Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

Watermelon

"Time's up! Finished or not, please pass your papers..." It was our proctor's announcement that broke the deafening silence inside our classroom.

May iilang nagprotesta na hindi pa sila tapos pero wala na rin naman silang magagawa. Nakailang extend na rin kasi ng oras dahil kinakapos sa solving sa PreCal and now it's almost lunch time.

Kaagad akong tumayo bitbit ang test paper ko at isinukbit na ang bag. Sa wakas ay tapos na ang paghihirap kong ito. Today was the last day of our exam, at bukas ay Sabado na ulit!

"Benj, uuwi ka na?" Tawag sa akin ni Diego habang naghuhubad ako ng footsocks sa labas ng classroom. "Sa labas na tayo maglunch! Libre raw ni Eros!" Yaya nito.

"Mama mo libre," Eros replied without care.

"Hah! Sumbong kita kay Mama!" Balik ni Diego pagkatapos magpasa ng test paper niya. Tumawa naman si Miggy at humabol na sa akin sa labas ng classroom, halatang excited dahil sa narinig na libre. Medyo may pagkapatay-gutom rin kasi ang isang 'to.

"Saan daw ba tayo kakain?" Tanong ko at inilabas na ang cellphone. Since we're eating lunch outside, mabuting yayain ko na rin si Rael.

Wala lang.

Tutor ko naman siya kaya wala naman sigurong problema, 'di ba?

Sign of gratitude na rin sa pagtututor niya sa akin kasi kahit papaano ay hindi ako nabaliw kanina sa pagsagot sa exam ko. I smiled, feeling proud of myself. Ang thoughtful ko naman.

I happily composed a text message for him.

Ako:

Are you done with your exams? Saan ka ngayon? Kakain kami sa labas nina Diego. Sama ka.

"Sa East Wave yata... 'Yong bagong bukas na branch sa centro." Sagot ni Miggy sa tanong ko sa kanya. "Did you bring your car with you?"

I nodded without looking at him.

"Yep,"

Hay naku. Ang tagal naman magreply nitong crush ko. For sure tapos na 'to sa exam niya. Baka kanina pa nga, e. Sa galing ba naman. Kahit siguro five minutes lang matatapos no'n isang subject at hindi man lang pagpapawisan.

Well kaya ko rin naman 'yong gano'n. Di nga lang sure kung may tatama ba kahit isang item.

I licked my lips as I typed another message.

Ako:

Wala ka bang load? Should I send you some?

Again, he didn't reply.

I was on the verge of really sending him some load when he finally replied to my messages. Agaran ang pagsasalubong ng mga kilay ko habang binabasa ang mensahe niya.

Azrael:

Nasa Gibbs Pizza kami ngayon. Thanks for the invitation, though.

"Oh, ano? Tara na?" Si Diego sabay akbay sa akin. Tahimik na naunang maglakad si Eros at ganoon din si Miggy. Samantalang mabagal kami ni Diego dahil abala ako sa pagtitipa ng reply sa tutor ko.

Ako:

You're with your classmates?

"Hay, matagal na akong hindi nakakakain sa East Wave! Masarap pa naman chicken nila doon!" Masayang sambit ni Diego sabay himas sa tiyan niya. "Tapos ang gaganda pa ng mga server. Pati mata ko mabubusog, e."

Azrael:

Yes.

Napairap ako at ibinalik na sa bulsa ang cellphone. Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa naabutan na namin sina Eros at Miggy.

"Sa Gibbs Pizza tayo." I announced. "Huwag na kayong umangal. Libre ko."

"Yown!" Si Miggy sabay halakhak. Eros only heaved a deep sigh and murmured something.

Napasimangot naman si Diego. "Bakit do'n?"

I shrugged. "I'm craving for some pizza."

Syempre, dahil makikisakay lang naman sila sa sasakyan ko, wala silang choice kundi ang pumayag na rin kalaunan. And with just a few minutes drive from school, we finally arrived at the said pizza house.

Sa entrada pa lang ay kaagad ko nang natanaw ang mesa nina Rael. Napasimangot ako nang mapansing hindi niya naman mga kaklase ang iba sa kasama niya.

Si Jen at Santi kaklase niya.

But how about Greg and Zancho? Jia and Hazel? Really?

"Ang pangit naman dito..." Rinig kong tahimik na reklamo ni Eros habang papasok kami. Miggy had to cover the idiot's mouth or else the staff would hear him.

At kahit kagaya ni Eros na wala na sa mood, I had to act like I was enjoying the place. Lalo na't maganda naman ang accommodation ng lugar at mabibilis pa 'yong mga server.

Ang pinakamalapit na mesa kina Rael ang pinili ko. Of course, with my tutor's sharp eyes and senses, he immediately spotted me. At dahil magkaharap ng direksiyon ang mga upuan namin, kahit hindi ko sadyain, tanaw na tanaw ko talaga siya.

I flashed a small smirk but he only acted as if I was someone he didn't know. Napainom ako ng tubig at ibinaling nalang muna ang atensiyon sa mga kasamang nagtatalo na kung anong flavor ang oorderin namin.

"I like the pepperoni one..." Ani Eros.

"Mas masarap hawaiian!" Pakikipagtalo ni Diego.

"Cheese—"

"It's okay. Orderin niyo na lahat ng flavor na gusto niyo." Matamlay na sagot ko at iginala ang paningin sa kabuuan ng lugar. I was about to look at Rael's way again when I saw a familiar face from the table across our seat.

The girl gave me a flirty smile.

Ito 'yong foreigner sa mall noon, ah? What is she doing here?

I immediately looked away and pretended that I didn't recognize her. Tutal ay hindi naman ako interesado sa kanya.

Well, maganda naman siya pero hindi sapat 'yon.

I think... Rael is way prettier.

Mabilis na dumating ang mga order namin kaya kumuha na kaagad ako ng isang slice. Hindi pa nga ako nakakakagat nang may natanaw naman akong kakapasok lang.

It was Gabbi with his brother who is already glaring at me as if being in a room with them is already a crime. Gago ba 'to? Eh, nauna naman ako sa kanila, ah?

My phone beeped inside my pocket. Plano ko sanang ignorahin lang iyon kung hindi ko lang natanaw ang tingin sa akin ni Rael. With only eye contact, he signaled me to check my phone which I immediately obliged.

Azrael:

You're girls are here. What a nice view after an exhausting exam, huh?

Nakagat ko ang mga labi ko. Nang-aasar ba 'to? Ano? Akala niya ba natutuwa ako? My girls pa nga. Sino sa amin ngayon ang may kasamang mga babae sa mesa? Ako ba?

Nag-angat ako ng tingin at naabutan ko siyang nakamasid pa rin sa akin. May sinasabi ang katabi niyang si Greg pero nanatiling tikom ang bibig niya.

I smiled and stared back at him. Ganyan nga, Rael. Sa akin lang ang tingin.

Ngumuso ako at nagtipa. Pagkatapos ay muli kong ibinalik sa kanya ang buong atensiyon.

Ako:

What a nice view, indeed.

I saw how his gaze dropped on his phone. Maikli lang naman ang reply ko pero ang tagal bago siya napabalik ng tingin sa akin. I had to touch my lips so I could stop myself from smiling widely. Ewan ko ba. Wala naman siyang ginagawa pero natutuwa na kaagad ako.

He's only looking at me but I felt like I was already on cloud nine. Tingin pa lang nitong si Rael Villarin pero pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga sa tuwa.

"Pre, ang sarap nito... kain ka na..." I heard Miggy but I ignored him.

Natawa si Diego pero wala rin namang sinabi.

Huwag silang maingay at busy ako.

Busy magpapansin sa crush ko.

"Are you done?" I mouthed to Rael. I was already expecting that he'd say no as usual that's why I was shocked when he nodded and stood up. Napaawang ang bibig ko sa gulat at pagkakamangha. Lalo na't ang kasunod niyon ay nagpaalam na siya sa mga kasama niya.

Napatingin sa gawi ko si Greg. Mukhang ngayon lang ako napansin ng loko. I smirked evilly at him, trying to spite him even though he didn't do anything wrong to me.

Wala lang, trip ko lang.

Jennifer noticed me too. Ngumiti ito na siyang sinuklian ko rin ng tipid na ngiti. Nang makita kong kinuha na ni Rael ang bag niya ay tumayo na rin ako.

"Oh, saan ka?" Puno ng pagkain ang bibig ni Diego pero nagawa pa ring magsalita sa takot na iwan ko silang walang pambayad. Ngumisi lang ako at iniwan na sa mesa ang wallet pati na rin ang susi ng sasakyan ko.

"Ikaw na bahala diyan," bilin ko at binalingan na ang papalapit na si Rael. "Guys, mauna na kami..." Paalam ko sa kanila at kaagad nang sumalubong kay Rael.

Rael nodded at my friends as a sign or courtesy. I pursed my lips as I watched him briefly interact with. Pagkatapos ay nauna na itong maglakad palabas habang nakasunod ako.

He must've noticed that I left my car key to my friends that's why he immediately called for a tricycle the moment we stepped out the pizza house. Nauna siyang sumakay at tumabi naman ako kaagad. Matapos niyang sabihin ang address ng bahay nila ay kaagad na ring umandar paalis ang tricycle.

"How's your exam?"

Naglabas siya ng wallet at kumuha ng isang daan. Gusto ko sanang pigilan siya pero naalala kong iniwan ko nga pala kina Diego ang wallet ko. Meron naman akong isang libo pa rito pero kailangan ko pang baklasin ang case ng cellphone ko.

"Ayos lang..." Mayabang na sagot ko.

"Paanong ayos lang?" he inquired and shot me a look. "Elaborate, Benj."

"Hmm.. okay lang..." Parang tangang sagot ko.

Paano ba naman kasi, ang sikip dito sa tricycle tapos lilingon pa talaga siya sa akin. Pwedi namang sa harap lang ang tingin niya.

"Hindi ka nahirapan?" he probed gently. Mabilis akong umiling. Parang wala naman akong maalala na nahirapan ako ng grabe. Parang mas nahihirapan pa nga ako sa sitwasyon namin ngayon, e.

"Good to hear, then."

I chuckled, slightly getting distracted with our closeness. "Syempre, magaling tutor ko..."

He squinted his eyes at me. Mukhang diskumpyado pa sa sagot ko. Ano ba ang gusto niyang marinig?

"For sure mataas mga grades ko nito... Hindi pweding hindi..."

Natawa siya at nagtaas ng kilay. Akala ko magkokomento siya pero wala namang dumating. He only watched me quietly. As if waiting for my next words to come out from my mouth.

"I will win our deal and get what I want..." I uttered with a hint of challenge.

"Uh, the painting? I can still give it to you, though. Kahit mababa grades mo. Saktuhin mo lang na good mood ako..." Pabirong sagot niya na ikinangisi ko.

I shook my head to show him that it wasn't enough.

"How about my other condition?"

Umirap siya at mabilis na ibinaling sa unahan ang tingin. Napasimangot naman ako pero nanatiling nakatitig sa kanya. Tingnan mo ang lalaking ito. Ang tigas-tigas talaga kahit kailan.

"It still stands, right?" I asked.

Slowly, he moved to face me again. Wala na ang bakas ng katuwaan mula sa nauna naming pag-uusap.

I tilted my head a bit as I watched him closely.

"Or maybe you don't like her anymore? Kaya mukhang wala ka nang planong sabihin sa akin?" I said in a low tone, almost whispering.

Sige, Benj! Mangarap ka pa! Libre lang naman!

His eyes narrowed. "What?" he scoffed at me.

"Ay, hindi ba?" Balik ko sa malokong boses.

A soft chuckle escaped on his lips. Tempted, my eyes went to his lips just for me to look away while uttering some curses in my head. Grabe namang pagsubok 'to. At ang bagal yata ng biyahe? Tricycle ba talaga 'tong nasakyan namin o pagong?

"Hindi talaga..." he confirmed.

Napairap na lang ako. Edi wow, Rael. Edi wow.

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa bahay nila. As expected, he was the one who paid our fare. Kausap niya pa ang driver inabala ko muna ang sarili sa pagmamasid sa paligid. I just noticed now that they have Melendres plants near their fences. Kaya naman pala maganda 'yong view dito sa kanila. Well, maliban sa dito rin nakatira si Rael.

Saktong pagbaling ng tingin ko sa kanya ay ang pag-alis ng tricycle na naghatid sa amin. I immediately flashed a smile, hoping to erase the remnants of our last conversation inside that damn tricycle.

"Bakit mo pala ako dinala rito? Birthday mo ba ulit?" Biro ko.

His brows furrowed.

"I don't know about you. Bakit ka ba sumama?" Seryosong balik niya na ikinalaglag ng panga ko.

What?

"Uuwi na ako. That's why I told the driver my address. How about you? Dapat sumakay ka na do'n papunta sa bahay niyo?"

My lips parted for words but nothing came out.

Tangina. Totoo ba?

I was about to speak when he barked a laughter. Tawang-tawa ang loko at nagawa pang ipatong ang isang kamay sa balikat ko bilang suporta samantalang ang isa'y sapu-sapo ang tiyan niya.

I wanted to get offended but I just couldn't.

Hindi yata ako kailanman magagalit sa kanya..

"Happy pill mo siguro ako 'no?" Sikmat ko sa kanya, naiinis pero di rin mapigilan ang ngiti. "What is it, Rael? You brought me here for what reason? Pinagloloko mo yata ako?"

Halos isang minuto rin siya bago tuluyang natigil sa pagtawa.

"I noticed that you didn't eat... you'll have your lunch here." Seryosong sagot niya at ako naman ngayon ang natatawa.

"Ipagluluto mo ako?" I asked, amusement was in my voice.

"Why? Kumakain ka ba ng hilaw?" Balik niya, nanunuya.

Iba din 'tong si tutor. Magaling lumusot. Ibang klase talaga.

Nauna siyang pumasok sa gate nila at sumunod naman ako.

"Hindi pa naman ako gutom... pero inaantok, oo. Can I sleep in the tree house?" Tanong ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Hinarap niya ako at saglit na tahimik na pinagmasdan. It was as if he was checking if I was telling the truth.

"Bakit ka naman inaantok? Buong gabi ka bang nagreview kagabi?" Natatawang tanong niya.

"Oo. Bakit?" Mayabang na sagot ko kahit ang totoo'y hindi naman ako nakapag-aral kagabi sa kakaisip sa kanilang dalawa ni Greg. Mabuti nalang talaga at kahit papaano ay nakasagot pa ako sa exam ko kanina.

He slowly nodded. "You want a pillow?"

"Ah, hindi na. Di ba may mga libro naman do'n? 'Yon na lang gagamitin ko. Sabi kasi nakakatalino raw 'yon, e..."

"Whose theory is that?"

Aba! Malay ko?

I only shrugged.

"Fine. Mauna ka na sa tree house. Dadalhan kita ng unan at comforter..." Huling sinabi niya at iniwan na ako sa bakuran nila.

I watched him enter their quiet house. Mukhang walang tao. Nasa school pa siguro si Reena at mukhang nasa palengke naman si Tita Danna. Kung hindi ba ako sumama sa kanya, mag-isa lang siya dito maghapon?

Instead of obeying his order, I found myself following him inside their house. Tahimik akong naupo sa sofa dahil hindi ko na siya naabutan. Mukhang nakapanhik na kaagad siya sa kwarto niya.

"Rael! Manunuod na lang ako ng tv!" Paalam ko at binuksan na iyon. Gamit ang remote ay nilipat ko ang channel at naghanap ng magandang palabas. Pero nakabalik na lang siya, wala pa akong nahahanap. Puro naman kasi cartoons ang nadadaanan ko.

"Ano ba ang gusto mong panuorin?"

From watching the channels move from one to another, my gaze shifted towards him. Nakapambahay na siya ngayon, malayong-malayo sa ayos niyang ulirang mag-aaral kanina.

"Naghahanap pa..."

"Alright,"

Umalis siya at naiwan ako roon. At nang bumalik ay may dala na siyang isang bandehadong naka slice na pakwan. He quietly sat beside me after placing the plate on the center table.

Seedless watermelon iyon. Paborito niya.

"Kain..." Yaya niya at nauna nang kumuha ng isang hiwa. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paghahanap.

Gago, ano bang hinahanap ko? Nakailang balik na ako sa channel na 'to, ah?

"Akala ko ba matutulog ka?"

Tumikhim ako nang may nadaanang palabas na naghahalikan ang dalawang bida. Mabilis ko iyong nilipat. Ang babastos naman? Sa harap ko pa talaga?

"I changed my mind..."

"Tss. Kumain ka na nitong pakwan at baka maubusan kita. Paborito ko pa naman 'to..." Parinig niya sa gilid.

"Ayos lang. It's tasteless, anyway."

"What?" Reklamo niya.

At dahil wala naman akong mahanap na magandang palabas, nagdesisyon akong patayin na lang 'yong tv. I then faced him, this time, my full attention was on him.

"Masarap lang 'yan tingnan pero hindi matamis."

"Matamis kaya."

I chuckled and watched him enjoy it. "Sa utak mo lang 'yan. Syempre, iniisip mo na matamis kaya nagiging matamis talaga."

Nagkibit siya ng balikat at nagpatuloy sa pagkain.

"Fine, sa'kin nalang lahat 'to..."

"Okay lang..."

Pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Kapag talaga naubos ko 'to, baka magsisi ka..."

My lips curled for a teasing smile. "Ang takaw..."

"Masarap kasi. Try mo..." he urged me and pointed the two remaining slices on the table. "Hindi naman lahat ng variety ng watermelon, matabang. May ilang matamis din. Kinain namin kagabi 'yong kalahati. Kahit si Greg, natamisan. Eh mapili 'yon..."

Unti-unti ay nabura ang ngiti ko.

"Talaga?" I asked, bitterness is dripping on my voice. Wala namang kasalanan sa akin 'yong kaibigan niya pero hindi ko lang talaga mapigilan.

They're best friends and very close to each other. Samantalang ayaw niya akong maging kaibigan kahit noon. He only sees me as his tutee. Hayop na tutee 'yan.

"Oo."

"Patikim,"

Ngumisi siya at kaagad na inabot ang isang slice. It was as if by giving me one proves that he's winning our argument. Lumapit siya sa akin at inilahad iyon.

I slowly shook my head.

Kumunot naman ang noo niya.

I moved. Instead of getting the watermelon from him, my hand held his wrist and pulled him closer to me. At dahil hindi niya inaasahan iyon, halos mabuwal siya patungo sa akin. His eyes widened at my sudden move.

"Can I?" I whispered hoarsely. I was trying my best to look at his eyes to seek permission but I'm failing miserably. Paligi'y bumababa sa mga labi niya ang mga mata ko.

The loud beating of my heart because of too much excitement and anticipation is killing me.

"I respect you so much, I won't do it without your permission..."

I shifted my gaze back to his eyes because I know that his answer won't come out of his mouth this time. From his shocked expression, I watched how his eyes softened... and how it slowly mirrored the blatant passion in mine.

My other hand gently held his jaw. My fingers touched some part of his nape that his eyes fluttered, threatening to close. I stared at him for a few moments before I shut my eyes and without any words, I kissed him.

It was only a quick kiss because I was so eager to see his reaction. Naabutan ko ang pagdilat niya. Ang kabog sa dibdib ko ay hindi maipaliwanag. Kinakabahan ako. At natatakot sa posibleng maging reaksiyon niya.

Hindi siya nagsalita.

Bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko. I swallowed hard. I couldn't breathe properly. I feel like my heart will explode any moment now.

I should stop. But I can't...

Muli kong hinanap ang mga labi niya para sa panibagong halik. I kissed him soft and tender. I moved my lips, pouring everything that I couldn't put into words yet.

I pulled him closer to me as if the distance wasn't enough.

Tangina...

I slowly pulled away. I saw how his adam's apple moved with his hard swallow. The impulse to kiss him again was so overwhelming but at the same time, I don't want to scare him. I was never calm and patient but I think, if it's him, I can always learn how to compromise.

I licked my lips before I forced myself to look at his eyes.

I then smiled at him.

"Matamis nga..." Sambit ko.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro