Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34 - Most popular girl

Chapter 34 - Most popular girl


























"I tour mo naman ako sa school na 'to," pamimilit sa akin ni Bal. "Gusto kong malaman kung may mas g'wapo rito kaysa kay Aiden," sabi pa niya. Aiden is kuya Denden.

"Kung gusto mong itour kita para makahanap ng mga g'wapong lalaki, hindi ako magaling diyan dahil wala naman akong kakilala. Si Phoebe ang lapitan mo," sabi ko sa kaniya habang nakikinig sa professor namin sa calculus. Minsan lang din ako magtake notes, kapag may naintindihan lang ako sa sinasabi ng professor.

"Sino si Phoebe?" Tanong ni Bal. Ang dami niyang tanong simula nang dumating siya. Sa akin kasi siya itinabi ni Ms. Zaragosa dahil sa tabi ko may vacant seat. Si Kisha naman, nasa tabi ni Nomi.

"Bal, mamaya na tayo mag-usap. Wala kong maintindihan sa tinuturo ni Sir," I said. Hindi naman na siya ulit nagsalita at nakinig na lang din.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa gawi ni Kisha dahil may nagbubulungan sa parte na 'yon ng room na sobrang agaw atens'yon. Napalabas tuloy sila ng room ng professor. Nagtama ang mga tingin namin ni Kisha kaya ngumiti siya sa akin. It's almost 9 years, kilala pa rin niya ako.

The school bell rang kaya huminto sa pagsasalita si Prof. Dore. "We'll continue the discussion tomorrow. Class dismissed," aniya bago niya ayusin ang folders and papers na nasa table at nauna na siyang lumabas ng room.

"So sino nga ulit si Phoebe?" Tanong sa akin ni Bal.

"Most popular girl in the campus," sabi ko kaya mukhang namangha siya. "Marami siyang kilalang lalaki rito sa CH, marami na kasing nabukakaan," dagdag ko pa kaya nawala ang amusement niya kay Phoebe, bagkus hinampas niya ako sa balikat kaya napadaing ako.

"Ang baboy mo naman," aniya bago isukbit ang bag. "Pero sige na kasi, itour mo na ako sa campus. Meron tayong 50 minutes bago ang next subject," pagpupumilit pa niya.

"Wala naman akong magagawa 'di ba?" Tanong ko sa kaniya kaya malaki ang ngiti niyang tumango.

"Can I come?"

Sabay kaming napalingon ni Bal sa nagsalita.

"Kisha," wika ko.

"Juo. It's been, 9 years I guess? Dito lang pala ulit kita makikita," nakangiti niyang saad habang nakasukbit sa braso ang bag niya.

"Magkakilala kayo Bal?" Tanong sa akin ni Bal kaya tumango ako habang nakatingin pa rin kay Kisha.

"Yes. Apparently, close friends kami no'ng grade 6," walang emos'yon kong saad. "And an enemy when I was in grade 7," dagdag ko.

"Don't bring up the past, Juo," nakangiti pa ring sabi ni Kisha sa akin. "Forgive and forget. So, may I come with you? Narinig kong itotour mo itong si France," aniya.

"Francheska," pagtatama ni Bal sa kaniya.

"Whatever," walang pakialam na saad ni Kisha kaya halatang nabad trip si Bal sa kaniya. Hindi naman inaalis ni Kisha ang tingin sa akin. May masama akong kutob ngayong nakita ko ulit si Kisha. Alam kong may galit siya sa akin dahil sa nangyaring away sa pagitan namin noon. Pero ang weird na parang wala lang 'yon sa kaniya?

Nagmature na ba siya kaya gano'n?

"Bal, 'wag mo na pala akong itour. Kaya ko na mag-isa. Tour mo na lang 'yang Kwek-kwek na 'yan," wala sa mood na sabi ni Bal. Halatang nagulat si Kisha dahil sa sinabi niya.

"It's Kisha," pagtatama nito.

"Whatever," panggagaya naman ni Bal sa kaniya.

Aalis na sana si Bal pero agad ko siyang hinatak... sa buhok. "Aray ha! May galit ka ba Bal?" Tanong niya sa akin kaya natawa ako. Binitiwan ko ang buhok niya bago ko siya hawakan sa braso.

"Sorry Kisha, pero may iba pa kaming lakad after namin magtour sa campus. Maybe next time," pinilit kong ngumiti kahit med'yo plastic.

"Try mo magpatour kay Phoebe. Mukhang parehas kayong maraming nabukaka---" tinakpan ko ang bibig ni Bal bago ko siya hatakin palabas ng room at iwan si Kisha sa loob. Tinanggal naman kaagad niya ang kamay ko pagkalayo namin sa room. "Ang baho naman ng ugali niyang Kisha na 'yan," agad niyang sabi habang naglalakad kami sa corridor.

"'Wag mo na lang pansinin," wika ko habang nakatingin sa mga nakakasalubong kong ngumingiti sa akin. Hindi ko sila kilala, pero mukhang sila kilala ako. "Bal, may alam ka ba sa plano ni Jen na dito buuin ang banda?" Tanong ko.

"Oo. Kaninang umaga lang niya sinabi na nagpareserve na siya ng slot dito sa campus para sa banda natin. Ang bilis nga e. Tapos ang nalaman ko na lang kanina sa kaniya, sa makalawa na tayo tutugtog sa grounds," Bal said causing me to stop from walking.

"Sa makalawa?"

"Oo bakit? Hoy. Maglakad ka nga. Para kang shunga," sabi niya bago ako hatakin at maglakad. "Itotour mo ako 'di ba?" Aniya pa niya.

"Last question. Ikaw lang ba ang nagtransfer dito sa CH?"

"Lahat kami actually," she giggled. "Sinundan ka talag namin," she added.

"Ibig sabihin nandito rin si Yana?"

"Oo nga. Lahat nga kami 'di ba? Pajulitjulit," sabi niya na parang bakla.

"Sila Alas, Bixby? Si Jimmy? Dito na rin ba nag-aaral?"

"Akala ko ba last na tanong na 'yung kanina?"

"Sumagot ka na lang. Iligaw kaya kita rito," pagbabanta ko sa kaniya.

"Ito naman. Mainitin ang ulo," sabi niya bago isukbit ang braso niya sa braso ko. "Wala sila rito. Sa ibang school sila nagka-ayaan na mag-aral. Ang alam ko sa Southern Academy. Pero not sure. Itour mo na nga ako," she demanded.

I felt I relieve.

Wala si Jimmy.

May chance na ba ako?

***

Wala.

Wala akong chance.

Kahit na nasa iisang university na lang kami ni Yana, wala siyang ibang ginawa kundi ang ichat si Jimmy, tawagan o kaya naman ay ivideo call ito habang magkakasama kaming naglulunch kanina.

Nauna ko ng tinour si Bal sa campus. Pero sumama pa rin siya nang itour ko sila Jen, Yana at Yara. Akala raw nila ay maliit lang ang school. Ang hindi nila alam, malawak sa loob at maraming p'wedeng paglunggaan kapag ayaw mong pumasok sa klase. 'Yun nga lang para sa mga tulad kong Mathematics ang puhunan ng course, kailangan kong pumasok at all times.

"Hey Juo Salev na bading. Ang dami mo namang new friends. Ano 'yan? May girls party ba kayo mamaya? O nagbabalak kayong pumitas ng mga lalaki rito sa university?"

Biglang dumating itong si Phoebe, at kasama niya si Kisha. Ang galing naman. Nagkamabutihan na silang dalawa kahit first day pa lang ngayon ni Kisha sa university. Tingin ko magiging good term sila dahil parehas sila ng ugali.

"Sino naman 'yan?" Bulong sa akin ni Bal.

"Kisha's sister. I mean, not biological," sagot ko.

"I get it," nakangising saad ni Bal.

"Aba, 'di ko gusto tabas ng bunganga nitong isang 'to," sabi ni Jen. Inangat na niya ang mangas ng blouse niya pero pinigilan ko siya bago pa siya magtransform bilang isang lalaki. Ang lakas pa naman manuntok nito. Baka first day pa lang magkaro'n na agad sila ng bad records sa guidance.

Tumayo ako.

"Guys, naaamoy niyo ba 'yun?" Suminghot-singhot pa ako ng kaunti.

"Oo Juo, amoy na amoy ko," tumayo si Bal at nakisinghot din. Napasinghot tuloy maging si Yara, Yana at Jen. Pati sila Phoebe at Kisha suminghot din. "Amoy laspag na pempem," ani Bal kaya natawa siya na parang walang bukas.

"Let's go girls," nagkunwari akong bakla bago tumalikod at hinatak si Bal. Sumunod naman kaagad 'yung tatlo sa amin. Naiwang speechless si Phoebe pero si Kisha tawa ng tawa. Halatang alam nila kung sino ang pinatamaan namin.

"Ang galing mo Juo!" Tawang-tawang sabi ni Bal sa amin nang makapunta kami sa open field ng campus. Vacant pa rin namin dahil may emergency meetings ang mga teachers sa lahat ng department. Ang alam ko hanggang uwian na 'yon.

"Mas magaling ka Bal. Kambal talaga tayo, parehas ng naiisip," sabi ko.

"Pero sino ba 'yun?" Tanong ni Yana sa'kin kaya napahinto ako sa pagtawa.

"That's Phoebe. May gusto sa'kin 'yon. Kaso I rejected her kaya naging masama ang pakikitungo sa'kin," pagkukwento ko. "Don't mind her," dagdag ko pa.

"Eh 'yung kasama niya? Mukhang kilala ka e. Iba 'yung tingin niya sa'yo. May pagkagat-labi pa ngang nalalaman," sigang tanong ni Jen.

"Si Kisha? Grade 6 friend ko 'yun slash, grade 7 mortal enemy. Ewan ko ba do'n, parang nakalimutan niya na magka-away kami," sabi ko. "By the way, paano mo napareserve ng slot ang banda natin dito sa school?" Pag-iiba ko ng topic.

Malilim sa p'westo namin dahil nakatambay kami sa isang malaking puno. Nagkasya kaming lima rito. Mula rito, tanaw ang tatlong naglalakang buildings ng school. Iba't-ibang departments 'yon.

"Simple lang. Tito ko 'yung Dean," proud na sabi ni Jen kaya napatingin ako sa kaniya. Mukhang ako na lang ang hindi nakaka-alam ng tungkol dito.

"Sabi ni Bal sa makalawa raw tayo kakanta sa grounds. Mismong student's day 'yun ah," sabi ko bago napatingin kay Yana. Nagtytype pa rin siya sa cellphone niya hanggang ngayon. Nakangiti kaya for sure si Jimmy ang kachat niya. Napakuyom na lang ako ng kamao dahil naiinggit nanaman ako.

"Yes. Sinakto ko talaga sa student's day para makapagperform tayo live," wika ni Jen.

"Magpapractice ba tayo?" Tanong ni Yara.

"Ang tanong, anong kakantahin natin?" I asked.

Napangisi naman si Jen. "I composed a bunch of songs. Nagawan ko na rin ng tono. You also have yours, right Juo? So keep it para sa solo performances. And yes, we'll practice," sunud-sunod na sabi ni Jen.

"What the---may solo performances pa? Hindi naman ako marunong kumanta," pag-angal ko.

"You are. You will," nakangiting sabi ni Jen kaya napahawak na lang ako sa sintido ko.

"Juo."

That voice. Ang sarap sa pakinggan kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko.

"Yana?"

"Gusto ka raw maka-usap ni Jimmy after class, if you're free raw," nakatingin si Yana sa akin habang sinasabi 'yon.

"Bakit daw?" Tanong ko.

"May sasabihin daw siya sa'yo. Sa Sediento raw. 4 pm," dagdag pa niya bago muling magtype sa cellphone. "Are you coming?" Tanong niya sa akin. I just nod before she continued typing.

Ano namang sasabihin ni Jimmy sa'kin?

Iinggitin niya ako?

No way.

'Cause I already did.

--

An : Hindi natuyot ang utak ko sa story na 'to. I'm really, inspired, just to read her name. I really miss her. Sad layf :( lmao.

Don't forget to vote and comment! <3

      : This chapter is dedicated, again, but in her new account dahil maingay siya ngayon sa comment section xD, Avrina_Laire02.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro