Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14 - Airmax

Chapter 14 - Airmax
























Kumakain kami ngayon sa restaurant na may kalayuan sa bahay. Gustong-gusto kasi nila mama ang feels at ambiance ng restaurant na ito dahil minsan lang mapuno at tahimik pa. Hindi nakakastress na maya't-mayang may waiter na tumatakbo at nagsisigawan.

"Kamusta school, Juo?" Tanong ni papa sa akin habang kumakain.

"Ayos lang naman, bago na teacher namin sa math. I somehow felt relieve," kaswal na sagot ko bago sumubo ng kinakain ko.

Hanggang ngayon, tuwang-tuwa ako na hindi na si Sir Joms ang teacher namin sa math. Kinuha kasi niya 'yung mga subject sa junior high school kaya binitawan niya ang subject niya sa amin at ibinigay sa ibang guro.

For sure, hindi lang ako ang nagcecelebrate sa aming magkakaklase.

Well, nasabi ko naman na dati kung bakit ayaw namin sa kaniya. Terror siya and that's obvious, pero mahilig siyang makialam. I know his point of always caring for us, pero minsan kasi hindi na kailangan.

Nasa tapat kami ng salamin ng gusali kung saan nakikita ko lahat ng mga sasakyan na dumadaan. Since nasa mataas na part 'tong restaurant na ito, kita ko 'yung right and left side ng kalsada. 'Yung right papuntang north, at 'yung left naman papuntang south.

Tahimik kaming kumain. Although si Bea sobrang ingay habang sinusubuan siya ni Mama. Si Ate Amity katabi ko at nagcecellphone habang kumakain. Nakita ko pa sa chat niya na, I miss you bebe ko. Kaya iniwas ko agad ang tingin ko bago pa ako makabasa ng kasalanan.

"MAMAAAAAA! I want halo-halo," tili ni Bea nang makakita siya ng bata na sarap na sarap na kumakain ng halo-halo sa kabilang table. Umiyak at nagmaktol pa ito sa harapan ni mama. Pero itong si mama ayaw talaga siyang bilhan. "PAPA!"

"Juo, bumili ka nga ng halo-halo. Tig-isa na kayo ni Bea," utos sa akin ni Papa bago ako bigyan ng pambili.

Kahit kailan talaga, kahinaan ni Papa 'tong si Bea.

Napatingin ako kay Bea na lumulundag-lundag sa upuan. Todo harang naman sa kaniya si Mama dahil baka mahulog siya sa upuan. Tuwang-tuwa ito at kulang na lang inggitin pa niya 'yung nananahimik na bata sa kabilang table na kumakain ng halo-halo.

Hindi naman mahaba 'yung pila. Parang naging mabilis din ang pag-oorder dahil sa music na meron ang restaurant na ito. Hindi naman banda ang tumutugtog, may speakers lang sa bawat sulok nitong restaurant na nasa katamtamang lakas lamang kaya nakakarelax pakinggan.

"What's your order sir?" Tanong sa akin ng babae sa cashier.

Akma ko na sanang sasabihin ang o-orderin ko pero agad akong napahinto nang marinig ang isang pamilyar na tono ng kanta. Ilang beses kong pinakinggan ang kanta na 'yon at halos memorize ko na rin dahil iyon nga ang paborito niyang kanta.

"I biga meori wiro ssodajimyeon,
Heumppeok jeotgo malgetjyo nae maemdo,
Meomulleojwoyo ajikkajin geudae eobsi,
Na honja I bireul matgien."

"Sir?"

Napatitig ako sa cashier.

Hindi ako makapaniwala.

"Sir o-order ka po ba o tutunganga ka lang diyan? Ang haba na po ng pila," mahinahon pero naiinis na saad ng cashier kaya agad na nawala 'yung momentum ko.

"Ah. Sorry. Dalawang special halo-halo," tangi ko na lamang saad. Padabog na nagtipa 'yung babaeng cashier sa LED sa harapan niya. Pagkatapos ay inihanda 'yung halo-halo. Nilagay niya sa tray 'yon at nagbayad na ako bago pa niya ako irapan sa sobrang inis.

Siguro pagod na siya sa buong araw na pagtatrabaho niya, I need to understand her kahit pa alam kong mali 'yung ginawa niyang attitude sa customer niya.

Ang nakakapagtaka lang, biglang nawala 'yung kanta na kanina lang tumutugtog. Hindi kaya guni-guni ko lang 'yon? O kaya naman sobra akong umaasa na sana tumugtog 'yon ngayong araw? It's just 7pm by the way. May limang oras pa para matapos ang araw na ito.

"YAY! Halo-halo, halo-halo, halo-halo," pagkanta ni Bea habang nagtatatalon sa upuan kaya naman sobra kung maka-alalay si mama sa kaniya.

Binigay ko sa kaniya 'yung halo-halo niya, pero it end up na pati halo-halo na binili ko para sa sarili ko, ay napunta lang din sa kaniya. Hindi ko alam kung saan napunta 'yung halo-halo na pag-aari niya, at kung bakit kinailangan pa niyang kuhain 'yung halo-halo ko. She doesn't even got mind freeze by the way.

Hinintay kong magplay muli 'yung downpour na kanta. Pero hindi ko na ulit 'yun narinig. Bagkus, Neneng B 'yung tumugtog na song na nakamash-up sa Catriona. Hayop sa mga sounds 'tong restaurant-slash-fast food chain na 'to.

"Ma, Pa. Una na po ako. Gusto ko ng umuwi," pagpapaalam ko.

"Ha? Bakit? 'Di ka na ba sasama sa amin sa Nuvali? Akala ko pa naman makakapagbonding tayong family pag-uwi namin ni Papa mo galing Valenzuela," nalulungkot na saad ni mama.

"Masakit po kasi 'yung ulo ko," kakaisip kung jinoke lang ako ni Lord sa sign na hinihingi ko. Narinig ko, pero halos kalahating minuto lang.

"Paano ka uuwi?" Tanong ni Papa sa akin.

"Magjejeep na lang po ako," tangi ko na lamang tugon. Kotse kasi ni papa ang dala namin papunta rito. They refrain to bring my own car dahil bonding daw namin 'tong araw na 'to at kailangan sama-sama kami sa kotse.

"Os'ya. Ingat ka," sabi ni Mama.

Kumiss ako kay Bea na kinakain pa rin 'yung halo-halo ko. Kukuhain ko sana 'yung stick-o na nakatusok sa halo-halo pero agad niyang pinalo 'yung kamay ko kaya natawa ako ng kaunti. Kahit kailan talaga, kapag kaniya, kaniya lang dapat.

Lumabas na ako ng Chooks to Inasal Restaurant na sister company ng Jollibee. At kathird wheel ng chowking. Nabasa ko sa history sa labas 'yung info na 'yon.

Pumara ako ng jeep na hindi naging mahirap sa akin dahil dati na rin naman na akong sumasakay dito. Magmula nang magkakotse ako, madalang na akong sumakay dahil iwas hassle at iwas gastos. Sa kotse, gagastos lang ako ng panggas tapos ilang araw na 'yon.

"Hello ma? Kailan uwi mo? Miss na kita?"

Naka-upo ako malapit sa bukana ng jeep. Nakamasid ako sa mga kotse na nakasunod sa jeep habang pinakikinggan ang ingay ng kalsada, and well, the man beside me that is, I think, talking to his mom.

"Ano ba 'yan. Opo. Papunta na po. Nagkaka-ubusan na nga ng face mask. Paano sumabog na raw ang taal."

Na-alarma ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa facebook newsfeed ko. Sobrang daming post na sumabog na ang taal, at sobrang dami ring nagsasabi na binaba na sa alert level 3 ang bulkan. Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Ang dami na kasing nagkalat na fake news dito sa Earth.

Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Napansin ko kasi na sa tuwing hihinto 'yung jeep, ni hindi man lang siya umuusog. Usually kasi 'di ba, kapag huminto 'yung jeep napapausog ka paharap. Pero siya hindi gumagalaw sa kinauupuan niya.

That's when I noticed his shoes. Siguro foot ball player 'to dahil sobrang kapal ng sapatos niya. Airmax ata tatak at sobrang makapit sa sahig ng jeep kaya naman pala hindi siya nadudulas kahit ilang beses pa na biglaang huminto 'yung sasakyan.

Nagvibrate ang phone ko kaya bumitaw ako sa hawakan na nasa kisame ng jeep. Tiningnan ko 'yung message ko sa messenger.

Pero agad na huminto 'yung jeep at hindi ako nakahawak sa hawakan sa kisame ng jeep kaya naman dalawa kami nung lalaki na katabi ko na tumalsik sa harapan. S'yempre, being a very educated person, parang wala lang sa'kin 'yung nangyari.

Doon ko napatunayan na gaano man kadikit ang sapatos mo sa sahig, madudulas ka pa rin kapag may tumulak na sa'yo. Wala pala 'tong airmax ng lalaki na katabi ko e.

"Oo ma, ang bigat. 'Diri man nahiya!"

Hindi ako tinamaan boi.

Naalala ko 'yung kanta kanina. 'Yung downpour. 'Yung sign na hinihingi ko. Bakit parang ang bilis lang nung kanta na nagplay? Baka nga guni-guni ko lang? O kaya nanext agad nung nagpplay ng songs kanina? O baka naman ginugood time ako ni Lord sa sign na hinihingi ko?

I sigh.

Napatingin ulit ako sa lalaki na katabi ko. Ramdam kong binigatan na niya 'yung paa niya at humawak na sa hawakan ng jeep. Ready na siya kung sakali mang huminto ulit ang sasakyan.

I bright idea came to me.

Lord. Second sign. Kung gusto ko ba talaga si Yana, o hindi. Kapag nauna akong bumaba sa lalaki na 'to, crush ko lang si Yana. Pero kapag nauna siyang bumaba sa akin, gusto ko nga si Yana at dapat kong ituloy 'tong nararamdaman ko para sa kaniya at--

"Manong para!"

Napadilat ako sa pagdadasal nang agad na pumara 'yung lalaking katabi ko.

Jusko Lord. Dinaig mo pa si Flash sa pagbibigay sa akin ng sign. Atat na atat lang?

Gusto ko nga sana siyang hatakin pabalik sa tabi ko kaso baka sapakin na ako no'n. Patong-patong na atraso ko sa kaniya. Ilang beses ko bang naapakan 'yung puti niyang sapatos kada hihinto ng biglaan 'yung jeep?

May katandaan na kasi 'yung driver at sa tingin ko pasmado na 'yung kamay at paa niya. Kaya siguro maya't-mayang humihinto 'yung jeep kahit nasa highway na kami.

Pagbaba nung lalaki, agad na bumilis ang tibok ng puso ko.

Ngayon.

Lord gave me the two signs I've asked him.

'Yung una, hindi mas'yadong malinaw. Dahil pakiramdam ko talaga guni-guni ko lang 'yung narinig kong kanta kanina.

'Yung pangalawa, malinaw pero ayokong tanggapin. Baka kasi mamaya coincidence lang. It's not that I don't trust God, pero kasi may mga bagay na coincidence lang at hindi dapat bigyan ng ibig sabihin.

I sighed again.

Last sign Lord. Kung dapat ko talagang ituloy 'tong nararamdaman ko, if ever man na gusto ko si Yana, gusto kong makakita, o makarinig, o makaramdam ng matibay na sign.

Sana...

Sa pangatlo't huli kong sign, malinawan na ako ng husto kung ano ba talagang dapat kong gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro