Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4 - Surprise Gift

Chapter 4 - Surprise Gift























Habang papauwi, napadaan ako sa isang perya.

As usual, sobrang daming ilaw, at maririnig mo ang pinaghalong tili, sigaw at saya ng mga tao na nasa loob ng perya kahit na mabilis ka lang na dumaan sa lugar na 'yon.

Siguro may taon na rin akong hindi nakakapagperya. Gustuhin ko man na bumaba at magpakasaya roon, hindi ko na ginawa. It's late night kaya naman baka mapagalitan ako lalo kapag nagpa-abot pa ako ng madaling araw bago umuwi.

When I came home, the lights are turned off like always in this hours.

Hindi kasi kami sanay na bukas ang mga ilaw sa gabi, p'wera na lang sa kusina namin. Suddenly, I got goosebumps sa hindi ko malamang dahilan. That's when I relized na parang may gumagalaw sa likuran ko.

I'm not into paranormal at hindi rin ako naniniwala sa mga multo.

Agad kong binuksan 'yung ilaw sa sala gamit 'yung switch na buti na lang at malapit sa kinatatayuan ko. My heart skipped a beat nang bumungad sa akin ang mukha ng pinsan ko. May kulay green na something sa mukha niya hanggang pababa ng baba niya. May hawak din siyang dalawang pipino na sa tingin ko para sa mga mata niya.

"Ba't ngayon ka lang?" She asked. Tiningnan muna niya ako bago pumunta sa kabilang sofa at kumuha ng dalawang maliit na unan na design lang do'n.

"Nag-ikot-ikot lang," sagot ko pagkatapos ay humikab.

"Kanina ka pa hinahanap nila Tita," sabi niya bago humiga sa mahaba at malambot na sofa. Nilagay niya 'yung isang unan na kinuha niya sa kabilang sofa sa uluhan niya, 'yung isa naman, ginawa niyang pispisan ng paa.

"Bakit?" Tanong ko habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref. Dire-diretso sa sala, nandoon na ang bungad ng kusina namin kung saan ako nakatayo ngayon at umiinom ng tubig.

"Pupunta raw sila ng Valenzuela ngayon, hindi ka nakapagpaalam. Hindi ba nila nasabi sa'yo na pupunta sila do'n dahil birthday ni Mommy Aida?" Aniya pagkatapos pumikit siya at nilagay sa mata niya 'yung dalawang pipino na hawak niya kanina.

Si Mommy Aida ay tita namin, kapatid ni Papa. Mommy lang ang tawag namin dahil no'ng mga bata kami, akala namin 'yun ang tawag sa kaniya dahil Mommy ang tawag ng mga anak niya sa kaniya. So ayun, nahawa kaming magpipinsan.

Binalik ko sa ref 'yung pitsel at naglakad papunta sa hagdan na nasa sala rin.

"Hindi nila nasabi sa'kin," mahina kong saad. Amity, my cousin, didn't reply. Naglakad na lang ako paakyat ng hagdan at diretsong nagtungo sa k'warto ko.

Hindi naman kahabaan 'yung hallway sa second floor ng bahay namin. Pero parang sa tulad ko na pagod, sobrang haba nito. Tinatamad na nga rin ako maglakad pero pinipilit ko dahil gusto ko ng maligo at mahiga sa kama ko.

Ang weird naman kung dito mismo sa hallway ako humiga at matulog dahil lang sa pagod na ako.

Napadaan ako sa k'warto ni Ate Dessa. 'Yung katulong namin. Wala siya dito dahil day-off niya ngayong araw.

Nakabukas 'yong k'warto niya kaya naman sumilip ang malinis at maayos na pagkakasalansan ng mga gamit niya sa loob.

Ate Dessa is a very hardworking and organize yaya. Siya lang ang tumagal sa amin na kasambahay dahil bukod sa masipag at mabait, marunong din siyang makisama. Siguro may limang taon na siyang nagtatrabaho sa amin at itinuturing na namin siyang parte ng pamilya.

Isasarado ko na sana 'yung pintuan dahil alam ko naman na kahit kasambahay lang namin siya, she still have the authority and privacy in her own room. Kahit pa k'warto lang din 'yon sa bahay namin. Tsaka, ayaw niya na may pumapasok sa k'warto niya kaya nakakapagtaka na nakabukas ang pintuan niya.

Nakalimutan niya siguro isarado o kaya naman binuksan ni Amity 'tong k'warto na 'to.

Napansin ko na may isang malaking, I don't know if that's a person. Gusto ko sanang pumasok para makumpirma na tao nga 'yon, pero napansin ko na hindi ito gumagalaw.

A smile formed into my lips.

Tama.

'Yun nga ang magandang birthday gift para kay Jen.

***

"---at dahil maganda ako. Invited kayong lahat sa party ko tonight!" Masayang sabi ni Jen sa gitna ng room. "Maliit lang na celebration," nakangiting saad nito.

Gusto ko sana siyang kwestyunin dahil maliit na celebration lang daw pero invited kaming lahat sa birthday party niya. Pero hayaan na lang, birthday naman niya ngayon kaya pass muna ako pagiging basher niya.

Nagsigawan lahat ng mga kaklase namin. Tuwang-tuwa sila dahil isa 'yong party. Maraming pagkain at patay-gutom lahat ng mga kaklase namin. Yes, we're studying in a private school, pero hindi naman ibig sabihin no'n maarte na agad 'yung mga nag-aaral. Minsan, mas maarte pa 'yung mga nag-aaral sa public. Naranasan ko magpublic so I know the difference.

Tumigil lang sa pag-iingay 'yung buong room nang dumating si Sir Joms. Terror teacher namin sa Mathematics na magaling magturo, yet nakakatakot magalit. The atmosphere he's bringing is too suffocating at alam kong any moment sasabog ang bulkang taal.

He's always like this.

Galit kahit wala pa kaming ginagawang mali. I mean, hindi namin alam kung anong nagawa namin. Siya lang naman palagi ang nakaka-alam kung anong mali sa amin. He's too perfectionist na gaya ni Jen. Pero in different way. Palagi siyang may butas sa lahat ng ginagawa namin as if he's our adviser.

Well, sabi niya, he cares for us kaya siya gano'n.

And sabi nga namin, who cares if he cares?

***

"Ugh. Tambak nanaman tayo sa paper works," tinatamad na sabi ni Yana.

"Tapos next week, exam nanaman natin," dagdag pa ni Yara.

"Guys. Don't worry. Tatanggalin muna natin 'yang stress na 'yan mamaya in my party," nakangiting wika ni Jen. "Pagkatapos no'n, tsaka na ulit tayo mastress," aniya pa niya bago humagikgik.

Nandito kami ngayon sa room. Kami na lang ang nandito dahil recess. Bawal talagang manatili sa class rooms kapag recess or break time, pero dahil we're against the rules and school's policy, nandito kami. Para sa'min, walang magagawa ang admins kung gusto namin manatili rito.

Kaya lang naman gusto nila na sa canteen kami kumain kapag recess at lunch time ay para landiin kami ng mga pagkain nila na sobrang mahal. Daig ang 7-eleven sa dagdag pres'yo nila.

"May chocolate fountain ba diyan sa party mo?" Rinig kong tanong ni Yana kay Jen.

"Wala e. Clown lang," wika ni Jen sa normal na tono.

Hindi ko na lamang sila pinakinggan dahil feeling ko mababaliw ako sa mga pinag-uusapan nila.

As usual, BTS.

"Anong theme pala ng debut mo?"

Agad akong napahinto sa pagbabasa nang marinig ko 'yung salitang debut.

Hindi ko na lang pinahalata na nagulat ako. Alam ko at nakumpirma ko na birthday ni Jen 'yung mangyayari sa date na 'to. Pero hindi ko inakala na debut pala niya ngayong araw. Akala ko magseseventeen pa lang siya.

"Barbie," maikling sagot ni Jen.

For real? Hayuf.

"Juo, ano suot mo mamaya? Balita ko kasama ka sa 18 roses ah," mahinang bulong sa akin ni Yara pagkatapos niyang tumabi sa akin.

Mas madalas na kausap ko si Yara kaysa kay Yana at Jen. Dahil si Jen at Yana, kung hindi arts ang pinag-uusapan, BTS ang topic. I mean, yes, si Yara nakikipag-usap sa kanila kahit BTS pa ang topic, pero minimal lang 'yon dahil hindi lang sa BTS nakafocus si Yara. If I'm not mistaken may sinasabi pa siya sa'kin na Produce 101, I.O.I at iba pang mga kpop groups.

"Ewan," maikli kong tugon bago muling binalik sa pagbabasa ang utak ko.

Sa totoo lang, meron na talaga akong nakahandang damit na isusuot. Hindi ko lang talaga alam kung babagay 'yon sa akin o hindi dahil si Amity ang pumili.

Nang sinabi ko na may pupuntahan akong party ng isang kaibigan, at nalaman niya na babae 'yung kaibigan ko, siya na ang nagpresinta na bumili ng damit na susuutin ko.

Noong una ayoko isuot dahil tuxedo 'yon at ano namang gagawin ko sa tuxedo eh party 'yon at hindi formal event. Pero ngayon, nagpapasalamat ako dahil blessing in disguise 'yon dahil debut pala ang pupuntahan ko.

Ang nakakainis pa, ngayon ko lang nalaman na kasama ako sa 18 roses kaya ngayon ko lang din nalaman na debut na pala ni Jen ngayon.

"Gusto mo bang tulungan kita mamaya sa pagbubukas ng mga regalo? Alam mo na. Baka mamaya magkamali ng regalo sa'yo, imbis na si V baka si Jimin," narinig kong wika ni Yana.

"Depende," nang-aasar na saad ni Jen. Hindi man ako nakatingin, alam kong napakunot ang noo ni Yana.

"Depende?" wika ni Yana.

"Sabihin mo muna, Please master your highness and holy holy wife of Taehyung, the everloving beautiful wife and only of V," mahabang sabi ni Jen na sinabayan pa niya ng nakakadiring feelings.

Napatayo naman si Yana.

"Sure. Pero dapat, sa debut ko, ganiyan din sabihin mo ha? Pero instead of Taehyung and V, Jimin ang sasabihin mo," Nakangising tugon ni Yana na ikina-iling namin ng kapatid niya ng sabay.

Kahit kailan.

'Di talaga nagpapatalo.

***

Maraming tao sa party ni Jen. Sabi niya 'yung iba business partners daw ng mga magulang niya. 'Yung iba old friends niya na sa sobrang old 'di na niya nakilala. 'Yung iba sabi niya mga pinsan at kamag-anak nila.

Napuno tuloy 'yung garden nila ng mga bisita. Hindi naman siksikan dahil malawak 'yung garden nila. Marami ring pagkain kaya naman sige kuha lang ako kanina habang naghihintay sa tamang oras para sa plano ko.

And the right time I'm saying is now.

With the help of Yana and Yara, nagkaroon ako ng way kung paano ko mapapapunta si Jen sa k'warto niya. Kung saan, doon ko nilagay 'yung surprise gift ko sa kaniya.

Nakablind fold siya habang papunta kami sa k'warto niya. Iniwan muna ni Jen 'yung party niya at mga bisita niya. Todo awat kami sa kaniya sa tuwing sinusubukan niyang tanggalin 'yung blind fold.

Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ng k'warto niya, pinatanggal namin sa kaniya 'yung piring.

"Kakasilaw ha," sabi niya habang kinukusot-kusot 'yung mata niya.

"Buksan mo na 'yung pinto dali! Na-eexcite na kami sa regalo ni Juo sa'yo!" Nagmamadaling sabi ni Yana na akala mo sa kaniya 'yung regalo.

"Eto na," aniya ni Jen.

Pagbukas niya ng pintuan, napahawak siya sa dibdib niya. Tapos sa tainga niya, tapos sa bibig niya na biglang bumukas at hindi maipaliwanag kung anong nararamdaman.

"TAEHYUNG OWEMJI!!!"

--

An : at dahil nga surprise gift 'yung title ng chapter na 'to, sa next chap niyo pa malalaman 'yung surprise gift. Pilitin niyo muna ako mag-update. Kapagod manood ng karate. HAHA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro