Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10 - Dive

Chapter 10 - Dive






















"Oh. Let's start?" Tanong ni Jen sa akin bago umupo sa bench na nasa facade ng bahay nila.

"Anong let's start?" Tanong ko habang nakatayo sa harapan niya at nakacross arms.

Kakauwi lang namin galing sa SM. Gaya nga ng sinabi ni Jen sa amin kanina, treat niya. Nagkaroon pa nga ng gyera sa pagitan naming apat dahil ang gusto ko sana na kainan namin ay Mang Inasal para unli rice at sure na mabubusog kami. But Jen disagree. Mas masarap daw sa McDo. 'Yung magkapatid naman pinipilit na sa Jollibee kami dahil Jollibee forever daw sila.

Well, para walang away, bumili kami ng halo-halo sa Mang Inasal, tapos ng pagkain sa McDo, at kumain kami sa Jollibee. Since magkakatabi lang naman 'yung tatlong fast food chains, hindi naging mahirap 'yung ginawa naming kalokohan.

After naming kumain, dumaretso kami sa Tom's World. 'Yun nga lang hindi na treat ni Jen. Ayaw na sana sumali nung magkapatid, but I insisted. Sabi ko ako na ang bahala sa tokens na gagamitin nila kaya naman todo laro lang silang tatlo, yes tatlo, nakisali si Jen--without knowing na naubos na nila 'yung laman ng wallet ko.

Umuwi tuloy na luhaan ang bulsa ko at duguan ang wallet ko dahil sa nasaid 'to.

"'Yung mga dapat mong ik'wento, ik'wento mo na," sabi niya habang naka-upo sa bench na parang lalaki.

Kumunot ang noo ko. "Ano bang dapat kong ikuwento? Wala naman," I said in confusion. Ang usapan lang namin ihahatid ko siya like our daily routine. Si Alas kasi, hindi siya hinahatid pauwi, I don't know why. Legal naman ang panliligaw niya dahil alam ng parents ni Jen. Siguro demand ni Jen, o baka na-insecure si Alas dahil mas lalaki pang maglakad 'tong si Jen sa kaniya.

"Wala raw," mahina niyang saad. "Bakit ka tulala kahapon?" Tanong niya.

"Kahapon?" Napaisip ako. "Ah. Wala 'yon."

Ayoko na sabihin 'yung weird na panaginip ko. Bukod kasi sa hindi ko na maalala 'yung ilang detalye no'n, sure rin naman ako na mangyayari talaga sa future 'yun, lalo na't graduating kaming apat. Kaya sana bumagal ang oras dahil ayoko pang grumaduate. Kung p'wede nga lang bumalik kami sa past at magsimula ulit.

But time doesn't work that way, life rather. You can't go back--

"Tama na monologue," pagsita ni Jen sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Pake mo ba Jen. Dami mo na exposure rito sa story ko demanding ka pa. Supporting character ka lang, hindi ikaw leading lady," sabi ko kaya naman napatayo siya at napameywang.

"Wala rin akong pake kung story mo 'to, magkakaro'n din naman ako ng sarili kong story," aniya bago dumila na parang bata. "Pero eto nga, kung wala lang 'yung kahapon, dahil alam ko naman na minsan may topak ka at bigla-bigla nalang natutulala sa kagandahan ko--"

"Natutulala lang," pagtatama ko pero inirapan lang ako nito habang nakacross arms at nakastanding in one leg.

"Eh ano 'yung ngayon? Mas malala talaga 'yung iniisip mo ngayong araw," she stated.

Napaisip tuloy ako kung kailangan ko pa bang sabihin sa kaniya o hindi na. Kasi kahit ako hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Baka false alarm lang 'tong nafefeel ko o kaya urgency dahil 18 years old na ako at wala pa rin akong girlfriend.

"Kasi--" sasagot na sana ako nang biglang may bumungad sa gate ng bahay nila Jen.

"Jenjen buksan mo nga," pag-uutos ng lalaki na nasa may gate.

"Ayoko nga," Jen said, still standing in front of me at mukhang walang balak na pagbuksan ng gate 'yung kuya niya.

Sumama ang tingin ng lalaki sa kaniya. "Kapag ako nakapasok diyan, puputulin ko 'yung ulo ni V sa kuwarto mo, humanda ka," saad ng kuya niya pero etong si Jen, hindi natinag at tumabi pa sa akin.

"Lagot ka kay Juo--"

"Oy. Labas ako riyan," I said and distance my self from her. Tinarayan naman niya ako bago sumigaw.

"MAMA! Si kuya Denden oh!" Pagsusumbong ni Jen kay tita Liza na nasa loob ng bahay at for sure, hindi siya naririnig.

"Opps, Ms. Sumbungera nakapasok ako," nakakalokong saad ng kuya ni Jen. May mapang-asar din na ngiti mula sa labi niya at dahan-dahang lumapit kay Jen so I give way. 'Di hamak na mas matangkad sa akin 'tong kuya niya at mas maganda ang katawan kaysa sa akin kaya I have no match for him.

Isa pa, this is the way of showing their love to each other, asaran.

"OWEMJI MAMA! KUYA CON-CON!" Nagtititili si Jen papasok ng bahay nila. Kahit nasa labas ako, rinig ko pa rin ang pagsaklolo ni Jen sa nanay, tatay, at isa pa niyang kuya na nasa ibang bansa pero todo sigaw siya sa pangalan nito.

Si Kuya Concon, ang panganay sa kanilang tatlo. Nasa South Korea 'yun ngayon at nagtatrabaho bilang medical member ng army doon. Si kuya Concon ang protector ni Jen laban dito kay Kuya Denden, ang pangalawa sa kanilang magkakapatid na ubod ng sungit at pang-aasar. Kung tama ang pagkaka-alala ko pediatrician doctor ang pinag-aaralan ni kuya Denden.

Tiningnan lang ako ni Kuya Denden at pumasok na rin sa loob ng bahay nila. I used to enter their house pero mas gusto ko talaga sa labas lang. With Jen's second brother, sobrang nakakabother pumasok sa bahay nila. Parang palagi kang macoconcious sa surroundings mo dahil lagi siyang nakamasid.

Yet, I know him too well. Masiyado lang pa-iba-iba ang mood niya pero mabait naman siya. Over-protective rin ito kay Jen kaya nang una akong makatapak sa bahay nila, sinuri agad ako nito kung maayos ba akong tao o baka paiiyakin ko lang ba daw si Jen.

Ang sagot ko no'n sa kaniya, "baka nga ako pa ang paiyakin niyan dahil ang sakit manuntok ng kapatid niyo."

Maya-maya lang nakarinig ako ng tili na sobrang tinis kaya napatakip ako sa tainga ko. Sure ako na si Jen 'yon dahil unang-una, dalawa lang silang babae ng mama niya sa bahay na 'to. Pangalawa, hindi naman na siguro makakatili si tita Liza ng gano'n katinis.

"Juo! Chat mo na lang ako! Owemji KUYA CONCON! MAMA! PAPA SI KUYA DENDEN OWEMJI WAAAAH!"

Bago ako umalis, nakita ko pa sa pintuan na hinahabol ni Kuya Denden si Jen. May hawak siyang ipis kaya naman pala tili ng tili si Jen habang nagtatatakbo sa iba't-ibang sulok ng bahay nila. Eto namang si Kuya Denden tuwang-tuwa sa ginagawa niya. Hindi pa ito nakuntento at nakita kong hinagis niya pa kay Jen 'yung ipis.

"WAAAAH! LAGOT KA TALAGA KAY KUYA CONCON!"

***

"Ang ingay naman ng class room," daing ni Jen habang nanunuod offline ng youtube. Pinapanood niya ngayon 'yung kanta ng iKon na Dive. Actually, dalawa kaming nanunuod ngayon dahil gusto niya raw ituro sa akin 'yung sayaw na 'yon. Pero dahil mahina lang 'yung speaker ng cellphone ni Jen, hindi namin marinig dahil sa ingay ng mga kaklase namin.

May mga nagtatambol ng desk, sumasayaw ng pangfestival at sinasabayan 'yung tambol ng mga kaklase namin sa pintuan, pader at mismong table ng adviser namin. Alam kong sobrang immature tingnan, pero ganito ang way ng pagsasaya nila at pambubwiset ng mga teacher.

Sobrang disaster talaga dahil ang gulo ng mga upuan. Nahiya 'yung salitang neat and clean sa class room namin. Kaya nawawalan kami ng walis tambo at dustpan dahil hindi naman daw kami deserving para sa mga 'yon.

In the end, nag-earphones nalang kami ni Jen para lang marinig 'yung kanta.

***

"'Di ko talaga magets," ani ko habang sinusubukang isayaw 'yung tinuturo niya. Ang bilis kasi nito kapag may tugtog na at hindi ko talaga masabayan.

"Kaya mo 'yan," pagmomotivate niya.

Kami na lang ang nasa class room. 'Yung mga kaklase kasi namin bumaba na at nagsi-uwian na 'yung iba. 'Yung magkapatid maaga ring umuwi dahil birthday ni Tita Tina ngayon at may celebration silang pamilya.

"Bakit ko ba kasi kailangan 'tong kabisaduhin?" Tanong ko sa kaniya bago umupo sa isang arm-desk.

"Para ma-impress siya."

"Eh hindi naman 'to 'yung paborito niyang kanta," wala sa sarili kong saad.

"Oh see. Sabi na e," napatingin ako kay Jen at narealize ko kung anong sinabi ko.

"Ang alin? Weird mo," pagmamaang-maangan ko pero tinawanan lang ako nito.

"Sus! May balak ka bang ligawan?"

"Agad?" Gulat kong tanong.

"Diyan din naman 'yan pupunta. Gusto mo, then liligawan mo. Palagi namang gano'n 'di ba?" Wika niya bago umupo sa table ng adviser namin.

"Palagi naman talagang gano'n. Liligawan naming mga lalaki 'yung mga babae. Aabutin ng ilang buwan, o taon bago sumagot 'yung mga babae. Minsan, wala naman talagang gusto 'yung babae sa lalaki. Pero dahil naawa, sasagutin niya para sa effort na binigay ng lalaki sa kaniya. Pero in the end, magbbreak pa rin sila dahil hindi naman sila magwowork dahil hindi nga gusto ng babae 'yung lalaki--"

"Daming sinabi. Akala mo naka-experience na magkalove life," aniya.

"Tss. Eto may tanong ako sa'yo," sabi ko bago umupo ng maayos at tumitig sa kaniya.

"Kapag si Taehyung nagtanong sa'yo kung p'wede kang ligawan. Anong sasabihin mo?"

"OWEMJI JUO!" Aniya bago napahiga sa table ng adviser namin. "S'yempre sasabihin ko agad, oo V. Sinasagot na kita. Ligaw-ligaw pa, ayain ko na agad siyang magpakasal para akin na agad siya e," sabi niya habang sobrang kinikilig sa desk ng adviser namin.

In the end, iniwan ko siya habang hindi makaget-over sa tanong ko. Nangisay pa siya sa sobrang kakiligan at hindi ko alam pero tingin ko 'yung ang tamang sayaw ng Dive by iKon.

Hay. Kalandian ni Jen pt. 2.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro