Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27 - Ache

Chapter 27 - Ache


























"Boyfriend ni Yana."

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman sa mga oras na 'to. Sobra akong nagulat sa bagay na nalaman ko kaya hindi ko napigilan ang sarili kong lumabas ng k'warto. Narinig ko pang tinawag ni Yara ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.

Boyfriend ni Yana.

"Juo!" Narinig kong sigaw ni Jen mula sa likuran ko. Tumatakbo siya habang ako mabilis na naglalakad papuntang elevator ng ospital. "Juo sandali!" Aniya pa kaya huminto ako at hinarap siya. Nagulat siya ng kaunti dahil sa biglaan kong paglingon.

"Jen... bakit hindi mo sinabi?" Mahina pero may diin kong saad. Hindi ko mapigilan magalit, hindi para kay Jen, kundi para sa sarili ko. I'm being showy of my feelings--which is not a characteristic of a man. Ganito ako kahina pagdating kay Yana. I can't handle my emotions.

"Alam ko kasing masasaktan ka," diretso niyang saad kaya mas lalong kumuyom ang kamao ko sa parehong kamay. "Hindi ko naman kasi alam na pag-uwi namin dito sa Pilipinas eh may gusto ka pa kay Yana. Kanina nang malaman ko sayo, nauna na akong nasaktan bago ikaw. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo--"

"Kaya ba hinayaan mo na sa ibang tao ko malaman?" Pagputol ko sa sinasabi niya. Sa totoo lang, gusto ko nang umalis ngayon. Gusto ko ng tumakbo. Umuwi. Magkulong sa loob ng k'warto ko at huwag ng lumabas pa kahit kailan. Pakiramdam ko, any moment sasabog na ako.

"So-sorry," nakayukong saad ni Jen.

Walang sabi-sabi ay iniwan ko siya roon. Naglakad ako patungong elevator. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod pa sa akin. Hinayaan niya lang ako na lumayo.

Pagbukas ng elevator, agad akong pumasok kasabay ng ilang mga nurse at bisita ng mga pasyente. Tahimik kong pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa loob ng makintab na pintuan ng elevator. Doon ko napansin na naging matapang ang mukha ko. Kaya siguro natatakot si Jen kanina.

But I can't control myself.

Hindi mawala sa isip ko, 'yung mga salitang binanggit ni Yara na parang sinasaksak ako ng ilang beses dahil sa sakit.

Boyfriend ni Yana.

Tatlong taon ako naghintay na bumalik si Yana.

Tatlong taon kong hinubog ang sarili ko para maging mas kaaya-aya kapag nagkita kaming muli ni Yana. Pero sa isang iglap lang, parang nasayang lahat ng 'yon. Pakiramdam ko, hindi ko na kakayanin pang hanapin ang sarili ko pagkatapos nito. Para akong nalihis ng landas.

All these years, nabubuhay ako para kay Yana. I'm inspired kahit pangalan pa lang niya ang naririnig ko. I'm inspired to live dahil may goal ako sa buhay ko and that's to find Yana and to tell her that I love her. Na mahal ko siya bago pa sila umalis. Na mahal ko siya hanggang ngayon.

Pero mukhang bigo ako.

Mukhang bigo nanaman ako.

Palagi na lang yata akong mabibigo sa pag-ibig. Like this is a heck of situation. I can't describe this feeling na parang mas gusto ko na lang mapag-isa. Pakiramdam ko lahat ng pinaghandaan ko ng tatlong taon, lahat ng hinintay ko ng tatlong taon, lahat ng pagmamahal ko ng tatlong taon, nabalewala.

I know I shouldn't act this way. Dapat mas maging matatag ako. Pero hindi ko alam. Para talagang nawalan na ako ng gana na mabuhay pa dahil sa katotohanan na may boyfriend na 'yung taong mahal ko. Na naunahan na naman ako ng tadhana na magdesisyon para sa sarili kong kapalaran. Mas naging triple tuloy ang pagsisisi ko dahil hindi ko pa sinabi noon ang nararamdaman ko para kay Yana.

Ngayon pa na mas malalim na ang nararamdaman ko sa kaniya kahit na tatlong taon silang nawala. Mas lalo kasi akong nagkaroon ng motivation na mahalin siya kahit walang katiyakan na bumalik pa siya at makita ko ulit. Walang araw at gabi na hindi ko siya naisip, kaya lumalim ang pagmamahal ko sa kaniya.

Kaso kung kailan mas mahal ko na siya.

Tsaka naman hindi ko na siya p'wedeng mahalin dahil may nagmamay-ari na ng puso niya.

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya lumabas na ako. Sinalubong ako ng malinis at tahimik na lobby kung saan may mga nurses din na nakakalat.

Diretso akong naglakad papuntang exit. Dahil lutang ako sa isang masakit na bagay na nalaman ko, may nabangga akong lalaki. Mas matangkad ito sa akin kaya naman nakatingala akong tiningnan siya.

"Juo?" Napatingin ako kay Tita Tina. Kasama niya ang lalaking ito kaya naman kinutuban na ako kung sino ang nabunggo ko.

"Tita," I acknowledge her.

"Ito nga pala Jimmy, bo--"

"Boyfriend ni Yana," I said. Pinilit kong ikalma ang boses ko kahit pa nasa harapan ko na ang taong nagmamay-ari ng puso ni Yana.

"Paano mo nalaman?" Takang tanong ni Tita Tina pero hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako ng mabuti sa lalaki. Nakatingin din siya sa akin. "Jimmy, siya si Juo. Kaibigan ni Yana."

Kaibigan ni Yana.

Kaibigan.

Mas masakit pa pala ang label na kaibigan ni Yana kaysa sa nalaman kong may boyfriend na si Yana. I mean pareho silang masakit. Pero mas masakit pa rin kapag kaibigan lang ang tingin sa'yo ng lahat. Nothing less, nothing more.

Ngumiti si Jimmy sa akin kaya pinilit kong ngumiti sa kaniya. Alam kong wala naman siyang alam sa nararandaman ko kay Yana, so hangga't kaya kong itago, itatago ko na lang muna. Besides, si Jen lang naman ang nakaka-alam.

Dito naman kasi ako magaling.

Maglihim ng nararamdaman.

Kaya palagi na lang akong nahuhuli. Kaya palagi na lang akong nauunahan. Palagi na lang akong nahihirapan, nasasaktan dahil hindi ko naman agad sinabi 'yung tunay kong nararamdaman. Sa totoo lang, gusto kong suntukin itong Jimmy na 'to dahil naunahan niya ako kay Yana. Gusto ko siyang tanungin kung kasing lalim ba ng pagmamahal ko kay Yana ang pagmamahal niya.

I want to know if he's worth it. If Yana deserves him.

Pero hindi ko na muna gagawin sa ngayon. I need time to endure this pain first. Mas'yadong masakit para sa akin ang bagay na nalaman ko ngayong gabi.

Yana can't love me back. Dahil may mahal siyang iba.

"Tita, mauna na po muna ako. I need to go home na dahil hinahanap na ako sa amin," I said, lying. Kung alam lang nila na gusto ko ng umalis dahil gusto ko ng mapag-isa. Gusto kong inuntog ang ulo ko sa lahat ng kanto ng pader ng bahay namin. Gusto kong sintukin ang sarili ko. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil late na ako. I'm late and I don't know what to do next.

"Okay. Ingat ka pauwi ha," tugon ni Tita Tina bago nila ako lagpasan at naglakad patungong elevator.

Huminga ako ng malalim bago naglakad ng tuluyan palabas ng ospital. Buti na lang at may isang jeep na dumaan sa harap mismo ng ospital kaya nakasakay kaagad ako.

Walang mas'yadong pasahero. Siguro dahil madaling araw na.

Pag-uwi ko, agad akong dumaretso sa k'warto ko. Tulog pa rin ang mga tao kaya naman naging madali sa akin ang bumalik sa k'warto.

I guess I need a peaceful mind.

Hindi ko na alam kung anong sunod na dapat kong gawin.

I want to punch that face a while ago, I mean Jimmy's face. Gusto ko siyang suntukin at sabihin sa kaniya na hinintay ko si Yana ng tatlong taon tapos bigla ka na lang niyang makikita at makukuha mo siya? I want to ask him if his love is deeper than mine. Pero sobrang weird ko naman siguro kung ginawa ko 'yon.

Wala naman siyang alam sa nararamdaman ko.

Kahit nga si Yana hindi alam.

Sigh.

This fucking heart ache a lot.

Too much pain for this day.

I can't afford to lose Yana.

Pero anong gagawin ko?

'Yung taong mahal ko may mahal na iba.

***

Kinaumagahan, bumangon ako na wala sa mood.

Ayoko nga sanang lumabas ng k'warto kung hindi rin lang may pasok ngayong araw. I don't want my studies to be affected by this brokenness I feel. Hindi naman siguro tama na idamay ko ang pag-aaral ko dahil lang sa sakit na nararamdaman ko.

"Good morning kuya!" Bati sa akin ni Bea sa hagdan kung saan siya naglalaro ng stuff toy niya na paw patrol. "Kamusta tulog?" Tanong niya sa akin.

"Good morning. Not good. Just fine," pilit kong sagot bago nagpatuloy sa kusina. Nandoon si mama at naghahanda ng almusal. I greeted her a good morning, pero kahit pala itago, malalaman at malalaman pa rin, lalo na ng nanay mo.

"Ano problema?" Kaswal na tanong nito habang naglalagay ng kutsara at tinidor sa bawat plato.

"Problema?" Pagmamang-maangan ko.

"Hay nako Juo. Kabisado kita. Kapag ganiyang wala kang sa mood sa umaga, may problema ka. Kaya sabihin mo na bago ko madiskubre," aniya.

I sigh. Kailan ba ako makakapaglihim kay mama? Probably never.

"Sila Jen umuwi na," I said kaya nahinto siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin.

"Really? That's a good news, right?"

"Yeah. Not until, you know Yana right?" Tanong ko.

Tumango siya. "'Yung crush mo?" Natatawang saad niya.

"I love her ma, hindi crush. Magka-iba 'yon," sagot ko.

"Oh, ano bang meron?"

"May boyfriend na," walang gana kong sagot kaya napatingin si mama sa akin. Para siyang naaawa na hindi ko alam. Gano'n ba ako kawawa sa sitwasyon na 'to? Should I cry in front of her?

"Masakit ba?"

And that's the craziest question in Earth she asked, ever.

Masakit nga ba?

--

An. Hey guys! It's been a while! Keep safe everyone <3.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro