Chapter 13 - Sign
Chapter 13 - Sign
"Ano ba 'yan Yohan. Ang clumsy mo naman," naiinis na wika ni Crissa.
Agad na tumayo si Yohan sa harap ng pintuan kung saan siya nadulas. Inirapan nito si Crissa. "Bitch, hindi ako clumsy, madulas lang ang sahig," pag-angal ni Yohan.
"What ever Yohan, saksakin kita ng cutter diyan e," mataray na saad ni Crissa.
Inirapan siyang muli ni Yohan. "Moving on, moving forward. Let's go na," aniya bago naglakad palabas ng room. Sumunod si Crissa kay Yohan. Kahit mukha silang magka-away, mas close silang dalawa. Sisters for life ang motto nila.
"Una na kami, bbye!" Paalam ni Cyrus.
"Sige ingat kayo," Francheska said.
"Ingat din kayo," sabi ni Mathew bago sila sabay na lumabas ni Cyrus.
Lumabas na rin kami ng room. Pero sa ibang hagdan kami dumaan pababa. Gusto kasi naming pagurin 'tong si Francheska dahil may sakit siya sa puso. S'yempre kapag magkakaibigan, mas gustong naglolokohan.
Sa dinaanan naming hagdan, mas mahirap bumaba dahil ang dami mas'yadong steps. Kaya naman pagbaba namin sa ground floor, nakahandusay na sa sahig si Francheska.
Joke.
"Far, ayoko pa umuwi," sabi ni Jen bago pinulupot ang braso sa braso ni Bal.
Far ang tawag ng close friends kay Francheska. Ang dapat kasing ipapangalan sa kaniya ng nanay niya ay Farrah. Pero dahil bagong panganak, lutang pa ang ermat niya nang tanungin kung anong ipapangalan sa kaniya. Ayun, naging Francheska imbis na Farrah.
"Edi 'wag ka umuwi," natatawang saad ni Bal.
Nag-uusap lang sila Bal at Jen habang naglalakad kami palabas ng school. Nauunang naglalakad sila Yana at Yara at nasa likuran nila ako. Nasa likuran ko naman sila Bal at Jen na nagtatawanan.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tumingin kay Yana. Kahit na likod lang ang nakikita ko sa kaniya, hindi pa rin maalis 'tong lintek na nararamdaman ko sa kaniya. Sa tuwing naiisip ko siya at ang nararamdaman ko, parang sasabog palagi 'tong dibdib ko, paano pa kaya 'yung ganito siya kalapit?
Paano pa kaya 'yung araw-araw na katabi ko siya sa upuan.
"Una na ako sa inyo!" Sabi ni Bal nang lumiko siya sa sakayan ng tricycle.
Hindi ko dala ang kotse ko ngayon kaya hindi ko siya maihahatid. Tanging bike lang ang dala ko. Tinamad kasi akong magkotse. Tutal matagal-tagal na rin naman simula nang huli akong magbike. Nabubulok na lang din 'tong bike na 'to sa garahe namin kaya mas maganda na gamitin ko na lang din paminsan-minsan.
Usual routine, hinatid ko silang tatlo sa kaniya-kaniya nilang mga bahay. Pag-uwi ng magkapatid sa kanila, nag-aaway pa rin sila sa hindi ko pa rin alam na dahilan. Sana bukas hindi na sila parehong bad mood, nadadamay pagpapapansin ko kay Yana e. Ayan tuloy, mahina ang kita.
Si Jen naman pag-uwi, nirambol agad ng kuya niyang si Kuya Denden. Ewan ko ba kung anong trip ng kuya niya sa kaniya, palagi na lang siyang binubwiset. Hindi na nakapagpaalam si Jen sa akin dahil nagtititili siyang nagsusumbong sa mama niya sa kusina.
Pagkatapos ko silang maihatid, sumakay na ako sa bike na kanina ko pa tinutulak para lang masabayan sila sa paglalakad.
Habang nagbibisikleta pauwi, wala pa ring ibang pumapasok sa isip ko kundi si Yana. Si Yana nanaman. Palagi na lang siya.
Everyday, it's getting deeper. I mean this feelings. Ayokong mas lumalim pa 'to. Pero bakit gano'n? Kapag mas ayaw mo, mas gusto namang gawin ng puso mo. Hindi ko pa p'wedeng hayaan na magmahal ang puso ko dahil hindi pa 'yon healthy para sa aming dalawa ni Yana. Dahil hindi pa ako handa.
Hindi naman sa ayoko pang magmahal, pero kasi ano bang alam ko sa pagmamahal?
Alam ko lang 'yung meaning dahil sa mga libro na nababasa ko at movies na napapanood ko. Pero kapag sa sarili mo na, paano mo ba talaga maeexplain na gusto mo 'yung isang tao? Na mahal mo 'yung isang tao? Paano mo masasabi na 'yung nararamdaman mo eh enough na para iconclude mo na love?
I sigh.
Kailangan ko ng tulong.
Kailangan kong malaman kung dapat ko bang hayaan 'tong nararamdaman ko kay Yana. I already concluded na may gusto ako sa kaniya. Pero kapag nagpatuloy pa 'to, for sure mas lalalim pa 'to, to the point na mababaliw na ako kakaisip sa kaniya at hindi ko na mapipigilang sabihin sa kaniya na mahal ko siya.
Then, narinig ko 'yung boses ni Bal. Narinig ko 'yung boses ni Francheska sa utak ko na nag-eecho.
"Cast all your anxieties to God. Lahat ng problema niya sabihin niyo sa kaniya dahil siya dapat ang unang-una niyong nilalapitan. Kapag hindi niyo 'yan sinabi sa kaniya, mahihirapan ka lang at mabibigatan sa mga bagay na nagpapagulo sa isipan mo. Worst, bibigat lang 'yan ng bibigat."
'Yan ang mga salitang binitawan sa amin ni Bal noon. Mahilig kasi siyang magshare ng words of God. Dati na kasi siyang nalihis ng landas, according to her. Kaya nagbagong buhay daw siya kung saan kasama na niya si God, kung saan niya nakilala si God.
Ang dami ko ring natutunan sa kaniya kada eevangelism kami. 'Yun ang tawag sa pagshasharing na ginagawa namin.
"Cast all your anxieties to God."
Sigh.
Paano ba ginagawa 'yun? Dapat ko bang kausapin si God ngayon? Dapat ba akong magdasal ngayon?
Sign.
Napangiti ako nang maalala ko 'yung salitang sign. Madalas sa mga libro't movie ko lang 'to nakikita at nababasa. Pero malay ko kung totoo 'yon. Siguro naman walang mawawala sa akin kung susubukan ko.
Ano bang p'wede kong hilingin na sign kay Lord?
Huminto ako sandali sa pagbibike. Nilapat ko muna sa sahig ang dalawa kong paa bago ako pumikit at humiling. I know this thing makes me stupid, but I'll still do for the sake of my wisdom. For the sake of this feelings na mas lumalalim every day. For the sake of--
"'To tama na monologue," narinig kong saad ng matandang babae pero hindi ko siya pinansin. "Mag-iisang libo na word count mo, 'wag mo na habaan istorya mo, pabebe amp!" Dagdag pa nito pero nakafocus pa rin akong nakapikit.
Isa lang naman ang sign na hihingin ko Lord. Ikaw na po ang bahala kung matutupad o hindi. If I heared her favorite song today, or tonight. Ibig sabihin dapat kong ituloy at hayaan 'tong nararamdaman ko. But if not, siguro nga hindi kami ang para sa isa't-isa. Maybe this it's just a false hope.
Minulat ko ang mata ko at nagsimula na muling magbike. Mabuti na lang at wala na 'yung matandang babae na nambabash sa akin kanina.
Habang nagbibike pauwi, todo ang kabog ng dibdib ko. Alam kong parang OA pero sobra akong kinakabahan to the point na pinagpawisan pa ako pauwi. Yes, nagbibike ako kaya pinagpapawisan talaga ako, pero dumagdag kasi sa pawis ko 'yung kaba na dulot ng sign na hiningi ko kay Lord.
Paano kung ibigay nga niya sa akin 'yung sign? Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba kay Yana na gusto ko siya? Sasabihin ko ba sa kaniya na ayoko na friends lang kami? Na gusto ko more than that?
Pero paano kung hindi ibigay ni Lord 'yung sign? Dapat na ba agad akong magmove-on kahit hindi naman naging kami? Dapat ko ba siyang iwasan para mas maging madali sa akin na nakalimutan kung anong naramdaman ko sa kaniya? Malamang hindi kami ang para sa isa't-isa kung hindi ibibigay ni Lord ang sign.
Naka-uwi na ako sa bahay at agad na sumalubong sa akin si T. Siya ang bunso kong kapatid na babae. T Bea Salev ang full name niya.
Balak talagang kumpletuhin ng nanay at tatay namin ang alphabets dati. Ang buo kong pangalan ay L Juo Salev. Eh kaso, hindi na p'wedeng mag-anak si mama dahil ligate na siya. Ewan ko ba sa kanila kung bakit nagsimula sila sa L. Tapos nang lumabas si Bea tumalon agad sila sa T.
Ayan tuloy, kapag magkasam kami nitong si Bea, LT pangalan namin.
"Kuya Juwo!" Sigaw nito palapit sa akin. Agad niya akong sinalubong ng yakap habang hawak-hawak 'yung laruan niyang sandok. Naglalaro siya ngayon ang bahay-bahayan gamit 'yung tent nila Mama at papa kapag nagcacamping sila. May mga laruan na nakakalat sa loob no'n, kabilang 'yung kitchen set na laruang regalo ko sa kaniya no'ng birthday niya.
"Kamusta baby?" Tanong ko rito nang humiwalay siya sa yakapan namin.
"Okay lang naman kuya. Ang saya sa Valenzuela, ang daming boy doon. Sabi pa nga nila liligawan nila ako paglaki namin e," pagkukwento niya.
Kumunot ang noo ko. "Jusko Bea. Ang bata mo pa para diyan," pinisil ko ang ilong niya pagkatapos ay ginulo ang buhok niya kaya sumimangot ang apat na taong bunso kong kapatid. S'yempre, natawa ako sa kacutan niya. "Nasaan pala sila Mama?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad ako papunta sa k'warto ko sa itaas.
"Lumabas sila saglit e," sagot nito bago pumasok sa tent.
"Sinong kasama mo rito?"
"Si Ate Amity."
"Uy!" Lumabas mula sa banyo si Ate Amity. "Sabi nila Tita kakain daw kayo mamaya sa labas. Pag-uwi raw nila dapat bihis na tayo."
"Anong meron?" I asked but she just shake her shoulders as an answer. Ibig sabihin hindi rin niya alam. Naglakad na siya papunta sa tent ni Bea at naglaro sila roon ng kapatid ko.
Ako naman, nagpatuloy na umakyat sa k'warto ko at naligo.
5:30 pm pa lang.
Valid naman siguro kung hanggang 11:59 ako maghihintay sa sign na hinihingi ko hindi ba?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro