Chapter 24 - Rain
Chapter 24 - Rain
Tumayo ako sa gilid ng auditorium kung saan maganda ang view. Kita ko ang kabuuan ng stage at ang mga nagpeperform dito. Tulad namin, mga special performance at opening pa lang naman ang mga 'yon.
Maingay ang crowds. Kaniya-kaniya silang cheer sa mga tumutugtog at mga kumakanta. Isa sa mga pinakahiniyawan ng mga estudyante ay si Alice Licson. 4th year college, Marketing student. May katagalan na siyang nag-aaral dito sa Cessation High, at dumami na ang fans niya through out the years dahil sa boses niya na sobrang linis at may kataasan.
Tumugtog din ang banda ng Unorthonotes. Si Mathew, 'yung kaklase ko noong grade 12 ang leader ng banda. Si Crissa ang kasalukuyang nag-aaral dito sa Cessation High. Apat lang sila at kasama nila rito sila Cyrus at Yohan. Nakakatuwa lang na nakagawa silang apat ng banda kahit pa magkakahiwalay na sila ng schools. Gano'n sila kasikat at naging guest pa namin sila sa Music Fest.
Tumugtog sila ng kanta na hindi pamilyar sa akin. That's when I realized na original song pala 'yung kinakatanta nila. Todo hiyawan ulit ang mga estudyante. Kalahati naman ng crowd ay nagtitilian kay Cyrus at Mathew. Inaamin ko, mas lalong naging magandang lalaki 'yung dalawa after three years. Pero mukhang hindi pa rin nagbabago ang mga ugali nila.
Mathew is still that genius boy na introvert. Si Cyrus pa rin 'yung feeling pogi. Yohan, gano'n pa rin, witty and pretty. On the other side, Crissa, maldita pa rin pero childish.
I miss them. Mostly kasi si Crissa lang ang nakikita ko dahil dito rin siya nag-aaral. She's taking Criminilogy.
P'wede ko naman siguro sila puntahan sa backstage mamaya.
"Okay students, relax," ani ng emcee nang pumunta siya sa stage at may hawak na mic. "Students," pag-uulit niya dahil sobra pa rin ang hiyawan ng mga estudyante sa loob ng auditorium, para bang ayaw na nilang paawat kahit pa tapos ng tumugtog ang Unorthonotes at nakapunta na sa backstage.
Susunod na sana ako kila Mathew sa backstage para mangamusta. Ilang taon ko rin sila hindi nakita. Isa pa, baka may isa sa kanila ang may balita tungkol kila Yana.
Hindi pa man ako nakakasampung hakbang mula sa p'westo ko kanina. Napahinto ako nang may limang pamilyar na mukha akong nakita. Lahat sila nakangiti sa audience at may kaniya-kaniyang kinakawayan. Hindi mas'yadong maingay ang crowds dahil walang halos nakakakilala sa kanila. P'wera na lang sa isang kumpulan ng mga kababaihan sa likuran na paulit-ulit ang sinisigaw.
"Armies! Armies!" Malalakas na sigaw ng mga kumpulan ng kababaihan sa bandang likod ng auditorium. Dahil sa mga sigawan nila, para bang naging magic word 'yun para magsigawan ang lahat ng estudyante na nasa loob ng auditorium.
"Students of Cessation High. I introduce you the Viral band of United Kingdom, Armies!" Pagpapakilala ng emcee sa lima.
Mas lalo pang umingay ang crowd. Kasabay nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko lalo na nang itapat sa kanilang lima ang spotlight. It made my heart skip a beat at para bang gusto kong tumalon sa tuwa.
Finally.
After three years of waiting.
Nakita ko na ulit sila.
Nakita ko na ulit siya.
Sa mga oras na 'to, gusto ko sanang umakyat sa stage. Gusto kong yakapin sila Jen, Yara, Francheska at Yana. Gusto kong umakyat sa stage at sabihin sa kanila kung gaano ko sila namiss. Kung gaano ako katagal na naghintay sa kanila. Gusto kong itanong kung nakikilala pa ba nila ako. Gusto kong sabihin sa kanila lahat ng mga nangyari nang mawala sila, kung gaano karaming beses ko silang naisip.
Lalo na si Yana.
Gusto kong sabihin sa kaniya na tatlong taon akong naghintay at kahit sobrang tagal ng tatlong taon, nandito pa rin ako at naghihintay sa kaniya. Na gusto ko pa rin siya hanggang ngayon kahit lihim pa rin. Kahit hindi niya pa rin alam.
Pero hindi ko nagawang umakyat sa stage. Sa ingay ng mga estudyante. Dahil sa ganda ng mga boses nila. Sa sobrang sabik. Tila ba nanigas ang buong katawan ko at umaayaw ang utak ko sa ideyang umakyat sa stage at gawin lahat ng naisip ko. I can't and I hate this feeling na para bang na-estatwa ako.
Hindi ko inaasahan na makikita ko sila sa araw na 'to. Sa event na 'to. I didn't expect to see them too early. Ni hindi ko nga naisip na magkikita pa kaming lima. Tho hindi pa nga kami nagkikitang lima dahil ako pa lang ang nakakakita sa kanila, at least mas lumaki ang tsansa na makasama ko na ulit sila. This time, hindi ko na palalampasin ang chance na binigay sa akin ng tadhana.
Maybe this is what people called second chance.
Second chance para masabi ko ang lahat ng dapat kong nasabi kay Yana three years ago. Mga salitang tatlong taong napako sa puso ko. Mga salitang matagal na natago at ngayon, may pag-asa ng masabi.
Tatlong kanta ang kinanta nila at lahat 'yon ay original songs. Sinasabi nila ang title ng kanta, pagkatapos sasabihin nila kung anong history ng kanta na 'yon. Kung bakit at paano nila sinulat. Kung para kanino o para saan.
"This is our fourth and last song for you guys! I hope you enjoyed our songs as much as we do! Ngayon itong pang-apat naming kanta, ay para sa naiwan naming kaibigan dito sa Pilipinas," ani Jen kaya lahat ng tao sa auditorium nag-'aww'. Imbis na tumili ang mga tao, magcheer at mag-ingay, tumahimik ang buong auditorium at tila hinihintay na magsimula si Jen na kumanta.
Bawat salita.
Bawat tono.
Sa bawat nota.
Hindi ko alam kung bakit pero dama ko. Hindi ko man alam kung sinong kaibigan ang tinutukoy nila Jen, naging assuming na ako at inisip na para sa akin ang kanta na 'yon. I feel so emotional because of the song's connection to me. Para bang sinasabi nila sa kanta na, Juo, nandito na kami at hindi ka na namin iiwan ulit.
Para akong bading na tanga na napapaluha dahil sa kinakanta nila. Lalo pa nang matapos ang kanta at nagsalita si Yara sa mic.
"Juo Salev, kung nasaan ka man. This song is for you! Miss ka na namin. At kahit na saang lupalop ka pa ng Pilipinas, hahanapin ka namin para magsorry sa pag-alis namin ng hindi nagpapa-alam," ani Yara kaya mas lalo akong naiyak.
Simula noong gabi na hindi ako pinatulog ng mga ala-ala ko, sinabi kong 'yun na ang huling iyak ko. Pero sadyang taksil ang mga luha ko't ngayon nag-uunahan pa sila sa pagtulo.
In the end hindi ako nakakanta sa music fest dahil after ng performance nila Jen, Yana, Yara, Francheska at Bixby, pumunta ako sa backstage para hanapin sila. Pero hindi ko na sila naabutan. Ang sabi sa akin ng producer, umuwi raw sila kaagad dahil sinumpong ng sakit 'yung isa sa kanila.
Tinanong ko rin sa producer kung alam ba niya kung saan nakatira o saan ko makikita 'yung lima. Pero ang sabi niya wala siyang alam dahil producer lang naman daw siya at hindi google map. Gusto ko sana siyang sikmuraan dahil sa sinabi niya. Pero dahil sa panlulumo, mas pinili kong lumabas ng school at 'wag ng tumugtog pa sa music fest.
Pagtingin ko sa messenger ko, galit na galit sa akin ang members ng the Masks dahil daw iniwan ko sila sa ere. Nagmukha raw silang tanga kanina sa harap ng maraming tao dahil panget ang kinalabasan ng performance dahil walang ako bilang pianist nila. Ilang mura ang nabasa ko sa group chat. Hanggang sa nalamayan ko na lang na tinanggal na nila ako sa grupo.
Nomi chatted me at tinanong kung nasaan daw ba ako. Kung bakit umalis ako kanina at kung ayos lang ba ako.
Hindi ako nagreply.
I shutted down my phone at binato iyon sa backseat ng kotse ko.
Ilang beses akong natulala habang nagmamaneho ng kotse. Ilang beses ko ring pinalo ang manibela at minsang napapalo ang busina.
Hindi ko alam kung saan ako dapat pumunta.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagmamaneho ko.
Ang gusto ko lang ngayon ay makita sila Jen. Lalo na si Yana.
Keeping your feelings for three years to someone you love is not easy. Halos patayin na nga ako ng konsensya at pagsisisi ko dahil hindi ko nasabi sa kaniya noon na gusto ko siya.
Mas dumoble pa ang paghihirap ko ngayon knowing na mas malapit na lang siya sa akin kanina, pero hindi ko pa rin nasabi sa kaniya 'tong nararamdaman ko. Ni hindi ko nga siya nalapitan o nakausap man lang.
Madilim sa auditorium kanina at tanging ang stage lang ang may spotlight. Zero possibility na makikita niya ako considering na maraming estudyante sa auditorium.
Sa oras na 'to, mas lalo lang akong nagsisi na hindi umakyat ng stage kanina.
Huminto ako sa pagddrive dahil hindi ko na alam kung saan ako napunta. More on, huminto ang kotse dahil naubusan ako ng gas sa kalagitnaan ng pagmamaneho. Ang saklap pa dahil walang dumadaan na kotse sa kalsada na 'to, at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ako napunta.
Bumaba ako ng kotse para maghanap ng gasoline station. Naglakad-lakad ako at tinatandaan ang mga dinadaanan ko para mabalikan ko pa ang kotse ko.
Sinubukan kong kontakin si Mama o si Papa para sabihin na hanapin ako dahil hindi ko alam kung nasaan ako. Luckily, may signal naman at sinabi sa akin ni Papa na buksan ko lang ang GPS ko para mahanap niya ako.
Bumalik ako sa kung saan naubusan ng gas ang kotse ko. Napatayo at napatulala dahil nasa mataas na bahagi ako ng kalsada, kung saan kita ang buong Laguna. Sa kinatatayuan ko mismo, may bangin at halatang sobrang taas nito. Napatingin ako sa kalangitan nang maramdamang may pumatak na tubig sa bandang braso ko.
Doon ko lang napagtanto na madilim na pala at bukod pa rito ang maitim na kumpulan ng mga ulap.
Maya-maya pa, tuluyan ng nagsunod-sunod ang patak ng ulan, hanggang sa lumakas ito.
Hinanap ko kaagad ang susi ng kotse ko sa bulsa, at nang mahanap ko, saktong kumidlat na naging dahilan para lumiwanag ang buong paligid. Kasunod nito ay ang malakas na kulog kaya naman nahagis ko sa bangin ang susi ng kotse ko dahil sa gulat.
What a great day.
Tama.
Maliligo muna ako sa ulan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro