JLA Marketing Corp.
Dublin, Ireland
05:10 PM
Kalalabas lang ni Ivy mula sa building ng pinagtatrabahuhang kompanya. Kasama niya ang katrabahong si Shirley. Uwian na kasi nila.
Ivy
"Oh girl, una na ako ha? Maggo-grocery pa kasi ako eh," sabi ko sa kaibigan kong si Shirley.
"Pasama na ako, girl. Tinatamad na ako mag-grocery ’pag mag-isa lang ako, eh. Do'n na tayo sa Gecel's Supermarket kasi alas siyete pa naman sila magsasara."
"Why not? Hop in!" pag-imbita ko sa aking kaibigan at binuksan ko na nga ang makina ng aking sasakyan.
Mayamaya pa ay nasa daan na kami papunta sa grocery store.
"Weird. Bakit kakaunti lang ang tao sa kalsada? Dati naman e lagi itong punung-puno ng tao lalo pa at Friday," sabi ni Shirley na noo'y nakadungaw sa bintana ng sasakyan ko.
Napatingin din ako at tama nga siya. Mas kakaunti ang tao sa paligid kumpara sa normal na araw.
Ano ba ang meron ngayon?
May event kaya sa Croke Park? Tutal, malapit naman talaga kami roon.
"Baka naman may malaking event sa Croke Park," sambit ko habang nakatutok sa pagmamaneho.
"Siguro nga." Nagkibit na lang ng mga balikat si Shirley.
Mayamaya pa ay nakarating na kami sa parking lot ng Gecel's Supermarket at pumasok na kami sa loob.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro