chapter na 'to. Hayuf.

--
An : Dedicated to : Avrina_Laire.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro