Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33 - It hurts, isn't?

Chapter 33 - It hurts, isn't?





























Hindi ko halos maubos 'yung pagkain sa harapan ko dahil sobrang higpit nang hawak ko sa utensils. Nakaka-ilang subo pa lang ako pero nawalan na agad ako ng gana kumain dahil sa buong pamamalagi namin dito sa restaurant na kinainan namin, nakatingin lang ako sa kila Yana at Jimmy na nakangiting nagsusubuan ng pagkain.

"Easy Juo. Kaibigan ka lang," panunukso ni Jen sa akin. Katabi ko ulit siya, at nasa harapan niya si Alas na hands-on sa kaniya. Wala akong katapat dahil ako lang naman ang single rito.

If only Yana is single too.

"Sayang 'yang pagkain mo oh. Hindi mo pa halos nagagalaw. Baka naman gusto mong tikman 'yung sushi nila, ang sarap kaya," sabi ni Jen habang enjoy sa pagkain niya ng sushi. "Kung ayaw mo, p'wede bang sa'kin na lang?" Dagdag pa niya kaya binigay ko sa kaniya 'yung sushi na nasa pinggan ko at hindi ko pa nababawasan.

Nakatingin lang ako sa nakangiting si Yana.

Kung naging kami kaya, ngingiti rin siya ng ganiyan kasaya sa'kin?

Hindi namin nasakyan lahat ng rides sa Enchanted Kingdom dahil maraming taong nakapila sa bawat rides. Sa Carousel nga lang yata halos walang pila dahil puro bata ang nando'n. Nakakatawa lang na sumakay lahat ng babae roon at parang mga batang nakipag-unahan sumakay.

Ang sama nga ng tingin ng mga magulang sa kanila dahil imbis na mga anak ang nakasakay, mga feeling bata ang naka-angkas sa mga kabayo.

Inabutan kami ng pagsasara ng Enchanted Kingdom. Ilang oras kaming nakapila sa Rio Grande. 'Yun na ang huling sakay namin dahil basa kaming lahat. Well, p'wera kay Bal na sobrang s'werte at hindi man lang nabasa sa ride na 'yon. But, hindi siya nakaligtas sa amin dahil binasa namin siya pagbaba sa Rio Grande.

I think it's 9 pm nang mag-announce ang EK for their fireworks display kaya naman nagpunta kami sa kung saan namin ito makikita ng mas maayos. It lasts for 10 minutes. Tuwang-tuwa silang lahat. Well, I enjoyed it, but not as much as they are. Sobrang memorable ng EK sa'kin ngayong araw dahil nalabas ko rin 'yung sakit. Through rides, through shouting and crying in public place.

Minsan, mas okay din pa lang umiyak sa lugar na maraming tao, pero s'yempre hindi dapat mahalata. 'Yun kasi 'yung maganda kapag sa maraming tao ka umiyak, hindi ka mapapansin dahil hindi lang ikaw ang tao sa lugar na 'yun.

"Juo, uuwi na yata 'yung karibal mo," sabi sa akin ni Jen kaya napatingin ako kay Jimmy na tumayo na at kumiss sa pisngi ni Yana.

As a short-tempered guy, hindi ko napigilang ihampas ang kamao ko sa lamesa. Umalog tuloy 'yung lamesa at natapon ang tubig sa akin. "Excuse me," madiin kong saad bago tumayo, hindi ko inaalis ang tingin ko kay Jimmy. Alam kong wala akong karapatan na maging ganito, pero masaya akong malaman na hindi pa rin ako manhid.

"Pare, una na ako," nakangiting sabi ni Jimmy sa akin pero hindi ko siya pinansin. Itinaas pa nga niya ang dalawa niyang kamay na para siyang sumusuko, pero dinaanan ko lang siya at dumiretso sa banyo.

I cursed so hard. Buti na lang at walang tao sa banyo ngayon.

Tumingin ako sa repleks'yon ko sa salamin.

How long will I be in this situation?

Naghilamos ako para mabawasan ang inis, at inggit, na nararamdaman ko. Tumingin akong muli sa salamin at doon ko na lang namalayan na sinuntok ko pala ang pader na katabi ko mismo. Sa oras na 'to, naging manhid na ang pisikal kong sistema. Hindi ko nga naramdaman na dumudugo at namamaga na pala ang kamao ko.

Hinugasan ko iyon, at hindi man lang napangiwi kahit na mukhang masakit ang natamo ng kamao ko.

Lumabas ako ng banyo, nakasalubong ko pa si Alas na papasok dito. Umupo ako sa upuan ko. Tapos na ang lahat kumain at mukhang hinihintay na lang ako. Pero si Jen, kumakain pa rin ng halo-halo at napatingin sa kamao ko na pinatong ko sa lamesa. Hindi man ako nakatingin sa kaniya, alam kong nagulat siya sa nakita dahil hinawakan niya ang braso ko.

"That hurts," seryoso niyang sabi. "It won't help you Juo. Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo," sabi pa niya kaya napatingin ako sa kaniya. Lumayo siya ng kaunti at halatang natakot. I don't know kung anong itsura ko ngayon, pero mukha siguro akong baliw ngayon kaya napalayo ng kaunti si Jen at natakot.

Buti na lang at wala si Alas.

"I don't care if this hurts. What matter is what I feel. And hell yeah, this fucking heart hurts a lot. Every. Single. Minute," madiin kong sabi. Suminghap ako bago napatingin kay Yana na kausap si Yara sa kabilang table. Nagtatawanan sila.

"Gusto ko ng umuwi," mahinahon kong saad habang nakatingin kay Jen.

***

"I'm sorry," I sincerely said.

"Para saan?" Tanong ni Jen sa akin habang nagtatanggal ng suot niyang rubber shoes. Ito ang unang beses ko na pumunta sa bagong bahay nila Jen. And it's near to our campus.

"Para kanina. Alam kong natakot kita," napayuko ako at tinitigan ang kamao kong namamaga pa rin. Naka-upo ako ngayon sa sofa nila Jen. Tulog na ang lahat. Si Kuya Denden hinatid si Bal sa bahay nila. Si Yana naman kasabay ni Yara. Hinatid sila ni Bixby. Si Alas naman may lakad pa kaya sa akin na sumabay si Jen.

"Wala 'yun. Nakakatawa ka kaya kanina," sabi pa niya bago sumandal sa kaharap kong sofa at yakapin ang square pillow na nakapatong kanina roon.

"Bakit naman?"

"Sinaktan mo ang sarili mo, isn't funny?"

"Paano naman naging nakakatawa 'yon?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Ayaw mo sabihin kay Yana na mahal mo siya. Pero sa mga ginagawa mo, baka naman makahalat na si Yana. Kung alam mo lang kanina. No'ng ihampas mo 'yung palad mo sa table, nakatingin siya at tinitingnan ka na para bang nawiwirduhan sa'yo," ani Jen bago humikab. "Tapos, no'ng pumunta ka sa banyo, lumapit siya sa table namin at tinanong kung may problema ka ba raw."

"Tinanong niya 'yun?"

Tumango si Jen bago tumango ulit. "Pero mukhang alam naman niya kung bakit e."

Bigla akong kinabahan. Ayoko pang malaman niya. Baka kasi masaktan lang siya kapag nalaman niya. Baka lumayo siya kapag nalaman niya. Baka magbago ang tingin niya sa akin. Alam kong magulo ako, minsan gusto kong malaman niya, pero hindi ganito kaaga. I'll tell it sooner. Pero hindi pa sa ngayon. Hahanap ako ng magandang tyempo. Sana meron.

"A-alam niya?"

"Sabi niya nagka-usap daw kayo kanina sa EK. Sinabi mo pala sa kaniya na may babae kang gusto three years ago pa. Muntik na nga akong madulas kung hindi lang niya sinabi sa akin na naaawa siya sa'yo dahil may love issues ka pala. Akala ko alam niya na siya ang tinutukoy mo. Pero luckily, hindi ko nasabi sa kaniya. Don't worry. I'll keep quite. Isa pa, wala akong karapatan para sabihin sa kaniya. You're the only one who's in the right position to tell her."

Nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya.

"Maiba nga ako. Sumusulat ka ba ng kanta?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako. I used to write songs before. Noong mga araw na sobrang null ng buhay dahil kakaalis pa lang nila Yana sa Pilipinas. "That's good. At least hindi lang ako ang composer sa banda."

"Itutuloy ba talaga natin 'yung banda?"

"Bakit? May problema ba?"

Umiling ako. "Wala naman. Pero saan naman tayo tutugtog?"

She didn't answer, pero ngumisi lang siya na nagsasabing may maganda siyang plano, at wala siyang balak sabihin sa akin 'yun.

***

Ang gulo ng campus ngayon. Lahat sila nasa bulletin board ng Cessation High. Doon nakalagay ang mga announcement, guidelines at publication ng school. May kung ano silang pinagkakaguluhan do'n kaya nakisingit ako.

"The Masks, dissolved. Sunshower, arrived," pagbasa ko sa isang page ng school paper na nakapin sa bulletin board.

Lahat ng estudyante napatingin sa akin. I know I'm not too famous, pero kilala ako ng halos lahat dahil m'yembro ako ng The Masks noon. Pero ngayon, hindi ko alam kung maiinis ako dahil lahat sila tinitingnan ako.

"S'ya 'yung member ng the Masks 'di ba? Pero ngayon member na siya ng Sunshower?" Dinig kong bulungan ng mga babae sa likuran ko.

"Ang galing talaga niya. Balita ko, violinist siya sa bagong banda sa school. Ang dami talaga niyang kayang gamitin na instruments," sagot ng kausap niya.

"Sanaol," saad ng isang babae na mula sa Junior High na narinig ang pinag-uusapan ng dalawang babae. Lumapit ito sa akin at nag-hi kaya nag-hello ako sa kaniya kahit hindi ko siya kilala. "I'm Midori. And I can read your thoughts."

Napatingin ang lahat sa kaniya. Another weird student.

"I'm not weird. Just passing by. Bye!" Aniya bago naglakad at lagpasan ako.

Napatingin ulit ako sa bulletin board.

So this is Jen's plan?

***

"There are new transferee students in this school year. Since ang section na ito ang pinakakaunti, dito sila inilipat ng Dean. Please welcome them," sabi ni Miss Zaragosa, ang Adviser ng department namin.

Pumasok ang dalawang bagong estud'yante na magiging kaklase namin for this semester. And I can't believe na nandito sila sa school na pinag-aaralan ko ngayon.

"Please introduce yourselves," sabi ni Miss Zaragosa.

"Hi, my name is Francheska Maganda. I mean, Magana. Please be nice to me," nilibot niya ang paningin niya sa buong class room at nakita niya ako. Napangiti naman siya sa akin at kumaway pa kaya ngumiti rin ako sa kaniya ng alanganin at kumaway.

"Ikaw 'yung transferee na makikiseat-in muna rito habang inaayos 'yung classroom ng mga Architecture students right?" Tanong ni Miss Zaragosa kaya magalang na tumango si Bal.

"Hi, my name is Kisha Nombrelle. Bagong lipat lang ako rito kaya nga ako transferee, so please be kind," aniya. And that's when I confirmed who she is. Kanina pamilyar lang sa akin ang mukha niya, pero ngayon, alam ko na kung sino siya.

Nilibot niya rin ang paningin niya sa room.

Nagtama ang mga mata namin at base sa ngiti niya, nakilala niya rin ako.

Kisha.

--

An : for those who reads Precognition, yes, that's Midori, Niana's kalog friend. May soon story din siya na kabilang sa sixth-sense saga. So stay tuned! <3

      : also, this chapter is dedicated to a new friend (and an awesome writer for me) shicekizean. Try her works, it's worth reading.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro