Chapter 40 - Filter
Chapter 40 - Filter
"Napanood kita kanina," sabi ni Yana kaya napahinto ako sa ginagawa ko. Kinukuha ko lahat ng pagkaing binili ko kanina sa convenient store. "Ang ganda na nga ng boses mo. Plus, mukhang feel na feel mo 'yung kanta mo ah. K'wentuhan mo naman ako tungkol diyan kay lucky girl," dagdag pa niya habang nakatingin sa syudad na kitang-kita sa p'westo namin.
"Nando'n ka kanina?" Hindi makapaniwalang tanong ko bago ilagay sa p'westo namin 'yung mga binili ko. Buti na lang din at may dala akong sapin. 'Yun ang ginamit namin para may higaan kami ni Yana. Dala-dala ko 'yun para kung sakaling maisipan kong magpicnic, may sapin ako.
"Yup. Napa silip lang ako kasi nakokonsensya ako na hindi ko pumunta. Dumating ako doon no'ng kumakanta si Jen ng solo," sabi niya bago ako tumabi sa kaniya at binuksan ang Pic-A.
"Hindi ka namin napansin," I said.
"Paano niyo ako mapapansin, eh ang daming nanunuod sa inyo. Instant sikat na nga agad ang banda," wika ni Yana. Binuksan niya 'yung cheetos na nakita niya sa tabi niya at binuksan ito. "So k'wentuhan mo nga ako ng tungkol sa babaeng three years mo ng mahal," pagpapasok niya ulit sa topic kaya napasinghap ako ng malamig na hangin.
"'Di ba nga, nasabi ko sa'yo na may mahal siyang iba. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na mapapansin din niya ako. May pagkamanhid kasi 'yung babae na 'yun e. Hindi niya maramdaman na tatlong taon ko na siyang mahal," ani ko. "Ang ganda no'n promise. Matalino tapos masungit. Parehas kayo," natatawa kong saad kaya hinampas niya ako sa braso.
"Anong masungit? Hindi ako masungit ah," pagdedepensa niya sa sarili niya. "Kantahan mo naman ako," sabi niya sa akin bago siya humiga sa sapin at tumingin sa langit. "Ang ganda ng langit ngayon. Daming stars. Sana palagi nalang ganito," sabi pa niya.
"Sana nga. Para palagi ka lang nasa tabi ko," wala sa sarili kong saad kaya napatingin si Yana sa akin.
"May sinasabi ka?" Tanong niya.
"Kukuhain ko lang kako 'yung gitara sa kotse," mabilis kong saad bago tumayo at kinuha ang gitara sa backseat ng kotse. Ito 'yung gitara na gamit namin kanina sa performance. "Anong kanta gusto mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Kahit ano. Gusto ko lang naman marinig ang boses mo," sabi niya sa'kin.
Kung hindi ko lang alam na hindi mo naman ako nakikita tulad ng kung anong nakikita ko sa'yo, iisipin kong may gusto ka rin sa'kin.
Nagstrum ako ng gitara at nagsimulang kumanta.
"Naege malhae, neoui dalkomhan misoro naege. Naege malhae, soksagideut nae gwitgae malhae. Don't be like a prey, be smooth like a like a snake---"
"A-alam mo 'yan?" Napatayo si Yana at naputol ang pagkanta ko nang bigla siyang magtanong.
"Kinakanta ko na siya so obviously---"
"Pa-paanong?" Para siyang bata na hindi makapaniwala.
"It's Lie, at kanta 'to ni Jimin. Nasabi ko na sa'yo na 'yung babaeng mahal ko ay mahilig kay Jimin right? Kaya kinabisado ko," kaswal na saad ko. Tumango lang naman ito kaya pinagpatuloy ko ang pagkanta. Humiga ulit siya at pumikit.
"Caught in a lie, sungyeolhaetdeon nal chajajwo. I geojit soge heeonal su eobseo, nae useumeul deollyeonwajwo."
"Juo?" Aniya nang nakapikit.
"Hmm?" Tanong ko. Huminto ako sa pagstrum at pagkanta.
"Kabisado mo ba 'yung filter?" Tanong niya sa akin.
"S'yempre. Pero mas gusto ko 'yung english version niya. Ayos lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya nagsimula ako sa pagstrum at pagkanta ng filter na kanta rin ni Jimin.
"That uninterested face of yours, the bored tip of your toes. Please look at me now, put your phone down, don't even think of turning you head away, let me know your type, you can pick and choose me yeah."
Nagpatuloy ako sa pagstrum kasabay ng malamig na ihip ng hangin. Ang sarap nito sa balat. Nakakapagbigay ng chill at relaxation sa sistema ko.
"Oh, I cover your eyes with my hands. Oh, get closer to the secret. I'll take you to a whole new world. Yeah, open your eyes now, go!"
"Mix the colors in the palette, pick your filter. Which me do you want? The one to change your world, pick your filter. Overlay me in your heart," sabay naming kanta sa chorus ng kanta.
"Alam mo Juo, gumanda na nga ang boses mo. Kaso mababa talaga ang boses mo. But at least, nag-improve ang boses mo," sabi niya sa akin pagmulat niya ng mga mata niya. Huminto ako sa pagkanta at pagstrum ng gitara. Biglang bumagal ang mga oras na 'to nang magtama ang mga mata namin.
Walang nagsasalita sa amin.
Nagtama lang ang pareho naming mata, pero agad niya itong iniwas at umupo mula sa pagkakahiga.
"Tingin ko kailangan na nating umuwi," sabi niya bago tumayo at kuhain ang mga pagkain. "Malalim na rin ang gabi. Baka hanapin ako ni mama," dagdag pa niya.
Naramdaman kaya niya?
***
"Thank you," sabi niya sa akin bago siya bumaba sa kotse. Hindi ako nakapagpa-alam sa kaniya dahil mabilis siyang bumaba ng kotse. Bigla tuloy akong kinabahan. Baka naramdaman na niya. Baka nakita niya sa mga mata ko ang nararamdaman ko para sa kaniya.
I hope not.
Not this time.
***
"Anong nangyari? Magk'wento ka naman," tanong ni Jen mula sa kabilang linya. Kakatapos ko lang maligo at paglabas ko ng banyo, tumatawag itong si Jen kahit late night na. At 'eto nga, nakikibalita sa kung anong nangyari at kung saan kami pumunta ni Yana kanina.
"Wala naman. Nagrelease lang siya ng hinanakit kay Jimmy," sabi ko habang naka-upo sa malambot kong kama at nakatulala sa orasan. It's almost 12 midnight pero itong si Jen gusto pang makipagk'wentuhan.
"'Yun lang? Walang alam mo na? Kayong dalawa lang. Imposibleng wal---"
"Jen!? Ano ba 'yang iniisip mo?" Bulyaw ko sa kaniya. "You know, I want to sleep now. Kung ayaw mo pang matulog, si Alas ang kausapin mo. Baka mamaya kayong dalawa ang may gagawin pa," pambabalik ko sa kaniya ng pang-aasar niya kaya nagsisisigaw siya sa kabilang linya sa inis. Hindi ko siya pinansin dahil binaba ko kaagad ang tawag at humiga nang nakangiti.
Yana just made my day.
***
Nagising ako nang maaga dahil sa katok sa pintuan. Wala akong planong pagbuksan 'yon pero narinig ko ang boses ni Mama na umiiyak kaya agad akong tumayo at binuksan ang pintuan.
Umiiyak si mama at pinupunasan ang bawat luhang tumutulo sa pisngi niya.
"What happened?" Alala kong tanong sa kaniya.
"S-si Bea," agad niyang saad kaya napalabas ako ng k'warto ko. Agad akong pumunta sa k'warto ni Bea pero wala siya doon. Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa makarating ako sa sala kung saan nandoon si Bea. Nangingisay siya sa sofa kaya agad ko siyang binuhat at sinakay sa kotse. Wala akong pakialam kahit nakaboxer pa ako at gulu-gulo ang buhok.
"B-bigla nalang siyang naging ganiyan. Sabi niya sa akin kagabi masakit ang u-ulo niya. Paggising niya ang init-init niya. Tapos a-ayan na," umiiyak na pagpapaliwanag ni Mama pagpasok namin sa loob ng kotse.
Pinaandar ko kaagad ang kotse at agad kaming nagtungo sa ospital. Kinakabahan ako kaya kahit red light ay nagpatuloy ako sa pagpapa-andar ng kotse. Sobrang bilis ng pagmamaneho ko kaya within 5 minutes ay nakarating kami sa ospital. Buti walang traffic enforcer at walang sumita sa akin.
Agad kaming in-assist ng mga nurse at dinala si Bea sa emergency room. Hindi na nila kami pinayagan na pumasok doon kaya wala kaming ibang nagawa kundi ang maghintay. Mukhang mang tanga dahil nakaboxer lang ako at nakafit na tshirt dahil sa suot ko, wala na akong pakialam. Basta matiyak ko lang na ayos si Bea.
May 30 minutes din kaming naghihintay nang lumabas ang doctor mula sa emergency room. Kakatapos lang ding umiyak ni Mama kaya sabay kaming tumayo.
"Kayo ho ba ang magulang ng batang pas'yente?" Tanong ng doctor.
"O-opo. Ako po. Kamusta na 'yung anak ko?" Agad na tanong ni mama.
"Nadengue po ang anak ninyo. Kailangan po niyang masalinan ng dugo. Mas maganda kung isa sa kamag-anak niya ang magdonate sa kaniya ng dugo dahil mas safe and healthier ito for her. Pero kung walang magmamatch na dugo sa kaniya, kailangan nating makahanap as soon as possible dahil kulang na sa dugo ang anak niyo," sabi ng doctor.
"Magpapatest po kami," sabi ko.
***
"Not match. Hindi match ang dugo mo sa dugo ng kapatid mo iho. Gano'n din ang sa mama at sa papa mo," sabi ng doktor.
"Pa'no nangyari 'yun? Eh kamag-anak kami ni Bea?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Nangyayari talaga 'yun paminsan-minsan, lalo na kung naghalo na ang dugo ng inyong mga magulang. Kailangan niyong maghanap ng dugong AB."
Umuwi muna ako sa bahay para kumuha ng damit. Naiwan si mama at papa sa ospital. Tinawagan ni mama si papa sa trabaho kaya nagout agad si papa at pumunta sa ospital. Kasama rin namin siyang nagpatest.
I left no choice kaya nagdial ako ng number.
"Jen, I need your help. Papuntahin mo sila Yana, Yara at Bal diyan. Mas mainam kung kasama sila Alas, Bixby at Kuya Denden. I badly need your help. Sasabihin ko pagpunta ko diyan sa inyo." Agad kong sabi. Nang mag-okay siya, binaba ko na kaagad ang tawag.
Sana may tumugma sa kanila.
To be continued. . .
--
An : Lie by Jimin, and Filter by Jimin also.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro