Chapter 6 - Deleted
Chapter 6 - Deleted
"Juo huhu!"
Nandito kami ngayon sa isang kainan na nasa loob ng perya. Literal na umiiyak silang tatlo dahil binubura ko ngayon lahat ng pictures ng mga bias nila rito sa cellphone nila.
S'yempre kahit sa trash binura ko rin para hindi nila maibalik pang muli 'yung mga picture.
"Juo! Tatlong taon ko 'yang inipon. Never pa akong nagbura diyan kahit isa," pagmamakaawa ni Jen.
"It's too late Jen," saad ko habang may nakakalokong ngiti sa labi. Binalik ko sa kaniya 'yung cellphone niya. She also checked the gallery of her phone pero bumagsak ang noo niya sa table at humagulgol na parang bata.
"Why!? Owemji this can't be," wika niya habang ilang beses inuntog 'yung sarili niya sa table kaya naman umaalog lahat ng pagkain sa lamesa.
"Stop that Jen. Sino bang nagpasimuno ng deal?" Tanong ko sa kaniya.
Tinaas niya 'yung ulo niya at tumingin sa akin. Gusto ko siyang tawanan dahil sa itsura niya. May maliit na bukol na 'yung noo niya at namumula rin ito pero hindi ko nagawang tumawa dahil sa tingin niya.
"Shut up Juo. Wala kang alam," aniya.
"Fine. Palagi naman akong walang alam," pagmamaang-maangan ko.
Napatingin ako sa magkapatid. Namumugto 'yung mata ni Yana habang si Yara naman, matamlay pero hindi tulad nitong dalawa.
I don't get them. They started the deal at inutusan nila akong burahin lahat ng pictures ng bias nila once na matalo sila sa deal. Pero bakit pakiramdam ko, ako pa 'yung may mali?
"Hey guys?" Ani ko.
Walang sumagot sa kanila at iniwasan ako ng tingin.
Hays.
Mali nanaman ako.
Immaturity is hayuf when this three uses it.
Hindi nila ako kinausap buong gabi. Hindi man lang nila ako inimik habang nasa perya kami at sinusulit 'yung oras namin. I felt so bad and at the same time guilty. May mali ba talaga ako sa nangyari?
Nakadalawang rides na lang kami after no'n. I was about to tell a joke na dapat pala nauna muna 'yung consequence bago 'yung deal dahil wala silang emos'yon na pinakita sa dalawang ride na sinakyan namin, but I leave the joke aside dahil hindi magandang oras na magbiro.
"Guys, pictures lang 'yon. Kaya niyo ibalik--"
"Juo, ilang beses ba namin sasabihin sa'yo, na yeah, those are pictures but not just pictures. Memories 'yon Juo. Hindi mo alam kung gaano kahirap kumuha ng mga pictures nila. Juo, isang libong pictures 'yung binura mo sa phone ko, take note, phone ko pa lang 'yon. Para mo na rin pinamukha sa akin na three years of collecting their photos is just a waste," inis na saad ni Jen.
"But it's not my fault," I try to calm and tone down the situation. Para kaming mga bata na nag-aaway. Napaka-immature ng dating sa'kin. "You made the deal remember? Sinunod ko lang naman 'yon--"
"Please Juo. Just drive. Baka mabangga pa tayo," mahinahong sabi ni Yana.
Sasagot pa sana ako pero my words became a sigh. I took a deep breath, trying to hold all words I want to say.
Ayoko na lumala pa 'tong sitwas'yon namin. For sure, bukas wala na rin 'to. Alam ko naman na magiging maayos bukas ang lahat dahil gano'n naman palagi. Hindi namin natitiis ang isa't-isa. I hope this issue gets better tomorrow.
Hinatid ko sila sa kaniya-kaniya nilang mga bahay. Inuna ko si Jen bago 'yung magkapatid. Nagsorry pa nga ako kay Jen pero nagbbye lang siya sa akin--or more like sa magkapatid. Hindi man lang siya nagthank you sa pagpasyal ko sa kanila sa perya, or tumingin man lang sa akin bago siya pumasok sa bahay nila.
But I don't mind it anyway.
Mainit pa kasi ang ulo niya. Siguro pagod na rin siya dahil party nga niya kanina at sobrang daming nangyari ngayong araw na 'to.
Within five minutes, nahatid ko na sila Yana at Yara sa bahay nila. Pagbaba nila, bumaba rin kaagad ako.
Papasok na sana sila pero nagsalita kaagad ako.
"Sorry--"
"Salamat sa paghatid," sabi ni Yara. Nauna kasi agad pumasok sa loob si Yana ng hindi man lang nagbbye sa akin. Tumango lang ako sa kaniya at sinarado na niya 'yung gate ng bahay nila.
Ilang minuto akong nakatitig sa labas ng bahay nila. Iniisip kung dapat na ba akong umuwi o may dapat pa akong gawin.
Pero napaisip ako, ano nga bang dapat kong gawin bukod sa maghintay kung kailan lalamig 'yung sitwas'yon?
Napailing ako.
Tumalikod na ako at pumasok sa kotse ko. Binuksan ang makina at umalis kaagad.
For almost fifteen minutes of driving home, wala akong ibang inisip kundi 'yung kasalanan na nagawa ko. Yes, tinuturing ko na agad na malaking kasalanan 'yon dahil nakita kong malungkot silang tatlo dahil sa ginawa ko.
I should've be sensitive enough para hindi sumali sa deal nila. I should've been matured enough para hindi makisali sa laro nila.
But I took advantage dahil sinabi nila na ako ang magbubura.
I'm such an idiot for doing that.
Alam ko naman na nagkatuwaan lang sila and they don't mean that a hundred percent.
Para tuloy isang araw ko pa lang silang naging kaibigan. Parang hindi ko alam ang ugali nila at ginawa ko 'yun.
Pagdating ko sa bahay, pinark ko agad sa garahe 'yung kotse. Dumaretso agad ako sa k'warto ko although napahinto muna ako sa sala nang makita ko ulit si Ate Amity na nakahiga sa sofa at natutulog. May kulay puti sa mukha niya at pipino ulit sa mga mata niya.
May guest room naman dito sa bahay, pero ano kayang trip niya at dito siya sa sofa sa sala natutulog?
Dumaretso ako sa k'warto ko at humiga. Pero tumayo ulit ako at naligo ng mabilis dahil sobrang inaantok na ako.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako at agad na humiga sa kama. Hindi ko muna nilapat ang ulo ko dahil basa pa ang buhok ko't sasakit ang ulo ko.
Masakit na nga baka madagdagan pa.
Kumuha ako ng isang libro na babasahin na nasa gilid ng kama ko. May maliit na bookshelf dito na para talaga sa ganitong mga panahon na hindi ako madaling makatulog. Lalo pa't may iniisip ako na hindi mawala sa isipan ko.
Hindi ko tiyak kung ilang oras akong nagbabasa. Pero namalayan ko na lang na nagising ako ng umaga na parang walang maalala kundi 'yung tatlo at 'yung pagbubura ko sa picture nung mga bias nila.
Naligo kaagad ako at bumaba para sa almusal.
"Good morning 'nak," bati sa akin ni mama na naghahanda ng almusal pagbaba ko ng hagdan.
"Good morning," nakangiting tugon ko.
"Mornin' bro," bati naman sa akin ni Ate Amity na may binabasang magasin. Saglit siyang tumingin sa akin para batiin ako at nang mabati na niya ako, binalik na niya ang tingin niya sa binabasang magasin.
"Mornin'," tugon ko.
Umupo ako sa tabi ni Ate Amity at kumain na.
"Maaga ka yata ngayon?" Tanong sa akin ni papa na nagbabasa ng d'yaryo. Nakakapagtaka na nagbabasa siya ng d'yaryo ngayon. Hindi naman kasi siya mahilig dito. Mas madalas, nagpapatugtog siya sa umaga.
"Hmm?" Takang tanong ko.
"Ang ibig sabihin ng papa mo, maaga ka yatang papasok ngayon. Hindi ba palagi kang late sa eskwelahan?" This time, si mama ang nagsalita na mas ikinakunot ko ng noo.
"What? Maaga kaya ako palagi pumapasok. Late pa nga ako ngayon e. Mama, 'di ba usually before 6:30 am nakaalis na ako ng bahay? Pero ayan oh, magse-7 am na pero kumakain pa lang ako ng almusal," nakakunot noo kong wika.
Nagkatinginan naman sila at nagkibit-balikat na lang.
Weird.
Pagkatapos ko mag-almusal, nagpa-alam na ako na aalis na ako at papasok.
It took me only 20 minutes para makarating sa school which means hindi pa rin ako late dahil 7:10 am ako nakarating at ang start ng klase ay 7:30 am pa.
I parked the car and went upstairs.
Kinakabahan ako na excited dahil hindi ko alam kung okay na ba 'yung issue sa pagitan naming apat kagabi. Sana okay na dahil ayokong magklase na hindi kami okay na apat.
"Jen!" Masigla kong bati nang makita ko siya sa hallway ng third floor kung nasaan 'yung class room namin. Kumaway ako sa kaniya. She just smiled pero parang malungkot pa rin.
Hindi pa rin ba kami ayos?
"Yana?" Napakunot ako ng noo ng makita ko si Yana na umiiyak. Nang makalapit ako sa kanila, I asked, "ano nangyari? May problema ba?"
Napatingin si Yana sa akin bago tumabi kay Jen. Nagsalitan ang tingin ko sa kanilang dalawa. Maya-maya pa, lumabas din ng room si Yara na may bitbit na brown envelope. Ewan ko pero kinabahan ako sa brown envelope na 'yun.
Napangiti ako, tinatago 'yung kaba na namumuo sa sistema ko.
"Juo..." pagtawag ni Jen sa pangalan ko na mas nagdagdag pa sa akin ng kaba.
"Hmm?" Tanong ko na lamang dito kahit na sinasabi ng isip ko na 'wag na magtanong pa.
"Aa-aalis na kasi kami," nahihirapang wika ni Jen. Napahawak naman ng mahigpit si Yana sa kaniya.
Hindi ko tinanggal 'yung pekeng ngiti sa labi ko.
"Saan naman kayo pupunta?" I asked.
"Ano... alam mo naman 'di ba na magkaibigan ang parents namin nila Yana at Yara? They've decided na mag-aral kami sa UK. Ayaw nga namin pero sabi nila, na-enroll na nila kami sa isang university doon, besides may malaking trabaho na naghihintay sa mga magulang namin do'n," aniya.
Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
Bukod sa tanong na, "you're joking aren't you?" I also tried to fake a laugh, but it fails.
"I wish Juo. How I wish na joke lang 'to pero hindi talaga," malungkot na sabi ni Jen.
Napahagulgol si Yana. Si Yara naman inalo 'yung kapatid niya.
This. Is. Not. Happening. Right?
"Jen..."
"Juo, I think this is a good bye," mahinang saad ni Jen kaya naman nagbreak down 'yung buong sistema ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to.
It may look over acting, but obviously, I cannot lose these three girls.
Yet I lose my concious.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro