IV. Stuck
Ivy
Kami lang ni Mark ang nakalulan sa elevator.
Tahimik lang kami.
Grabe, hindi ko mapagtanto na makakasama ko siya.
Kung kailan sa panahong hindi ko naman plinano.
Haaay.
Nakakakilig.
Pangiti-ngiti pa ako noon dahil sa aking naiisip nang biglang gumanit ang takbo ng elevator.
21st floor
20th floor
19th floor
18th floor
And it all went black.
"Shocks!"
Napasigaw ako dahil sa pagkakawala ng ilaw sa loob ng elevator.
Napahagulgol ako dahil pinangunahan ako ng takot.
Takot kasi ako sa dilim. Kaya nga 'pag natutulog ako e palaging lights on dahil inaatake ako ng nerbiyos 'pag madilim ang paligid.
Nagsimula nang manginig ang katawan ko at nararamdaman kong malapit na akong mag-panic attack.
Shit.
No.
I forgot my meds.
Hindi ko dala.
Paano ako kakalma nito?!
Tuloy-tuloy lang ang pag-iyak ko dahil sa takot.
"Miss?"
"M-Mark?"
Sa gitna ng dilim ay napansin kong may dalawang kamay na kumakapa sa braso ko.
Kinuha nito ang mga kamay ko at hinigit ako papunta sa kanya.
Niyakap niya ako.
N-I-Y-A-K-A-P
A-K-O
N-I
M-A-R-K
F-E-E-H-I-L-Y
Mark Feehily lang naman 'yan, friend!
OMG!!!!!
Naramdaman ko ang init ng katawan niyang nakadampi sa katawan ko.
Ang amoy ng kanyang pabango.
At ang paghinga niya na walang kasinghalimuyak.
"Everything will be okay." Hinaplos-haplos ni Mark ang aking buhok.
Tanging tango lang ang isinagot ko.
Nanatili kami sa ganoong puwesto at napansin ko na lang na unti-unti na pala akong kumakalma.
Wow. Hindi ko akalain na yakap lang pala ni Mark ang katapat ng pagkamahal-mahal na meds ko.
Sana laging ganito, Mark.
"Thank you, Mark."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro