Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 22

Jealous

I gently placed the white canvas on the easel. It was a sunny afternoon when I requested for a short break in the middle of our session and thought of painting him to make use of the time that he granted me.

No'ng una ay ayaw niya pang ipinta ko siya pero kalaunan ay napapayag ko rin.

A small smirk played on my lips when I saw Rael standing on the spot that I told him with his crossed arms and scrutinizing eyes. Dahil maraming sinampay si Tita Danna sa harapang bakuran ng bahay nila, dito niya ako dinala sa likod kung saan ay natatanaw namin ang lawa ng San Vicente. Halos ilang metro lang ang layo sa tree house nila.

"Are you sure about this?" he asked in a doubtful voice.

Ngumuso ako at pinagmasdan siya lalo. Wearing his usual white shirt and black shorts, he was standing near the wooden fence beneath the shade of a Mahogany tree. I placed him in that specific spot so I could make the scenery behind his background but how could I appreciate it now that he's there?

Kahit ang pagbalik ng tingin sa canvas ay kailangan ko pang pilitin ang sarili. I wanted to paint him but he's already a masterpiece himself. I don't think I could ever give justice to his visuals. Bakit ko pa ba kasi 'to naisip? Sana pala pinicture-an ko nalang siya!

"Magagawa ko 'to basta 'wag ka lang masyadong malikot. Pipinturahan ko lang naman 'tong canvas..." I answered as if painting was just a piece of cake to me. Gago rin kasi ako, e. Sana pala kumain nalang kami ng cake na binake ni Tita o di kaya'y cake na lang ang pininta ko! Mas madali pa!

"You're too far from me..." He pointed out. Napaangat ako ng tingin sa kanya, ang ngiti sa labi ko ay kasalukuyang sumusugat. "Mainit pa diyan sa puwesto mo. Iitim ka lalo niyan," he teased me before he unraveled his arms and put his hands inside his pockets. Napasimangot ako dahil sa paggalaw niya.

"Ang sabi ko, huwag kang malikot..." I was supposed to sound like I was scolding him but my tone betrayed me. Parang inaalo ko pa tuloy siya. Tangina lang. Sige Benj, lambingan mo pang hayop ka!

Bahagya siyang natawa. "For sure background pa lang naman ang ginagawa mo..."

Oo, tama ka Rael.

Pero sino bang masusunod? Hindi ba dapat ako kasi ako naman ang nagpipinta rito? Nakatayo ka lang diyan kaya i-zipper mo na lang 'yang bibig mo.

"Ah, basta 'wag kang gagalaw..."

"Sure..." he agreed, finally.

Nagpatuloy ako sa paglalagay ng kulay sa canvas at kagaya ng napagkasunduan, hindi na nga siya ulit gumalaw. Napangiti ako. Whenever he's indulging me, I can't help but melt inside.

Sinong hindi?

Si Azrael Villarin na 'yan, e.

"Are you ready for tomorrow?" He suddenly asked in the midst of silence. Natigil ako sa paghahalo ng mga kulay para balingan siya. I caught him watching me intently.

"Anong meron?" Pagmamaang-maangan ko na kaagad niyang ikinasimangot. I couldn't help but laugh at his reaction. Pinaningkitan niya ako ng mga mata habang hinihintay na matapos ako. "Biro lang, Rael. Of course, ready na ako... palagi kaya akong nagrereview kahit week days. Bibiguin ba naman kita?" Bawi ko.

He nodded and looked away. "Yeah, right..."

Muli akong natawa. "Hindi ka yata masaya? Mukhang mananalo ako sa deal natin, ano?"

"Why won't I be happy if you ace your exams?" Tanong niya at ibinalik sa akin ang buong atensiyon. "I agreed to have a deal with you 'coz I want you to be motivated while taking your exams. Walang kaso sa akin kung matalo ako, basta maganda ang resulta ng exam mo. I want you to pass all of your subjects, so you could graduate this year, too."

And of course, I had to look away so I could compose myself and won't look like a fool in front of him.

Grabeng motivation naman 'yan, love.

"Or maybe you have a plan of staying one more year in senior high? Why? Are you waiting for someone?" He asked, clearly accusing me of something.

Agaran ang pagbalik ng tingin ko sa kanya dahil sa narinig. Anong pinagsasabi niya? Bakit ko naman gugustuhing hindi makagraduate? At hihintayin? Sinong hihintayin ko?

"What?"

Hindi siya umimik.

Bahagyang namilog ang mga mata ko. Hindi kaya... may bagsak siya at siya itong hindi makakagraduate?

"May... bagsak ka ba?" Maingat na tanong ko kahit na alam kong imposibleng mangyari. O baka si Jennifer ang tinutukoy niya? Iniisip niya bang magpapabagsak rin ako para makasabay ko ito sa paggraduate?

Ang babaw naman no'n. 

"Why would I have failing grades?" Balik niya sa mayabang na paraan. I smirked at that. See? Ang yabang talaga. Pero tama lang naman. Matalino siya kaya talagang may karapatan siyang magmayabang.

Tama 'yan, Rael. Matalino ka. Gwapo. Dapat lang na mayabang ka. Hayaan mong tingalain ka ng lahat dahil 'yon naman ang nababagay sa'yo.

"You'll be graduating this school year..." I stated, feeling a sense of pride. Akala mo naman may ambag ako sa pagpapalaki at pagpapaaral sa kanya ni Tita Danna.

The smug look on his face didn't escape my eyes.

"Of course."

I tilted my head a bit, engrossed with our conversation. "Then, I will be graduating this school year, too. I have no other reason to stay..." Saad ko sa marahan ngunit siguradong boses. I watched him take my words slowly. I gave him enough time to process it.

I need him to realize it...

Napakurap-kurap siya. He then uncomfortably renewed his stance. Kung kanina'y tuwid pa siyang nakatayo, ngayon, bahagya na siyang nakahawak sa bakod.

Ngumisi ako nang may naisip. "Pero kung ikaw ang hindi makakagraduate, at gusto mong... hintayin kita... ayos lang naman."

At dahil papansin ako, nagawa ko pa talagang sabihin iyon.

"Are you dumb?" Asik niya sa akin, naiinis na naman.

I immediately dropped my eyes on the canvas to avert his glare. Nagpatuloy ako sa pagpipinta habang sumisipol. Ang ganda naman yata nitong pinipinta ko? Lahat blue. Langit ba 'to o dagat?

"Why would you wait for me?" He inquired impatiently.

I chuckled lightly even though his tone slightly made me nervous. I swallowed the lump in my throat.

"Kung gusto mo lang naman. I never said that I would do it regardless. At sino ba ang pasimuno ng topic na 'to? Hindi ba ikaw?" My eyes crawled towards his direction and settled on his hazel ones, seeking for answers. "Sino ba ang tinutukoy mo na hihintayin ko? Si Jennifer? Bakit? May bagsak ba siya?" I asked in a nice way, not wanting to trigger him more.

He let out a heavy sigh after watching me for a few moments. "Her grades are fine."

Tumango-tango ako. Ayos naman pala, e. Anong problema?

He suddenly glared at me. Mukhang pati ang simpleng pagtango ko ay isang malaking problema sa kanya.

Nakakatakot naman 'tong crush ko...

Pero kung siya, sige, willing naman akong magpasindak.

"Why? If it happens that she won't make it to graduation... would you wait for her, too?"

Natawa ako kahit na hindi naman talaga nakakatuwa ang paratang niya. "Sa lagay kong 'to? Eh, nakakatamad na ngang mag-aral ng isang beses. Ang umulit pa kaya?" Tanong ko sa kanya pero nanatili siyang hindi kumbinsido. So, I took a deep breath and decided to reveal something that might... change his opinion of me. "At saka... Hindi ko na crush si Jen. May iba na akong gusto..."

Hulaan mo nga kung sino, Rael.

Feeling ko kasi... kilala mo.

He nodded in a dismissive way. "Alam ko. Jen told me about it... Na may... ibang gusto ka na raw."

Bahagyang namilog ang mga mata ko pero nang maalalang hindi rin naman alam ni Jen kung sino ang tinutukoy ko, napakamot nalang ako sa batok.

Pinagchichismisan na pala ako ng mga 'to, e.

"Study dates after classes, huh?" He sneered at me, insinuating something. "Alam ba ni Franco ang ginagawa niyo ni Gabbi?"

Kung umiinom siguro ako ng tubig ngayon, baka nabilaukan na ako. "W-What?" I stuttered in disbelief.

He scoffed at my reaction and looked away.

Bahagya niyang tinanaw ang kumikislap na lawa dahil sa tumatamang sinag ng araw. He then raked his hair upside using his free hand, disheveling it.

I pursed my lips.

Inaakit ako ng gagong ito, e. Alam yatang kahinaan ko ang paganyan-ganyan niya.

He gave me a side eye.

"I just hope her brother knows about it at least. At baka gumanda nga ang grades mo pero ma expel ka naman kung magpang-abot na naman kayong dalawa. Mga siraulo pa naman kayo. Your mom's effort to hire you a tutor will just be put to waste. Sayang naman..."

My lips slowly parted.

So, all this time, he's referring to Gabbi?

Huminga ako ng malalim at itinabi ang hawak na brush at palette. Background palang ang napipinta ko pero nagdesisyon akong tumigil na muna.

'Coz how could I still continue if his words are bothering me? Kung ibang bagay, baka hinayaan ko nalang. But this topic is a big deal to me. I don't want him to think that I'm interested in Franco's sister. Kasi kahit katiting, wala akong gusto do'n.

Lumapit ako sa kanya. Ang tunog ng mga tuyong dahon na naaapakan ko sa lupa ang bumalot sa paligid.

"Tapos na?" Pag-iiba niya sa usapan.

Umiling ako at mas lumapit pa. I stopped when I was just a foot away from him. Tumuwid siya sa pagkakatayo at humalukipkip.

"What is it?" he fired nonchalantly.

Grabe. Kahit ang ganitong gawi niya, kuhang-kuha talaga ako.

Ano ba ang hindi kayang gawin ng lalaking ito sa akin?

Hinanap ko ang mga mata niya. Mga mata niyang gustong-gusto ko rin.

"I already told you that I don't like Gabbi. Nothing's changed with that. I still don't like her..." Panimula ko sa kalmadong paraan. "And what study dates are you talking about? Really, Rael? You think... I'm someone who would enjoy something like that?" Gusto ko mang magseryoso, bahagya pa rin akong napapangisi dahil hindi ko maimagine ang sarili na makikipagdate kasama ang makakapal na libro at sandamakmak na assignments.

Yes, libraries and cafés are quiet places. Pero kung may ka date ako sa ganoong lugar, na tahimik, hindi ako sigurado kung pag-aaral lang magagawa namin. O kung... makakapag-aral pa ba kami.

Kasi syempre magkukwentuhan lang kami maghapon.

"May mga nakakita sa inyong dalawa. I also saw some pictures..."

I nodded, acknowledging his point.

"It only happened once. But we didn't date. Nauna na ako do'n sa café nang dumating siya. She wanted to share a table with me and I'm not in the mood to argue with her. Kasi busy ako magreview... It was the night you called me..."

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako.

"She's not even my type..."

His gaze dropped on the ground. Matagal bago siya tumango, hindi pa rin makatingin sa akin. I licked my lips and closed our distance more. My hand touched the wooden fence, cornering him. I saw how his brows furrowed while he was thinking deeply, completely ignoring my move.

Ano naman kaya ang iniisip nito?

Sana naman happy thoughts lang.

O di kaya'y mapagtanto niya na sayang naman ako kung hindi niya gawing boyfriend.

I chuckled at my funny yet dreamy thoughts.

Ang advance ko, oo, pero ayos lang naman 'yan. Kaysa naman sa late, 'di ba?

"Selos ka?" I asked in a playful way that immediately got his damn attention. Ang kapal naman talaga ng mukha ko pero ika nga nila, wala namang masama kung susubukan natin paminsan-minsan na gulatin si crush.

Kung mahulog siya, na sana mangyari, handa naman akong saluhin siya with matching first aid kit pa.

I chuckled again when I noticed his glaring eyes.

Kung nakakalason lang ang tingin, baka kanina pa bumula bibig ko rito.

"Hindi..?" I probed in a fake awkward tone. Sinabayan ko pa iyon ng madramang pag-iling. Bahagya siyang natawa at tinulak na ako palayo sa kanya. Natawa rin tuloy ako lalo at imbes na tuluyang umatras, bumalik ako sa naunang posisyon. "Bakit hindi, Rael?" hirit ko pa.

"Shut up..." Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o napipikon na.

"Hmm?"

Tinulak niya ulit ako kaya tuluyan na akong umayos.

"What is it, Rael? Are you jealous?"

"I said... shut up..." He's trying so hard to supress his smile by frowning but I know better. I just know...

I smiled, feeling at ease that he's now back to being warm at me. "So, you believe me now?"

He tried to glare at me again but I only watched him softly. Kahit pagsusuplado niya, iba yata ang epekto sa akin. Imbes na maasar o mairita, kinikilig lang ako... at mas nahuhulog pa. Ng mas malalim. Mas marahas.

"Fine..." Napilitan pa nga.

Umiling ako. I know for damn sure that my dimple was now on full show because of my contagious smile. "That's not enough. Tell me that you believe me." I demanded softly.

His hazel eyes lingered on mine. Halos pigilan ko ang paghinga ko sa sobrang kaba at antisipasyon. Tumango siya at mabilis na napatingin sa dumaang inahing bibe at mga sisiw nito. Magsu-swimming yata sa lawa.

Disturbo rin ang mag-iinang ito, e. Ipahabol ko kaya kayo sa aso?

"I believe you, alright." Pagsuko niya at nilagpasan na ako, mukhang balak na sumilip sa kaninang ipinipinta ko.

Napangiwi ako nang maalalang background color pa lang ang nailalagay ko sa canvas. The urge to stop him from getting closer to the easel was too strong but I stopped myself. Bakit pa kasi ako magpapanggap na kaya kong magpinta, e, hindi naman talaga.

Quality time lang naman talaga ang pakay ko rito at hindi ang ipintura siya. I was just being artsy in spending it with him. Okay na rin. At least nalaman kong iniisip niya pala na nagdidate kami ni Gabbi at naitama ko kaagad.

Kita mo 'yan, Rael?

Kapag naging boyfriend mo ako, hinding-hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng tiwala mo sa akin. I will also assure you every damn time that you are the only one for me. Ganyan ako... kaseryoso sa'yo.

"What's this?" Nagtatakang tanong niya sa gawa ko.

Napakamot ako sa batok. From watching my unfinished craft, his eyes went to me with obvious inquiry and faint mocking. Halatang gusto niya akong kutyain pero dahil maprinsipyo siya, hindi niya gagawin. I cleared my throat before I confidently went beside him. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin pero pinanatili ko ang mga mata ko sa canvas.

Sinong nagpinta nito?

Ako ba talaga? Weh? 'Di nga?!

"Nasaan ako riyan?"

I squinted my eyes on the canvas, trying to make sense of my art. "Ano kasi... background pa lang..."

"Pinatayo-tayo mo pa ako do'n, tapos hindi mo naman pala ako ipipinta?" Ismid niya.

Mabilis kong kong inabot ang brush at isinawsaw sa kulay brown na pintura. I heard Rael's chuckle beside me but I ignored him. Lumapit ako sa canvas at kaagad na gumuhit ng bilog na kalaunan ay nilagyan ko ng mukha at katawan.

It looked like a fat version of a stick man.

Nilagyan ko rin ito ng mayabong na buhok at damit para naman magmukhang tao. Natawa siya lalo.

"Ako ba 'yan?"

"Masyado bang obvious?" I fired back confidently. "Pasensiya na. Hidden talent ko kasi talaga ang painting, e."

"You should hide it harder, then." Basag niya sa akin na ikinatawa ko. Siraulo. Ang sama talaga ng ugali kahit kailan. Hindi man lang pinuri ang gawa ko. Nag-effort din naman ako kahit papaano, ah?

"Pangit ba talaga?" Subok ko kahit alam ko sa sarili kong pangit naman talaga.

I glanced at him and he was quick to deny it.

"Hindi, ah."

"Really?"

Tumango siya. "Yes, Benj. Maybe this is a rare art..."

Rare art pa nga. Anong alam ko riyan sa art-art na 'yan?

"I like it..."

May sasabihin pa sana ako nang marinig namin ang pagtawag sa kanya ni Reena kaya nagdesisyon kaming bumalik na. Tinulungan niya akong iligpit ang mga ginamit ko at sabay kaming naglakad pabalik sa bahay nila.

Masaya pa ako kanina pero nang matanaw ko ang pamilyar na mukha sa sala nila, mabilis na napanis ang ngiti ko.

Greg is here. And with the backpack he was carrying, I don't think he would stay for just an hour.

"Kuya Rael! Nandito si Kuya Greg! Bukas na ba ang exam niyo kaya mags-sleepover na naman siya rito?" I heard Reena's query from the kitchen. "Effective ba 'yan?"

"May ilang subjects siya na meron din ako..." Ani Rael.

"Magpapaturo siya sa 'yo, kuya?"

"Konti lang," sagot ni Rael sa kapatid pero nasa akin ang tingin.

I nodded and smiled a bit despite the sudden surge of bitterness in my blood. Lumapit ako sa pitsel ng malamig na tubig na nasa mesa at prenteng nagsalin sa baso.

"So, saan siya matutulog mamaya? Sira na 'yong lumang mattress, kuya..."

Uminom ako ng tubig, kunwari'y hindi nakikinig sa maingay nilang usapan.

"We will study, Reena. Hindi kami matutulog—"

"Eh antukin 'yan si Kuya Greg, e! Malakas pa ngang humilik 'yan!"

Tumawa si Greg pero nang dumapo ang mga mata sa akin ay kaagad na nanahimik sa gilid. Hindi ko ito nilubayan ng masamang tingin. Tumigil lang ako ng tumikhim si Rael.

Ang sarap naman nitong tubig...

"Kuya, ayokong tumabi kay Mama kasi baka biglang magpakita si Papa sa dilim. Doon lang ako sa kwarto ko."

"My room is fine. Your Kuya Greg can sleep on the floor anyway..." Sagot ni Rael pero hindi na ulit ako tumingin sa kanila. Napatingin ako sa suot na relo at nakitang mag-aalas kwatro na ng hapon.

"Kasya naman tayo sa kama mo noon, ah?" Inosenteng tanong ni Greg na ikinapanting ng tenga ko. My eyes snapped at him with fury. Natutop niya ang sariling bibig bago napabalik ng tingin kay Rael.

My gaze followed suit. I saw how he shook his head guiltily. Rael sighed and massaged the bridge of his nose. Napaawang ang bibig ko sa hindi mapaliwanag na inis.

I know that they are childhood friends. They are very close to each other. I just can't help it. Nakakaselos naman kasi ng konti... But I understand, I swear to God... I'm just... a little bit jealous.

And to prevent my jealousy from spreading like wildfire, I guess, I need to step away at the moment.

"U-Uh, uuwi na ako, Rael..." Wala sa sariling sambit ko at inilabas na ang susi ng sasakyan. "May... may lakad pa pala ako. Good luck sa exam bukas." Paalam ko at mabilis na silang tinalikuran.

Mukhang hindi na naman ako nito dadalawin ng antok mamayang gabi.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro