
VII. Third Day
Ivy
Ikatlong araw na namin dito sa loob ng elevator. Nagsisimula na akong ma-frustrate dahil sa paranoia na ma-stuck na lang kami rito habambuhay.
I tried calling Shirley. Sana naman this time e sumagot na siya.
*Kriiiiing*
Finally!
"Girl?! Bakit ngayon mo lang sinagot?"
Nakarinig ako ng pag-ubo sa kabilang linya. Yung pag-ubo na parang may makati sa lalamunan pero wala kang plema. Gano'n.
"I-Ivy.. Nasaan ka?"
"Shirley... I-I am stuck here in the elevator in Clifford building. Hindi na ako nakaalis no'ng araw na nag-grocery tayo. T-Tulungan mo ako please," pagmamakaawa ko kay Shirley at nagsimula na akong umiyak.
"I-I'm sorry, Ivy. Gustuhin ko man pero hindi na ako magtatagal. B-Basta, mag-iingat ka. Pakaiwasan mo ang matalsikan ng plema. Mag-facemask ka," hirap na hirap na sabi ng aking kaibigan.
"Anong hindi na magtatagal? Anong.. Shirley? Shirley?! Shir— fvck!" Halos itapon ko ang cellphone dahil naputol na ang tawag.
Sinubukan kong muli siyang ma-contact. Sinagot naman itong muli ni Shirley ngunit tanging pag-ubo na lang ang naririnig ko sa kabilang linya hanggang sa naging tahimik na ito.
Mayamaya ay nakarinig ako na tila ba may aso.. pero parang 'di naman kasi parang tao na nagga-growl.
"Rawrrrrr! Grawrrrr!"
Naitapon ko ang cellphone ko at napatulala.
Fvck. Kung hindi ako nagkakamali, naging zombie si Shirley katulad no'ng sa Train to Busan? Katulad ng Zombie movies?
Fvck.
"Hindi!" Tuluyan na akong napaiyak.
Halo-halo na ang nararamdaman ko.
Frustration na hindi na kami makaliligtas dahil baka zombies na 'yung rescuers.
Yung pag-aalala na paano 'pag naubos na 'yung pagkain namin, mamamatay na ba kami sa gutom?
Yung pag-o-overthink na makaligtas man kami, paano kung maka-encounter kami ng infected, mamamatay rin kami.
Shit.
No!
Mark
I can see frustration in her eyes.
Yung kagustuhan niya na makaalis dito, nararamdaman ko rin.
Pero hindi ako puwedeng panghinaan ng loob dahil ako ang lalaki.
Ako ang pagkukuhanan niya ng lakas.
"Tahan na, Ivy." Niyakap ko siya para kahit papaano ay ma-comfort siya.
Ngunit lalo lamang lumakas ang kanyang pagpalahaw.
She's in the verge of breakdown.
As I am trying to make her calm, nakarinig ako ng parang ungol ng mga ulol na aso sa 'di kalayuan.
Papalapit ito sa kinaroroonan namin.
Yes, alam kong hindi sila makapapasok pero kung matunugan ng mga iyon na may tao sa kinaroroonan namin e baka lalo na kaming 'di makalabas.
I have no choice.
I have to do this.
Inangat ko ang mukha ni Ivy at sinapo ko ito ng dalawa kong kamay. Tinitigan ko siya at 'di naglipas saglit ay hinalikan ko siya.
"Mark..."
"Shhhh.."
Ivy
Hindi ko mapigilan ang sarili ko at tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko.
As much as I want to control my emotion, wala akong magawa.
Rinig ko rin ang papalapit na ingay mula sa mga tao.. I mean hindi na sila tao dahil alam kong zombie na sila.
Shit...
Calm down, Ivy!
Tumigil ka!
Andyan na sila.
Hala...
Paano ito?
I need my meds so bad.
Nang 'di ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Markus.
He cupped my face and kissed me.
Yes. This Mark Feehily who I have been dreaming of since childhood is kissing me.
Oh my gosh.
Then all of a sudden, 'yung emotions na 'di ko makontrol kanina, ngayon ay humuhupa na..
Yung frustration at pagiging emosyonal ko ay napalitan ng ligaya.
It feels like I am in cloud nine.
Ang sarap ng lips niya.
At ang bango ng hininga niya knowing na tatlong araw na kami rito.
Unti-unti na akong naaadik at nagpapaubaya sa kanya.
Mark.. Ikaw na ang bahala sa akin.
Inilingkis ko ang kamay ko sa batok niya para mahalikan niya ako nang maayos.
Nararamdaman kong ang mga kamay niya ay unti-unti namang naglalandas patungo sa aking tagiliran.
Oh my..
Nasa elevator kami na ang tanging ilaw lang ay ang emergency light.
Pero tila ba kami ay nasa gitna ng isang hardin na punum-puno ng white Christmas lights at ang inaapakan namin ay napalilibutan ng puting rosas.
Napakasarap sa pakiramdam.
Mark.. totoo ba ito?
"Ayan, wala na sila," ani Mark na unang bumitiw sa aming mga labi.
"A-ah oo nga. B-buti na lang," natatarantang sabi ko at noon din ay umupo na ako.
Kinuha ko ang aking cellphone para mag-browse ng social media. Oo nga pala. Bakit 'di ko naisipang mag-Facebook para makakuha ng update?
Hayy.. buti na lang dala ko 'yung powerbank kong 30,000 mah ang laman kaya nakakapag-phone pa ako.
Nagimbal ako sa mga nabasa ko at ipinakita ko kaagad iyon kay Mark.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro