Chapter 38 - Bakit hindi
Chapter 38 - Bakit hindi
Med'yo madilim na sa campus dahil pasado alas cinco na. Kaya naman habang kumakanta si Jen, para na talaga siyang nagcoconcert dahil sa mga nakabukas na flashlight sa bawat cellphone ng mga audience. Ang ganda pagmasdan nito habang sumasabay sa pagkanta ni Jen.
May spotlight sa stage, at mas nakapagpatingkad ito sa performance ni Jen.
"Sa isang iglap, ako'y naluluha,
'Di alam kung pa'no, ika'y nawala."
Hindi ko alam kung may pinagdadaanan si Jen ngayon. Pero damang-dama ko 'yung kanta niya. Hindi ito tulad ng mga nauna naming kinanta na tumagos sa akin. Pero ramdam kong kinakanta ni Jen 'yung kanta dahil para sa kaniya 'yon. Isa pa, sinulat niya ang kanta na 'yon. There's a high chance na related sa recent topic sa buhay niya 'yung kanta.
"Parang bula, parang bula, parang bula."
Kahit hindi alam ng mga audience namin 'yung sunod na lyrics, sinasabayan nila si Jen. Tulad namin nila Yara at Bal, nagagandahan kami sa kanta ni Jen. Grade 12 pa siya nagcocompose ng kanta. Katulong niya sa pagbuo ng tono si Yara dahil si Yara ang dalubhasa pagdating sa pagkanta noon. Well, hanggang ngayon si Yara pa rin naman ang may pinakamagandang boses. 'Yun nga lang, mas pinili niyang maggitara kaysa maging lead vocal.
Natapos ang pagkanta ni Jen. Maraming palakpakan at nagsisigawan sa crowd. Hindi talaga namin inaasahan na dadami ng ganito ang manunuod sa amin ngayon. Ang akala namin, magpeperform na lang talaga kami ngayon ng may limang audience. Pero sino nga namang mag-aakala na sisikat kaagad ang banda namin kahit unang tugtog pa lang namin?
"I love sunshower naaa!"
"Jenatics here we gooo!"
"Sana all maganda boses!"
Nakangiti kaming sinalubong ni Jen sa gilid ng stage pagbaba niya. Pinasa niya sa akin ang mic na hawak niya at tinapik ang kanang balikat ko. "You're next," ani niya sa akin.
"Teka, akala ko ba si Yara muna bago ako," tanong ko kaya napalingon ako sa likuran ko kung saan ko huling nakita si Yara. Pero wala na siya doon at may kausap na isang estud'yante. Kung hindi ako nagkakamali, SSC secretary 'yung babae na kausap niya.
"Ikaw na. Gooo!" Tinulak pa ako ni Jen kaya muntik na akong matalisod sa hagdan ng stage.
Wala akong ibang nagawa kung 'di ang umakyat sa stage at pagmasdan kung gaano karami ang manunuod sa akin. Kung gaano karami ang nunuod sa amin ngayon. May kaba sa dibdib ko. Alam kong hindi maganda ang boses ko. Alam kong hindi ako magaling kumanta. Pero paano kung pumiyok pa ako? Eh hindi na nga maganda ang boses ko pumiyok pa.
Bahala na.
"Hi?" Panimula ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. "Juo here. The only boy in the group," sabi ko bago tumingin kay Jen na nagthumbs up sa akin. "Itong kanta na kakantahin ko, ay para sa babaeng tatlong taon ko nang minamahal. Pero hanggang ngayon, hindi niya pa rin alam na mahal ko siya. Kaibigan lang kasi ang tingin niya sa akin e."
Napa-'awww' at 'ouch' 'yung mga audience kaya natawa ako ng kaunti.
"Ang pamagat ng kanta na sinulat ko, ay Bakit hindi. Para 'to sa mga taong katulad ko. Na nagmahal ng kaibigan na kaibigan lang ang tingin sa kanila. Sa mga taong nagtatanong sa mahal nila, kung bakit hindi sila p'wedeng maging sila. Sa mga taong maraming tanong at ang unang-una rito ay Bakit hindi?"
Nagpalak-pakan sila kaya nilagay ko na sa stand 'yung mic na hawak ko at kinuha ang gitara sa upuan na nasa likuran ko. Nakakonekta sa speaker ang gitara kaya for sure, maririnig ng lahat ang bawat tono na malilikha nito.
And I started to strum the guitar.
And every flash backs came into my mind.
"Bakit sa tuwing makikita, tibok ng puso'y hindi maipinta. Bakit sa tuwing ika'y masaya, sarili ko'y lumiligaya."
Since grade 7, I love her smiles. Kahit hindi pa ako in love sa kaniya noon, gustung-gusto ko na 'yung mga ngiti niya. Kaya naman no'ng dumating sa point na minahal ko na siya, kada ngingiti siya bumibilis na agad ang tibok ng puso ko. Para sa'kin, kapag ngumiti siya, gumagaan ang lahat. Kada makikita kong masaya siya, masaya na rin ako. Nakakahawa ang ngiti niya. Isang magandang tanawin na hinding-hindi ko pagsasawaang tingnan.
"Ganito pa lang umibig, bawat kilos mo'y iniibig. Kaso ako ay ma'y problema. 'Di tayo parehas ng nadarama."
Kahit hindi siya nakangiti, natutuwa pa rin ako sa kaniya. Iba ang dulot ng mga ngiti niya sa sistema ko, pero iba rin ang dulot kapag nagsusungit siya. Mas lalo ko siyang nagustuhan dahil sa pagiging masungit niya noon. Kahit nga nagsusulat lang siya, o kakain lang, basta nakikita ko siya masayang-masaya na ako. Mabasa o marinig ko nga lang ang pangalan niya, inspired na inspired na ako.
'Yun nga lang, ako lang ang nakakaramdam no'n.
"Bakit hindi p'wedeng magsama, ayaw mo o ayaw ng iba. Kaibigan lang ba kasi ang tingin. Kahit na nararamdaman ko, sa'yo ay aminin? Bakit hindi. Bakit hindi. Bakit hindi, oh bakit, bakit hindi."
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi tayo pinapayagan ng tadhana. Dahil ba hindi ko pa pinagtatapat sa'yo? Pero p'wede mo namang malaman 'yun. Mararamdaman mo naman 'yun. Kaso baka ayaw mo kaya ayaw mo ring damhin. Baka mas gusto mo na hanggang kaibigan lang. Baka kahit sabihin ko sa'yo, hindi mo pa rin tanggapin e.
"Ipaliwanag mo sa akin. Ba't ganito ang istorya na'tin. Ipaliwanag mo sa akin. 'Di mo ba 'ko kayang mahalin?"
Ang sakit palang isipin na 'yung babaeng mahal mo, hindi ka kayang mahalin. Nakaka-inggit kapag nanunuod ako o nagbabasa ng mga love stories, tapos nagkatuluyan sila at naging masaya sa huli. Sa'min kaya ni Yana, magiging gano'n din ang ending? Magiging kami kaya sa huli at magiging masaya? O makukuntento na lang kami sa ganitong istorya? Hanggang magkaibigan lang.
"Bakit hindi p'wedeng magsama, ayaw mo o ayaw ng iba. Kaibigan lang ba kasi ang tingin. Kahit na nararamdaman ko, sa'yo ay aminin? Bakit hindi. Bakit hindi. Bakit hindi, oh bakit, bakit hindi."
Sana p'wedeng magkaro'n ng tayo.
Sana kapag naghintay pa ako, may mapala ako sa dulo.
Sana kapag nasabi ko sa'yo, may magbago. Not in the bad way, pero sa paraan na in-eexpect ko.
Sana kapag nasabi ko na sa'yo hindi ka lumayo sa akin at baliwalain ako.
Sana kapag nasabi ko sa'yo, handa ka na.
Sana kapag nasabi ko na sa'yo, hayaan mo pa rin akong mahalin ka kung ayaw mong mahalin ako. Pero sana, maging parehas ang pagtingin natin sa isa't-isa. Parehas nating mahalin ang isa't-isa.
"Oh bakit, bakit hindi."
After the last strum of the guitar, naging tahimik ang crowd. Akala ko hindi nila nagustuhan ang kanta ko. Pero nagsimula sa isang palakpak, hanggang sa masundan pa ng mas marami, at nagpatuloy hanggang sa lahat ay magpalakpakan at maghiyawan. They're also shouting "Sunshower" and "Juo" in unison.
At least, they've appreciated my song.
For her.
***
"Seryoso?!" Gulat na tanong kay Jen.
Narito kami sa isang convenient store at balak naming mag-overnight kila Jen kaya kami bumibili ng mga snacks and drinks. Magkakasama kami habang naglalakad sa isang aisle kung nasaan ang mga tsitsirya. Kakatapos lang ng performance namin sa student's day at masasabi naming sobrang successful no'n.
Pagkatapos kasing magsolo perform nila Bal at Yara, nagrequest pa sila ng isa pang kanta. Wala kaming nagawa kung 'di ang pagbigyan sila. Kinanta namin ang Night Changes by One Direction.
"Oo nga," pagkumpirma ni Yara. "Inaayos na nga agad nila ang documents para mapirmahan na ng Dean," natutuwang dagdag pa ni Yara.
"Paki-ulit nga?" Sabi ni Jen dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa binalita ni Yara sa amin. Umirap naman si Yara pero wala naman siyang nagawa kung 'di ang ulitin ang sinabi niya.
"Naka-usap ko ang Secretary ng SSC at gusto nila tayong pakantahin sa audio ng school every vacant time. Gagamitin natin ang studio ng radio broadcasting," pag-uulit ni Yara.
"Owemji! Hindi talaga ako makapaniwala," sabi ni Jen bago magtatatalon at ialog-alog si Yara. Natapon ni Yara ang mga bitbit niyang chocolates kaya binitawan siya ni Jen. "Sorry. Nacarrried away lang," wika ni Jen habang natatawa.
"This is a milestone for us," sabi ko bago kumuha ng drinks sa refrigarator kung saan kami napadpad sa pag-iikot sa loob ng convenient store. "Baka kailangan na nating gumawa ng page sa facebook?" I sudgest na agad naman nilang sinang-ayunan.
"Hindi pa rin magsink in sa utak ko na ang daming nanuod sa atin kanina. Ang dami nating fans kanina. I mean, para silang mga fans natin. Nakakasatisfied," saad ni Jen habang nasa counter na kami at nagbabayad ng mga pinamili namin.
Nag-uusap sila habang ako tulalang nakatingin sa labas ng glass window ng convenient store.
Iniisip pa rin siya.
Kung okay lang ba siya.
Kung kumain na ba siya o lumabas sa k'warto niya.
Alam kong mahihirapan siyang magmove on.
Pero...
Pero...
"Yana?" Bulong ko sa sarili ko nang makita ko siya sa labas mismo ng convenient store. Mag-isa siya at parang naghihintay ng masasakyan. Mabuti na lang at bayad na ako sa mga pinamili ko kaya agad akong lumabas ng convenient store at nagtungo sa kinaroroonan niya.
"Juo?" Gulat niyang saad nang naramdaman niyang papalapit ako sa kaniya. Napatingin pa siya sa loob ng convenient store kung saan ako galing. Nakita niya sila Jen sa loob na nakatingin sa amin. Lalabas din sana sila Bal at Yara pero pinigalan sila ni Jen.
Thank you, Jen.
We really need time.
I mean, I need time, with her.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko kaagad sa kaniya.
"Ba-bakit?" Tanong niya pabalik.
"Ihahatid kita," diretso kong sabi sa kaniya. Namiss kasi kita ng sobra.
"H-hindi ko rin alam. B-but don't worry. 'Wag mo akong alalahanin. 'Wag mo na ako ihatid," sabi niya sa akin bago tumingin sa mga jeep.
"Come with me," nakangiti kong sabi sa kaniya kaya napatingin siya sa akin.
"Saan?" Tanong niya.
"Basta."
--
An : Bula is an original song composed by my friend, (avrina) and Bakit Hindi is also an original song composed by me. Gusto niyo marinig? Lol.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro