Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 43 - Still Him

Chapter 43 - Still Him






















Hindi ko alam kung ilang oras akong natutulog. Pero nagising na lang akong bigla. Tulog pa rin si Yana at mukhang giniginaw dahil nakacross arms siya. Kinuha ko ang jacket ko na kanina ko pa yakap-yakap at ginawa itong kumot kay Yana.

"Psst!" Napalingon ako sa kabilang upuan.

"Hmm?" Tanong ko kay Jen.

"Ikaw ha. Kamusta?" Nakangiting tanong nito. Alam ko na kung anong tinutukoy niya.

Napa-iling na lamang ako bago ibalik ang tingin ko kay Yana. Ang sarap talaga niyang pagmasdan kapag natutulog. Inayos ko ulit ang pagkakahiga niya sa balikat ko. Kahit nangangalay na, ayos lang sa akin basta't makahiga siya ng maayos.

Muli akong napatingin sa labas ng bintana. Ang daming bituin sa kalangitan. The whole sky is clear because of the light given by the moon. Nawala na 'yung mga ulap kanina na parang mga bulak. Sa ibaba, nakikita ko ang maganda at malawak na karagatan. Napatingin ako sa suot kong relo at nakita kong halos 10 minutes lang pala akong nakatulog.

9:13 pm.

Hindi na ako nakatulog.

Mas gusto ko kasing panoorin si Yana na matulog, kaysa matulog pa ako.

Napapangiti ako sa tuwing maiisip ko na ganito siya kalapit sa akin. Nasa tabi ko lang. Pero nawawala agad 'yung ngiti ko sa tuwing maiisip ko agad na malayo siya sa akin sa ibang paraan. Ganito siya kalapit sa akin, pero magkaiba kami ng tingin sa isa't-isa. Kaibigan lang ako para sa kaniya.

Naalala ko noong mga araw na kaaalis lang nila sa Pilipinas. Dahil nga sobrang nagsisisi ako na hindi ko man lang nasabi kay Yana na may gusto ako sa kaniya, pinangako ko kaagad sa sarili ko na kapag nagkita ulit kami, sasabihin ko kaagad sa kaniya. Pinangako ko na kapag dumating ang araw na sabihin ko sa kaniya ang totoo, hindi ako iiyak dahil tapos na ako do'n. Dapat ngitian ko na lang 'yun dahil at last, nasabi ko na.

But there are a sudden change of plan.

Hindi ko kaagad nasabi dahil una, hindi naman kami nagkita kaagad ni Yana. Ako ang unang nakakita sa kaniya sa ospital. Pangalawa, may boyfriend siya. May mahal siyang iba. Pangatlo, kahit gaano ko ihanda ang sarili ko, hindi pa rin pala ako handa. Ewan ko ba. Hindi ko maihanda-handa ang sarili ko.

Siguro may kaba pa rin at takot sa puso ko. Na kapag sinabi ko ang nararamdaman ko kay Yana, mag-expect na ako dahil mag-iiba na ang lahat. Natatakot pa rin ako na lumayo siya kapag nalaman niyang gusto ko siya. No. I don't like her. I love her. Bobo lang talaga 'tong puso ko magdescribe ng feelings.

Buong flight, simula nang magising ako, nakatulala lang ako sa natutulog na mukha ni Yana. Minsan akong mapapatingin sa labas ng bintana, dahil ilang beses na rumerehistro sa isip ko 'yung nangyari kanina. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Doon pa lang, imposibleng hindi nakita ni Yana sa mga mata ko kung anong pagtingin ko sa kaniya.

"Jimmy..."

Napatingin akong muli kay Yana.

Pinilit kong huwag umiyak. Pero sobrang sakit. Gamit ang mga natitira kong lakas para pigilan ang mga nagbabadyang kabadingan sa mata ko, nilipat ko ang ulo ni Yana sa inuupuan niya. Hindi naman ako nahirapan dahil siya na mismo ang naglipat nito nang maramdaman niya ang paglilipat ko sa kaniya.

Agad akong tumayo at naglakad papuntang CR.

Pagdating ko do'n, hindi ko na napigilan.

Pinipigilan kong tumingin sa salamin.

Mukha kaya akong tanga.

Nasasaktan ako ng ako lang ang nakaka-alam.

Akala ko ayos na siya.

Tatlong buwan na ang lumipas simula nang maghiwalay sila ni Jimmy. I thought she'll forget him. Akala ko wala na 'yung nararamdaman niya kay Jimmy. Alam kong sobrang mahal ni Yana si Jimmy. Alam kong sobrang demanding ko kung sabihin kong dapat moved-on na si Yana ngayon. Pero ang sakit kasi e. Kung sana talaga, natuturuan ang puso.

Hanggang ngayon kaya nasasaktan pa rin si Yana?

Napahilamos ako dahil sa sarili kong tanong.

Kung nasasaktan ako dahil lang narinig kong sinabi ni Yana ang pangalan ni Jimmy habang natutulog siya. Tingin ko mas nasasaktan si Yana dahil hanggang sa pagtulog niya si Jimmy pa rin ang naaalala niya.

Yes masakit sa part ko. Pero pinili ko naman 'to. Pero para kay Yana, na hindi naman piniling mapunta sa gano'ng kalagayan, hindi naman yata tamang masaktan siya tulad ng nararamdaman ko.

Ang tanga ko para ngayon lang maisip 'to.

***

Hindi ko na alam kung anong oras kami nakababa ng eroplano. At kung anong oras kaming naka-alis ng airport. Ang naaalala ko na lang, ang pagsalubong ng malamig na klima sa amin ng Korea. Iba 'yung ambiance ng hangin. Ang gaan sa pakiramdam.

"Sa'n ba tayo pupunta bukas?" Tanong ni Yara habang may hawak na malaking brochure. Hindi ko alam kung anong meron sa brochure na 'yon pero sobrang laki no'n at nagmumukhang mapa.

"Hindi ko alam. Hindi na nagwowork ng maayos ang utak ko. Owemji, I need a beauty rest," maarteng sabi ni Jen. "Bukas niyo na lang ako kausapin. Matutulog na ako," dagdag pa niya bago tumayo at lumabas ng k'warto ni Yara at Bal. Si Yana dumiretso agad sa k'warto nila ni Jen pagdating namin dito.

Nandito kasi kami ngayon sa isang hotel na tutuluyan namin for 1 week. Mabuti nga at tinanggap pa kami ng hotel na 'to kahit cut off na nila. Punung-puno na rin kasi ang iba pang mga hotel kaya itong hotel na lang na 'to ang napagcheck-in-an namin. Siguro dahil nga sa concert ng BTS dito.

"Matulog na kaya tayo," suhestyon ni Bal bago humikab.

"Let's go," kaswal na saad ni Kuya Denden kay Bal.

"Saan?" Gulat na tanong ni Bal. "Dito ako sa k'warto na 'to remember?" Dagdag pa niya.

"Ayaw mo ba akong katabi?" Tanong ni kuya Denden sa kaniya.

"Hmm... sabi ni Lord bawal muna," sabi ni Bal bago tumalon sa isang kama at nagtalukbong ng makapal na kumot. "Next time na lang!" Huli pa niyang sigaw bago namin namalayang humihikab na siya habang natutulog.

Napangiti naman si Kuya Denden bago lumabas ng k'warto.

"I'll go ahead na," sabi ni Bixby.

"Ako rin," sabi ni Alas bago sila sabay na tumayo ni Bixby. "Ikaw Juo?" Tanong nito sa akin kaya tumayo na rin ako. Sabay-sabay kaming lumabas sa k'warto nila Yara at nagtungo sa kaniya-kaniya naming mga k'warto.

Dalawa lang per room. Magkasama si Bal at Yara sa isang k'warto. Si Yana at Jen. Si Kuya Denden at Alas. Magkasama naman kami ni Bixby sa isang k'warto.

Kahit nakahiga na ako, hindi pa rin ako makatulog. Naka-ilang baluktot at ikot na ako sa kama, hindi pa rin ako makatulog. Tulog na nga si Bixby kaagad, samantalang ako, dilat na dilat pa rin.

Napa-upo tuloy ako bago tuluyang tanggalin ang makapal na kumot na nakadagan sa akin at tumayo. Nagsuot ako ng makapal na jacket, bago lumabas ng hotel at pumunta sa paborito kong lugar.

Nagsinungaling ako kay Yana nang tanungin niya ako kung first time ko bang sumakay ng eroplano. Pero totoong kinakabahan ako tuwing lilipad ang eroplano. May fear of heights kasi ako. I used to be here in Korea noong bata pa ako. Nandito kasi ang Tita ko at ilang beses niya akong pinapunta rito noon dahil wala siyang anak at gusto niya akong ampunin kay Mama.

Pero ayaw ni Mama kaya ilang beses akong napunta rito para hiramin ng Tita ko.

"Gising ka pa?"

Napalingon ako sa likuran ko.

"Ikaw din," sabi ko bago magpatuloy sa paglalakad papunta sa pinakamalapit na bench. Isa 'tong street na puno ng graffiti sa pader. Hindi tulad sa Pilipinas na dugyot tingnan ang ilang graffiti, rito sa paborito kong spot sobrang ganda ng mga lettering sa pader. May mga paintings din kasi at ang pinakapaborito ko ay ang painting ng babaeng natutulog. Katapat ko mismo ngayon 'yon sa bench na inuupuan ko.

"Sinundan kita. Hindi kasi ako makatulog," sabi niya bago umupo sa tabi ko. "Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" Tanong niya. "Ang ganda."

Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus, tinitigan ko lang siyang mabuti habang nakatingin siya sa mga paintings at graffiti sa pader. Mukhang tulad ko, nagustuhan niya rin 'yon.

"Masakit pa rin ba?" Tanong ko sa kaniya kaya napakunot ang noo niya at napatingin sa akin. "Naaalala mo pa rin siya," dagdag ko pa kaya nawala ang kunot sa noo niya. Mukhang naintindihan na niya ang ibig kong sabihin.

"Hindi naman madaling kalimutan si Jimmy. Lalo't lagpas isang taon ko siyang minahal. Pero don't worry. Hindi na masakit," nakangiti niyang sabi.

"Kahit masakit talaga?"

"Hindi na nga. Promise," sabi niya habang nakatingin sa pader.

"Sabihin mo sa akin na hindi na masakit. Sabihin mo sa akin habang nakatingin," sabi ko sa kaniya. Hindi agad siya sumagot. Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa. Walang gustong bumasag sa amin ng katahimikan.

"Juo, babalik na lang---"

"Iyak," mahina kong saad kaya napalingon siya sa akin at may kunot-noo.

"H-ha?"

Lumapit ako sa kaniya. "Iyak Yana," utos ko sa kaniya.

Tinitigan niya ako sa mga mata. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Ilang minuto pa, agad siyang yumakap sa akin at umiyak ng umiyak. Iyak na parang kakahiwalay pa lang nila ni Jimmy. Iyak na parang sariwa pa 'yung sugat ng puso niya. Iyak na parang ito ang unang beses niyang masaktan. Iyak na parang hindi pa niya nailalabas noon ang sakit.

Iyak na pumapatay sa akin. Sinasaksak ako ng bawat luha niya. Kung kaya ko lang kuhain ang sakit sa kaniya, o kahit hatian man lang siya, ginawa ko na. Pero isa rin ako sa mga nasasaktan.

"Hindi raw siya nasasaktan," bulong ko kaya natawa si Yana bago humiwalay sa akin at pinunasan ang mga luha niya.

"Hindi naman na talaga. Ikaw kasi e. Pinapa-iyak mo nanaman ako," sabi niya habang natatawang pinupunasan ang mga luha niya.

"Akala ko ba naiyak mo na 'yan lahat?" Tanong ko sa kaniya.

"Akala ko nga rin e."

--

An : Last 1 chapter! This chapter is dedicated to, JD_Imbuido. Keep safe!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro