XI. Wakas
Ang World Pandemic ay nagkaroon na ng wakas nang magsanib-puwersa ang maraming bansa laban sa Tsina.
Sinugod ng military forces ang Wuhan kung saan naroon ang malaking lab na gumawa sa virus na nagdulot upang maging zombie ang mga tao.
Sinunog ng mga sundalo ang laboratoryo para mawala na ito nang tuluyan.
Halos isang bilyong katao ang naging zombie at 800milyon sa mga ito ay nangamatay na. Samantala, dahil sa natuklasang antidote ng mga scientist na mula sa dugong AB+ ay nakabuo sila ng bakuna.
Una nilang tinurukan ang 200 milyong zombie. Yaong naapektuhan ng virus kahit buhay pa sila kaya may pag-asa pa silang gumaling.
Wala na kasing pag-asa 'yung 800 milyon dahil 'yung iba ay butas-butas na ang katawan. Literal na patay na talaga pero pinapagalaw lang ng utak na nanatiling buhay dahil sa virus.
Ilang buwan rin ang ginugol ng buong mundo para muling makabawi.
Ang mga katawan ng zombie ay sinunog para masigurong wala na silang tsansa na mabuhay na muli.
Samantala..
Sa isang paraiso..
Nagising si Ivy sa isang lugar kung saan napalilibutan siya ng mga tanim na halaman.
Ivy
Nasaan ako?
Tila ba ako ay nasa isang hardin.
Pero bakit napakaganda at napakagaan ng pakiramdam ko rito?
Kay sarap-sarap.
Wala akong matandaang nangyari o kakilala man lang maliban sa isa..
Si Mark..
Hinanap siya ng paningin ko.
Naglakad ako nang naglakad.
Hanggang sa matanaw ko siya sa 'di kalayuan.
"Mark.."
"Ivy.."
No words came out from our mouths. We hugged each other as if it has been a long time since we did that.
"I miss you, Mark."
"I badly miss you, Ivy. Matagal na kitang hinihintay."
"Nandito na ako. Hindi na kita iiwan."
"Promise?"
"I promise."
We held each other's hands and we walked away, assured that we're not going to leave each others' side again.
End.
-------------
Author's Notes:
Hi guys! Thank you sa pagbabasa ng story na ginawa ko. :)
Promote ko lang din yung story ni maRAWRk na "Elevator to Downfall" na halos same plot lang nitong story ko.
Napag-usapan kasi namin ni author na what if isa-Wattpad namin ito, same plot pero bahala na kami sa magiging takbo ng story. So eto na nga po ang kinalabasan. Hahaha. Basahin niyo yung story ni maRAWRk. Maganda, promise. :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro