
Chapter 44 - She can't
Chapter 44 - She can't
"Ano sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.
"Anything," sagot niya habang nakatingin sa menu. "Hindi ako pamilyar sa mga binebenta nilang kape," dagdag pa niya. "Marunong lang ako magbasa ng hanggul, pero hindi ko pa rin gets sa language nila."
"Two Kimchim coffee," order ko bago magbayad. Buti na lang talaga at pinadala ni mama 'tong korean money na naipon niya dahil sa pagbabalik-balik ko rito noong bata pa ako. Ilang minuto lang, nakuha na rin namin ang order namin kaya naglakad kami pabalik sa kung nasaan kami kanina.
Sa paborito kong lugar.
"Akala ko ba first time mong mag-eroplano? Eh mukhang sanay na sanay ka na rito sa Korea. Una 'yung lugar na napuntahan natin kanina at pupuntahan ulit natin ngayon. Tapos ngayon naman, alam mo kung saan dito may coffee shop. Ikaw pa ang umorder ng kape," daldal niya bago amuyin 'yung kape na hawak-hawak niya.
"Nagsinungaling ako tungkol sa first time," sabi ko habang naglalakad kami. "Pero may fear of heights talaga ako," ani ko pa.
"Since when?"
"Since... grade 7. No'ng muntik na akong mahulog sa 4th floor ng building sa Westhood University, hindi pa kasi tayo close no'n pero alam ko nando'n ka," wika ko. "Hindi ko na nga maalala kung bakit muntik na akong mahulog no'n doon e," I added.
Nakarating kami kaagad sa paborito kong spot. Hindi ko alam ang tawag dito kaya inaangkin ko ang lugar na 'to. Maliit na eskenita lang ito na may mga graffiti at paintings sa pader. May sapat na poste ng ilaw kaya hindi madilim sa bahagi na 'to. Hindi rin kalayuan sa mga convenient stores at 24/7 coffee shops.
"Salamat pala sa kape," she said. "Next time ako naman ang manlilibre. Pero pagbalik na natin sa Pilipinas."
Tumango lang ako bago tumingin muli sa painting ng natutulog na babae. Biglang pumasok sa isip ko na dati na 'tong nangyari. Parang deja vu. Pero naisip ko na baka kaya pakiramdam ko nangyari na 'to dati, ay dahil nandito ako noong bata pa ako.
"Akala ko nakalimutan ko na si Jimmy," saad niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatingin siya sa mga graffiti sa kabilang pader habang umiinom ng kape. "Pero mukhang hindi pa sapat ang tatlong buwan para magmove on sa taong minahal mo ng sobra."
Minahal mo ng sobra.
Napalingon ako sa mga paintings sa pader. Napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Kailangan ko nanaman yatang maging manhid sa mga oras na 'to. Hindi naman makakatulong kung iiyak ako ngayon sa harapan niya. Kaunting oras na lang naman ang titiisin ko. Masasabi ko rin sa kaniya. Malapit na akong maging handa.
"Every minute, pumapasok siya sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit pero kahit hindi ko siya iniisip, may mga bagay akong mapapansin at makikita na magpapa-alala sa akin sa kaniya. Ayoko man siyang maisip, hindi ko magawang pigilan ang sarili ko."
"Oy Yana! Nakatulala ka nanaman." Sabi ni Yara sa kapatid niya habang naglalakad-lakad kami sa loob ng SM. "Gusto mo ba 'yan?" Tanong pa niya sa kapatid niya na nakatingin sa glass window kung saan may malaking stuff toy na aso.
"Yana?" Pagtawag sa kaniya ni Jen. Hinawakan na siya nito sa balikat dahil nakatulala lang talaga siya sa stuff toy na 'yun na para bang may naaalala.
Dahil sa ginawang paghawak sa kaniya ni Jen, napapikit si Yana at ngumiting tumingin sa amin. "Ah hindi. Hindi ko gusto 'yan. Ma-may naalala lang ako. Tara na?"
"Noon, gustung-gusto ko ang mga kanta ni Jimin dahil idolo ko si Jimin. Pero simula nang makilala ko si Jimmy, mas lalo akong nahumaling sa mga kanta ni Jimin. Sa tuwing may kanta si Jimin na maririnig ko, hindi si Jimin ang naaalala ko, kung 'di si Jimmy."
"Ang ganda talaga ng boses ni Jimin. Ang sarap tuloy paulit-ulitin ng mga kanta niya," sabi ni Bal. "Kaya hinding-hindi talaga ako papayag na makuha nitong si Yana ang Jimin ko," dagdag pa niya habang sabay-sabay kaming naglalakad sa corridor.
"Yana oh. Nakikipag-agawan si Francheska kay Jimin. Kung ako 'yan 'di ako papayag," sulsol naman ni Jen. Nagtawanan silang lahat. Pero nakatingin ako kay Yana sa mga oras na 'yon. At nakita kong affected siya. Hindi ko alam kung bakit, pero ako lang ang nakapansin no'n.
"Sa tuwing may tatawag sa akin, hinihiling ko na sana si Jimmy 'yon."
"Yana!"
"Jim--Juo." Para siyang disappointed nang makita niyang ako ang tumawag sa kaniya mula sa gate ng bahay nila. Yayayain ko sana siyang kumain ng ice cream dahil sa pagtuturo niya sa akin sa Calculus noong nakaraan. "Na-nadalaw ka?"
"Kapag naaalala ko siya, lahat ng tao sa paningin ko siya."
"Yana ayos ka lang? Para kang namumutla," sabi ko sa kaniya habang papunta kami sa Ice cream shop. Titig na titig siya sa akin pero wala akong maramdaman na kilig dahil iba 'yung tingin niya. 'Yun 'yung tingin niya para kay Jimmy. Para sa isang espes'yal na tao.
"Sa tuwing nasasaktan ako kapag naaalala kong wala na kami, hindi ko siya magawang sisihin. Hindi ako magalit-galit sa kaniya. Hindi ko siya magawang suntukin o sampalin. Hindi ko kayang mainis sa kaniya. Kapag nasasaktan ako, iniisip ko palagi kung nasasaktan din ba siya."
"Sana ayos lang siya."
"Ha?"
"W-wala."
"Juo, hindi ko kayang kalimutan si Jimmy sa loob lang ng tatlong buwan. Hindi ko kayang magmove on sa loob ng tatlong buwan. Mahal na mahal ko si Jimmy. Hindi ko kayang mawala siya. Pero 'eto ako," nakita kong tuluy-tuloy na naman ang pagtulo ng luha niya, at wala akong magawa para pigilan ang mga 'yon. "Umiiyak nanaman sa harapan mo dahil wala na siya sa'kin."
Hinayaan ko siyang umiyak ng umiyak. Hanggang sa mapagod na siya at pinunasan ang lahat ng mga luha niya. Sinadya kong huwag tumingin sa kaniya dahil triple ang sakit na nararamdaman ko. Doble na nga dahil naririnig ko siyang umiyak e.
"Juo, wala ka bang advice sa'kin?" Tanong niya habang natatawa-tawa.
Lumingon ako sa kaniya. Mugto ang mga mata niya at namumula. Halatang bagong iyak siya.
Umiling ako. "Kahit anong advice ang ibigay ko sa'yo, hindi mo naman 'yun magagawa dahil nasasayo pa rin 'yon. Sinabi ko sa'yo na pilitin mong kalimutan siya. Pilitin mong magmove on para hindi ka na masaktan pa---"
"Pero hindi ko kaya..."
"Dahil hindi mo sinusubukan!" Napalakas ang pagkakasabi ko sa kaniya kaya nagulat kaming pareho. "Yana, hindi mo pa sinusubukang kalimutan si Jimmy. Maybe you tried, but you failed then you didn't try again. Hindi naman talaga madaling makalimot Yana, pero kung iniisip mo na gusto mo siyang kalimutan dahil wala na kayo, mali 'yon. Isipin mo na kailangan mong siyang kalimutan dahil patuloy ka lang na masasaktan..."
"...kailangan mong magmove forward para sa sarili mo hindi para maging pantay kayo. Kailangan mong kumawala sa sakit dahil kapag nagtagal ka pa diyan, dodoble pa 'yang sakit na 'yan."
"Sinubukan kong magmove forward. Pero palagi ko na lang nakikita ang sarili ko na pabalik sa kaniya---"
"And that's a wrong move," saad ko.
"Alam ko," mahina niyang saad. "Hindi mo pa ako maiintindihan dahil hindi mo pa nararanasang makipagbreak. Dahil hindi ka pa nagkakaroon ng girlfriend at hindi mo pa nararanasang umi---"
"Umibig? Hindi ko pa nararanasan magmahal?" Tanong ko sa kaniya. "May babae nga akong mahal---"
"Alam mo naman pala ang pakiramdam e. May mahal ka pero hindi ka naman mahal. Parehas tayo ng nararamdaman. Paulit-ulit tayong nagmomove forward, 'yun ang akala natin. Pero pabalik pala ang move forward natin," wika niya kaya hindi kaagad ako naka-isip ng salitang isasagot sa kaniya.
Namagitan ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko na nagawang bawasan ang kapeng iniinom ko kanina dahil nawalan ako ng gana.
Walang salitang pumapasok sa isip ko.
Walang ako maisagot dahil tama siya.
Parehas kami ng nararamdaman.
"Tama ka. Parehas tayo ng nararamdaman," sabi ko. "'Yun nga lang pinapakita mo sa akin na nasasaktan ka. At ako hindi ko pinapakita."
"At masama 'yon."
"Alam ko," sagot ko. "Pero kapag pinakita kong nasasaktan ako, ano naman ngayon? Lakas kaya makabading," giit ko.
"Hindi naman gano'n 'yun," sabi niya. "Kapag pinakita mong nasasaktan ka, ibig sabihin handa kang maging mahina. At kapag naging mahina ka, hindi ibig sabihin no'n mahina ka talaga. Ang ibig sabihin lang no'n, sobrang tapang mo para maging mahina kahit alam mong mahuhusgahan ka."
"Depende."
"Ha?" Taka niyang tanong.
"Kapag pinakita kong nasasaktan ako, edi hindi ka naging masaya."
"H-ha? Anong ibig mong sabihin." Kunot-noo niyang tanong. Kitang-kita ko sa mukha niya na sobrang naguguluhan siya.
Hindi ko na mapigilan pa.
Tutal nasa point naman na ako na handa na ako.
Mas maganda sigurong aminin ko na ngayon.
Pero paano kung---
No buts.
Sasagot na sana ako nang biglang bumuhos ang ulan. Hindi ko napansin na wala na palang bituin sa kalangitan at hindi ko napansin na uulan ngayon. Mukhang makikisabay sa drama ko ang ulan ngayon.
"Yana makinig kang mabuti---"
"Tara na! Baka magkasakit pa tayo! Sumilong muna tayo," sabi niya bago tumayo. Hinawakan niya ang braso ko kaya napatayo ako. Hinahatak niya ako pero nakatingin lang ako sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. "Juo ano ba?!"
"Yana... gusto kita."
Napatigil siya sa paghahatak sa akin. Naguguluhan siya base sa mga tingin niya sa akin.
"Juo. 'Wag ka magbiro. Tara na! Lumalakas na 'yung ulan!" Sabi pa niya, pero nanatili akong nakatayo at nakatitig sa kaniya.
"Yana, hindi pala kita gusto---"
"Hay nako, pinakaba mo ako sa joke mo na 'yun. Tara na!"
"Dahil mahal kita."
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at binitawan ang kamay niya na nakahawak sa pulusuhan ko.
"Pa-paano? I mean, s-seryoso ka ba?" Tanong niya kaya tumango ako. "H-how? Since wh-when?" hindi niya alam kung paano magsasalita at kung anong sasabihin. Basang-basa na kami sa gitna ng ulan. Pero wala akong pakialam.
"3 years na. Bago pa kayo umalis, gusto na kita. So mag-aapat na taon na siguro," diretsahan kong saad. Ayoko ng ilihim pa sa kaniya. Tutal nasabi ko na rin naman na, mas magandang masabi ko na lahat-lahat. "Kaya ayokong ipakita na nasasaktan ako. Dahil kapag nakita mo 'yun, malalaman mo na mahal kita. Nilihim ko ng halos apat na taon. Pero ngayon lang ako naging handa."
"J-Juo hindi ko alam ku-kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong d-dapat kong sabihin."
"Wala kang dapat gawin. Hayaan mo lang na mahalin kita. Ayos na 'yun sa akin. Ang mahalaga, alam mo na na mahal kita---"
"Hindi ko kaya," may diin niyang saad kaya parang pinako ang puso ko sa sobrang sakit.
Napangisi ako. Ito naman ang ineexpect kong mangyari. Kaya bakit ako nasasaktan?
"Kalimutan mo na ang sinabi ko," maiyak-iyak kong saad. Para talaga akong tanga kapag umiiyak.
"H-hindi ko kaya Juo. Hindi ko kayang kalimutan. Hindi ko kayang..." hindi niya matuloy ang gusto niyang sabihin. Yet, I know what she wants to say.
"Dahil ba hindi ako si Jimmy? Dahil ba hindi ko kamukha si Jimin? Dahil ba hindi ako BTS member? Dahil ba hindi ako koreano? Gano'n ba Yana? Kaya hindi mo kaya ang katotohanang mahal---"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil agad na lumapat sa pisngi ko ang palad niya.
Hindi 'yun masakit.
Ang masakit ay 'yung dahilan kung bakit niya ako sinampal.
'Yun ay dahil hindi niya kaya.
Hindi niya kayang maging kaibigan pa ako dahil sa sinabi ko sa kaniya.
Wow.
Mas masakit pala 'to kaysa sa inaakala ko.
--
An : YEY! EPILOGUE na ang sunod. Thank you sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lang! Vote and comment dahil epilogue na po ang next. Yes, epilogue na paulit-ulit? Haha. Btw, this chapter is dedicated to, lostmortals.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro