Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17 - Grand ball

Chapter 17 - Grand ball


























Gusto kong magpuyat ngayong gabi. Ayoko pang matulog. Gusto ko kasi paggising ko bukas, alas dos na at maliligo na lang ako then aalis na.

Sobra kasi akong excited para sa grand ball bukas. Para bang mamamatay ako ngayong gabi kada maiisip na grand ball na namin bukas.

Kada maiisip ko si Yana.

Kung anong suot niya.

Kung gaano siya kaganda bukas.

Bukod pa doon, s'yempre may parte sa akin na nalulungkot. After our grand ball, we will face the last stage of being senior students.

Graduation.

Nagcecellphone pa rin ako hanggang ngayon dito sa balcony. Malamig kasi rito at sobrang kumportable. Paulit-ulit lang naman ang tinitingnan ko. Facebook, twitter tapos pupunta akong instagram. Magyoyoutube at manunuod ng mga vlogs nila Ranz and Niana. At uulit muli sa simula pagkatapos no'n.

Maya't-maya rin akong napapatingin sa kalangitan. The cold breeze of the wind made me realize one thing.

Bukas na 'yung huling gabi naming magkakaklase na sasayaw bilang seniors, bilang isang section. Bukas na 'yung gabi na pinaghandaan ko ng almost 10 months.

Hindi pa man kami grade 12, nakahanda na ako para sa grand ball namin. S'yempre palagi naman tayong nakakabuo ng mga expectations, at ineexpect ko na bukas 'yung gabi na pinaka-iiyak kami. Pinakatatawa, malulungkot, at magsasaya. And of course, since sabi ng admin buffet ang style ng pagkain, 'yun din ang gabi na pinakamabubusog kami.

"Juo, 'di ka pa ba matutulog?"

Napatingin ako sa kinatatayuan ni Mama. Nakapantulog na siya at humihikab na. Halatang tulog na siya at bumangon lang sa higaan.

"Matutulog na rin po ako maya-maya," tangi ko na lamang sagot. Tumango lang siya sa akin at lumabas na ng k'warto ko pabalik sa k'warto nila ni Papa, kung saan din natutulog si Bea.

Since bunso, katabi talaga nila mama si Bea. And if I know right, mas'yadong territorial itong si Bea, silang dalawa nalang ni mama ang magkatabi paggising nila sa umaga dahil maya't-maya niyang tinutulak si papa pababa ng kama. Ending, palaging nasa sahig si papa kada gigising silang tatlo.

And that's a sad yet nakakatawang katotohanan.

Huminga ako ng malalim bago huling tumingin sa langit. Walang ulap ngayon kaya naman lahat ng bituin ay nakikita ko as if they're forming something.

Doon ko naalala na may ibibigay nga pala ako kina Yana, Yara, Jen at Bal bukas.

Sana talaga magustuhan nila 'to.

***

Akala ko dahil sa pagpupuyat na ginawa ko kagabi, late ako magigising sa umaga. Natulog ako kagabi ng pasado alas dose na ng hating-gabi. But I found myself waking up at exactly 7 am.

Gusto ko pang ituloy ang tulog ko pero hindi ko na nagawa. Para bang may nagsasabi na sa akin na tumayo na ako at ifeel ang excitement na kagabi ko pa nararamdaman. At eto nga, ilang beses kumabog ang dibdib ko dahil sobra akong na-eexcite.

Pagbaba ko pa kanina sa sala, nakita kong nakasampay sa pader kung saan may isang pako 'yung damit na susuotin ko.

It suits well for our theme, Phantom of the opera. Pero hindi ako sure kung ayos pa ba ang itsura ko rito kapag sinuot ko na. O kung magugustuhan ba ni Yana 'tong suot ko. Baka mamaya magsisi pa sa akin 'yun na naging kapartner slash date niya ako dahil hindi ako magaling sa pagpili ng damit. I also don't have the sense and skills in fashion.

Isa itong white long sleeve na may details na hindi ko maipaliwanag. Sa bandang dibdib nito, may kulot-kulot na tela na parang sa old-english times ang dating. I also have this plain black vest na may burda ng red roses. Ganoon din ang black pants ko. I also have this cape na sa may bandang itaas, may kulay pulang silk. Iniisip ko pa nga kung magsusuot ako ng gloves o hindi na.

What I really like is the mask. Black ito na may silver lining at details. Sinabi sa akin ni Yana na silver daw ang susuotin niya kaya tingin ko kahit papaano magiging match ang suot namin dahil sa mask ko. Isa pa, 'yung mga roses na kulay pula sa damit ko ay may lining rin ng silver and for sure maganda kapag tinamaan ng ilaw.



Exactly 1:30 pm, naligo na ako. Kakatapos ko lang magcellphone no'n at magbasa ng mga unread messages mula sa GC ng section namin at iba't-ibang GC pa. Lahat sila paulit-ulit lang ang sinasabi. It's either "ingat kayo sa byahe" o kaya naman "agahan ninyo dahil traffic sa may alabang".

To be honest, I usually don't use scrabbers kapag naliligo. Mas feel ko kasi 'yung sabon kapag 'yun mismo ang kinukuskos ko sa balat ko kada maliligo ako. Pero this time, I use this gloves-like na may texture na pangscrabber.

It took 15 minutes bago ako nasatisfied sa ginawa kong pagkuskos sa balat ko. At sobrang sarap sa pakiramdam. Feeling ko ito na ang pinakamalinis na ligong nagawa ko sa buong buhay ko.

After that, nagshampoo ako ng husto. Kahapon lang ako nagpagupit after ng uwian. Saktong naka-upo lang 'yung barbero kaya hindi ako natagalan sa pagpapagupit. Siguro mga 20 to 30 minutes lang ako kahapon sa barber shop.

Nagtooth brush ako and after that, lumabas ako ng nakatop less at tanging towel lang ang nakatakip sa pang-ibabang parte ng katawan ko. Ako lang din naman ang tao rito sa bahay, si mama at si papa kasama si Bea sa business namin na tapsihan. Every day na silang nandoon dahil lumalaki na ang negosyo.

Si Ate Amity naman, umuwi na ng Valenzuela. Doon naman kasi talaga siya nakatira, pumunta lang siya rito dahil sa dalawang rason, 'yung una dahil may kaibigan siya rito na kailangan niyang bisitahin, at pangalawa nakalimutan ko na.

Napatingin ako sa damit na susuotin ko.

Hindi ko alam kung ngingiti ako o hindi.

But I have no choice but to wear it. Besides, I should follow the theme.

Bago ako umalis ng bahay, sinigurado ko muna na nasa bulsa ko ang regalong ibibigay ko sa apat. Mas mahalaga pa 'tong regalo na 'to kesa sa laman ng wallet ko--teka, galing nga pala sa wallet ko ang pinambili ko rito, kaya magkasing halaga lang sila.

Naubos kaya laman ng wallet ko dahil dito.

***

"Gusto niyo?" Alok ni Jen sa amin ng tinapay na dala ni Tita Liza.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse nila Jen. Binabaybay ang daan papuntang venue. Hindi ako pinayagan ni mama na dalhin ang sarili kong kotse kaya pinasabay niya ako kila Tita Liza.

She said that I'm going to a party kaya naman for sure pag-uwi ko lasing daw ako. Hindi niya ako pinayagan magkotse dahil baka raw ma-aksidente pa ako kapag pauwi na raw ako. As if that I'm going to drink. Tsaka school event ang pupuntahan namin, walang alcoholic beverages doon.

Ni hindi nga ako umiinom ng alak o ng any form of alcohol.

Kumuha kami ni Aifa ng inaalok ni Jen. Kinailangan ko pang tanggalin 'yung gloves ko. Ewan ko ba kung bakit pa ako naggloves. Namalayan ko na lang na paglabas ko ng bahay namin, nakagloves na ako.

Aifa is one of our classmate. Pinakamalaking babae sa section namin. Sabi ng iba, which is obvious na rin naman, she classified her self as lesbian. Ewan ko kung 'yun ang right term pero alam ko kasi nagkaro'n na siya ng girlfriend. Pero hindi naman halata kapag nakasuot siya ng pambabae. Gaya ngayon, nakalong red gown siya at katabi ko sa 3rd row ng seat sa loob ng kotse nila Jen.

Walang nagsasalita sa aming tatlo. Aifa is always at her phone, if not typing, kumukuha ng litrato dahil maganda ang pasok ng araw sa salamin sa gilid niya. Magandang effect para sa isang picture.

Si Jen naman, nakasandal sa 2nd row seat katabi si Kuya Denden na natutulog. Kasama namin si Kuya Denden sa event para raw bantayan si Jen. Nakasuot siya ng formal attire, tuxedo at black pants. Kulay white ang panloob niya which I think is long sleeves.

Tanging tugtog lang ng radyo ang nag-iingay sa loob ng kotse. Ilang beses tumugtog 'yung Buwan na hindi ko alam kung sinong kumanta. Mga korning jokes na mula sa radyo, at kung anu-ano pa ang pumuno sa loob ng kotse.

Sa buong byahe papunta, wala naman kaming na-encounter na traffic. Hindi tulad sa mga sinasabi ng mga kaklase at school mates namin na traffic daw. Kung tama ang narinig ko, sa ibang way kami dumaan kaya walang traffic.

At sa buong byahe na 'yon, hindi ako kumportableng makaupo. Alam mo 'yung feeling na ayaw mong magusot 'yung damit mo dahil kailangan ka pang ijudge pagpunta mo sa venue. That's what I'm feeling.

Siguro mga isang oras din kaming bumyahe simula Laguna papuntang Alabang, Manila.

Pagbaba namin ng kotse, hindi muna umalis sila Tita Liza at hinintay kaming makapasok sa loob ng hotel.

May kung anong detector doon at may temperature gun-- kung 'yun man ang tawag sa bagay na 'yon na tinututok sa ulo ng bawat taong papasok sa hotel para malaman kung may lagnat sila or wala.

Everyone is paranoid about this unknown virus kaya lahat na halos ng building may ganitong system.

Pagpasok sa loob ng hotel, tumambad sa amin ang lamig at komportableng atmospera.

Bellevue Manila is a five star hotel. Hindi naman nakakapagtaka dahil sobrang elegante ng style sa loob, from the floor, paintings, and even the carpeted stairs papunta sa grand hall.

I can say na sobrang ganda ng hotel na 'to base pa lang sa lobby.

What more sa grand hall?

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro