Chapter 29
Boyfriend
We decided to meet at the hotel's lobby after an hour and I feel like the time was in a rush right now. I noticed that I only have thirty minutes left to prepare and I'm not even halfway done! Parang kanina lang ay kaaakyat ko lang dito, ah?
Nasa kwarto na ako ngayon at kasalukuyang nag-aayos. Kanina pa ako hindi mapakali sa harap ng salamin habang inaayos ang buhok ko. My hair became longer now, almost looking like a modern mullet. Matagal ko na itong napapansin pero palaging nawawala sa isip ko. Bago pa ako nagpunta ng Cebu ay mahaba na ito kumpara sa normal kong gupit. At mas lumala pa ngayon.
Dapat pala nagpagupit muna ako doon bago ako umuwi dito. Kasi paano kung mapangitan siya sa buhok ko mamaya kapag makita niya na ng maayos sa maliwanag?
I shut my eyes. Hindi pwedi.
Should I cut it on my own?
Napailing ako, dismayado sa sariling naiisip.
Tanga mo, Benj. Mas lalong hindi pwedi. Siraulo ka ba?
Napahilamos ako sa mukha nang makita ang suot ko. Just a plain shirt and shorts. Pwedi 'to pantulog. Hindi suot kapag makikipagkita kay crush. Hayop na 'yan. Kasalanan ko 'to, e. Dapat kasi dinala ko maleta ko! Wala tuloy akong maayos na damit ngayon! Ayaw ko namang isuot ulit 'yong suot-suot ko galing pang Cebu kasi ang unhygienic naman no'n!
"Why do you look so grumpy? Should I get out?" I heard Eros' lazy voice. Kasalukuyan itong nakahilata sa kama at yakap-yakap ang isang unan. Sumama na ito sa akin kanina nang pumanhik ako rito, wala talagang planong makishare ng tent sa mortal enemy niya.
"Wala akong damit..." I drawled, feeling so stressed.
"Damit pang?"
Hindi ako nakasagot agad.
Ano bang sasabihin ko? Damit pang meet up sa crush mo sa lobby ng hotel?
"Saan ka ba pupunta?" he changed the question this time.
I tilted my face in front of the mirror, checking for some flaws I hope would not appear right now. Thank God, wala naman. Though my lips looked a bit swollen right now.
"Diyan lang sa lobby..."
I heard him scoffed. "I can go down with just my boxers—"
"Dapat presentable akong tingnan. Hindi mahalay." Iritadong putol ko sa kahanginan ng loko. Gago ba siya? Kaya ko rin 'yon. Kahit maglakad pa ako ng hubad. Pero hindi ngayon. I should look good so that Rael won't regret meeting up with me at this damn hour.
"You can check my duffel bag—" Bago pa matapos si Eros ay nilapitan ko na ang dala niyang duffel bag na nakasalampak sa sofa. I immediately rummaged what was inside it. Ang una kong nakita ay isang itim na slacks. Hinila ko iyon at ang kasunod kong nakita ay ang puti namang button down polo shirt.
"Really? You brought these kinds of clothes here on the beach? Maliligo ka sa dagat na parang aattend ng board meeting kasama ng mga isda?" Hindi ko pa rin napigilan ang bunganga ko kahit na life saver rin pala minsan ang pagiging random masyado nitong si Eros.
"Hihiramin mo ba o hindi?" Tila bagot na bagot na tanong nito. Na para bang tinutulungan niya lang ako ngayon para makaalis na ako at masolo niya itong kwarto.
Isinukat ko ang mga 'yon sa harap ng salamin. Ngumuso ako at ilang segundong pinagmasdan ang sarili. I even tried to find my best angle.
"Bagay ba?"
"Overdressed." he commented nonchalantly.
Napairap ako. Pake ko. Gwapo naman ako.
But then...
"Pero okay naman tingnan?"
Humikab ito at mas lalong niyakap ang unan. He watched me like I'm a boring Saturday show. "Malay ko. Hindi ko naman damit 'yan."
Nagsalubong ang mga kilay ko at mabilis na inamoy ang mga iyon. Amoy bagong laba naman. Amoy downy pa nga, e. Pero hindi raw sa kanya? Kanino naman? Don't tell me sa Lolo niya pa ito?
"Kanino pala?"
The idiot didn't answer.
Nang nilingon ko ay humihilik na ito.
"Hoy! Eros!" I called him again. Ang bastos naman nito kausap! Kitang hindi pa ako tapos!
"Ano ba?" he groaned, irritated.
Itinuro ko ang buhok ko. "How about my hair?"
"What about it?"
"Maayos pa ba?" I asked critically.
"'Yong totoo?"
I nodded like a puppy eager to find an answer.
He shook his head. "You look like a damn gangster, Benj."
"H-Huh?"
Mas lalo lang akong na-stress. Tang ina naman, oh! Anong gangster? Eh nagpapakabait na nga ako ngayon, e!
Tumagilid ito at nangalumbaba sa kama.
"Are you familiar with Jay Jo?"
My brows furrowed. Jay Jo? Who's that?
"'Yong sa Windbreaker. You kinda look like him right now with that hairstyle of yours..." He chuckled as if it was funny. "If your date is a fan of manwha, I guess, there's nothing to be worried about."
Hay nakakainis. Malay ko ba kung gusto ni Rael 'yang manwha na 'yan. Ang nasagap ko lang noon kay Reena ay fan si Rael ng kpop group na disbanded na.
"May gunting ka ba riyan?"
Natawa ito. "Aanhin mo naman?"
"Can you fix my hair?"
"I'm sorry but I can't. Though I can ruin it if you want. Anong gusto mo? Kalbo or shaggy-lid ang gupit?"
I smiled sarcastically at him. "Should I invite Santi here, too? Para matahimik ka na ulit—"
He showed me his middle finger.
"Fuck you."
I grimaced at that. "No thanks."
I was already five minutes late when I arrived at the lobby. At mas bumagal pa lalo ang lakad ko nang matanaw na nandoon na si Rael. He's currently sitting on one of the sofas with a brochure on his hand. Nagbabasa siya, mukhang pampatay-oras lang habang naghihintay.
Nag-angat siya ng tingin ng maramdaman ang presensiya ko. He immediately closed the brochure that he was reading. Umayos siya sa pagkakaupo at lumapit naman ako para makaupo na. His gaze followed my unsure movements.
I chuckled a bit. "Kanina ka pa ba? I'm sorry I'm late..."
Nagtagal ang tingin niya sa suot ko bago siya mabagal na nag-angat ng tingin sa akin. I smiled more but he remained serious. Muling bumaba sa suot ko ang mga mata niya.
Tang ina. Natauhan na ba siya kaagad?
"May lakad ka pagkatapos natin dito?" Tanong niya na pumutol sa iniisip ko.
Natawa ako ng bahagya. His eyes immediately snapped towards me, wondering what I found funny with his question. Mabilis naman akong umiling para pabulaanan ang kung anong hinala niya.
"Wala! Pagkatapos natin dito, matutulog na ako..."
Pinaningkitan niya ako ng mga mata.
"You look like you're going on a date after this." He stated like it was nothing. "Ayos lang naman. Nagtatanong lang naman ako." Humalukipkip siya at sumandal sa sofa pero ang buong atensiyon ay nasa sa akin pa rin.
Anong pupunta sa date?!
Kapag siya ang kadate ko, pwedi pa.
I licked my lips a bit. "If you want, we can go for a late night date..."
Kumunot naman ang noo niya. "Akala ko ba mag-uusap muna tayo?"
Ngumisi ako. "Pagkatapos?"
Umiling siya.
"You have to rest after. Galing ka pang Cebu."
Ah, okay din. Ayos lang sa akin kahit anong gusto niya.
I chuckled to warm up the atmosphere. I then decided to explain myself even though he wasn't asking. "Ganito suot ko kasi wala na akong ibang damit. Hindi naman ako nagpapa-impress sa'yo. Ano lang... No choice lang talaga ako, Rael..."
Finally, a smirk appeared on his lips. "Really?" he taunted me.
I pursed my lips to stop my smile. "Oo naman..."
Then my eyes moved to check his outfit. Gray pants and dark blue hoodie jacket. Mukha lang siyang inutusan ng nanay niyang magsauli ng tupperware sa kapitbahay nila.
"Hindi ka na sana nag-ayos. Mag-uusap lang naman tayo..." he pointed out.
Ang kulit naman...
"Wala na nga akong ibang damit—"
"Even a pair of shirts and pajamas?"
"Dapat bang bumaba ako rito ng nakaboxer lang?"
He scoffed. "Ang angas mo naman, ah."
I chuckled and decided to sit comfortably. Ginaya ko siya na nakahilig sa sandalan ng sofa. Tahimik na ang bandang iyon ng lobby at halos wala na kaming makitang tao kundi ang attendant sa may front desk. At medyo malayo na ito sa amin na kahit magsalita kami sa normal na boses ay hindi na kami nito maririnig.
I thought I would be the one who would open up the topic but I was wrong. Naunahan niya ako.
"Where should we start?"
I stared at him. Ngumiti siya at nag-angat ng tingin sa malaking chandelier sa ibabaw namin. I remained looking at him, though. 'Coz nothing could take my attention from him right now.
"You... told me that you like me." I croaked, not wanting to make any mistakes.
"It's true."
I swallowed hard. My chest is tightening a bit. I need to breathe slowly for a moment or else my heart will explode.
Kumunot ang noo ko. "At sabi mo... matagal na."
He nodded at that. "Totoo rin naman."
My lips slowly parted in disbelief and honest confusion as his words registered to me little by little.
"What?" I hissed.
Tiningnan niya ako sa mga mata. I held his gaze. I tried to find the answers in his eyes but all I could see was his vulnerability. It was as if, confessing to me like this wasn't easy at all. That if he could only have another option, he won't uncover his feelings for me this way.
"Kailan pa?"
"Matagal na nga... paulit-ulit."
Akala niya siguro ay matatawa ako o ano. I glared at him.
"I want the exact timeline, Rael."
Kumunot ang noo niya at napatingala siya ulit. He then glared at the chandelier as if it was the one at fault why we're in this kind of topic right now. Habang nanatili naman akong nakaabang, naghihintay sa sagot niya.
"Matagal na kasi 'yon..."
"Ano? Panahon pa ba ni Jose Rizal?" Sarkastikong tanong ko na bahagya niyang ikinatawa. "Hindi ko tatanggapin ang sagot mo na matagal na. Kasi napaka-imposible, Rael. Kasi kung aalahanin ko kung sino ako ilang taon na ang nakalilipas, kahit sarili ko, hindi iyon magugustuhan."
He wrinkled his nose. "Well, we're not the same."
"And you just transferred here at SVHS just last year. If that was the timeline, hindi pa naman ganoon katagal—"
"Grade 9." Tipid na putol niya sa akin.
Namilog ang mga mata ko at napaisip. I massaged my temple, as if that imformation wasn't acceptable at all.
Grade 9...
Grade 9? Tang ina, e, ang sama-sama ng ugali ko no'n! Halos linggo-linggo akong nasasangkot sa gulo, sa loob man o labas ng school! Tapos doon niya ako simulang nagustuhan? Imposible!
"What I mean is, that's when I liked you first. Hindi naman araw-araw simula no'n gusto kita. Ang kapal mo naman kung gano'n—"
"Kahit na. Ang pangit pala ng taste mo noon." I insisted.
I still couldn't believe it. Kasi hindi naman kapanipaniwala. Pakiramdam ko pinagloloko niya lang ako. Paano niya ako magugustuhan no'n? At saan niya naman ako nahagilap ng mga panahong iyon? Hindi kami parehas ng school at wala rin kaming common friend.
"Hanggang ngayon pa rin naman." He smirked, obviously teasing me.
Tingnan mo 'to. Nang-aasar pa.
"Well, kahit papaano tumino na ako ngayon. Hindi na ako nakikipagbasag-ulo—"
"Really? Nakalimutan mo na ang ginawa niyo ni Franco? Hindi 'yon basag-ulo? Basag mukha lang?"
I watched him heatedly. While he looked at me so peacefully. Naiinis ako. Parang hindi ko 'yon deserve na magustuhan niya noon. The only consolation that I have right now is the fact that I already changed. Hindi pa man buong one hundred percent pero ang importante, alam ko sa sarili kong hindi na ako katulad ng dati.
"Bakit parang ikaw pa ang lugi, ah?" Pang-aasar niya.
Sinubukan kong panatilihin ang simangot ko pero natatawa na ako. "Sige. Paano mo ako nagustuhan?"
"Pati ba naman 'yan, Benj?" Reklamo niya pero bahagya rin namang natatawa.
"Ano? Love at first sight?"
"Asa ka."
"Eh ano nga?" Pangungulit ko pa.
"Sa akin na lang 'yon."
Napaismid ako. "Ang daya."
Nagkibit-balikat lang siya, hindi apektado sa pag-iinarte ko. I then saw how his eyes surveyed my hair after a while of deafening silence. Ngumuso siya at sa huli ay kinagat na ang sariling labi para pigilan ang pagkawala ng ngiti.
"Tss. Magpapagupit na naman ako bukas." Inunahan ko na siya.
"Huh? Bakit?" Gulat niyang tanong na ikinagulat ko rin.
Bahagya kong kinapa ang buhok ko. "Hindi ba pangit na?"
"Alin? Ikaw?"
"Rael naman... seryoso ako." Pagmamaktol ko pa.
He chuckled. He then moved closer to me so he could fix some strands of my hair that are now covering my forehead. His lips twisted before he shook his head.
"This hairstyle suits you more."
Ewan ko kung seryoso ba siya o pinagtitripan lang ako.
Well, as long as it wasn't my heart that he was playing, everything was fine to me.
"Mukhang gangster?" I probed.
He frowned a bit. "Who told you that?"
"Si Eros..." Sumbong ko.
"Huwag kang maniwala do'n. Inggit lang 'yon."
I smiled and nodded. Syempre, kay Rael ako makikinig. If he says that this hairstyle looks good on me, then it was the truth. Kapag sinabi niyang impakto si Eros, totoo rin 'yon.
Tumikhim ako.
"Ikaw, hindi ka ba magtatanong kailan kita nagustuhan?" Seryosong tanong habang inihahanda na sa isip kung saan banda ako magsisimula.
But then...
"Hindi naman ako interesadong malaman." Basag niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko. "Ang importante lang sa akin, gusto mo ako. Ang ibang detalye..." umiling siya. "Ay hindi na mahalaga..."
"Para mo na ring sinabi na hindi mahalaga ang mga sasabihin ko..."
He barked a laughter. It was so loud that I thought it echoed in all the corners of the lobby. Kahit ang attendant na inaantok na kanina ay biglang nabuhayan.
"Ganiyan ka pala sa taong gusto mo?" I asked like I was hurt even though the truth is, this conversation is only making me fall even harder. "Akala ko pa naman sa ating dalawa, ikaw 'yong serious type kapag sa mga ganitong usapan na. Mali pala ako?"
Wala naman talagang kaso sa akin. Masaya pa nga ako, e. I'm so happy that I can make him laugh like this. Kahit sa seryosong usapan.
"Ikaw din naman, ah?" Bawi niya. "Among us two, I thought that you're the tough one. Pababy ka naman pala masyado."
Natawa ako. "Baby me more, then..."
"Tss..."
I chuckled. "I thought you're gonna say no. Ano 'yan, Rael? Gustong-gusto mo rin ako?"
He scoffed and tried to look away but I didn't let him. I pulled his arm so he could look at me again. I smiled sheepishly.
"Ako, gustong-gusto kita..." I confessed shameslessly. "I really... really... like you so much."
I saw how my words affected him.
And I saw how he tried to conceal his emotions from coming out.
But then, I guess, I've already memorized him.
"Alam ko..." That was his short response.
I smirked. "Mabuti naman. Kasi ngayon, uulit-ulitin ko pa 'yan. Maririndi 'yang tenga mo sa akin."
He tried to cover up his smile but I caught a glimpse of it.
"Ayos lang."
Saglit na namilog ang mga mata ko.
I moved closer to him so I could whisper near his ear. His hand touched my arm a bit, but he didn't push me. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ang mga daliri namin.
"I like you, Rael Villarin." I whispered solemnly. Ang isang kamay niya ay dinala ko sa tapat ng dibdib ko. His lips slowly parted when he felt how my heart is wildly racing right now. "You can feel it. Right?"
From watching his hand on my chest, his eyes traveled to meet my gaze.
"Right?" Ulit ko.
He only let out a deep sigh.
"Gustong-gusto kita."
His eyes bore on me. I smirked. "Naririndi ka na?"
Mabilis siyang umiling. "That won't happen..."
"I will court you."
He looked at me as if he heard a foreign word. "For what?"
"I want a damn label. I want to be your boyfriend."
"Hindi ko pa nasasabi kay Mama. At ikaw rin. Sa tingin mo papayag pamilya mo—"
"Ayos lang kung sekreto lang muna. And about my family, don't worry about it. Hindi nila ako mapipigilan."
Napailing na lang siya. Of course. He knows that I'm stubborn. Kung matagal niya na nga akong gusto, siguradong matagal niya na rin 'yang alam.
"But you really don't need to court me—"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw na lang manligaw sa akin? Tutal gustong-gusto mo rin ako, 'di ba?"
Natawa siya.
Natawa lang. Pero hindi itinanggi 'yong sinabi ko!
"How about this..." he drawled.
"Ano?"
"How about we get to know each other more?"
"Pinahaba mo lang, e." Puna ko.
He chuckled. "Pero magboyfriend na tayo. We'll keep it a secret until we got to tell our families about us."
"Kailan naman natin sasabihin?" I asked curiously.
"After graduation? Kung ayos lang sa'yo, syempre..."
Muli akong lumapit para makabulong. "Fine, then. Whatever you want, Rael. I will never refuse, as long as I have your heart."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro