Chapter 27
Tent
I continued walking after he finished the song. Ang mga mata ko'y nanatiling nakapako sa kanya, walang planong mag-iwas ng tingin. Everyone cheered, still in awe with him and oblivious with my sudden arrival but he remained looking at me with a small smile on his lips.
Palapit na ako sa kanya nang mapansin ako ni Diego at mabilis na sinalubong.
"Benj!"
I wanted to punch Diego in the face but I stopped myself. Maliban sa alam kong pinagtitripan niya lang ako kahapon, nanunuod rin ngayon sa amin si Rael. I don't want him to think that I'm a violent person. Oo, medyo may pagkabayolente nga ako pero wala naman akong planong ipangalandakan iyon.
"Musta? Namiss ka namin pre!"
I smiled wryly. Magsasalita na sana ako nang kinuyog na rin ako nina Eros at Miggy. Mga hayop na 'to! Doon ko balak umupo sa tabi ni Rael pero hinila na nila ako patungo sa kabilang bahagi ng pabilog. I had no choice but to sit on the spot they have provided for me or else they're gonna shove me to the ground. Mga kulang talaga sa pansin.
Binalik ko ang tingin kay Rael at naabutan ko itong tahimik na nagmamasid sa amin. Tiningnan ko kung sino-sino ang mga katabi niya at nakitang napaggigitnaan siya nina Greg at Samanta.
Si Greg ay napansin na ang pagdating ko samantalang si Samantha ay abala pa sa kung anong sinasabi sa kanya. Even though Rael's attention was on me, our current set up is still so damn frustrating. Ang daming nakaaligid sa kanya at ang layo-layo ko pa!
"Ayaw ko rito." Reklamo ko kina Miggy. "Lilipat ako."
"Huh? Bakit naman?"
Mabilis akong nag-isip ng palusot. "Masyadong malapit sa apoy. Baka masunog ako."
"Eh?"
"Welcome back, Benj!" Jennifer smiled at me. Tumango ako at tipid na ngumiti rin sa kanya pabalik. It was a quick interaction though. Mabilis kasi akong nagbalik ng tingin kay Rael sa takot ko na baka ibaling niya sa iba ang atensiyon niya.
Inabutan ako ni Diego ng inumin. Tatanggi sana ako pero halos isaksak niya na iyon sa baga ko kaya wala na akong choice kundi ang tanggapin iyon. I sighed and went back on watching Rael. He's now busy talking with Sam and Greg but he's still glancing at me from time to time.
"Ano bang meron? Bakit niyo naisipang mag-overnight ngayon? Trip niyo lang?" I asked curiously. Humalakhak si Diego at doon ko napagtantong trip-trip nga lang nila ito. I took a sip on my beer as I waited for his reply.
"Ano lang... get together bago magsimula 'yong third quarter." He chuckled like it's not a big deal at all. Paano niya kaya napagsama-sama ang lahat ng mga nandito ngayon?
Sam giggled at whatever Rael had said to her. Kumunot ang noo ko. Gusto kong malaman kung anong pinag-uusapan nila pero malayo ako at mahina lang ang boses nila.
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ni Eros nang bigla akong tumayo bitbit ang bote ng beer ko. Hindi na ako sumagot at kaagad na akong naglakad papunta sa direksiyon ni Rael. Greg was the one who noticed my arrival and maybe he understood it already. Umusod siya palayo kay Rael para bigyan ako ng espasyo. Na hindi ko naman kinuha dahil iba ang pakay ko.
I inserted myself in between Rael and Sam. At dahil wala nang space sa gilid ni Sam, si Rael ang lumayo at umupo doon sa espasyong inilahad ni Greg para sana sa akin. Then I immediately took Rael's spot a while ago. Halatang nagulat si Samantha sa ginawa ko pero wala naman akong pakialam.
Not content with our closeness, I adjusted more so I could sit closer to Rael. Halos wala na akong itinirang distansiya. At dahil hindi naman kami close ni Sam, hindi na ito sumubok na dumikit pa sa amin.
"Bakit ka pa lumipat dito?" Rael asked me quietly. Alam ko namang ang ipinupunto niya ay masikip na dito sa kanila pero hindi ko iyon pinalampas.
"Ayaw mo ba akong katabi?" Tanong ko pabalik sa kanya.
His eyes flickered on me before he looked around. Napasunod rin tuloy ako ng tingin. Naabutan kong halos may sari-sariling mundo ang mga nandoon at wala namang kuryoso sa aming dalawa. He slowly sighed before he turned to face me again. Kumunot naman ang noo ko. Ano 'yan? Takot ba siya na may makapansin sa amin?
Well, ayos lang. Basta ako, hindi ako natatakot. We're not doing anything. Nag-uusap lang naman.
"Ayaw mo?" I asked again. Dahil kung oo, babalik ako doon kina Eros. Madali lang naman akong kausap. If he wasn't comfortable with me sitting beside him right now, I'll give him space. Sayang lang kasi at sira 'yong cellphone niya. Pwedi sana kaming kahit magtext lang.
He shook his head. "Ayos lang sa akin."
I smiled and nodded, pleased at his answer.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya, kuryoso.
I sighed as I watched his face closely. God, I really missed him. Hindi na talaga ako magbabakasyon ulit. Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa gano'n, e. Dito na lang ako habambuhay sa San Vicente.
"Ngayon lang."
"Dumiretso ka dito?"
Ngumiti ako. "Oo."
"So, hindi ka pa kumakain?" Seryosong tanong niya pero hindi ko mapigilan ang paglapad lalo ng ngiti ko. Pakiramdam ko para akong batang inihehele.
"Hindi pa. Ikaw?"
He sighed and slowly put the guitar aside. Tumayo siya at sinenyasan akong sumama. Mabilis akong sumunod, parang tuta.
"Oh, sa'n kayo?" Sigaw ni Diego nang matanaw ang pagtayo namin. I glared at him. Papansin talaga ang mokong na 'to kahit kailan. Hindi na lang manahimik diyan sa tabi.
"Samahan ko lang siya sa cottage. Hindi pa raw kasi siya kumakain." Si Rael ang sumagot bago nagpatuloy sa paglalakad.
"Ikaw? Hindi ka ba kakain?"
"Kumain na kami kanina bago nagsindi ng bonfire..."
I nodded and walked beside him this time. "Ah, okay..."
Sinipat niya ako ng tingin. "Pero kung gusto mo ng kasabay kumain, kakain ako ulit."
Namilog ang mga mata ko. "Talaga?"
He frowned a bit before he nodded.
Puno ng iba't-ibang pagkain ang mesa sa loob ng cottage. Iniisip ko pa lang kung anong kakainin ko sa mga nandoon pero kaagad na siyang naglagay ng kanin at mga ulam sa pinggan. He then gave it to me after he was satisfied. Ang dami no'n sa pinggan. Halos gabundok.
"Ayos na 'yan o kulang pa?"
Umupo na ako at inabot ang kutsara. Samantalang nagsalin naman siya ng juice sa baso. He was about to get his own plate when I spoke.
"Ang dami nito..."
"Iyong kanin ba o 'yong ulam?" he probed.
I pursed my lips. "Pareho. Pero kung share tayong dalawa, sakto 'to sa atin..."
Tumango siya at lumapit, may bitbit nang pinggan. "Bawasan ko—"
"Huh? Magsasayang ka pa ba ng pinggan? Share na tayo rito. Kutsara na lang. Pero ayos rin kung share tayo pati kutsara. Hindi naman ako laway conscious, Rael." I offered like a good samaritan.
"The heck?" Angal niya.
I chuckled. Sinamaan niya ako ng tingin. Akala ko kukuha na siya sa pinggan ko pero nagbago yata ang isip niya.
"Ubusin mo 'yan."
"Huh?"
Ayan, inasar mo pa kasi, Benj. 'Yan tuloy.
"Hindi ka makakaalis dito sa cottage kapag hindi mo 'yan naubos." Banta niya sa akin bago kumuha ng sariling pagkain sa mesa. I watched him do it quietly. I want to know what food he likes. Napanguso ako nang mapagtantong katulad iyon ng mga pagkaing nilagay niya sa pinggan ko.
"Ang konti lang ng kinuha mo..." Puna ko pagkatapos niyang pumwesto sa harap ko.
"I told you. Kumain na ako kanina. Sasabayan lang kita ngayon para naman hindi ka malungkot." Sarkastikong sagot niya na ikinatigil ko sa pagkain.
I smirked. "Ayaw mo akong malungkot?"
He sighed heavily like I'm such a huge pain in the ass. Sumubo ako ng pagkain at hindi muna nagsalita pero hindi ko siya nilubayan ng tingin.
"Sobrang lungkot ko sa Cebu nitong mga nakaraang araw. Hindi ka na kasi nagrereply. I tried calling you but your number was out of reach..." I said dramatically. Totoo namang nalungkot ako. Nag-overthink pa nga, e. Mas inartehan ko lang ngayon sa pagsusumbong.
"Sad boy 'yan?"
I pouted a bit as I squinted my eyes. "I almost thought that you ghosted me..."
Bahagya siyang nasamid kaya mabilis kong iniabot sa kanya ang juice ko. Tinanggap niya naman iyon at ininuman. Nangalahati iyon nang ibinalik niya ay ako na ang umubos.
His brows knitted at my move.
"Akin naman 'to, ah?" I said defensively.
Wala kasi siyang sariling baso. I smirked. Ayos na 'to. Share na lang kami. Tipid pa sa hugasin.
"I didn't... ghost you. Nasira lang ang cellphone ko. Bibili ako ng bago pero wala pa akong time. Ngayong araw sana kaso niyaya ako nina Diego rito. Naisip kong malapit ka na rin namang umuwi, at saka na lang ako magpapaliwanag sa'yo..."
My eyes widened a bit. Naisip niyang magpaliwanag sa akin! Narinig niyo ba 'yon? At hindi niya raw ako ghinost! Is this a confirmation that we're already on the same page?
Tang ina, kinikilig ako. Hayop.
"Nagselos din ako, Rael..." Nagsusumbong na rin lang naman ako, lulubus-lubusin ko na. Kasi kanino ko naman 'to sasabihin kung hindi sa kanya, 'di ba? We're now talking. Might as well tell him everything that has been bothering me these past few days.
Bahagyang kumunot ang noo niya. He then dropped his eyes on his plate as if he couldn't take our eye contact for that long.
"Bakit ka naman magseselos?"
Shit, eto na 'yon.
I swallowed hard. "Ayos lang ba na pag-usapan natin habang kumakain?"
He shot me a confused look. "What do you mean?"
"Baka lang kasi... hindi ka komportable na pag-usapan 'to sa harap ng pagkain?"
He smirked a bit. "Saan ba dapat? Sa harap ba ng pinagseselosan mo?"
Tang ina. Ang tapang mo naman. Pero sige, ganyan nga ang gusto ko Rael...
"I saw Samantha's myday on her birthday..."
Kumunot lang lalo ang noo niya, hindi makuha ang tinutukoy ko. Grabe naman. Gusto talaga siguro nito sabihin ko word for word.
"You gave her flowers?" Kung kanina ay siya itong hindi makatagal ng tingin, ngayon ay nalipat naman sa akin. Nagpanggap akong kuryoso sa mga ulam ko sa pinggan.
"What flowers?"
Tinusok ko ng tinidor ang isang piraso ng chicken adobo.
"Bouquet of flowers, Rael..."
"What?"
Nag-angat ako ng tingin, medyo naguguluhan dahil hindi niya pa rin makuha-kuha. Grabe namang pahirap 'to, Rael.
"She posted a picture of it and even mentioned you..."
Mas lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya.
"'Thanks luv' huh?"
He chuckled. "Ah, 'yon ba? Hindi sa akin galing 'yon. Pinaabot lang ng kaklase kong nahihiyang lumapit—"
"You didn't tell her that it's not from you?"
His smile lingered but when he realized my frustration, he immediately erased it by a swift lick on his lips. "Sinabi naman. At saka, siguro naman may card 'yon, 'di ba? Bakit niya iisiping galing sa akin. Inabot ko lang naman..."
Sinalinan ko ng juice ang baso namin at kaagad akong uminom. Kalma, Benj. Nagpapaliwanag na 'yong tao, oh...
"And 'luv'? Really? Endearment niyo?" Naiinis na tanong ko.
Mabilis ang ginawa niyang pag-iling.
"Paanong endearment, e, hindi ko naman siya tinatawag sa gano'n? I don't like her. She's just a schoolmate to me and nothing more, Benj."
I licked my lips. "Diego told me that Samantha likes you... Paano 'yan? You're gonna reject her like what you did to other girls who confessed to you?"
He shrugged cockily. "Eh, gano'n talaga..."
I paused to watch him while I digest his words.
Natawa siya sa reaksiyon ko. Pinagtitripan niya ba ako?
"Does it matter? Hindi ko naman siya gusto. Kaya tatanggihan talaga."
Tumango na lang ako at nanahimik na. Bakit ko ba nakalimutan na loyal daw siya doon sa gusto niya?
I grimaced at that. Loyal my, ass. Nagpapahalik nga siya sa akin, e. And he even told me to teach him how to kiss.
I paused when a sudden realization hit me.
Hindi kaya gusto niyang magpaturo sa akin para magamit niya roon sa gusto niya?
But...
He kisses well. Magaling siya kaya ang sarap nga, e. Kaya bakit pa?
Ano? Trip niya lang? Curious siya?
"What are you thinking?" he interrupted my thoughts.
I glared at him a bit softly. Naiinis ako pero gustong-gusto ko pa rin siya. Na kahit posibleng ganoon nga ang rason niya, matatanggap ko at ayos lang sa akin. Hayop na 'yan. Stage three na yata 'to ng pagiging martyr.
"Akala ko ba mag-uusap tayo. Paano natin pag-uusapan kung sasarilihin mo lang?"
I sighed. Matamlay akong nagpatuloy sa pagkain.
"What is it?" Kung kanina'y nagagawa niya pang matawa, ngayon hindi na.
Umiling ako. "Selos lang, Rael..."
"Selos na naman?" Kuryosong tanong niya. "Kanino naman?"
"Sa lahat." I answered grumpily. Kapag sinabi ko kasing doon sa taong gusto niya, for sure ililihis niya ang usapan katulad ng palagi niyang ginagawa noon kapag nagtatanong ako.
"Lahat?"
Umiling ako. Of course, he won't get it. Ako lang naman ang seloso rito. "Kumain na lang muna tayo..."
Nagtagal ang tingin niya sa akin pero wala na naman siyang sinabi. We continued eating quietly. At saka niya lang binasag ang katahimikan sa pagitan namin noong natapos na kami at naglalakad na pabalik sa mga kasama.
"Uuwi ka ba mamaya?"
My head snapped towards him. "Anong uuwi? Akala ko ba overnight 'to?"
Napakurap-kurap siya. I glared at him. "Bakit gusto mong umuwi na ako?"
He chuckled a bit.
"Hindi sa gano'n. I just thought that maybe you want to sleep in a more comfortable place tonight since you just came from a tiring trip. Mga tent lang kasi ang dala namin. Hindi kami nagcheck in sa hotel dito sa resort."
My brows furrowed more. "Kaya ko namang matulog sa tent, ah?"
He nodded at my response. Tinitigan niya ang dagat na para bang kaaway niya iyon bago niya ako sinulyapan ulit.
"May dala ka bang tent?" he asked me.
Tang ina. 'Yon lang.
"For sure meron si Diego—"
"Meron nga. Share yata sila ni Miggy."
"Eh 'di kami na lang ni Eros." I said that confidently.
Gusto kong siya sana ang kasama ko pero hindi naman ako gano'n kawalanghiya. At hindi rin naman ako sigurado kung papayag siya na share kami. Baka hindi.
"He didn't have a tent but I heard Santi already offered to share his tent with him."
Huh? Hindi kaya magpatayan 'yong dalawang 'yon?
Anyways...
Fine, then. Not my problem anymore, I guess?
"I'll just book a room in the hotel. Wala namang kaso sa akin..." I said smugly. Matagal bago siya tumango. I smirked a bit. "You can come with me if you want."
"May tent ako." Basag niya sa akin.
I nodded and decided to tease him a bit. "Yet you didn't even ask me to—"
He looked guilty and troubled for a moment but then he answered still. "Nag-offer na ako kay Greg. Hindi ko naman kasi alam na wala kang... dala."
Tumango ako at nag-iwas na ng tingin. "Okay..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro