Chapter 8
Polite
"B-Bakit ka nandito? Hindi ka pa ba uuwi?"
Halata kay Greg na hindi siya komportable sa presensiya ko. Para bang takot siya na bigla ko na lang siyang sapukin. Well, I can't blame him. Sa iilang interaksiyon namin, lahat hindi maayos ang pakikitungo ko sa kanya. Eh, anong magagawa ko? Kumukulo dugo ko kapag nakikita ko siya. Kahit nga ngayon, pinipigilan ko lang sarili ko.
"Nakita kasi kitang maraming dala kaya naisip kong tulungan ka..." I said like a good samaritan. "Gano'n kasi ako, alam mo na, maaawain sa kapwa."
Napangiwi ito, halatang hindi kumbinsido pero wala naman akong pakialam.
"Sa'n ba 'to dadalhin? Isasauli ba sa library?" Tanong ko nang mapansing hindi patungong library ang daang tinatahak namin.
He shook his head as if I'm gonna break his neck any moment now. I smiled to assure him that I am not that violent right now. Mabilis ang pag-ilag niya sa tingin.
Hay, bakit parang may phobia na 'to sa akin?
Wala pa nga akong ginagawa, e.
"H-Hindi, e. Sa STEM building lang." He stuttered.
Tumango ako, naghahanap ng tiyempo kung paano sisimulan ang totoong pakay. Lalo na't malapit lang ang STEM building kaya kaunti lang ang magiging oras ko.
I cleared my throat. "Ako nga pala si Benj... If I remember correctly, we weren't introduced to each other yet, right?"
He nodded carefully. "Oo... Pero k-kilala naman kita."
Ah, gano'n ba?
"At... nababanggit ka rin sa akin minsan... ni Rael." Dagdag niya na kaagad nagpaliwanag sa mukha ko.
"Talaga?" Gulat at medyo natutuwa kong tanong.
"O-Oo. Nagtututor daw siya sa'yo..." He said and smiled a bit.
Tumango-tango ako.
"Close pala talaga kayong dalawa..." Marahang saad ko, sinisimulan na ang totoong pakay. "Mula ba pagkabata, magkaibigan na kayo?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot sa bagay na iyon.
"Oo. Matalik na kaming magkaibigan simula pa pagkabata... Magbestfriend rin kasi mga nanay namin..."
I pursed my lips as I listened. "Gano'n kayo ka close?"
Greg nodded proudly.
Palihim naman akong napairap. Ediwow.
"Weh?" Subok ko. "Kung gano'n, kilala mo kung sino crush niya?"
Ano Greg? Patunayan mo nga. Kung totoong magbestfriends kayo, dapat alam mo.
He chuckled lightly. Muling naging mailap ang mga mata. Halatang alam niya pero mukhang walang balak na sabihin sa akin.
What if itapon ko 'tong mga libro?
"Hindi ko pweding sabihin sa'yo. Baka magalit sa akin si Rael." He explained when he noticed my sudden change of mood.
I gritted my teeth but I calmed myself immediately.
"He wouldn't know." I assured him.
Umiling si Greg. "Kapag sinabi ko sa'yo, malalaman niya kaagad 'yon."
Tss. Bakit kaya? Ano? May secret powers ba si Rael? Mind reader? O di kaya'y manghuhula?
Magtatanong pa sana ako pero nakarating na kami sa STEM building kaya sinirado ko na muna ang bunganga ko. Lalo na't nasa hallway pa lang kami at natatanaw ko na ang section nila Jen. Nasa labas ng classroom at mukhang may activity pang ginagawa.
Kaagad kong nakita si Jen. May dala itong clipboard at tila may nililista. Habang ang mga kasama niya naman ay abala sa paglilibot sa paligid, parang may hinahanap.
She smiled when she saw me. Ngumiti rin ako at sinenyas ang dala. She nodded at me before she continued doing her thing.
Nang ibalik ko ang tingin sa daraanan, nahagip na ng mga mata ko si Rael. At mukhang kanina niya pa kami nakita ni Greg. Patunay roon ang mga kilay niyang nagsasalubong na naman. Akala mo'y may ginawa na naman akong masama sa kanya.
He dislikes me that much, huh?
Fine.
"Saan ba 'to ilalagay?" Tanong ko kay Greg, walang balak na pansinin si Rael kahit na nakita ko sa pheriperal vision ko na naglalakad na ito papalapit sa amin.
He don't want friendship from me? I'll give it to him! He wants us to be strangers here at school? Then so be it!
Madali naman akong kausap—
"Anong nakain mo, Ferrera?" He asked suspiciously as he scooped some of the books that I was carrying. Halos ubusin niya iyon bago tinapunan ng matalim na tingin ang kaibigan. "Bakit hindi ka sa kaklase mo nagpatulong, Greg?"
"Umuwi na mga kaklase ko..." Paliwanag ni Greg sa kanya.
Kumunot ang noo ko at napatingin sa tatlong libro na naiwan sa akin. Para naman akong tanga nito kung ito lang bitbit ko. My eyes then shifted towards Greg. Hindi na ako nagpaalam, kumuha rin ako sa kanya para madagdagan ang dala ko.
"The hell are you doing?" Asik ni Rael sa akin nang makita ang ginawa ko.
I ignored him. Nagkunwari akong bingi at tumabi na kay Greg dahilan para bahagya siyang maiwan. I wanted to smirk but I stopped myself. Ayaw mo akong kaibigan, di'ba? Kaya huwag mo na rin akong kakausapin kapag nandito tayo sa school.
Pumasok si Greg sa isang classroom at sumunod naman ako. Kaagad kong nilapag ang mga dala sa isang mesa dahil sa bahagyang pangangalay ng braso ko. Pumasok si Rael at nahuli akong bahagyang hinihilot ang na-injured kong braso noon.
"S-Salamat pala, Benj..." Greg said out of nowhere. Tumayo ako at handa nang umalis. Kaso lang, nanatiling nakaharang sa daraanan ang nakasimangot na si Rael.
Sumandal ako sa mesa.
"Welcome, pre." I drawled lazily without taking my eyes off Rael. I wanted to smirk and tease him like normal days but I guess, today is different. Humalukipkip ako at hinintay siyang lumapit, para maglapag ng mga dala niya sa mesa.
"How's your arm? Sumakit ba?" Tanong ni Rael na tumapos sa pag-iinarte ko. Lalo na't matapos niyang mailapag ang mga dalang libro ay nanatili siya sa harap ko. I couldn't stop myself anymore.
Agaran ang pag-iling ko, nangingiti.
He tilted his head, eyes narrowing on me. "Tell me the truth."
I shook my head more. "Nangalay lang ng konti pero ayos lang—"
"Bakit ka pa kasi nagpresintang tumulong? Kaya na 'yon ni Greg."
Napatingin ako kay Greg. Bago pa ito makapagsalita at makapagsumbong ay inunahan ko na. "Kawawa naman kasi..." Sagot ko pasimpleng sinamaan ito ng tingin.
Manahimik ka riyan kung ayaw mong maging literal na wasabi!
"Really?" Panunuya ni Rael, halatang hindi naniniwalang naawa lang ako kaya tumulong.
"Oo nga!" Pilit ko. "Ano? Mag-aaway na naman ba tayo?"
Tumikhim si Greg. Rael slowly glanced his way. Humalukipkip ako at hindi inalis ang tingin sa kaharap.
"Mauna na ako, Rael... Benj..." Paalam nito, parang nag-aalangan pa.
Pinigilan ko ang sariling mapairap.
Ano? Naghihintay ba siya na pigilan siya ni Rael? Bakit hindi na umalis kaagad kung aalis?
Rael nodded. Hindi naman ako sumagot. Mabagal ang galaw ni Greg kaya matagal din tuloy bago bumaling muli sa akin ang kaharap. He then crossed his arms when he saw that I was waiting for him. Ngumisi ako.
He glared at me before his eyes dropped on my arm. Napanguso naman ako habang pinagmamasdan siyang seryosong sinusuri ng tingin ang kaliwang braso ko.
"Why are you worried?" I asked playfully. "Ayaw mo naman ako maging kaibigan. Ayaw mo naman... sa akin."
His eyes snapped on me. At dahil bahagya akong nakahilig sa mesa, mas matangkad siya sa akin ngayon. My smirk grew as I looked up at him, and saw his annoyance for me.
"And why do you want me to be your friend? Para may tagagawa ka ng assignments mo?" Paratang niya na kahit ikainit man ng ulo ko, hindi ko naman maitanggi lalo na't noong isang araw ay siya nga ang gumawa ng assigment ko.
Siya naman ngayon ang napangisi nang hindi ako nakasagot.
"Isang beses lang 'yon. Hindi na mauulit." I said firmly.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Hindi na raw ba magbibigay ng assigments mga teacher mo?" He asked. The sarcasm in his tone is very evident.
"Hindi na ako magpapatulong ulit sa'yo."
Rael chuckled. Gusto ko mang magulat, hindi ko na nagawa dahil mas lamang ang nararamdaman kong inis. "Kaya mo na?"
I glared at him. "Sa iba ako magpapatulong—"
His smile vanished. "Kanino naman?"
Umiling ako. "Maghahanap pa."
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. "Anong kwenta ng pagtututor ko sayo tuwing weekends kung hindi ka naman pala natututo?"
"Then maybe you're not a good tutor?" Pang-aasar ko.
He only scoffed as if I was being ridiculous.
Tingnan mo 'to. Ang taas talaga ng kompiyansa sa sarili. Pero sa talino niya, tama lang naman.
"Just do your own assignments. Huwag ka nang maghanap pa ng ibang tutulong sa'yo. I'll help you study more on weekends, instead."
My lips curved for a downward smile. "How about if I have an assignment on weekdays?"
"You try to answer it on your own..."
"Paano kung mahirap?" Subok ko pa.
Rael sighed. "Then... you can text or call me at night. I will... help you."
I smiled and nodded, contented with his answer. Sinimangutan niya naman ako. But then I smiled more when I saw how the corner of his lips rose a bit as he watched me happy and pleased in front of him.
Pumikit siya ng mariin. Nang magdilat ay parang namomroblema na. "Hindi ako natutuwa, Ferrera." He tried but his voice already gave away, betraying him.
Natawa ako at nagkibit-balikat. "Sorry, can't relate..."
Pero kung kailan sigurado na ako na magrereply siya kapag may tanong ako tungkol sa assignment, saka naman walang assignment na ibinibigay mga subject teachers ko. And I don't know if it was a good thing or not. Mabuti na lang at Sabado na ngayon. Ang paboritong araw ko dahil walang pasok kahit na maghapon rin naman akong bubugbugin ni Rael sa pag-aaral.
Ipinakita ko kay Reena ang dalang tsokolate nang umalis si Rael at pumanhik sa kwarto nito. Mukhang magchacharge yata ng cellphone.
"Wow! Para sa akin ba 'yan, Kuya Benji?" Excited na tanong ng bubwit, kulang nalang ay magkaroon ng mga stars sa mata. I chuckled as I opened the wrapper in front of her.
"Of course! Pero... may tanong sana si Kuya Benji. Will you answer?" I asked her softly, almost mimicking the way her voice softens whenever she's requesting something.
"What is it?" She asked eagerly.
Napatingin muna ako sa taas ng hagdan. At nang makitang wala pa si Rael, kaagad ko nang iniabot kay Reena ang imported chocolate na ipinuslit ko sa bahay. Mabilis niya iyong nilantakan.
"Do you know who's the crush of your brother?" Tensyonadong tanong ko. Kinakabahan dahil baka biglang bumalik si Rael. Eh, hindi kami matapos dito!
Reena's forehead knitted in confusion. "Crush?"
Tumango ako. Siguro naman ay may alam na si Reena kahit papaano tungkol sa bagay na iyon, di'ba?
"Crush... 'yong gusto ba..." I probed impatiently.
Reena glared at me. "Alam ko! Wait lang at inaalala ko pa!"
Natawa tuloy ako.
"Ah! Meron Kuya Benji!" She said happily after a long while. Masaya dahil naalala niya sa wakas. Samantalang hindi ko naman magawang ngumiti o tumawa dahil sa labis na antisipasyon.
"Sino?"
Reena smirked at me. "Marami 'yon."
What? Marami?
"Pero parang disbanded na yata sila ngayon, Kuya Benji." Patuloy pa nito habang nilalantakan ang bigay kong chocolate. "Kpop group..."
Napangiwi ako. Kpop group. For sure hindi 'yan ang tinutukoy ni Rael na taong gusto niya.
"Well, if ang tinutukoy mo ay crush niya rito sa San Vicente, parang wala naman. Why po?" She asked, innocent and clueless.
Umiling nalang ako. Somehow I feel at ease. But it was only short-lived because Reena revealed something to me.
"Kuya Rael is good at painting. I saw his past works, nasa kwarto, ang iba... nasa bodega. Pero... sabi ni Mama, tumigil raw si Kuya sa pagpipinta noong namatay si Papa. Ten year old siya noon."
I nodded, even though I couldn't understand her point, yet. Nagpatuloy siya.
"But...years ago... I saw Kuya Rael painting again."
"Hayop ba? O halaman?" Inunahan ko na. Hindi kasi ako mapakali.
Reena wrinkled her nose at me. "Nope. Tao 'yon. May mukha, e."
"May mukha rin naman ang gorilla, ah?" Agap ko. "Gorilla lang 'yon for sure..." I said and nodded to myself. Refusing to believe anymore possibilities. "Nasaan na ba 'yong painting?" Hindi ko mapigilang tanong.
Nasaan at nang maidispatsa ko na?
"Nasa tree house..."
I sighed heavily. Pinagloloko yata ako ng batang ito, e. Wala naman akong nakikitang painting doon tuwing nandoon kami ni Rael para mag-aral.
"Oh, tulala ka na naman..." Puna ni Diego dahilan para mapakurap-kurap ako. Kasalukuyan kaming nasa canteen para kumain ng lunch pero ito at lumilipad kung saan ang utak ko.
I was about to speak up and deny his accusation pero may nauna na sa akin. Saka ko lang namalayan na hindi naman pala ako kausap kundi si Eros.
"May gusto akong bugbugin, e. Tutulungan niyo ba ako?" Tanong ni Eros sa seryosong boses.
Kumunot ang noo ko at napaayos ng upo. Hindi makapaniwala na maririnig ko ang ganoong bagay mula sa kanya. He is the most behaved one among the four of us. Kaya nakapagtataka na biglang may gusto siyang bugbugin. Kadalasan kasi ay siya ang taga-awat kapag may napapaaway sa amin.
"Sige ba! Sino ba 'yan? Abangan natin mamaya!" Sagot ng kunsintidor na si Diego.
"Bakit mo bubugbugin?" Si Miggy naman.
Napahikab ako. Walang interes na sumali. Tinusok ko ng tinidor ang huling piraso ng manok sa pinggan ko at dinala sa bibig. Halos walang gana akong nagpatuloy sa pagkain.
Special ba talaga kapag ipininta ka ng isang tao? Pero what if may nagpa-commission lang pala kay Rael, di'ba?
Itong si Reena talaga. Binigyan ko na ng chocolate, binigyan pa ako ng alalahanin!
"Ang hayop na 'yon. Alam namang girlfriend ko na si Winoa pero balak pa yatang pormahan!" Nanggigigil na sambit ni Eros dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Mamaya siya sa akin!"
"Girlfriend?" Naguguluhang tanong ko. "Kailan lang?"
"Last week," halakhak naman ni Diego. The heck?
"Sino ba 'yang gusto mong bugbugin?" Si Miggy ulit.
"Santino Mercader," Inis na sagot ni Eros.
Hay nako.
Diego chuckled and tapped my shoulder. "Ikaw ba Benj, kung girlfriend mo na si Jen tapos may sumubok pa na manligaw. Anong gagawin mo?"
Natahimik ako at hindi kaagad nakasagot. Oo nga, ano bang gagawin ko?
"Kakausapin ko muna..." Wala sa sariling sagot ko dahil may pamilyar nang natatanaw sa malayo.
"Sino? Si Jen?"
I shook my head. "'Yong gusto... manligaw."
I saw Rael walking in the hallway. Mukhang papunta rin yata dito sa canteen pero dahil may babaeng humarang at kumausap, tumigil ito.
"Tapos?" I heard Miggy, wanting me to expound my answer.
I saw how the girl blushed when Rael stopped to look at her. May iniabot naman na sobre ang babae at isang pulang paper bag. I shifted on my seat when Rael politely accepted those things. Akala ko aalis na siya kaagad pero saglit niya pang kinausap ang babae.
The girl then laughed shyly.
"Matinik din talaga 'yang si Villarin, ano?" Parang demonyong bulong ni Diego sa tabi ko, mukhang nakita nito kung sino ang tinatanaw ko kaya nakiusyuso na rin.
"What do you mean by that?" Iritadong baling ko rito.
"Bali-balita na hindi raw 'yan naggigirlfriend pero maraming babae na ang nabaliw diyan. Sa tingin mo, bakit kaya?" Diego probed maliciously.
"What?" I fired. My tone was already on the edge.
Diego only laughed and shrugged.
At nang ibalik ko ang tingin kina Rael ay nakita ko kung paano nito masuyong hinawakan sa braso ang babae sabay hila patungo kung saan.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro