Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

V. Trapped

Mark

Medyo mas kalmado na ang babaeng kasama ko ngayon kaysa kanina.

Nagkakilala na kami at nalaman kong Ivy pala ang pangalan niya. Ivy like the plant. What a nice name.

Nang una kaming magkita kanina sa supermarket ay kitang-kita ko na sobrang galak niya.

Ang pinakanapansin ko talaga sa kanya ay ang mga mata niyang nagniningning nang makita ako.

Tila ba parang kumislot ang puso ko. Ewan. Noon ko lang din naramdaman 'yun. It may be some sort of admiration I think.

Natuwa ako sa kanya kaya I decided to pay for her groceries. Uhm, ginagawa ko rin naman na ito even before as a token of appreciation to some fans pero iba 'yung ngayon. Di ko lang din sure kung bakit.

At no'ng paalis na siya, nakita ko kung gaano siya nahihirapan sa pagbibitbit ng mga pinamili niya. Puro pagkain saka juice na naka-tetra pack. Pang-stock yata nila sa ref.

Sobrang bigat kung titingnan ng mga pinamili niya kung siya lang ang magbubuhat.

Di ko lang din kasi sure kung bakit umalis na 'yung kasama niya, eh. Mukhang nagmamadali at paniguradong emergency nga.

Well ayun nga, I offered help to Ivy kasi hindi niya talaga kayang dalhin ito in one way. Hassle naman kung babalikan pa rin niya 'yung iba.

Then ayun, okay naman kasi nakasakay na kami sa elevator pababa then biglang nagkaroon ng technical issues. That is why we got stuck.

And eto na nga, nandito pa rin kami. It is almost quarter to 10 pero wala pa ring dumarating na rescue. Supposedly meron na dapat rescuer in one hour pero nakapagtataka na hanggang ngayon ay wala pa ring dumarating.

Emergency light inside the elevator is turned on. May nakita akong nakadikit sa itaas ng elevator buttons na emergency contacts.

I tried ringing the number that was provided pero it kept on ringing lang hanggang ma-disconnect ang tawag.

Something's weird, eh?

Pansin ko rin kanina habang nilalakbay ko ang daan papunta rito e parang ang konti ng taong nasa labas. Usually, puno lagi ang kalsada, eh.

Hay.. anyways.

Medyo kumukulo na ang sikmura ko.

Siguro gutom na rin si Ivy.

"Ivy."

"Mark?"

"Gutom ka na?"

"Medyo."

"Sige. Kumain muna tayo. Mabuti na lang pala sakto ang pagbili ko ng isang loaf ng tinapay. Ito pala 'yung purpose no’n," sabi ko habang inaalisan ng seal ang plastic ng tinapay na binili ko kanina.

"May mayonnaise ako rito, Mark. Sandali lang," ani Ivy na inalisan ng tali ang kahon na naglalaman ng pinamili niya. Inilabas niya ang isang Nutella at Sandwich spread.

"Cool. Perfect for this moment huh?"

Ngumiti lang si Ivy pagkasabi ko noon.

Kumain lang kami ng tig-isang tinapay para magkaroon lang ng laman ang tiyan namin.

Damn, if only we're rescued earlier, baka inilibre ko na si Ivy ng dinner.

Hindi namin namalayan ang oras at nakatulog na pala kami nang magkatabi habang nakasandal sa isang sulok ng elevator.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro