Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26 - Jimmy

Chapter 26 - Jimmy




















Tahimik kaming nakasakay sa jeep ngayon. Malalim ang iniisip ko samantalang nakikinig sa music sa earphones si Jen. Alam kong kahit nililibang niya ang sarili niya, kinakabahan pa rin siya sa mga nangyayari, lalo na kay Yana.

Paminsan-minsan niyang sinasabayan ang kanta mula sa earphones, at masasabi kong Army pa rin siya.

"Euphoria," wika ko kaya napatingin siya sa akin at ngumiti. Tinanggal niya ang earphones niya bago kumunot ang noo, hindi pa rin nawawala ang ngiti mula sa labi.

"Alam mo?" She asked then I nod. "How come?"

"Three years ang lumipas Jen. People change. Isa pa. I can't consider myself as an Army, pero naging hilig ko na ang mga kanta at sayaw nila. Maybe because of your influences," saad ko bago tumingin sa labas ng jeep mula sa siwang ng bintana kung saan sumasalubong sa akin ang malamig na hangin.

Wala akong pakialam kung nakablazer lang ako at shorts. Ang importante ay makita kong muli si Yana. I'm really excited and nervous at the same time. Knowing na masama ang lagay niya ngayon.

"'Yun lang ba talaga ang dahilan kung bakit ka nahilig sa kanta ng BTS? Impluwensya nga lang ba talaga namin?" Mapanuring tanong ni Jen kaya napatingin ako sa kaniya. She's wearing this mischievous smile that irritates me.

"Why bother to tell you the real reason kung alam mo naman na talaga kung bakit ako nagkabasido ng mga kanta ng BTS. Kung bakit ko kinabisado ang mga sayaw nila," I said.

She giggled.

"Sabi na nga ba. Gusto mo lang magpasikat kay Yana. Para kapag nagkita kayo, may kakantahin ka sa kaniya. May isasayaw ka sa harap niya para ang feelings, maging mutual. Hulaan ko pa, kabisado mo na ang mga kanta at sayaw ni Jimin?" Mapang-asar niyang saad kaya mas lalo akong nainis.

Tatlong taon na ang lumipas.

Hanggang ngayon ba gano'n pa rin ako kabilis mabasa?

"Whatever Jen," tangi ko na lamang tugon.

Natawa naman siya at binalik sa tainga niya ang earphones.

Huminto ang jeep sa isang malaki at halos modernong gusali. Pagbaba namin ni Jen, doon ko ulit naramdaman 'yung pinaghalong kaba at excitement.

Kinakabahan dahil hindi ko alam kung anong Yana ang makikita ko.

Excitement dahil after three years, malalapitan at makaka-usap ko na ulit si Yana. Hopefully.

Sinalubong kami ng malamig na nagmumula sa gusali. May security guard sa may bandang pintuan at halatang inaantok na siya pero pilit niya pa ring ginigising ang sarili niya. Kalmado at tahimik ang ambiance sa loob ng ospital. May mga nurse na naglalakad sa bawat pasilyo at naglilipat-lipat ng mga k'warto.

Sumusunod lang ako kay Jen. Dumiretso kami sa elevator. Kaming dalawa lang ni Jen ang nasa loob at isang babae na nakasuot ng formal attire. May kausap ito sa telepono kaya hindi naging tahimik sa loob. Pinindot ni Jen ang 4th floor ng gusali.

Pagbukas ng pintuan ng elevator, wala pa ring nagsasalita sa pagitan namin ni Jen. Same in the lobby, may kaunting mga nurses na naglalakad sa corridor. May ilang mga pasyente na nakasakay sa wheel chair at tulak-tulak ng mga nurses papunta sa kung saan.

Huminto si Jen sa tapat ng isang pintuan. Doon din ako huminto.

Tumingin si Jen sa akin. Forcing to create a genuine smile but failed to do so. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit ito ng dahan-dahan.

Nauna siyang pumasok.

Sumunod ako sa kaniya.

Pagpasok ko, sumalubong kaagad sa akin ang maayos na k'warto. Isang mini-table na nasa tabi ng pader. May mga prutas doon at isang pares ng upuan sa magkabilaan. Isang mini-refrigerator ang nasa tabi nito. Isang maliit na LED TV sa may bandang itaas na pader.

Sa loob, may isa pang pintuan na sa tingin ko ay comfort room.

And a bed, covered with white bed sheet.

"Yana..." I whispered as I saw her. Lying in the bed, sleeping peacefully.

"Simula nang dalhin namin siya dito sa ospital, hindi pa siya nagigising. That's what I know," ani Jen. Umupo siya sa may paanan na part ng kama ni Yana.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil nakita ko na ulit si Yana. Hindi man gising, at least I know that I'm here, with her. And I'm not gonna leave her side anymore hangga't hindi pa siya nagigising. Hangga't hindi ko nasasabi sa kaniya na mahal ko siya all these years. Gusto ko siyang yakapin ngayon, pero hindi p'wede. May mga kung anu-anong nakatusok sa kaniya, at kung yayakapin ko siya baka matanggal ang lahat ng 'yon.

Hindi ko alam kung bakit.

Pero nasasaktan ako sa kalagayan niya. Tinitingnan ko pa lang siya, pero ramdam ko sa bawat hinga niya na nahihirapan siya.

Kahit hindi ko pa alam kung ano talagang lagay niya, nasasaktan pa rin ako sa nakikita ko. Mas'yadong malalim ang bawat paghinga niya. Doon pa lang ramdam ko na na hindi siya okay.

May narinig kaming nagflush ng mula sa banyo. A seconds later, bumukas ang pintuan ng comfort room at mula rito, lumabas ang mama ni Yana. Nadagdagan ng kaunti ang mga puting buhok sa ulo niya, but still, mukha pa rin siyang bata.

"Juo? Right?" Aniya pagtingin sa akin bago tumingin kay Jen.

"Yes po, tita," tugon ko bago magmano sa kaniya--the usual I do every time I see her before.

"Long time no see," nakangiti niyang saad bago ako tingnan mabuti. "Saan ka galing at bakit nakablazer ka?" She asked.

"Lumabas lang po kasi ako kanina para magpahangin. Then suddenly, I saw Jen. Kaya 'yon po, dinala niya ako rito kay Yana," mahina kong k'wento habang nakatingin sa natutulog na si Yana.

Namagitan ang nakakabinging katahimikan sa pagitan naming tatlo. Tanging tunog lamang ng aircon at ng orasan sa loob ng k'warto ang maririnig.

"Ano po palang lagay ni Yana? Ayos lang po ba siya?" Pagbasag ni Jen sa katahimikan.

"Well, sabi ng doctor ayos na raw siya. Stable. Hinihintay na lang namin siyang magising," sagot ni Tita Tina.

"Ano raw po bang nangyari sa kaniya?" Muling tanong ni Jen. "Ang alam ko lang po kasi, kinapos siya ng hininga sa backstage kanina," Jen added.

"Sabi ng doctor, baka dahil sa dami ng tao kanina. Alam mo naman 'tong si Yana, mahina ang katawan. Mas'yado na siyang sensitive unlike before. Bwiset kasing nga doctor 'yan sa UK, pinahina ang katawan ni  Yana sa kung anu-anong tinuturok sa kaniya," k'wento ni Tita Tina habang inaayos ang mga prutas na nakapatong sa isa pang table na malapit naman sa higaan ni Yana.

"Si Yara po ba nasaan?" Muling tanong ni Jen.

"Lumabas. Ang sabi niya bibili raw siya ng makakain namin habang nagpapalipas ng gabi. Gusto sana namin na gising kami sa oras na magising si Yana," Tita Tina answered.

Maya-maya pa, bumukas ang pintuan ng k'warto.

"Ang haba ng pila sa fast food chain na pinuntahan ko. Jusko akala ko hindi na ako makakalabas sa impyerno na 'yon," iritang saad ng babae na pumasok sa k'warto. Hindi ito nakatingin sa amin, bagkus ay nakatingin sa mga bitbit niyang paper bags. May hawak din siyang mga plastic cups na sa tingin ko ay drinks nila.

"Irita much girl?" Ani Jen kaya napatingin si Yara kay Jen. Pagkatapos ay nilipat ang tingin sa akin.

"Juo?" Nanlaki ang mata niya. Napangiti ako sa kaniya kaya ipinatong niya sa table na nakadikit sa pader ang mga paper bags na dala niya bago lumapit sa akin. "Ikaw ba talaga 'yan?" Tanong niya pa sa akin bago dutdutin ang magkabila kong pisngi.

"Bakit? Gumwapo ba lalo?" Tanong ko habang tinataas-taas ang magkabilang kilay.

"Hindi! Mas lalo kang pumangit!" Masungit niyang saad. "Ikaw nga 'yan. Hanggang ngayon mahangin pa rin," dagdag pa niya kaya mas natawa ako. Sinuntok niya ako sa bandang tiyan ko kaya naman mas nanlaki ang mata niya. "Aba, mukhang sineryoso mo ang sinabi no noon na maggygym ka. Mukhang may abs na ang loko."

"Aba s'yempre," tangi kong saad.

"Patingin nga. Baka mamaya isang pandesal lang 'yan na nabulok at tumigas," panlalait ni Yara kaya natawa si Jen na parang walang bukas. Hanggang ngayon, mababaw pa rin ang kaligayahan.

"Nope. This is exclusive only for someone," pilyo kong saad kaya kumunot ang noo ni Yara.

"At kanino naman aber?" Tanong niya kaya nagkatinginan kami ni Jen.

"Secret," I said before giggling.

"Hmp!" Tangi na lamang tugon ni Yara. "Ma, kain na tayo. Tomguts na ako," aniya.

"Mauna ka na, lalabas lang ako. Nagtext si Jimmy sa akin, papunta raw siya rito," sagot ni Tita Tina.

"Really? Akala ko busy siya dahil sa finalization ng thesis nila?" Halos pabulong na saad ni Yara habang nilalabas mula sa paper bags ang mga pagkaing pinamili niya. "Gusto niyo?" Alok niya sa amin ni Jen but we both shook our heads.

"Labas muna ako ha. Abangan ko lang si Jimmy sa labas," paalam ni Tita Tina bago tuluyang lumabas ng k'warto.

Nanaig muli ang katahimikan sa loob ng k'warto. Nakatingin lang ako kay Yana nang biglang pumasok sa isip ko ang isang katanungan.

"Jen."

"Oh?" Aniya habang may kung anong pinagkaka-abalahan sa cellphone niya.

"Sino si Jimmy?" Tanong ko. Tumingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa akin at parang gulat. Hindi ko maipinta ang reaksyon niya. Para siyang kinakabahan na nagulat. I don't know how to describe her face. Hindi siya nakasagot. Bagkus, Yara answered my question.

"Ano... Si Jimmy..." panimula ni Yara habang kumakain.

"Boyfriend ni Yana."

--

An : this chapter is Dedicated to, KLWKAN, a new friend! Btw, sana matuloy ang moving up namin. Buset na Covid19 'yan. Stay safe every one!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro