Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3 - Strawberry Cake

Chapter 3 - Strawberry Cake























This is the most stressful day of my life.

Kanina pa ako umiikot-ikot sa buong SM, Robinson, at Vista Mall. Hindi ko na nga mabilang kung ilang branch na ng SM at Robinson ang napuntahan ko dahil inabot na ako ng gabi para lang mahanap 'yung regalong sure ako na wala pa si Jen.

After no'ng gabi na naalala kong may isang linggo na lang para sa birthday ng isa sa mga kaibigan ko, agad kong hinanap sa calendar ng k'warto ko 'yung date next week na naaalala and that's November 21.

Palagi kasi akong nagtatake notes ng mga dates dahil hindi naman ako magaling sa memorization at palagi akong out dated. Pero I don't know, I never forgot my friend's birthdays pero nakakalimutan ko kung kaninong birthday.

Pagkatapos no'ng gabi na may nagpabebeng matandang babae na nag-iihaw, at pagkatapos kong malaman na si Jen pala 'yung may birthday next week, sobra akong nastress.

Jen is not amused with simple things. I mean, minsan kasi mas gusto niya na simple 'yung mga bagay na ibibigay sa kaniya pero elegante. Hindi ko ma-explain dahil magulo siya sa buhay niya at mas'yadong metikuloso. Perfectionist kasi.

"Kuya, kanina ka pa nakatulala. Bibili ka ba o tititigan mo lang 'yang mukha ni Taehyung?"

Napatingin ako sa isang sales lady. Halatang bored na bored na ito at sobrang tagal ng naghihintay dahil nakastanding in one leg na siya. Panay irap at palatik na rin siya kaya napatingin ako sa orasan.

Halos thirty minutes na pala akong nakatayo sa display na 'to at nag-iisip kung bibilhin ko ba ito o hindi na dahil tingin ko meron na si Jen nito.

Isa 'tong all packed bedroom accessories na napuno ng mukha ni Taehyung. From bedsheet, punda ng unan, may kurtina pa nga at tsinelas na may mukha niya. Napa-isip nga ako na baka kung bilhin ko 'to hindi niya gamitin 'yung tsinelas, maiisip lang niya na baka tinapakan niya 'yung iniidolo niya.

But I'm sure that she will use the bedsheet and the pillow na may punda ng mukha nitong Taehyung na 'to. The idea of her na nakahiga siya sa tabi no'n at nayayakap niya, baka maihi pa sobrang kilig 'yung babae na 'yon.

"Sir, kung nababading ka d'yan sa lalaki sa picture na 'yan, p'wede ba lumayas-layas ka na lang dito? G'wapo ka pa naman sana kaso mukhang nabading ka lang sa picture," masungit na saad nung sales lady.

"You know what? Sales lady ka ba o bugaw?" Inis na saad ko rito pero nagflips hair lang ito ng dalawang beses.

"Sir, sales lady ako. Hindi ba halata sa suot ko?" Aniya habang nagpose pa. Ngumuso siya pagkatapos ay nilagay sa bewang ang dalawang kamay. Pinaglapit niya ang dalawa niyang siko bago tumodo ang nguso.

Gusto ko sanang kuhain 'yung vase na katabi ko at ihambalos sa mukha niya kaso nakita ko kung gaano kamahal 'yung vase. She's not even worth it for the elegant vase.

Hindi ko na lang siya pinansin at nilagpasan habang nakapikit siya at nanatili sa gano'ng pose. Maya-maya lang napahinto ako dahil sa narinig kong boses babae na para bang galit na galit at nag-aalburoto.

Paglingon ko sa likuran ko, nakita ko 'yung sales lady na nabahag 'yung buntot at todo sorry sa babaeng kaharap niya.

"ANNY! Isang linggo ka pa lang dito sa store kung anu-anong kagagahan na 'yang ginagawa mo!? Anong pose 'yan? Ang panget holyshemayness!" Galit na saad no'ng babae na sa tingin ko manager base na rin sa suot niya na iba sa lahat ng sales lady.

"Sorry na ma'am. Hindi na po mauulit--"

"Hindi na talaga! Gaga ka! Ganito kasi ang tamang pose," ani ng manager tapos bigla s'yang ngumuso. Nakapikit ang isa niyang mata at nakadilat naman ang isa.

Hindi ko na tiningnan pa ang sunod na ginawa nung manager. That thing sucks. Pero alam ko sa sarili ko kung anong ginawa niya. Hinawakan niya 'yung part ng dibdib niya na para bang sinasabi niyang, "ang laki ng boobs ko. Mainggit kayo."

Hayuf.

In the end, uuwi ako sa bahay ng walang kahit anong dala.

Ang hirap talaga mag-isip ng kung anong magandang ireregalo sa kanila. S'yempre magreregalo ka na lang din, dapat 'yung worth it na at 'yung sure na matutuwa sila. 'Yun bang p'wede na silang mamatay dahil nakuha na nila 'yung regalo na panghabang buhay na nilang ikatutuwa.

Which is sobrang hirap hanapin dahil pakiramdam ko lahat ng bagay na nakikita ko sa SM, Robinson at sa Vista Mall ay nabili na nila. Especially 'yung mga BTS merchandises and albums.

Ewan ko ba. Pakiramdam ko, they will not appreciate those gifts na walang resemblance sa BTS. Nahihirapan tuloy ako.

Kapag ako nainis.

'Di ko na siya bibilhan ng regalo.

Nagutom ako kaya naman bumaba ako sa isang cafè na malapit. Pinark ko 'yung kotse ko sa tabi ng cafè at agad na pumasok dahil ramdam ko na 'yung gutom ko sa buong sistema ko.

"Sir, sweetness level po?" Tanong nung babae sa counter.

"Medium," wala sa sarili kong saad. Hindi ko alam kung dulot ba ng gutom kaya gano'n 'yung nasagot ko o baka dahil sa ingay na nagmumula sa mga kotse na dumadaan sa labas ng cafè.

Napakunot 'yung noo ng babae.

"Fifty percent, sir?" Tanong niya kaya tumango na lamang ako. "That's a hundred seventy-five sir," aniya.

Tumango ako. "Oo 'yan lang," muli kong sagot kaya naman napakunot siyang muli ng noo.

"Sir, isang daan at pitung-pu't limang piso po," madiin nitong sabi kaya agad akong naglabas ng limang daan. Inabot ko agad sa kaniya ito. Um-order na rin ako ng isang slice ng caramel cake. "Sir Dine in po ba?"

"Aba malamang. Gusto mo bang kainin ko 'yang in-order ko sa labas kung p'wede naman dito sa loob?" Iritado kong saad.

"Chill sir. Hindi naman kita inaano," sabi ng babae tapos tinaas pa niya 'yung dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Here's your change sir," nakangiti nitong sabi tapos may inaabot na pera sa akin.

"Keep it," walang gana kong saad bago umupo sa upuang nakadikit at katabi mismo ng bintana.

Nakamasid lang ako sa labas ng bintana, sinusundan ng mga mata ko ang bawat sasakyang dumaraan. Nawala ang tingin ko sa mga kotse nang may marinig akong bata na nakikipag-usap sa nanay niya.

"Sure ka ba anak?" Tanong ng matandang babae sa isang batang lalaki.

"Opo. Tubig lang. Nauuhaw lang po talaga ako," aniya ng batang lalaki pero halata sa mata niya na takam na takam sa mga nakikita niya sa glass display. Maya't-maya rin ang paglunok niya kaya sure ako na gusto talaga niya 'yung nakikita niyang cake displays.

"Pasen'sya ka na anak ha, hindi pa kasi binibigay ng amo ni mama 'yung sahod niya," nakangiti pero malungkot na wika ng matandang babae sa anak niya.

A sudden flashback came to my mind that I really missed dahil sa scenario na 'yon.

"Ma, kahit 'wag na po tayo kumain diyan. Meron naman pong fishball at kikiam sa labas. Ang mahalaga po, nakabili ako ng damit ko. At! Nakabili ka na rin sa wakas ng lipstick mo," masaya kong saad habang pababa kami ni Mama ng escalator.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Hayaan mo. Kapag med'yo nakaluwag na ako, kakain tayo sa Jollibee," sabi niya habang ginugulo 'yung buhok ko.

Nakangiti lang ako no'n. Hanggang sa namalayan ko na tapos na 'yung birthday ko. Sobrang saya ko to the point na nakalimutan kong hindi normal na araw 'yon, dahil birthday ko 'yun. A memory that I want to bring back everyday. Dahil sobrang saya ko sa mga panahon na 'yon at sobrang ignorante sa lahat. Innocent and simple.

Napatingin tuloy ulit ako sa bata na nasa counter. Gustong-gusto talaga niya na matikman 'yung strawberry cake na nasa glass display.

Tumayo ako at lumapit sa mag-ina. Tumabi pa nga sila dahil akala nila oorder ako. But I smiled and put myself as low as the height of the kid.

Tumingin siya sa mata ko. Napahawak siya sa palda ng mama niya na akala mo'y aagawin ko siya mula sa nanay niya.

"Gusto mo ba ng cake?" I said in to my most friendly way.

Umiling ito. Pagkatapos ay tumango.

"Pick anything you want, sagot ko na," nakangiti kong saad.

"Nako nako! 'Wag na po," agad na tanggi ng mama niya.

"Ayos lang ho. Mukhang gustung-gusto ho talaga nitong anak niyo na tumikim ng cake," nakangiti ko pa ring sabi. Tumingin ako ulit sa bata. Tinuro niya 'yung strawberry cake na kanina pa niya tinitingnan. "You want that?"

He nod.

"Isang slice nito tsaka isang Lemon Juice," sabi ko sa counter. "Ikaw ho 'nay? May gusto ka ho ba?" Tanong ko sa matandang babae. Umiling lamang ito at ngumiti.

"Maraming salamat ijo. Sobrang bait mo. Ayos na ako, basta ang anak ko makakain ng masarap," aniya habang hinahawi ang buhok ng anak niya na sobra ang ngiti hanggang sa makain na niya 'yung strawberry cake.

Sinusubuan din niya 'yung nanay niya kaya naman nakangiti rin ako habang kinakain 'yung pagkain ko pagbalik ko sa table ko.

This scenery will always be the best.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro