Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37 - Sunshower's first performance

Chapter 37 - Sunshower's first performance


























Maraming tao sa grounds ng campus ngayon. And yes, it's student's day.

Wala ngayon si Yana. Ang sabi ni Yara, hindi raw ito lumalabas sa k'warto niya. Hindi nga nila alam kung kinakain ba niya 'yung mga pagkaing dinadala sa kaniya ng Mama niya e. Nag-aalala lang lalo ako kay Yana nang malaman ko kay Yara 'yon.

"Magsisimula na 'yung performance ng Black Band sa west stage. Tingin ko kailangan na rin natin magsimula," sabi ni Bal na kararating lang. Siya na lang ang hinihintay namin dahil nagpunta siya sa west stage para alamin kung nagstart na 'yung kabilang banda.

Nasa tapat kami ng stage namin ngayon. Sa amin ang south stage. Walang mas'yadong tao rito. Bilang ko lang ang mga taong nandito. Siguro dahil nahati ang mga estud'yante sa apat na stages sa ground ng CH. But still, kami ang may pinakakaunting audience.

"Itutuloy pa ba natin 'to? Eh wala namang makikinig sa atin eh," bulong ni Yara kay Jen.

"Hangga't may nakikinig sa atin, kakanta tayo," sagot ni Jen. "Think positive guys. Walang nakukuha ng madali sa simula, lahat pinaghihirapan," dagdag pa niya bago ngumiti ng sobra. She's always like this, being positive as she can.

"Let's start na?" Tanong ni Bal kaya tumango si Jen. Umakyat kami sa stage at doon mas nakita ko ang lahat ng audience namin. There are five audiences. Ang isa ay natutulog pa.

Binuksan namin ang wireless mic, at kumuha ng tig-iisa. Kahit hindi marami ang audience, wala kaming pakialam. "Let's enjoy our very first concert," biro ni Jen kaya natawa kaming apat.

"We are the Sunshower, a new band composed of five members," panimula ni Jen habang nagsasalita sa mic.

"My name is Francheska, the drummer of the band," nakangiting sabi ni Bal.

"I'm Yara, the guitarist."

"Juo, violinist," maikli kong saad.

"And I'm Jen, the acting leader and the lead vocal. Lima kami, but our pianist will not attend because of personal issues," malungkot na sabi ni Jen. "But, kakanta pa rin kami para sa inyo!" Masigla niyang saad bago kami pum'westo sa kaniya-kaniya naming lugar sa stage.

Hindi naman sobrang laki ng stage, at hindi rin sobrang liit. Kinakabahan ako ng kaunti dahil hindi naman kami nagpractice ng magkakasama. Nagpractice kami ng solo-solo sa bawat bahay. At pag-uwi ko kahapon, puro tono lang ng kanta ang inaaral ko para sa violin.

"This song is entitled, Hanggang sa Huli by SB19," sabi ni Jen bago niya hawakan ng mahigpit ang mikropono at ilagay ito sa stand. Lumingon siya sa amin sa likuran at binigyan kami ng senyas na magsimula.

And Bal started the beat.

After niya, sumunod si Yara na maggitara at marahan na nagstrum, sinasabayan ang beat na sinimulan ni Bal. Nang dumating na sa first line of the first verse, tsaka ako nagsimulang tumugtog.

"Saking puso'y nagiisa, mayroong himig na
Kumakatok sa pinto ng aking alaala," pagkanta ni Jen. "Di na dapat tumitig pa sayong mga mata. Ngayon ikaw nalang ang nakikita."

Bigla ko tuloy naalala 'yung mga chat ni Jen sa akin kagabi. Ang sabi niya, sapol na sapol daw sa akin ang kanta na 'to. Noong una hindi ko alam kung bakit naging tama para sa akin ang kanta na 'to. Ilang beses ko itong nakanta kahapon. Ilang beses natugtog sa violin. Ilang beses binasa ang bawat linya at bawat salita. Pero hindi ko alam kung paano nasabi ni Jen na swak na swak para sa akin ang kanta na 'to.

Not until now.

" Alaala koy di nagbago sa panaginip ko ay naroon ka."

Bawat linya, konektado sa kung anong pinagdaraanan ko. I mean, not to sound dramatic, pero habang kinakanta ni Jen ang bawat liriko, damang-dama ko. Bukod sa malamig at malambing na boses ni Jen, maganda rin ang mensahe ng kanta. Tumagos sa'kin.

"At kahit pa ang mundo ay magiba, Ako'y laging nandirito. Di man ako para sayo, puso'y di magbabago. Walang iba walang iba, wala nang hahanapin pa. Pagibig ko'y sayo, sayo hanggang sa huli."

Kahit anong mangyari, pipilitin kong palaging nasa tabi mo. Alam kong may posibilidad na hindi ako para sa'yo. Masakit tanggapin. Pero kung hindi talaga ako ang nakatadhana sa'yo, tatanggapin ko para sa ikasasaya mo. Pero kahit may mahanap ka ng iba, kung hindi talaga ako ang mamahalin mo, ibahin mo 'ko. Hindi na ako hahanap ng iba, dahil mahirap na makahanap ng tulad mo. Hayaan mo lang na mahalin kita, kahit hindi mo na suklian.

"Siguro nga'y nararapat na ika'y limutin na
Pagibig ko'y isang hangin na di mo madarama. Di na dapat tumitig pa sayong mga mata. Pagkat ikaw parin ang nakikita."

Siguro kaya hindi mo maramdaman ay dahil hindi ko sinasabi sa'yo. But action speaks louder than voice. Aren't you aware that I'm inlove with you Yana? O baka ramdam mo pero ayaw mo dahil may iba kang gusto. You love someone that will never love you back. You love someone that will never return the love you gave to him. You love someone that doesn't deserve you. Pero nandito ako, mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko.

Dapat ko na bang kalimutan 'tong pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo? Kasi parang balewala lang naman e. Hindi mo ramdam. Ramdam mo man, hindi mo naman pinapansin. But no. What am I thinking? I will never surrender. Mamahalin kita kahit hindi mo ako mamahalin pabalik. I guess that's the true meaning of love.

"Tanging pagasa ko'y biglang naglaho
Ngunit pagibig ko'y di nawala."

Nakakapagod din pala minsang itago 'tong nararamdaman ko. Pero s'yempre, magpapahinga lang ang puso ko. After that, balik sa dati. Mamahalin ka ng lubos.

"Kung pinagtagpo tayong dalawa'y para sa isa't isa, at kung nasabi ko bang lahat noon ay may magbabago ba? Sa aking bawat paghinga dalangin ay kapiling ka. At kung ito na ang huli. Nais kong malaman mo na..."

Mahal kita, Yana.

Mahal na mahal kahit hindi mo ramdam.

Kahit 'di mo napapansin.

Kahit gaano pa katagal ang hihintayin ko.

Mahal kita Yana.

Mahal na mahal.

Nawala lahat ng iniisip ko nang matapos ang pagtugtog namin sa unang kanta. Maraming nagpalakpakan sa audience. Doon ko lang napansin na hindi na mabilang ang mga naka-upo sa mga upuang nasa tapat mismo ng stage namin. Maraming nanuod samin at maraming manunuod pa dahil marami pang nagdadatingan.

Napangiti kaming apat sa isa't-isa.

"Looks like we're successful in the first song," nakangiting sabi ni Jen.

***

Muli kaming nagpakilala sa audiences dahil kaunti lang naman ang naka-usap namin kanina. Request pa sila nang request kaya naman kinanta na namin ang sunod naming kanta.

Kung ako na lang sana.

Isa pa 'tong kanta na 'to. Tagos din sa akin. Gano'n ba talaga kapag naranasang ma-inlove pero nasasaktan at the same time? Lahat ng kanta pakiramdam niya relate siya? Kasi kung gano'n nga, perfect example ako do'n.

"Heto ka na naman, kumakatok sa'king pintuan. Naghahanap ng makaka-usap. Andito naman ako, nakikinig sa mga k'wento mong paulit-ulit lang, nagtitiis kahit nasasaktan."

Naaalala ko pa noon, sa bawat album na irerelease ng BTS, sa akin niya kinukwento kung bakit kailangan niyang mabili 'yun. Sa tuwing may bagong labas na bagong edition ng BT21 stuff toys, uulit-ulitin niya akong pipilitin. Kahit ayaw ko, wala akong magawa kung 'di makinig sa kaniya.

"Ano nga bang meron siya, na sa akin ay 'di mo makita."

Ang sakit naman ng linya na 'to. Ano nga bang meron kay Jimmy? Dahil ba matangkad siya? Kahawig ni Jimin? Dahil ba g'wapo siya? Kaya ba hindi niya ako mapansin ay dahil hindi ako kasing tangkad ni Jimmy? Dahil hindi ko kahawig si Jimin? Dahil ba hindi ko kasing g'wapo si Jimmy?

"Kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di ka na muling mag-iisa, kung ako na lang sana ang 'yong minahal, 'di ka na muling luluha pa. 'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba."

Kung nasabi ko kaya kaagad sa'yo itong nararamdaman ko, mamahalin mo kaya ako ng tulad o mas higit sa pagmamahal mo kay Jimmy? Mamahalin mo kaya ako ng buo? Magiging parehas ba tayo ng tingin sa isa't-isa? Kung sana, ako na lang 'yung minahal mo. Kaso paano nga mangyayari 'yun, eh hindi mo nga ramdam na mahal kita.

"Narito ang puso ko, naghihintay lamang sa'yo."

Kahit ilang taon pa 'yan, hihintayin kita. Kung gusto mo, na pagkatapos na nating makapag-aral, o kaya kapag may trabaho na tayo ayos lang sa akin. Kung kailan ka na handa. Nandito lang naman ang puso ko, habang-buhay na maghihintay para sa puso mo.

Ang daming sumasabay sa kanta namin. Marahil tulad ko, relate rin sila sa kanta. O kaya naman ay nagagandahan lang sa kanta dahil sa beat at tono nito. Ang daming pumapalakpak, kaya naman tuwang-tuwa si Jen dahil mukhang sisikat kaagad ang banda namin sa campus.

After nitong group performance namin, kakanta na kami ng solo-solo. Pero ba 'yun, nagkwento muna kami ng mga tungkol sa amin. Naglaro kami ng kaunti para naman mas makilala kami ng mga audience namin na mukhang soon to be fans namin dahil napuno na ang mga upuan. Ang iba nga ay nakatayo na.

"Naisip naming gumawa ng banda three years ago pa. Grade 12 at magkakaklase kami no'n. Pero dahil emergency, kinailangan naming umalis ng bansa at naiwan dito si Juo sa Pinas," pagkukwento ni Jen kaya napa-'aww' ang lahat ng audience. Natawa naman ako dahil do'n. "Nagkaro'n kami ng sariling banda sa UK, which is 'yung Armies. Naging viral ang mga videos namin, pero tinigil namin ang pagkanta after our pianist, Yana, suffered from depression."

"...but here, we're back as Sunshower. At makaka-asa kayo na magiging worth listening ang lahat ng kanta namin. Dahil diyan, may mga solo original songs kaming kakantahin para sa inyo ngayong hapon," sabi ni Jen.

Namangha 'yung iba dahil may mga original songs na kami. Nagpalakpakan sila kaya iniwan na namin si Jen sa gitna ng stage dahil siya ang unang magsosolo performance.

Ang kanta niya, pinamagatang 'Bula'.

--

An : Hanggang sa Huli by SB19 and Kung Ako Na Lang Sana by ...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro