Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12 - Smiley Candy

Chapter 12 - Smiley Candy


























"Ako rin naman maraming favorite songs. Bakit 'di mo ako tinatanong?" Tanong ni Jen habang naglalakad kami.

Galing kami sa isang milktea-han sa kanto malapit sa school namin. Nilibre ako ni Francheska at si Alas naman ang sumagot sa milktea ni Jen s'yempre. Nagshare pa sila ng words ni God kaya feeling ko naging banal ako sa milktea shop na tinambayan namin kanina.

Ako ang naghatid kay Jen pauwi as usual dahil hindi siya hinahatid ni Alas. Siguro takot sa kabanalan na meron ang bahay nila Jen or... baka takot kay Kuya Denden kaya ayaw pumunta sa bahay nila Jen.

"Jen, wala naman akong pakialam kung marami kang paboritong kanta. Marami rin naman akong paboritong kanta pero hindi ko naman dinemand na itanong mo sa'kin 'di ba?" I said habang focus sa dinadaanan namin.

"Hmp!" Tangi lamang nitong sagot. "Bakit mo ba kasi tinanong sa kaniya kung may paborito siyang kanta? Eh lahat naman ng tao may paboritong kanta," pagtatanong pa niya.

"Ang tanong ko naman ay kung anong paborito niyang kanta," pagtatama ko sa kaniya. "Malay, basta gusto ko lang magdagdag ng mga kaalaman tungkol sa kaniya. Alam mo na, if... if lumalim nga 'tong nararamdaman ko sa kaniya, at least may alam naman ako tungkol sa kaniya kahit papano," I explained.

Natahimik siya habang naglalakad. Napatingin tuloy ako sa gilid ko kung nasaan si Jen kanina. Wala na siya roon at mukhang kinakausap ko lang ang sarili ko all this time. Hayop talaga.

Napalingon ako sa likuran kung saan siya nakatayo at nakatulala sa harap ng isang tindahan. Hindi ko alam kung anong tinitingnan niya roon kaya nilapitan ko siya at kinalabit.

"May bibilhin ka ba?" Tanong ko.

"Gusto ko ng candy," aniya na parang bata kaya napasampal na lang ako sa noo ko. "Juo bili ka," pag-uutos pa niya.

"Iyong pera ha. Hindi pa nakakarecover wallet ko sa paglalaro ninyo sa arcade noong nakaraan," ani ko habang inaalala kung gaano nalaspag ang wallet ko nang pumunta kaming apat sa SM. Naubos lahat ng cash ko at naging token. Tuwang-tuwa siguro Tom's world sa akin dahil ang laki ng naiambag ko sa negosyo nila.

"Sige, basta ikaw bibili," aniya habang kumukuha ng pera sa wallet niya. Naglabas siya mg bente at inabot sa akin. "Lima lang ha," she said.

"Bente binigay mo sa'kin tapos lima lang bibilin ko na candy? Ang kuripot mo naman," nakakunot noo kong wika.

"Ih! 'Wag ka na makialam. Nag-iipon ako."

"Para saan?"

"Para sayo," malandi niyang saad tapos nilabas ng kaunti ang dila niya habang nilalagay sa likod ng tainga ang buhok niya sa gilid ng mukha. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya. "Basta nag-iipon ako. 'Wag ka na magtanong, bumili ka nalang kasi."

Umakyat ako sa hagdan ng tindahan. Muntikan pa akong matapilok buti na lang magaling ako magpretend na parang wala lang nangyari.

Sa sobrang galing ko magpretend hindi mapansin ni Yana na gusto ko siya.

"Pabili po," mahina kong saad. Nakakatakot bumili ngayon, hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi no'ng huli akong bumili sa tindahan, may tindera na nag-gimme gimme at nabali ang spinal chord. Nabalitaan ko na sumakabilang buhay na siya no'ng nakaraang araw dahil nacomatose ata. Connected daw kasi ang spinal chord sa utak ng tao kaya ayun.

Wala naman siguro akong kasalanan do'n 'di ba?

"Ano 'yon?" Tanong sa akin ng tindera.

Napatingin ako sa lahat ng candy na binebenta nila. All of it taste sweet obviously, pero may ilan na tinitingnan ko palang feeling ko nauumay na ako sa tamis. Gusto ni Jen 'yung karate belt na ilang beses ko ng natikman sa buong buhay ko. Maasim na matamis 'yun pero nauumay ako kapag nasosobrahan.

Then I found a candy na cute tingnan and at the same time natikman ko na dati.

"Ito po. Lima," sabi ko sabay turo sa candy na may smiley face. White ang harapan nito at iba't-ibang kulay naman ang likuran. Inabot ko 'yung benteng buo sa tindera pagkatapos niyang iabot sa akin 'yung limang piraso ng candy. Sinuklian niya ako kaagad kaya umalis na rin kami ni Jen sa tindahan at naglakad na muli papunta sa kanila.

"Akin tatlo, ako bumili e," I said before I gave her two of the candies.

"Madaya ka talaga. Pera ko 'yan," paglalaban pa niya pero hindi na niya inagaw pa 'yung isang candy sa akin.

Agad kong binalatan ng plastic 'yung candy at isinubo kaagad 'yun. The front part of the candy taste sour at may malamig na dulot. While the lower or back part of it taste sweet. Nakita kong kumain na rin ng candy si Jen habang mabagal kaming naglalakad. Pareho kasing ayaw pa naming umuwi.

"Kamusta?" Biglang tanong ni Jen.

"Ayos lang?" Patanong kong sagot.

"No, what I mean is, 'yung pagpapapansin mo kay Yana."

Napatahimik ako. "Wala namang bago. Hindi pa rin niya ako napapansin."

"Baka kasi hindi ka naman nagpapapansin."

Napatingin ako sa kaniya. "Kailangan ko bang magpapansin? Hindi ba p'wedeng iparamdam ko na lang na gusto ko siya?" I asked before staring again at the road. Walang mas'yadong dumadaan na sasakyan dito dahil subdivision ito. Plus ang sarap pa sa pakiramdam na maglakad-lakad sa ganitong oras dahil hindi mainit at hindi malamig ang hangin. It's 5pm.

"Alam mo kasi Juo. Kaming mga babae, kahit may ipinaparamdam kang motibo, minsan hindi namin pinapansin. Kung sweet ka sa amin, madalas sinasabi agad namin sa sarili namin na, you're sweet dahil kaibigan ka namin. Nothing less, nothing more. Kaya dapat kahit minsan, magpapansin ka. Hindi sa nakaka-iritang paraan, pero sa way na mas mafefeel niya na may something na gusto mong iparamdam sa kaniya," pagpapaliwanag niya kaya halos umawang ang bibig ko.

"Sabi na nga ba," kaswal kong wika kaya napatingin siya sa akin.

"Anong sabi mo na?" Taka niyang tanong.

"Tibo ka 'no? Bakit alam mo kung anong dapat na gawin ng lalaki para mapansin siya ng babae? Siguro na-experience mo na manligaw ng babae ano?" Pang-aasar ko rito kaya agad ako nitong binatukan. Halos mangudngod ang mukha ko sa sahig ng kalsada sa lakas ng pagkakabatok niya sa akin.

At hindi 'yun hyperbole o ka-OA-yan.

"Ang sakit!" I exclaimed in pain habang hawak-hawak ang batok ko and refraining it from leaving my body. Pakiramdam ko kasi mapuputol ang ulo ko sa ginawa ni Jen.

"Binigyan ka na nga ng payo, inasar mo pa ako," she said. "Ganiyan kasi si Alas. You know, alam ko lang na gusto niya ako. Gusto ko rin naman siya. Pero kasi alam mo 'yun, parang may kulang pa e. May hinahanap pa ako sa kaniya na hindi pa niya nabibigay sa akin at hindi ko alam kung ano 'yun," dagdag pa niya kaya natahimik kaming dalawa.

"Baka ang hinahanap mo e ano."

"Ano?" Tanong niya.

"Baka naghahanap ka ng malaki," I said while looking at her with teasing eyes.

"Malaki?" Inosente niyang tanong.

"Maliit kasi si Alas. Baka gusto mo malaki," wika ko pa pero mukhang hindi talaga niya gets.

"Alam mo minsan Juo, 'yang kakornihan mo hindi ko talaga magets," aniya. Nauna siyang maglakad sa akin pero bigla siyang napahinto at napalingon sa akin habang may nandidiring ekspresyon sa mukha. "JUO KADIRI KA!" And I think that's when she realized what I've said.

Natawa ako ng sobra-sobra at hindi ko namalayan na may kinakain nga pala akong candy. Malaki pa iyon at sobrang bumara sa lalamunan ko nang malunok ko 'yon ng hindi sinasadya.

Mangiyak-ngiyak ako habang pinipilit na ilabas muli ang candy sa lalamunan ko.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jen sa akin pero hindi ako sumagot dahil nagfofocus ako sa pagtanggal ng candy na nakabara sa lalamunan ko.

Nailabas ko ang candy at agad na niluwa ito hanggang sa malaglag ito sa kalsada. Nang makita ni Jen ang ginawa ko, siya naman ang tumawa ng todo-todo at parang walang bukas.

Nice Juo.

Isa nanamang nakakahiyang memory.

***

Maaga akong pumasok the following morning. Mas gusto ko lately na ako ang pinaka-unang pumapasok sa school para ako ang unang makakakita sa kaniya kapag dumating siya sa school.

Nang dumating siya kasama ang kapatid niya, as usual, late sila dumating, tahimik lang silang umupo sa respective seats nila. Meaning, katabi ko siya all through out the subjects and the whole school hours.

Sinunod ko ang payo ni Jen na magpapansin ako kay Yana. Pero mukhang bad timing ata ngayong araw dahil bad mood siya. Every time I'll tell a joke, feeling ko sobrang lame no'n dahil tatawa lang siya na parang 'yun na ang pinakakorning joke na narinig niya. Plus nag-aaway pa sila ng kapatid niya kaninang lunch.

I can't help it pero wala akong magawa.

Gusto ko siyang pasiyahin, gusto kong tanggalin 'yung bad vibe na meron siya ngayong araw pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa. P'wede bang maging kaibigan na lang ulit ang tingin ko sa kaniya? Para naman mapasaya at mapatawa ko siya ulit like what I can do nang kaibigan pa lang ang nararamdaman kong namamagitan sa aming dalawa.

Uwian na ngayon. At tanging kaming siyam na lang ang natitira.

Ako, Yana, Yara, Jen, Francheska, Mathew, Crissa, Yohan and Cyrus. Kaming siyam ang usual na umuuwi ng late after class dahil mas gusto naming manatili muna sa room at damahin ang aircon na hindi pinapatay kahit uwian na. Hinihintay kasi ng guwardya na umalis muna ang mga estudyante bago patayin ang aircon.

Sana ol.

Palabas na kami ng class room nang hindi inaasahang pangyayari ang nanyari.

To be continued ulet :P...

--

An : this chapter is dedicated to my kuya na nagsusulat na ulit at sobrang kulit (uy rhymed HAHAHA)

TempelisXAgori!

Try to read his stories na rin. Btw, happy 400 reads army babies! Lol. HAHHAA.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro