Chapter 16 - Rehearsal
Chapter 16 - Rehearsal
General rehearsal namin ngayon dahil bukas na gaganapin ang grand ball namin.
Sobra akong kinakabahan. Hindi dahil hindi pa ako bayad sa grand ball, given na mayaman kami, pero hindi naman talaga madaling magbigay ng 3,100 pambayad sa ganoon kamamahaling event. Hindi rin ako kinakabahan na baka matalisod ako dahil hindi ako magsusuot ng salamin bukas at baka mapahiya kay Yana.
Yes may salamin ako at sobrang taas ng grado ko. Last time I check, it's 450. Both eyes kaya wala na talaga akong makita kundi blurd surroundings every time I remove my glasses.
Kinakabahan ako dahil kapartner ko si Yana at date pa. Date ko siya dahil partner kami sa enterouge, sulitin ko na na kapartner ko siya for the whole night.
Kinakabahan ako na baka maapakan ko siya habang sumasayaw kami ng special performance namin.
Kinakabahan ako na baka matalisod siya at hindi ko siya masalo kaagad.
Kinakabahan ako na baka hindi niya magustuhan ang susuotin ko. Na baka ma-OP ako dahil sa ganda ng isusuot niya, hindi na ako bagay na maging kapartner niya.
Kinakabahan ako na baka lamigin siya bukas sa grand ball at wala akong maipahiram na tuxedo o ano man na p'wede kong ipangkumot sa kaniya dahil hindi naman ako nakatuxedo bukas.
Kinakabahan ako sa lahat ng bagay na p'wedeng mangyari bukas.
"Our next partner is Ms. Jilliara Willis together with her partner Mr. Woldan Alinsunuwin," pagbanggit ng pangalan ng emcee sa pangalan nila Yara at kapartner nitong si Woldan na nasa harapan namin ni Yana.
Pati pagpasok sa grand hall ng hotel na paggaganapan ng grand ball namin ay pinapractice rin namin dahil gusto ng administration ng school namin na maging formal ang event na ito. Gusto nila na magsusyal-susyalan kaming mga estudyante. Eh kakain lang naman kami at sasayaw, that's all right?
S'yempre tsatsansing na rin.
"Huwag kang kakabahan bukas ha," panimula ko kaya napatingin si Yana sa akin habang nakasukbit ang kamay niya sa kaliwang braso ko.
"Bakit naman ako kakabahan?" Tanong niya sa akin bago tingnan ang kapatid niya na nasa kabilang dulo ng gymnasium kung saan kami nagpapractice.
"Kasi ang g'wapo ng kapartner mo bukas. Baka kabahan ka at himatayin sa kilig. Alam mo na, pinapa-alalahanan lang kita," halos kaswal na saad ko sa kaniya.
"Wow ha," aniya sabay irap tapos tawa.
"Ms. Julliana Willis together with---"
"Poging-pogi," pagtabon ko sa sinasabi ng emcee para mas marinig ni Yana pero inirapan lang niya akong muli bago tumawa.
"Mr. L Juo Salev," sabi ng emcee bago kami maglakad sa gitna ng gymnasium papunta sa kunwaring stage.
Parang ang bagal naming maglakad sa mga oras na 'yon.
Parang kami lang 'yung naglalakad sa gitna.
Parang kami lang 'yung tao sa gym.
Sobrang kakaiba ng oras na 'to, paano pa kaya sa actual event bukas? Ano na lang kayang mararamdaman ko? Bago sumabog lang ako sa gitna dulot ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.
Naghiwalay kami nang nasa harap na kami ng stage. Pumunta ako sa kaliwa, habang siya naman pumunta sa kanan. I want to detailed more my narration, pero namalayan ko na lang na nakababa na kami sa kunwaring stage at pumunta na kami sa kunwaring table. Nagkunwari pa nga kami na may hagdan 'yung kunwaring stage kaya natawa siya.
Her smiles.
Like.
Hayop talaga.
Ayoko pang matapos 'tong general rehearsal na 'to. Ayoko pang umuwi. Kapag kasi umuwi na ako, mas marami lang akong maiisip na baka ikagulo pa lalo ng isip at sistema ko.
Lalo pa't nalaman ko na, base sa mga signs na hingi ko kay Lord, na dapat kong hayaan 'tong nararamdaman ko kay Yana. 'Yun nga lang, hindi ko pa p'wedeng sabihin sa kaniya ngayon dahil hindi ko kayang isugal ang kung anong meron sa amin ngayon. Mas masaya akong nakikita na masaya siya dahil magkaibigan kaming dalawa, at wala ng iba pa.
Sana nga lang, hindi niya maramdaman 'yung mga bagay na hindi ko naman dating ginagawa sa kaniya.
Gaya ng pagbubuhat ng bag niya na puno ng libro. O kaya sa pagsama sa kaniya sa canteen o labas ng comfort room.
"Lalim ng iniisip mo ah," ani Jen bago ipatong 'yung siko niya sa balikat ko. Maliit si Jen, sadyang abot lang talaga niya ang balikat ko dahil ako ang pinakamaliit na lalaki sa aming magkakaklase.
I sighed.
"Alam ko na kung ano 'yan," aniya bago tumingin kay Yana na kasalukuyang nanunuod sa mga school mates namin na pumapasok sa gym by partner gaya ng ginawa namin kanina. "I mean sino," she emphasized.
"Jen, 'wag na lang kaya akong tumuloy sa grand ball bukas?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin kay Yana.
"Ha? Bakit naman?"
"Eh baka kasi sa aming dalawa, ako ang mahimatay sa kilig bukas. Ako lang naman kasi ang nakakaramdam nitong feeling na 'to sa aming dalawa," ani ko kaya naman tumawa ng tumawa si Jen. Tinanong pa nga siya ni Yana kung bakit siya tumatawa pero hindi siya sinagot ni Jen kaya bumalik siya sa panunuod.
"Alam mo Juo, it takes time," aniya na may kasama pang kumpas ng kamay. "Kung natutunan mo siyang magustuhan, baka makuha ka rin niyang magustuhan. Hindi mo naman kasi pinaparamdam e."
"Ayoko iparamdam. Baka layuan lang niya ako," sabi ko.
"Hindi ka ba mas natatakot na baka huli na ang lahat bago mo sabihin sa kaniya na gusto mo siya?" Seryosong tanong ni Jen bago tanggalin sa balikat ko 'yung siko niya at iwan ako na nakatayo. Gusto ko sana siyang tawagin ulit at sabihin na may punto siya.
Pero napipe ako.
"After the enterouge, may we call on Mathew Bornaparte for the prayer," dinig kong saad ng emcee na walang pangalan kaya pumunta sa harapan si Mathew. Nagmema lang siya ng prayer dahil kunwaring grand ball lang naman 'to. "And now, Darwin Peña, the curent SSG governor for his opening speech."
Hindi ko na inintindi ang mga kamemahan na sinabi ni Darwin, kaklase rin namin na Student Governor ng taon na ito at kapartido niya ako, P.R.O. ng student government. Meaning, social media handler ng Westhood University, our school, at tagabalita sa mga mag-aaral. Wala rin naman akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil kinakain niya lahat ng salita na dapat lumalabas sa bibig niya.
Ang mas iniintindi ko ngayon,
ay 'yung sinabi sa akin ni Jen.
"Hindi ka ba mas natatakot na baka huli na ang lahat bago mo sabihin sa kaniya na gusto mo siya?"
Hayop ka Jen. Kelan ka pa natuto magbigay ng advice?
***
Pauwi na kami ngayon. Kasama ko sina Jen at Bal. Nauna ng umuwi sila Yana at Yara dahil magbebeauty rest pa yata sila ngayon. Ewan ko sa kanila ha, pero 5pm pa lang. Tingin ko manunuod lang sila ng bagong release na kanta ng BTS ngayon.
"Jen, sino tao diyan sa loob ngayon?" Tanong ni Bal kay Jen na kinakatok sa gate 'yung padlock na nakalock sa gate nila.
"Si Kuya Denden at mama lang," sagot ni Jen.
Maya-maya pa, mula sa pintuan, may tumilapon na susi na sa tingin ko para sa padlock na kanina pa kinakatok ni Jen. Tumama pa nga sa ulo ni Bal 'yung susi na 'yon kaya sobra siyang humimas sa ulo niya.
"Ang sakit!" Reklamo nito kaya natawa kami ni Jen sa kaniya.
Pagpasok namin sa bahay nila Jen, sumalubong sa amin ang maaliwalas na sala. White sofa, good match of simplicity and elegance. Sa white sofa, naka-upo ang kuya ni Jen na si kuya Denden at may earphones na nakalagay sa magkabilang tenga. Nakapikit ito at nakasandal sa sofa.
"'Yan ba kuya mo Jen?" Tanong ni Bal.
Tumango si Jen. "Bihis lang ako ha," ani Jen bago umakyat sa second floor kung nasaan ang k'warto niya.
Umikot ang tingin ko sa kabuuan ng bahay nila Jen. Ilang beses na akong nakapasok dito sa loob ng apat na taon na pagiging magkaklase at magkaibigan namin. Unang pasok ko rito ay no'ng grade 7 pa kami, rito ginanap kila Jen 'yung trick or treat booth namin kung saan Pumpkin ang theme namin. Sobrang epic ng booth na ginawa namin no'n dahil walang sense sa arts ang dati naming adviser.
"Bal, anong kulay ulit ng suot mong gown bukas?" Tanong ko kay Bal habang iniikot ko pa rin ang tingin ko sa bahay nila Jen.
Nagpunta talaga kami rito para samahan si Jen sa pagkuha ng gown na susuotin niya para bukas sa grand ball. Umuwi lang muna siya dahil hindi niya dala 'yung resibo na katibayang kaniya 'yung damit na kukuhain namin. Tumataging-ting na 4,000 'yung damit na pinatahi niya, kaya tingin ko sobrang ganda no'n.
"Bal?" Nilingon ko siya nang hindi siya sumagot sa tanong ko.
Namalayan ko na lang na nakatingin siya kay kuya Denden. Hindi umaalis ang tingin niya rito na para bang gusto pa niyang tabihan si Kuya Denden sa sofa na inuupuan nito.
"Anong nangyari diyan?" Tanong ni Jen kaya napunta sa kaniya ang tingin ko. Nakapangbahay na siya at naglalakad pababa ng hagdan. Nakatingin siya kay Bal na nakatulala kay kuya Denden.
"Ewan ko," I shaked my shoulders. "Mukhang nafall nanaman" iiling-iling kong saad.
"Nako hindi p'wede 'yang kuya ko."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Eh demonyo 'yan e!" Walang pag-aalinlangang saad ni Jen bago batukan 'yung kuya niya.
And the rest,
is a war.
To be continued. . .
--
An : Bukas JS Prom namin! Huwaah. Excited ako na hindi kasi ang pogi ko e. Baka mahimatay kadate ko kapag nakita niya kung gaano kagwapo kadate niya. Lol. Haha. Goodnight!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro